♠️♣️ ᴘʀᴇʟᴜᴅᴇ ᴛᴏ ʟᴏᴠᴇ (2.1)

1528 Words
"ANDITO NA PO TAYO, Señorito," untag ni Jepoy sa batang amo na si Giovanni. Tila doon lamang bumalik ang presensiya nito at wala sa sariling lumabas sa kotse ang batang lalaki. Mabigat ang kalooban at gusto niyang umiyak. Gusto niyang magkulong sa kwarto at doon ibuhos lahat ng emosyon. Nakita niya pa sa sala ang ina niyang si Georgina na mukhang gumagawa ng merienda. "Oh, anak nandiyan ka na pala. Malapit na matapos 'tong ginagawa kong sandwich. Hintayin mo na kaya?" Nagugutom siya pero wala siya sa mood. "I'm full, mom. Thanks," at patuloy na humakbang sa hagdanan. Nagtataka namang sinundan ni Georgina ng tingin ang anak. Parang namatayan ang itsura nito. Nang makarating siya sa tapat ng kwarto niya ay ibinaba na lamang niya ang gamit niya at hinubad ang uniporme. Nakasando na lamang siya at ang slacks niya. Eksaherado siyang humiga sa malaking kama niya at napatitig sa kisame. Napakalalim ng iniisip niya. Napabunton g hininga siya. Parang may nararamdaman siyang masakit. Ang puso niya. Parang hindi siya makahinga. Parang sinasakal ang puso niya. Nasa ganoong ayos siya nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa ang kapatid niyang si Georgianne. 9 years old na ito ngayon. Naningkit ang mga mata nito at tinignan siya ulo hanggang paa. Nakaabrisyete pa ito. Tila sinusuri siya. Kung hindi lang seryoso ang sitwasyon, ay nais niyang matawa sa kapatid. Paano ba naman, daig pa ang ina nila kung makasuri ito. Tila FBI ito na nais lagi makakalap ng impormasyon. Nilock nito ang silid at naglakad lakad sa paanan niya. Georgianne make a tsk sound. "Tsk tsk tsk. You look awful. Kuya Gio, nagkakaganyan ka ba dahil sa gurang na 'yon?" Nakataas ang kilay na panimula ng kapatid. "Georgianne, get out of my room. Wala ako sa mood makipaghuntahan sa'yo ngayon, please." Pakiusap niya. Ginaya nito ang tono niya at nag make face. "Georgianne, wala ako sa mood, please." Gaya nito at umikot ang mga mata. "Naku, Kuya. Kilalang kilala na kita. Nagkakaganyan ka ba dahil sa babaeng gurang na 'yon, Louisse right? Nagkakaganyan ka ba kasi may asawa na pala siya?" Sa sinabi nito ay agad siyang napatayo at nanlaki ang mga mata. "G-Georgianne! S-Saan mo nalaman 'yan?!" Hindi pa naman siya marunong at magaling magsinungaling. Hindi naman kasi niya ugali talaga iyon. Georgianne smiled devilishly. "Hmm, basta. I know, lagi lagi mo siyang binibisita roon sa house nilang napakasmall. And I also know that you have a huge crush in that gurang! My gosh, Kuya Gio! Magkakacrush ka na nga lang, sa matanda pa! Eww! And I also know na kaya ganyan ang itsura mo ngayon, kasi kinasal na siya kanina," ngising ngisi na sabi nito. Hindi na niya napigil na takpan ang bibig nito at naging malikot ang mga mata. "Georgianne! Watch your tone, baka marinig tayo nila mommy. Saan mo nalalaman 'yan ha? Ikaw ang bata bata mo pa anu-anong kalokohan na 'yang nasa isip mo," gigil na sabi niya. Maarteng nilagay ni Georgianne ang kamay sa noo na tila nahihirapan na itong intindihin siya. "Okay, okay. Don't worry, I'm not that bad para sabihin kila mommy. I'm just here to check you out. Baka kasi umiiyak ka na rito kuya. You can check yourself in the mirror. You look so exhausted! Ganoon mo talaga siya ka-crush kuya? Gosh, she's 9 years older than you. And she's not single anymore. May asawa na siya. At baka nga limot ka na niya. Remember, noong tinulungan ka niya, that was 4 years ago," Minsan, parang hindi lang 9 years old ang kausap. Feeling niya nga minsan, mas matanda pa sakaniya si Georgianne. Hindi kasi ito bata magisip. Pero napakamaldita at spoiled brat kaya lumalabas pa rin ang pagkachildish nito. Bagama't hindi ito genius na katulad niya, alam niyang matalino ang babaeng kapatid. Bumuntong hininga siya. "Alam ko naman 'yon, Gianne. Kaso siyempre first crush ko siya. At basta, ang ganda ganda kasi talaga niya. Para siyang anghel. Tapos napakabait pa. Hindi ko siya makakalimutan. Pero tama ka, may asawa na siya. Atsaka impossible naman talaga," Tumabi ito sakaniya at niyakap siya. "Kuya Gio, you're too young pa. Lahat naman nagkakacrush. Okay lang 'yan. For now, gawin mo nalang siyang inspiration mo to strive harder to your studies." Napapangiting tumango siya at niyakap ang kapatid. Tama naman ito, masyado pa siyang bata para sa mga crush crush. Magtatapos muna siya ng pagaaral at gagawin muna ang lahat ng pangarap niya. He is now 14 years old and 2nd year College now. Business Management ang kinuha niyang kurso. At bawat semester, ay dean's lister siya. Proud na proud naman sakaniya ang pamilya niya. Napagpasyahan na nilang bumaba upang makapag merienda. Nakita niya ang bunsong kapatid nila na si Giuseppe. 4 years old na ito ngayon at kamukhang kamukha niya rin. Tanging si Georgianne lang ang nakamukha ng ina nila. Pero siya at si Giuseppe ay namana ang itsura ng ama nilang si Travis Rosselli. Nakahanda na ang sandwich sa hapag kainan. Nilapitan niya ang ina. At hinalikan ito sa buhok. "I'm sorry about a while ago, mom. I didn't mean to snob you. It's just that... I'm thinking something," paghingi niya ng pasensiya sa naging asal niya kanina. Ngumiti ito at iwinasiwas ang kamay. "That's okay, Gio. I understand. Oh siya, kumain na kayo ng merienda ng mga kapatid mo," 35 na ngayon ang ina. At tila hindi naman ito nagkakaedad. His mother looks 10 years younger than her age. Napakaganda, makinis at alagang alaga pa rin ito sa sarili. Idagdag na sobrang pampered ito ng kanilang ama. Magana silang nagmemerienda nang biglang narinig nila ang kotse ng ama. Nagtitili si Giuseppe at Georgianne at sinalubong ang ama sa salas. Nangingiting binuhat naman ni Travis ang dalawang anak at pinugpog ng halik. "Kamusta naman ang mga bebe kong 'yan. Miss na miss kayo ni Daddy." Hagikgik ng hagikgik ang batang si Giuseppe. Si Georgianne naman ay busangot ang mukha. "Daddy, eww! You're so jeje! Bebe. Yuck! Saan mo natututunan ang salitang jeje, Daddy?" Natawa silang lahat at ibinaba ang mga bata. Kakauwi lang nito galing sa trabaho. Hinubad nito ang long sleeves at lumapit sakanila sa hapag-kainan. "Son," anito at binigyan siya ng halik sa buhok at sakaniya hinalikan si Georgina sa labi. "I miss you," pabulong na sabi ng ama pero narinig naman niya. Nakita niyang namula ang pisngi ng ina at hinampas ang ama niya sa braso. 39 na ngayon ang ama niya. And just like her mother, his father looks like 10 years younger. Napakagwapo pa rin nito at tila hindi lumilipas ang panahon. "Sabayan mo na kami ng mga anak mo magmeryenda. Maaga ka yatang umuwi ngayon?" Sabi ng ina. Nasa hapagkainan na sila lahat at maganang pinagpatuloy ang pagkain. "Wala masyadong ginawa ngayon sa office. At mabuti nga 'yon, para makapagrelax naman ako kahit konti." Bumaling ito ng tingin sakaniya. "How's your studies, anak? Hindi ka ba nahihirapan magadjust?" Isa iyon sa mga walang katapusang tanong ng lahat sakaniya. At hindi niya iyon masisisi dahil sa edad niyang 14 years old ay 2nd year college na siya. Samantalang ang mga kaedaran niya ay nasa junior high school pa lamang. Ngumiti siya. "Everythings fine dad. Nagaaral po ako ng mabuti. At nakakapagadjust naman po ako," "Good. Basta if you need anything, nandito lang kami ng mama mo nakasuporta sayo. Okay?". Ngumiti siya. Napakaswerte niya talaga sa magulang niya. "Yes, Dad." Tumaas ang kilay ni Georgianne. "Dad, hindi mo ba tatanungin si Kuya Gio kung may cr--- ouch!" Sinipa niya ang paa nito sa ilalim ng mesa at pinanlakihan ng mata. "Georgianne, what's wrong?" Tanong ng ina nila. Umingos si Georgianne. "Si Kuya Gio po kasi. Ayaw pa sabihing may crush siya," Nakagat niya ang ibabang labi sa gigil. Napakamaldita talaga ng kapatid niyang babae! His father looked at him amusedly. "Really, son? May crush ka na?" Napayuko siya. Hindi malaman ano ang sasabihin. Nahihiya na baka magalit ang mga ito. Tawang tawa ang ama at hinaplos ang likod niya. "That's alright, anak. Normal na nararamdaman 'yan, especially at your age. There's nothing wrong. Sabi nga namin sa'yo, susuportahan ka namin ng mama mo. Basta ang promise mo lang, dapat sundin mo. Magtapos ka ng pagaaral. At pwede mo nang gawin ang anumang gusto mo, dahil buhay mo 'yan. Isa pa, napakabuti mong bata, anak. Matalino, mabait, masipag, maalalahanin. Kaya bakit ka namin pipigilan? Basta wala munang girlfriend ha?" Nahihiyang tumingin siya sa ina. Tumango ito at ngumiti. "Tama ang ama mo, Gio. Basta priority muna. Pero hindi ka namin pipigilan. Isa pa, binatilyo ka na anak. Natatakot kami ng daddy mo, baka iwan mo na kami. You grow too fast," naiiyak na sabi ng ina. Nangingiting niyakap niya ang mga ito. "Si mommy naman. Kahit naman po dumating ang time na magaasawa po ako, siyempre po ako pa rin ako dating baby niyo. Wala pong magbabago," Nagtawanan sila. Umingos si Georgianne. "Ang dadrama niyo naman!" Mas lumakas ang tawanan nila at maganang nagpatuloy ng pagkain at kwentuhan. Muling sumagi sa isip niya ang babae. Si Louisse. Malungkot na napangiti siya. Sayang, hindi niya kaedad si Louisse, sayang hindi siya nito nahintay. Nagasawa kaagad ito. Sayang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD