♠️♣️ ᴘʀᴇʟᴜᴅᴇ ᴛᴏ ʟᴏᴠᴇ (1.1)

1569 Words
4 YEARS LATER MAGANANG PUMASOK SA loob ng Bakery si Louisse. Dalawang taon na siyang nagta-trabaho rito sa Maritoni's Crave Shop bilang isang cashier. Maayos naman ang sahod. Hindi malaki, ngunit hindi rin naman maliit. Pupuwede na. Bukod pa roon, mabait ang kanilang amo at ang mga kasama niya roon kaya naman talagang nagtagal siya roon. Isa pa, sa tulad niyang kapus-palad at hindi nakapag-aral ng kolehiyo, napakahirap maghanap ng trabaho dahil lahat kinukuha ay iyong may diploma. 23 anyos na siya ngayon. At sa kasamaang palad ay naulilang lubos na agad siya. Ang tatay niyang si Alfonso ay namatay 4 years ago, sa kagustuhan nitong mabayaran ang utang nila ay halos patayin nito ang sarili sa pagod. Halos hindi na ito umuuwi, at nalaman laman nalang nila ng nanay niya na bukod sa pagiging mekaniko ay suma-sideline pa ito sa construction. At iyon nga hanggang sa bumigay ang katawan nito at inabutan nila sa hospital na malamig na bangkay. Ang kanyang ina naman ay namatay lamang 1 year ago, hindi niya alam na may dinadamdam na pala itong sakit. May brain tumor ito at huli na para magawan pa ng paraan. Labis labis ang pangungulila niya at hindi niya alam kung paano mabubuhay nang wala na ang pamilya. Wala naman na siyang kilala na ibang kamag-anak nila. Bago pa mamatay ang ina niya, panay pa ang hingi ng tawad nito at sinabi nitong hindi siya habang buhay na maghihirap, iyon ang pinangako nito. Nagugulumihanan man, ay hindi na niya natanong ito dahil namatay na ito. Ngayon naman, medyo natatanggap na niya. Life must go on. Nabubuhay pa siya. Hindi naman pupuwedeng magpakamatay na rin siya dahil wala na ang magulang niya. Siyempre, nalulungkot pa rin siya ngunit iniisip na lang niya na masaya na ang mga ito ngayon. Nabayaran na rin niya ang utang ng magulang niya. Sarili naman nila ang lupa sa kinatitirikan nilang bahay kaya ang tanging iisipin na lang niya ay ang bills at araw araw na pangangailangan. Hindi na niya tinuloy ang pagkakarinderya pagkat wala naman siyang talent sa pagluluto. Naputol ang pag-iisip niya nang mapansin parang pinaglamayan ang itsura ng mga kasamahan niya. "Good morning! Oh, bakit ganyan ang mga mukha niyo? Parang biyernes santo," aniya Tumingin ang mga ito sakaniya. Maaga kasi lagi mag time-in ang mga ito, samantalang siya ay lagi lang may 10 minutes na pagitan, kaya sigurado nauna na ang mga ito sa chismis na alam ng mga ito. "Louisse..." Naiiyak ang itsura ng kapwa kahera niyang si Chrisselle. Ginagap naman ng panaderong si Jeriko ang palad niya. Malungkot na malungkot ang itsura ng mga ito. "Wait... Teka, ano ba ang nangyayari?" Kinakabahan na niyang tanong. "Louisse, magsasara na itong shop ni madam. Mawawalan na tayo ng mga trabaho," si Joy ang nagsalita. Nanlaki ang mga mata niya at unti unting nabitawan ang palad ni Jeriko. Pakiramdam niya bigla siyang nanghina. "M-Magsasara? Bakit daw? Maayos naman ang kita ng shop ha?" Hindi niya inaasahan iyon. Hindi pwede iyon. Lalo na sa mga tulad niyang saktong sakto lang ang kinikita para tugunan ang pangangailangan sa pang araw araw. At lalong hindi siya puwede matengga at walang reserbang pwedeng pasukang trabaho. Idagdag pa roon na mahirap talaga maghanap ng trabaho ang katulad niyang walang tinapos. Malungkot na bumuntong hininga naman si Chrisselle. "Kasi magkakaroon daw ng road widening at dahil tabing kalsada tayo, damay tayo roon. Gagawin na ang construction next month. Kaya walang choice si madam kundi ipagbenta dahil kung magmamatigas siya wala ring mangyayari. Hanggang next week na lang ang operation natin dito," Hindi na siya nagsalita. Pakiramdam niya'y pinagsakluban siya ng langit at lupa. Saan naman siya ngayon maghahanap ng trabaho? Natapos ang araw na iyon na walang nagsasalita miski isa man sakanila. Madilim dilim na nang nakauwi siya sa bahay nila. Nakita niyang bukas na ang ilaw sa sala. Tanda na nandoon na si Brett. Ang asawa niya. Kakasal lamang nila ni Brett 6 months ago, nakilala niya ito sa Maritoni's. Isa itong customer at hiningi ang number niya, niligawan siya at sinagot naman niya. Nang magaya itong magpakasal, hindi na siya tumanggi pa, dahil para saan pa kung papatagalin pa nila? Mahal niya si Brett at alam niyang mahal din siya nito. Sa bahay nila sila tumira. Isang project engineer si Brett sa hindi naman masyadong kilalang kompanya. Pagkapasok niya sa sala, nagulat pa siya nang makitang nakaupo roon ang asawa at seryosong seryoso ang mukha. Katabi nito ang mga naglalakihang maleta at backpack. "Mabuti naman at nakauwi kana, kanina pa kita hinihintay," sabi nito sa seryosong tinig. Napakunot-noo naman siya. "Pasensiya na hon, rush hour kasi. Kumain ka na ba? Teka hintayin mo ako, magluluto ako ng dinner." Hahalikan sana niya ito sa pisngi, pero sa hindi malamang dahilan ay umiwas ito ng mukha. "Hinintay lang talaga kita. Huwag ka na magaksaya ng oras magluto. Aalis din naman ako," "Saan ka pupunta?" Nagkibit balikat ito. "Aalis na ako... for good. Ayaw ko na, Louisse. Ayaw ko na lokohin pa ang sarili ko. Hindi na ako masaya sa pagsasama natin. Hindi na healthy ang relationship natin. Parehas nalang tayo laging busy. Ni hindi ka magkaroon ng oras saakin," Awtomatikong nalaglag niya ang mga dalang gamit at agad na nagulap ang mga mata. Dumadagundong ang dibdib niya. "B-Brett... Huwag. Pagusapan natin 'to, please. At alam mo naman bakit ko ito ginagawa, hindi ba? Para may maipon ako. Tayo. Para sa kinabukasan natin..." Nagangat ito ng tingin at napatayo. "Kinabukasan?! Leche! Puro ka ganyan, bakit may napapala ka ba? May naiipon ka ba? Wala pa rin naman, di ba? Paano ka makakapagipon, napakaliit ng sahod mo? Sa bills pa lang ng kuryente natin ubos na 'yang sahod mo. Tapos magiipon? Ayaw ko na, nakakapagod ka nang intindihin. Ayaw ko maging stagnant ang buhay ko sa'yo. Wala kang pangarap. Ikaw ang babaeng walang kapanga-pangarap. Kung ganiyan ka, hindi tayo pupuwede mag-anak dahil wala kang maipanggagatas sa anak mo!" Tumaas na ang boses nito. Pakiramdam ni Louisse ay nabiyak ang puso niya. Parang hindi siya makahinga. Ang sakit sakit ng puso niya. Nagkaroon ng bikig sa lalamunan niya. "B-Brett... Alam mo naman ang sitwasyon ko, hindi ba? Sumusubok naman ako ha. Ginagawa ko lahat ng makakaya ko para magkaroon ng magandang trabaho at maayos na kita, eh ano bang magagawa ko wala akong tinapos. Wala akong pinagaralan. Mahirap para sakin ang k-kumuha ng trabahong may maayos na kita..." Tumango tango ito. "Kaya nga, naiintindihan ko. Kaya hindi na rin kita iistressin. Kaya para hindi na natin inistress ang isa't isa maghiwalay na tayo. Gusto ko nang babaeng hindi ako stagnant at may pangarap sa buhay." Bumuhos ang luha niya sa mga mata. "B-Brett... Kung alam mo lang... m-marami akong pangarap, hindi mo lang tinatanong," "Talaga! At wala na akong balak pang alamin dahil sawang sawa na ako kakaintindi sa lahat ng s**t mo sa buhay," iyon lamang at kinuha nito ang mga gamit. Nagmamadaling niyakap niya ito at pinigilan. "B-Brett... P-Please! Parang awa mo na... H-Huwag mo ako iwan. Magdodoble kayod pa ako. M-Magasawa tayo, Brett. Please... Hindi ko kaya!" Nagkandahalo-halo na ang luha at sipon niya sa mukha. Pumalag ito at tinanggal ang mga kamay na nakapulupot dito. "Tigilan mo na ako, Louisse. At kung iyon ang iniisip mo. Siguro nga dapat sabihin ko na sa'yo ang totoo," "T-Totoo...?" Kinakabahang tanong niya. "I'm sorry, Louisse. Pero hindi tayo totoong kasal. So that makes our marriage invalid. Sorry for fooling you. I was not really ready to settle down before, but I love you and gusto ko makita kung we are compatible to each other. At alam kong hindi ka papayag sa isang live-in set-up kaya naman pinalabas kong kinasal tayo," wala man lang bakas na pagsisisi sa mukha ng lalaki. Natigil ang pagluha niya. "Yes, you heard it right, Louisse. Kung iniisip mong niloloko lang kita para mapigilan mo ako. No. You can verify the authenticity of our marriage sa lawyer. Hindi tayo kasal. Wala tayong pananagutan sa isa't isa." Naramdaman niya ang galit na bumalot sa buong puso niya. Niloko siya nito! Binilog! Dahil boba nga naman siya. Wala siyang pinagaralan. Galit na galit siya to the point na ang galit niya ay nagigjng pagluha. "N-Napakahayup mo... Niloko mo ako! P-Pinagkaisahan mo ang kainosentihan ko!" Nagkibit balikat ito. "Hindi kita pinilit, kusang loob mo binigay ang sarili mo saakin, Louisse. And I know we both enjoy it. Kaya huwag ka nang maginarte pa. Huwag mo na akong habulin, please? Ayoko na talaga. Marami pa namang lalaki 'dyan, Louisse. For sure, makakahanap ka rin. Iyong mga kasing level mo," Parang punyal iyon na tumarak sa dibdib niya. Ganoon kababa ang tingin nito sakaniya. "B-Brett..." "Goodbye, Louisse." Hinila na nito ang gamit at lumabas na sa pintuan niya. Unti-unti naman siyang napaupo sa sahig at doon niya binuhos lahat ng luha na tinitiis niya kanina pa. Pumalahaw siya na parang bata, tutal wala naman makakakita sa ayos niya ngayon. Bakit ba ganoon kalupit ang mundo? Iniwan na siya ng magulang niya. Nawalan siya ng trabaho. At ngayon pati asawa. Mapakla siyang napangiti. Asawa nga ba? Hindi niya pala ito asawa. Isa siyang malaking tanga at boba. Bakit ba ang ilap ng kaligayahan para sakaniya? Siguro nga, she is not that lovable. Maybe, she is not desirable. Hindi iyong babaeng papangarapin ng isang Adan sa isang Eba. Sino nga ba ang lalaking kaya siyang mahalin dahil siya ay siya? Wala yata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD