KABANATA-19

1445 Words
NOTE: FIRST POV BASIS PO AKO NGAYON. Pero it depends parin naman sa matipuhan ko kaya sana gets niyo na yan na hindi talaga ako stick to one! Thank you! Maxine's POV.... Maaga akong umalis sa Mansion para matanggal ang pagkabagot ko dahil wala naman akong napapagkaabalahan doon. Mas maigi pang tumambay nalang muna ako sa opisina ni Kuya para naman kahit papaano ay may nakakausap ako. Makikibalita narin sa mga bagay-bagay na pinagkakaabalahan ng lalaking 'yon! Habang nagmamaneho ako ang kaisipan ko ay medyo lumilipad kahit nakapukos naman ang paningin ko sa daan kaya bago pa ako matulala habang nag da-drive, iniling-iling ko na ang aking ulo bago tinapik ang aking mukha! “Agang-aga kung saan-saan napapadpad ang isip mong babaeta ka.” Mahinang sermon ko sa aking sarili. Kahit itong baby ko na nasa sinapupunan ko ay nakikisabay din sa wisyo ko ngayon. Lumikot na lamang ng lumikot! Siguro hindi lang din makapaniwala ang anak ko na sa loob ng mahigit na anim na buwan ay nagkrus ulit ang landas namin ng Daddy niya. In an unexpected time and place pa talaga, ha! Sa ilang buwan kong nakilala si Calli at si Tita Mary hindi ko man lang talaga naisip o' hindi ko man lang talaga napagtanto na iisa ang mga apelyedo nila. Kainis! But the irritation I feel is something I don't think I can put it aside. Lalo na nang maramdaman ko ulit ang nakakalason na halik ni Kale. Shít! Pero inaamin ko naman talaga na gano'n ako ka rupok! Yeah! Wala eh, nag mana ako sa isang batikan na marupok din! Pagkababa ko ng aking kotse mabilis akong tumungo sa opisina ni Kuya. I don't know kung bakit ako gano'n ka atat na makarating doon knowing na ma-iirita lamang ako do'n dahil sa pang bubwesit na naman niya sa akin. “What's the matter Mommy, bratty? Bakit ang aga mo naman yata sumulpot dito?” Bungad ni Kuya Jaxxon sa akin kahit kakapasok ko palang ng oipisina niya. See? Kakapasok ko palang kinu-kwestiyun na niya agad ako! Ang galing naman talaga mangbuwesit kahit sa simpleng mga tanungan niya lang! “Boring sa Mansion, Kuya. Iba-iba dito sa office mo may mangbubwesit sa akin.” Pamimilosopo ko sakanya habang dahan-dahan na umungkot sa sofa. I saw Kelton, Quinn and Jersey who fake smiling on me that's why I was able to smile fakely among the three of them. Ang apat na pilyong magkakaibigan ay nasa iisang opisina na naman! Mukhang nagkamali yata ako ng pagpunta dito ngayon. Kainis! “By the way, hindi ka daw umuwi kagabi sabi ni Manang. Where did you sleep, huh?” Seryoso niyang tanong. Hindi agad ako nakapagsalita dahil wala naman akong maisip na idadahilan. Saan nga ba? Kaninong bahay? Ahhhh! Am I caught off guard na ba? Bahala na nga! Lihim akong lumunok. He stared me like he is patiently waiting my answer. Bakit ba ang seryoso nito ngayon? Dati naman wala siyang pakialam kung ilang araw akong hindi umuuwi! Ngayon pa talaga kung kailan buntis ako? Seriously, Jaxxon Kade? Baka he cares lang naman dahil kay baby thats why. Tama! Tama! “Ahh, kina Tita Mary ako natulog. Napasarap kasi ang kwentuhan namin kaya naabutan na ako ng dis-oras ng gabi do'n that's why they decided na doon nalang ako patulugin.” Paliwanag ko na ikinatango naman ni Kuya. Hindi siya nakasagot at basta nalang pilyong ngumisi ng lihim habang nagkamot sa kanyang kilay. Naningkit ang aking mga mata habang pinagmamasdan siya sa kanyang reaksyon. Does he knows something that I don't? Imbes na tanungin siya tungkol sa reaksyon niya mas pinili kong manahimik na lamang para umiwas sa debatehan. Nag pukos na lamang ako sa hawak kong magazine habang nakikinig sa pinag-uusapan nina Quinn, Jersey at Kelton. Tahimik lang ako na naka-upo sa sofa at nakatuon ang aking mga mata sa magazine pero ang tainga ko nakiki-usyuso sa usapan ng mga lalaki. Minsan nagiging makasalanan din 'tong tainga ko eh! “By the way Max. I have a meeting, baka may pumunta ditong tao kindly refer them to Crissa.” Imporma ni Kuya sa akin. Nag okay sign lang ako sa kanya bago ibinalik ulit ang atensyon sa aking binabasa. Peke ulit akong nakitawa kina Kelton habang papalabas na sila ng opisina. Mga lalaking 'yon kuhang-kuha talaga nila ang inis ko! Ahhhh! Hindi ko alam kung bakit naging barkada sila ni Kuya! Pero wala naman akong puna sa kanila o' issue dahil kahit gano'n ang mga 'yon mga sikat na business man din naman sila. They are a damn well-known business man. Kelton is Architect, Jersey is Doctor and Quinn is Engineer idagdag pa si Kuya na nag mamay-ari ng ng ilang daan na Malls sa buong Pilipinas. Pagkaalis nila naging hayahay ako sa opisina ni Kuya. Mabuti na lamang din at nakikisabay itong baby Knoxx Alastair ko. “Matulog ka lang d'yan baby, ha?” Bulong ko habang himas-himas ang aking tiyan. After a minute pagkatapos kong mabasa ang tatlong pirasong magazine boredom strikes again. Binuksan ko ang tv ngunit wala din naman akong matipuhan na palabas kaya pinatay ko nalang. Umupo ako sa swivel chair ni Kuya pero hindi rin ako tumagal ng pag-upo. Shucks! Balais na naman ako kaya naisipan kong lumabas ng opisina para pumunta kay Crissa. Mas mabuti pang makipag-chismisan kay Crissa. Pagkalabas ko ng office mabilis agad na tumayo si Crissa para alalayan ako. She is so caring talaga. “Bakit po kayo lumabas Ma'am?” Anito habang inaalalayan akong maka-upo. Nakita ko kung ano ang nilalantakan niyang pagkain kaya parang natakap ako dahil sa mabangong amoy ng pagkain. “Pahingi ako Criss, ha?” Paalam ko sa kanya bago dumampot ng isang slice na pizza. Hindi ko na hinintay ang kanyang sagot at basta nalang kumuha ng isang slice. Napangiti naman siya sa akin ngunit may pag-alalang makikita sa kanyang mukha kaya naisipan kong tanungin siya. “Bakit, Criss?” Tanong ko bago ako kumagat sa pizza. “Ahmm. Huwag po kayong magkarami niyan Ma'am, ha? Hindi po sa pinagmamadamutan ko kayo. Maalat po kasi iyan kaya medyo hindi siya good sa health sa katulad mong preggy,” nahihiya niyang paliwanag. Napangiti naman ako habang ngumunguya dahil sa kanyang sinabi. Well, she's a concern citizen lang naman and besides tama rin naman siya. “Thank you, Criss.” Pasalamat ko bago ulit sinubo ang tirang pizza ngunit natigilan ako ng makita ko si Kale! Shít! Why is he here? Biglang kumabog ng malakas ang aking dib-dib dahil sa hindi ko malaman na dahilan. Parang sinasalakay ng sandamakmak na kabayo ang ribcage ko nang magtama ang mga mata namin. Hindi ko naituloy ang pagsubo ko ng pizza nang makalapit na siya sa puwesto ko. Damn! Bakit ang guwapo niya sa suot niyang suit! Shít ka talaga Maxine! “Goodmorning Sir, Kale. Sir Jaxxon is in the conference room na po.” Bungad ni Crissa kaya biglang bumalik ang wisyo ko. Naitikom ko basta ang aking bibig at basta nalang napayuko ng bahagya nang walang kurap niya parin akong tinititigan! God! Paki-usap sana may dumaan na ipo-ipo at tangayin na lamang sana ako ng basta para makaligtas sa kumunoy! “Okay, I will be there right away. Thanks, Criss.” Narinig kong tugon ni Kale kay Crissa kaya medyo nakaramdam ako ng kaginhawahan. But what he said is make sense to me. Pati narin yung pagsulpot niya dito. Magkakilala ba sila ni Kuya?Maybe yes because of Dianne! Tama! Tama! Hindi ko alam kung nakatingin parin siya sa akin kaya pinagtibay ko nalang ang aking sarili na tapunan siya ng tingin ngunit agad naman akong napatingin sa box ng pizza ng basta niya ilayo iyon sa akin. Dinampot niya 'yon bago binigay kay Crissa. Hindi ako nakaimik o' naka-angal man lang dahil sa ginawa niya! “Keep it away from her. It is not healthy for a pregnant woman to eat those types of food,” istriktong utos niya kay Crissa. Binalingan niya ako nang nakakaakit na tingin bago ako kinindatan. Pakiramdam ko pati anak ko sa loob ng tiyan ko ay apektado sa presenya ng kanyang ama dahil sumipa ito bigla. Itinukod niya ang kanyang dalawang kamay sa table ni Crissa bago ako niyuko at tiningnan ng sentro. “Wait me here, we need to talk. I'll just finish my meeting with your brother.” Bilin niya bago ako kinintalan ng halik sa aking noo na siyang ikinabigla ko. Hindi na ako nakasagot nang makita ang reaksyon ni Crissa dahil sa nakita! Napatingin nalang din ako sa likod ni Kale habang prenti siyang naglalakad patungo sa conference room. What I have done wrong to feel this way? Ahhh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD