KANINA PA HINIHINTAY ni Giovanni ang Kuya Jepoy niya. Kanina pang alas-tres ang tapos ng klase nila sa Heather Field Institute ngunit ngayo'y maga-alas kwatro na wala pa rin ito, ang kanyang driver. Dati rati naman wala pang sa takdang out nila sa eskwelahan ay naroroon na ito.
Marami nang estudyante ang mga nakauwi. Mangilan ngilan na lang ang nasa labas. Namataan niya pa ang isa niyang kaklase na kasama ang ama nito.
"Oh, El. Hindi ka pa sinusundo ng driver mo?" Tanong ng kaklase niyang si Ate Klarissa. He is now 10 years old at 1st year na sa Senior High. Naaccelerate kasi siya dahil above average ang kanyang IQ na namana niya pa sa amang si Travis Rosselli. Kaya naman ang mga kaklase at kaschoolmate niya ay pawang mas maedad sakaniya.
Noong una nahirapan siya makibagay, dahil namulat siyang home-schooled. But he enjoys learning new things and meeting new people kaya bata man siya, nakapag adjust na rin siya.
Magalang na ngumiti siya. "Oo, hindi pa dumadating si Kuya Jepoy. Nagaalala na nga ako eh. Anyway, mukhang may lakad kayo ng Daddy mo. Magandang hapon ho," pagbati niya. Nagtaungan lamang sila at nawala na rin sa paningin niya.
Panay naman ang tawag niya sa cellphone ng Kuya Jepoy niya pero wala pa rin. Puro ring lang. Nagugutom at nauuhaw na siya, kaya naman napagpasyahan niyang maglakad lakad sa palibot ng vicinity ng lugar at baka may madaanan siyang pwedeng makain o mainom.
Hindi niya napansin na malayo layo na ang nalalakad niya at tuluyan nang nawaglit sa isipan ang sundo niya. Sa totoo lang kasi, hindi siya pala-gala. Bahay at school lang talaga siya at hindi niya pa naeexplore ang kabuuan ng lugar kung saan malapit ang kilalang paaralan.
May nadaanan siyang isang convenience store at bumili ng snack at juice. Hindi na talaga niya mapigil ang gutom niya, kaya habang naglalakad ay kinakain na niya iyon. Wala nang masyadong tao. Tahimik ang lugar. Kaya naman nakuha ng atensyon niya ang tila may umiiyak.
Nabuhay ang lahat ng kuryusidad sa katawan niya at hinanap ang kaluskos at tinig. At nahanap naman niya iyon. Hindi patag ang daanan ng lugar. May pababa at paitaas. At sa kaso niya ngayon, siya ay nasa taas at ang mga boses na narinig niya ay sa baba kaya naman kitang kita niya ang mga pangyayaring nagaganap. Hindi naman siya halata at kita dahil maraming mayabong na puno doon at nagtago siya.
~
"NASAAN ANG ASAWA MO? Ilabas mo kung ayaw mong samain ka sa'kin!" Kakagaling lang ni Louisse galing sa trabaho nang magulat siyang paguwi ay gulo gulo na ang bahay nila. Ang maliit na karinderya sa harap ng bahay nila ay natapon ang mga ulam at nagkalat ang mga gamit.
Mabilis na pumasok siya ng bahay at nakita niya ang ina na sakal sakal ng isang malaking lalaki. Nakakatakot ang itsura nito. Papasa na itong kontrabida sa mga palabas sa telebisyon. Pero nang makitang sinasaktan nito ang ina ay nagmamadaling kinuha niya ang monoblock chair at hinampas ito sa likod nito.
"Bitawan mo ang inay!" Napaigik ito sa sakit at nabitawan ang ina. Lima ang lalaki roon at mukhang mga holdaper.
Nanghilakbot ang ina niya. "Louisse! Huwag, hayaan mo na ako rito! Mapanganib sila anak!"
Tumawa ang lalaking hinampas niya. "Mabuti naman at alam mong mapanganib kaming babae ka. Kung ganyang alam mo, ibigay mo na ang hinihingi namin at hindi na kami manggugulo,"
"S-Sinabi ko na saiyong bigyan mo kami ng palugit! Hindi namin kaya ibigay ang hinihingi mong halaga. K-Kung nakikita mo, mahirap lang kami, mister! P-Pero b-bayaran namin ng asawa ko ang utang namin," naluha ang ina niya at nanginig sa takot.
Tumawa ito ng pangdemonyo. "Babayaran? Ilang beses ko na iyang narinig sa asawa mo! Hindi ka ba niya nabigyan ng iba namang script? Para iba iba naman sinasabi niyo, nakakatorete na kayong magasawa. Ang lalakas ng loob niyong mangutang tapos wala kayong pangbayad!"
Nakita ni Louisse kung paano lumuhod ang ina. "G-Ginagawa na ng asawa ko ang lahat, i-ibabalik din namin sayo, kaunting palugit lang."
Hinampas nito ang pader at natamaan ang mumurahing vase nila. Naglikha iyon ng ingay. "Ah, letse! Paano niyo gagawin 'yon, eh mas mahirap pa kayo sa daga!" Tumingin ito sa mga kasama nito.
Sinenyasan ang buong paligid. "Oh boys, alam niyo na ang gagawin niyo." Wala pa yatang isang minuto ay nakita ni Louisse kung paano sinira at binaboy ng grupo ang bahay nila. Ang maliit na bahay nila.
Iyak lang ng iyak ang ina niya. Siya naman ay hilam na rin ang luha sa mukha, pero walang lumalabas na ingay doon. Sa batang edad, naramdaman na niya ang labis na poot sa dibdib niya. Nandidilim ang paningin niya.
Nang makuntento na ang mga ito sa pagsira at pagtapon ng mga paninda nila ay lumabas na ito sa maliit na tarangkahan nila. "Babalik kami! At sa susunod hindi lang iyan ang aabutin niyo! Peste!"
Lumakas ang pagiyak ng ina. Siya naman ay hinabol ang mga lalaki sa labas.
"Hindi niyo dapat ginagawa ito sa mga taong mas mahina sainyo. Hindi niyo dapat sinasamantala ang kahinaan ng iba," seryoso at puno ng galit na sabi niya. Nakakuyom ang mga kamao niya.
Napalingon naman ang mga ito sakaniya. Tumaas ang kilay ng leader ng mga ito. "Ahh, ito ang anak ni Alfonso? Hmm," Lumapit ito sakaniya. Tinignan siya ulo hanggang paa. At saka itinaas ang baba niya paakyat sa paningin nito.
May malisyang hinagod ang mukha niya. "Hindi ko alam na dalaga na pala ang anak nitong si Alfonso at napakaganda pa."
Nakaramdam siya ng pandidiri at tinanggal ang kamay sa baba niya. "Huwag mo akong hawakan, pwede ba!" Galit niyang singhal.
Mukhang nagalit ito. "At bakit hindi? Pwede namang magbago ang isip ko. Pwede namang ikaw na lang ang kapalit ng utang ng pamilya niyo. Masasarapan ka pa," ngising ngisi na sabi nito.
Mahigpit ang pagkakahawak nito sakaniya kaya hindi siya makapiglas. "Bitawan mo ako pwede ba!" Nang ayaw pa rin siyang pakawalan ay dinuraan niya ito sa mukha.
"Iyan! Iyan ang bagay sa'yo!"
Gigil na nabitawan siya nito at rumesbak agad ang mga kasama pero pinigilan ng leader nito. "Huwag, ako ang bahala rito." Hinawakan nito ang pulsuhan niya at pilit hinahatak papunta sa malaking van.
"Peste kang babae ka! Pakipot ka pa!"
Pilit na pumipiglas siya. "Ano ba! Bitawan niyo ako! Tulong!" Sigaw niya. Ngunit malabo iyon dahil malamang tulog o nagpapahinga ang mga tao ng gantong oras at isa pa sa itsura ng mga ito mukhang matatakot ang sinuman na tumulong.
Sa kakapiglas niya ay sinukmaraan siya nito dahilan para mapahinto siya. Napaigik siya sa sakit at napaubo ng dugo. Nanghihina siya. "O siya! Isakay 'yang pesteng babae na 'yan!"
Pumipikit na ang mga mata ni Louisse pero ayaw niya. Hindi siya susuko. Marami siyang pangarap sa buhay. Ayaw niya dito magwakas ang buhay niya. Dahil doon, tila nagkaroon siya ng ibayong lakas at naitulak ito. Pilit siyang hinabol ng mga ito pero tinadyakan niya iyon sa pagitan ng hita. Maski siya, nagugulat siya sa lakas na pinapakita. Ganoon nga siguro talaga ang adrenaline rush.
Bago pa may makalapit sakaniya ay may isang taxi ang dumaan kaya naman kumaway kaway siya para humingi ng tulong, nang makita iyon ng mga lalaki ay hinayaan na lang siya at nagmamadaling sumakay sa van at umalis doon.
Saglit siyang binaba ng taxi at driver. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakaupo sa kalsada. Pagod, hilam sa luha ang mukha at nananakit ang katawan.
~
MULA SA TAAS na pinagtataguan ni Gio ay nahigit niya ang sariling hininga sa mga narinig at nadatnang eksena. Para siyang nanonood ng taping ng palabas. Pero ang kaibahan, alam niyang totoong nangyayari iyon. Naaawa siya sa babae. Parang mayroon sa parte niya na gusto niya lumabas sa pinagkukublihan at ipagtanggol ito sa mga lalaking kayang manakit ng babae at masasamang tao.
Pero ano nga ba ang magagawa ng isang 10 years old? Tiniis lang niya ang lahat ng nakita at hindi maiwasan hindi humanga sa pinakitang tapang ng babae. Nasa gaanong pagiisip siya ng may tumulak sakaniya sa likod kaya dahilan para mahulog siya mula sa taas at napadausdos pababa. Bumagsak siya sa lupa. Nanakit ang kanyang tadyang.
He growled in pain. Pagangat niya ng tingin ay nakita niya si Charles and the bad boys. Iyon ang bansag ng mga estudyante sa paaralan nila sa mga lalaking ito. Mayaman ang pamilya ng mga ito at nataguriang bully ng school. Kaedad niya ang mga ito, at Grade 6 palang. Noon pa man, lagi siya nitong binubully at mainit ang dugo sakaniya. Hindi na lamang niya ito sinusumbong sa magulang niya pagkat iniisip niyang magbabago rin ang mga ito.
"Tsk! Lampa talaga itong si Elkanah The Nerd," nangaasar na sabi ng batang si Charles mula sa taas.
Sa bahay nila, Gio ang nakasanayang tawagin sakaniya. Ngunit sa school nila, everyone calls him Elkanah or El. Hindi siya tinatawag na Gio roon.
"Paanong hindi magiging lampa? Eh mukha namang walang alam 'yang nerd na 'yan, kundi magaral? Feeling pabibo," gatong pa ng isang batang lalaki.
Binelatan pa siya ng mga ito at binigyan siya ng middle finger. "Get lost, nerd! Diyan ka bagay, sa baba, kasi loser ka. Hintayin mo, lalampasuhin din kita balang araw," sabi muli ng batang si Charles.
Nagtawanan ang mga batang bully. Siya naman ay nagyuko ng tingin at hindi na nagaksayang sumagot o lumaban pa. Ngayon lang niya narealize na wala na sa mata niya ang salamin. Nakita niya ito sa tabi niya, sira na ang frame at basag ang salamin. Bata pa lang kasi siya, malabo na ang mata niya. Nahihirapan tuloy siya ngayon makakita.
"Hindi lang loser, bulag pa! Oh eto bag mo," at ibinato ng mga ito ang backpack niya mula sa itaas. Sumakto iyon sa salamin niya dahilan para madurog lalo. Nanatiling walang kibo lang siya. Hindi nagsasalita.
"Hindi lang bulag, pipi pa!" At naghalakhakan ang mga ito.
Nagulat siya nang biglang may nagsalita. "Hoy! Kayong mga batang palamunin ng mga magulang." Nakita niyang nasa harapan na niya ang babaeng kaninang sinasaktan ng grupong lalaki.
Namutla naman sila Charles nang makitang kunot na kunot ang noo ng babae. "Magsibaba nga kayo rito. At huwag niyong tatangkain tumakbo at sasamain kayo saakin. Ano'ng akala niyo? Ganon lang 'yon? Walang bata bata. Baba!" Malakas na sigaw nito.
Nanatiling nakatingin lang siya sa mga ito. Nahintakuhan sila Charles at bumaba sakanila. Yukong yuko ang mga ulo. Namewang ang babae. "Hoy, mga utoy na spoiled brats na palamunin naman ng mga magulang. Alam ba ng mga magulang niyo ang ginagawa niyong pangbubully ha?"
Sumagot si Charles. "Hindi po namin siya binubully ate,"
Nanlaki ang mga mata ng babae. "So, ako 'yong bulag at bingi? Narinig ko kayo at nakita ko paano niyo siya binully. Ano bang pinagmamalaki niyo? Saka na kayo mang bully kung higit na kayo sa binubully niyo ha? Saka na kayo mangbully kung kaya niyo na mga sarili niyo. Baka nga di pa kayo marunong mag uli ng mga puwit niyo at hindi pa kayo tuli, lakas niyo nang mangbully. Nakakaawa kayo, kapag nagpatuloy kayong ganyan, lalaki kayong salot sa lipunan at makakadepress lang kayo ng ibang tao at baka magpakamatay pa sainyo. Alam niyo 'yung salot? Mas masahol pa 'yon sa sinasabi niyong loser ang batang binubully niyo. Ibig sabihin 'non, wala kang silbi. Walang ambag,"
"Mga spoiled brat na 'to. Bata pa lang. Ang yayabang na! Kung pamilya ko ang binully niyo, hindi lang ito aabutin niyo. Paano kung nabagok ulo niya o napilayan siya sa pagbagsak? Doctor ba kayo para mabalik buhay niya?"
Galit na galit ang batang si Charles pagkat napapahiya ito. "I'll call my mom! I hate you! You don't talk to me like that!"
"Edi tawagan mo, wala akong paki. Ano'ng akala mo, natatakot ako? Paguntugin ko pa ulo niyo ng mama mo eh. Alam mo kung ayaw ng magulang mo ibang tao dumisiplina sainyo, aba disiplinahin 'yang mga sungay niyo. Ganda ng school niyo ha. Heather Field Institute. Wala ba kayong subject na GMRC? Kasi parang wala kayong natutunan," patuloy na pangaalaska ng babae.
"Guys, let's go!" Hatak ni Charles sa mga kasama nito.
"Huwag mo akong tinatalikuran chanak! Hindi pa tayo tapos. Sasamain ka sakin, makikita mo." Mukhang natakot nga ang mga bata.
Nagseryoso ang mukha ng babae. "Hindi kayo aalis dito hangga't hindi kayo humihingi ng tawad sakaniya," matigas na sabi nito.
"What?!" Sabay sabay na sabi ng mga ito.
Nagangat na rin si Gio ng paningin. "H-Hindi naman na po kailangan---"
"Ano'ng hindi kailangan? Hindi matututo ang mga spoiled brat na ito. Gagawin din nila iyan sa iba. Gusto mo ba 'yon? Pwede namang hindi, pero sa baranggay sila pupulutin ng mga parents nila. Gusto niyo 'yon?" Ngumiti ito sa mga bata.
Namutla ang mga ito at umiling. "Good. Okay, say sorry to him," utos ng babae.
Agad na nagsorry sakaniya ang mga kasama ni Charles. Pero ang bata ay galit pa rin at ayaw magsorry. "T-This is ridiculous! I'll tell this to mom!"
Tumango tango ang babae. "Okay, sa baranggay ka nalang hintayin ng parents mo,"
Siniko ito ng mga batang kasama. "Charles, magagalit sakin sila mom. Please, magsorry ka na kay El,"
Kuyom ang kamao ni Charles. "What? Naiinip na ako," kunyare napahikab ang babae.
"Sige kahit nakakabwisit ka, sorry," iyon lamang at tumalikod na ang mga ito.
"Hindi sincere. Gusto kong humingi kayo ng sorry na sincere. Sorry lang wala ng justification bakit nagawa niyo 'yon. Now." Tila reyna na utos nito.
Pakiramdam ni Giovanni ay puputok na ang ugat ni Charles sa leeg sa gigil. Alam niyang ayaw nito magsorry. But in the end, he still did it. At umalis na ang mga ito. Bago pa tuluyang umalis tinignan pa siya ng tinging "We're not done yet,"
Nang mapagisa sila ng babae ay tinulungan siya nitong tumayo binitbit na rin nito ang bag niya.
"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" Nagaalalang tanong nito.
"O-Okay lang po ako, Ate..."
Ngumiti ito. "Mabuti naman. Halika, saan ka ba. Nasaan sundo mo? Ihahatid na kita,"
Hindi niya ito sinagot. Napatingin lang dito. Hindi niya akalain na may totoong anghel pala talaga. Hindi lang sa itsura nito, kundi sa kabutihang loob nito sakaniya. "Bakit niyo po 'yon ginawa?" Mahinang tanong niya.
Natawa ito. "Siyempre, kasi iyon ang tama. Mali ang mangbully ng kapwa. Ikaw? Bakit mo hinahayaan lang na ganunin ka ng iba? Pwede ka mapahamak,"
Bumuntong hininga siya. "Ayaw ko lang po. Hindi naman po kasi ako palaaway, Ate."
Umismid ito. "Hay naku, alam mo, dahil sa kabaitan mo ikaw lang din masasaktan niyan." Ginulo nito ang buhok niya. "Dapat hindi mo hianahayaan ang sinuman na tapak tapakan na lang ang pagkatao mo. Lalo na kung wala itong ambag sa buhay mo. Hindi ka dapat nagpapatalo at nagpapaapi. Stand on your own. Promise, magagamit mo 'yan paglaki mo."
Tuluyan nang napangiti si Giovanni sa sinabi ng babae. Tumatak iyon sa isipan niya. "Salamat po. First time pong may nagtanggol saakin, at ikaw pa lang po ang nagsabi saakin na maging matapang dapat ako,"
"Walang anuman. Masasaktan ang magulang mo once na nalaman nilang sila nga hindi ka sinasaktan, pero ibang tao mananakit sayo? Hindi ba? Nga pala, ilang taon ka na ba?" Tanong nito.
"10 years old po,"
Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito. "Oh, really? Malaking bulas ka. Para kang 14 saakin,"
"Ikaw po ate, ilang taon na?"
"19 na ako,"
9 years. Hindi alam ni Gio pero iyon ang unang naisip niya.
"Señorito! Diyos ko po! Mabuti nahanap kita! Kanina pa ho ako naghahanap sa'yo. Nasiraan kasi ako sa gitna ng byahe at nalowbat naman ang cellphone ko bigla." Bigla ang pagsulpot ng kanyang Kuya Jepoy na pawisang pawisan halatang kinakabahan nasaan na siya.
"Napaano ka ho, señorito? Bakit puro galos at madumi kayo?" Tanong ulit nito.
Ang babae ang nagsalita. "Paano ho 'yang alaga niyo binully ng mga salbaheng bata. Pero pinagsabihan ko na ho."
"Naku, salamat ineng. Baka mawalan ako ng trabaho kapag napaano itong alaga ko. Salamat hane? Tara na ho, señorito," kinuha na nito ang bag niya sa babae.
Parang ayaw pa niya umalis. But he has to. Pinagbukasan siya ng Kuya Jepoy ng pintuan ng sasakyan.
"Salamat po uli, Ate...?" Tanong iyon.
Ngumiti ito. "Louisse. Babye. Ingat kayo ha?"
Pumikit siya. Louisse. May palagay siyang hindi niya makakalimutan ang pangalan na 'yon. "Elkanah. Hindi kita malilimutan, Ate Louisse. See you around," at tuluyan nang tumaas ang bintana ng kotse niya.