KABANATA-10

900 Words
Kanina pa siyang pawisan sa pag-aayos ng mga pang display nilang product dahil unang araw nila ngayon na mag tinda sa nirerentahan nilang stall sa loob ng JMI Mall. Kasama niya si Benjamin at katulong niya ito sa pag-aayos nang kanilang paninda ngunit pa sulpot-sulpot lang din naman itong tumutulong dahil pa sipol-sipol itong tumatambay sa labas para mag abang ng sexy na mga babae. Napapailing na lamang siya dahil sa taglay na pagkababaero ng kanyang kaibigan. Pinagpag niya ang suot niyang damit kahit wala namang gabok 'o dumi doon. Nasa loob siya ng Mall at ayaw niya lamang mag amoy pawis siya o' di kaya kung ano mang hindi ka aya-ayang amoy. “Tapos na ba, bro? Akala ko pupunta dito si Tita?” Si Benjamin. “Yeah! Maya-maya lang ay nandito na 'yon kaya gumayak ka na. Alis din tayo kapag nakarating na si Mama.” Sumaludo si Benjamin sa kanya bago ito nagtungo sa washroom. Siya naman nag hilamos lang ng madali bago tinali ng ayos ang medyo nagulo niyang buhok. As always mag spray lang siya ng pamango niyang panglalaki at ayos na. Habang tinitingnan ang sarili sa bubog na salamin na agaw ang pansin niya sa isang babae na naglalakad patungo sa parking area. Bigla niyang naibaling agad ang paningin sa babae at hinabol pa ng paningin niya. “Si Dianne...” Naibulong niya sa kanyang sarili. “Kale hindi pa tayo—” “Dito ka muna, bro may hahabulin lang akong tao.” Bilin niya kay Benjamin bago lumabas ng stall nila. Hindi siya nagmadaling makarating sa parking area dahil natatanaw naman niya kung paano lumakad ng mabagal ang babaeng hinahabol niya. “Dianne!" Tawag niya hindi kalayuan sa babaeng hinahabol niya. Napangiti siya nang bumaling ito sa kinatatayuan niya. “Kale James!" Saad ni Dianne habang patakbong patungo sa kanya. Yumakap ito sa kanya na tila ilang taong hindi sila nagkita. Well, mahigit dalawang taon narin naman kasi sila hindi nagkita simula nang umalis si Dianne sa Cebu nang mamatay ang Mama nito. Ginulo-gulo niya ang buhok ni Dianne bago sinagot ang yakap ng pinsan niya “Anong ginagawa mo dito? Sino kasama mo? Akala ko ba wala kang balak mag Maynila?” Sunod-sunod na tanong sa kanya ni Dianne. Napa-umis siya kung saan litaw na litaw ang singkit niyang mga mata. “Andaming tanong!” Aniya sabay gulo sa buhok nito. “Dito na ako sa Makati nakatira. Si Mama at Calli andito narin.” Biglang napatigil ang pagyayakapan nilang mag pinsan ng may marinig siyang lalaking tumikhim sa likuran niya. Hindi niya nilingon pero nakikita niya kung paano namutla ang hitsura ng pinsan niya kaya napatingin narin siya. Sa hindi malamang dahilan parang nasisigurado niyang pamilyar ang lalaki sa kanya ngunit hindi niya mawari kung saan niya ito nakita. Nag mura ang lalaki nasa likuran niya bago iritado itong nilampasan sila. “D! Who is he?” Sambit ng babae na ngayon ay nasa likuran na ng pinsan niya. Awtomatiko siyang napakalas ng pagkakayakap sa pinsan niyang si Dianne nang makita ang babae nagsalita. Tila naningas siya sa kanyang kinatatayuan nang marinig ang boses nito na pamilyar sa kanya at nang makita ang hitsura ng babae. Bilugan ang mga mata nito bago ang pilik ay malalantik. Gumapang ang paningin niya simula sa mukha nito papunta sa leeg nitong maputi at doon napalunok siya ng lihim ng makita ang marka sa leeg ng babae. Kinutuban siya! “Ah, Max, si Kale James, pinsan ko nga pala.” Pakilala ni Dianne. Hindi siya nakapagsalita at parang naging pipi siya ng panandalian pero nagawa niya paring ipunas ng palihim ang kanyang kanan na kamay sa likuran ng kanyang damit. “Oh! I see.. By the way, I'm Maxine Claire, Max for short. Dianne's Friend." Pakilala no'ng Maxine sabay lahad ng kamay nito para makipagkamay. Inabot niya ang kamay no'ng Maxine at gano'n na lamang ang panlalamig niya ng may biglang dumaloy na kuryente sa kanyang kamay patungo sa kaloob-looban niya. Lihim siyang lumunok ng makita kung paano ngumiti ng matamis sa kanya si Maxine. Maxine Claire, huh? “Nice to meet you, Max. I'm sorry but I have to go. I'll see you some other time D, baka hinihintay na ako ng kaibigan ko do'n sa loob. Nakita lang talaga kita kanina kaya sinundan kita dito. Na-miss kita, D.” Pormal niyang saad bago kumalas sa pakikipagkamay kay Maxine. He didn't know why his chest was rumbling so fast! Para siyang biglang naging takot sa babae gayong pakilala pa lamang ang nagagawa niya. Nginitian niya ng tipid si Maxine at si Dianne bago sinimulang bumalik pabalik sa loob ng Mall. Para siyang sinasalakay ng kaba kahit wala naman siyang ginawa na masama. Weird niya! Nagmadaling siyang pumasok sa stall nila at nakita niyang naroon na ang kanyang Mama ngunit imbes na mag mano muna siya sa kanyang ina hindi niya nagawa! Diretso siyang nagpunta sa lamesa at sinalinan ng tubig ang basong nakatulay. Inisang lagok niya ang laman no'n na tila ilang kilometro ang nilakad para ma uhaw ng gano'n! “Anyare?” Untag ni Benjamin sa kanya. Hindi niya ito pinansin at sinalinan pa ulit ng isang puno ang baso bago ininom. Tinamaan yata siya sa angking ganda ni Maxine. Yo'n nga lang ba? Today seems to be not ordinary day for him. He knew something that he was trying to clarify.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD