Maxine's POV.....
Ma aga pa naman pero pakiramdam ko sapat na ang naitulog ko kaya kahit anong gawin kong pagpikit ng aking mga mata hindi ko talagang magawa na matulog. Para naman kota na agad ang antok ko kaya hindi na sila sumanib sa akin! Nag dahan-dahan ako ng pag galaw dahil baka magising itong pilyong lalaki na katabi ko habang nakayakap sa akin. Nag paubaya akong makatabi siya sa pagtulog at pinabayaan ko na rin siya na yumakap sa akin dahil kung hindi ay baka mahulog na kami parehas sa sahig dahil sobrang kitid ng kanyang kama. Pang isahang tao lang at mabuti nalang ay nagkasya kaming dalawa. Buhaghag ang buhok niya na halos matakpan na ang kanyang mukha kaya hinawi ko 'yon ng bahagya. Sinuklay-suklay ko ng aking mga daliri ang buhok niya pataas dahilan para maaninaw ko ang gwapong mukha niya. God...why he is so handsome even when he is just sleeping? Kanino ba 'to pinaglihe ni Tita Mary na kahit sa pag tulog ay gwapo parin! Nakagat ko ng bahagya ang aking ibabang labi habang nilalapat ko ang aking hintuturo sa kanyang kilay na may peklat. Nako-kuryos ako kaya hinawakan ko ang bandang peklat niya. His scar is reminding my childhood. Mabilis kong natanggal ang aking hintuturo nang bahagya siyang gumalaw.
“Don't touch my scar if you don't remember....” Mahinang usal niya na halos bahagya ko nang marinig.
“What did you say?” Kuryos kong tanong habang nakatingin sa kanya na nakapikit parin. Hindi siya sumagot kaya inulit ko ang paglapat ng hintuturo ko sa kanyang peklat pero nagulat ako ng basta niya nalang hawakan ang aking kamay dahilan para mapatigil ako. Nag tama ang aming paningin kaya umiwas ako. Pilyo siyang napangisi.
“No one could ever touched my scar unless you are the...nevermind.”
Pabitin niyang saad. Naningkit ang bilugan kong mga mata dahil sa kanyang sinabi. Anong ibig niyang sabihin? If I am not his the one? Gano'n? Dahil nakaramdam ako ng kung anong inis pa-simple kong tinanggal ang kanyang kamay na nakayakap sa aking tiyan. Bigla siyang napatingin pero iniripan ko lamang siya! Manigas siyang hindi makahawak sa tiyan ko! Lalayasan ko pa siya kapag nabuwesit ako!
“Hey... Yayakap pa ako,” usal niya. Hindi ko siya pinansin at basta na lamang ako bumaba ng kama para pumunta sa cr. Ni lock ko ang pinto para hindi siya makapasok kung sakali na susunod siya. Nakakinis! Agang-aga pero sira agad ang mood ko!
“Max? Bakit ang moody mo? Open the door, please.” Untag niya sa labas ng pintuan ng cr habang sunod-sunod ang pagkatok. Kulang nalang masira ang hamba dahil umaalog-alog talaga ang pintuan. Hindi ko siya pinagbuksan bagkus pinagpatuloy ko ang aking paghihilamos. Ang galing niyang mangbitin ng kanyang sasabihin tapos may pa haging pa siyang nalalaman! Anong silbi nang nag pag tawag niya ng baby sa akin kung wala rin naman pala akong karapatan na hawakan ang bawat parte ng katawan niya!
Pagkatapos kong mag toothbrush at mag hilamos at itali ang buhok ko siya namang pag tigil nang kanyang pagkatok. Ang pag-asa ko umalis na siya kaya nag lakas loob akong buksan agad para lumabas na ngunit nagulat ako nang makita ko na naroroon parin siya. Masama ang tingin sa akin habang nakapamaywang. Ang mga tinginan niyang nakakatunaw! Bago pa ako lamunin ng kumunoy umiwas na agad ako sa kanya. Dinidedma ko siya at basta nalang nilampasan sa kanyang kinatatayuan. Nag dire-diretso akong tumungo sa sa sala habang pagibong-gibong ako ng paglakad. Busangot ang mukha ko nang maka-upo ako sa sofa na parang pakiramdam ko maiiyak na ako dahil sa inis! And sarap niyang sabunutan sa totoo lang!
Pasimple ko siyang tiningnan base sa aking peripheral vision at nakita ko siyang nakatayo sa labas ng pintuan habang hawak ang kanyang cellphone. Nang makita kong inilagay na niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa ng short doon na naman ako hindi mag kaintindihan dahil papalapit na naman siya. Para akong temang dahil inis na inis ako sa kanya pero hindi ko rin naman kaya na hindi siya balewalain!
“Anong gusto mong breakfast?” Malambing niyang tanong sa akin habang nakaluhod sa harapan ko at ang mga kamay niya ay nakapatong sa aking kandungan. Hindi ako sumagot na kahit ang tingnan siya ay hindi ko ginawa! Iiwas ako sa kanya hanggat kaya ko. Huwag na huwag kang mag papahalata na marupok ka Maxine! Mariing sermon ko sa aking isip habang nakasapo ang aking isang kamay sa aking mukha.
“Max... Baby? Bakit ka ba nagagalit?” Segunda niyang untag. Bigla ko siyang tiningnan ng masakit ngunit napa-umis nalang ako nang basta nalang siya ngumiti sa akin! God! Bakit ba ang galing niya kunin ang inis ko? Pilyo siyang ngumisi sa akin na halos matunaw ako dahil naagaw ang pansin ko sa mga ngipin niyang pantay-pantay at mapuputi. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti na halos ikatunaw ng sestema ko. This man is giving me a romantic excitement! Ganito ba talaga siya mang-akit na kahit sa simpleng pag ngiti niya lang ay mahuhulog agad ako. He uses his bad boy aura to lure women into his trap at maaring maging kabilang ako do'n!
“Ganyan ka ba talaga sa mga naging babae mo?” Diretso kong tanong sa kanya. Biglang nagsalubong ang kanyang mga kilay dahil sa aking tanong. Why? Halatado naman na madami siyang naging babae or ex. Hitsura palang mukhang madami nang napaiyak!
“Where do you get the courage to ask me like that, huh?” Hindi makapaniwalang balik ng tanong sa akin. Humalikipkip ako bago naniningkit ang aking mga mata na tiningnan siya.
“Bakit? Totoo naman ah! Baka nga pang ilan na ako sa nabuntis m—”
“Fúck! Ikaw lang ang binuntis ko! Ikaw lang, Max!” Mariing asik niya bago tumayo at iritadong ginulo-gulo ang kanyang buhok na mahaba. I don't know why he is even more attractive when he is upset. Nakaka-turn on lang!
Akmang tatayo na ako para sana iwasan siya dahil baka hindi ko mapigilan ang aking sarili at basta nalang siya yakapin kaya hanggat kaya kong iwasan siya iiwas ako. Pero hindi ko paman naaangat ang aking pang-upo para sana tumayo nakita ko kung paano nalaglag ang ponytail na kulay itim! My heart beat so fast nang makita ko ang initial ng pangalan ko na naka-ukit doon. Narinig ko siyang nag mura ng mahina ngunit hindi ko siya pinansin at agad na dinampot ang ponytail. This is the ponytail I gave to the man in Cebu. Ganitong-ganito! Dala ng kuryusidad mas nilapit ko sa aking paningin ang ponytail at doon nakita ko ng klaro ang initials ng buong pangalan ko pero ngayon hindi nalang MCI ang naka-ukit doon. There is a date, day and year engraved on it! Napatingin ako kay Kale nang may pagtataka.
“Why do you have it?” Curious kong tanong sa kanya. Nanatili siyang nakatayo habang nakapatong ang kanyang magkabilang kamay sa kanyang ulo na tila gulat at hindi rin makapaniwala. Lalo akong nag-iinit dahil bumabalandra sa akin ang hubad niyang pang itaas. Damn!
“I think this is the right time to talk about the past, Max.”