♠️♣️ ᴘʀᴇʟᴜᴅᴇ ᴛᴏ ʟᴏᴠᴇ (3.1)

1466 Words
9 YEARS AFTER. "Ano Louisse, okay lang ba saiyo na hindi ka na namin ihatid sa unit mo mismo?" Tanong ng kaibigan niyang si Cherry. She sheepishly smiled at pagewang gewang na bumaba ng sasakyan nito. Cherry is her best friend for almost 9 years. Nakilala niya ito sa dating niyang trabaho after ng Maritoni's. Mabuway na kinumpas niya ang kamay sa ere. "Oh, yes. It's okay. I can managed myself. You go now," "You sure?" "Ofcourse! Bye girls!" Kumaway ang mga kaibigan sa loob at hinintay niyang umalis ang sasakyan. Nang mawala ang mga ito ay dare-daretso siya sa loob ng building ng condo unit. Kagagaling lang nila sa bar na magkakaibigan. They had a great night! Wild party, loud music, hot dance and everything. This night is a blast. Sa totoo lang, nahihilo na siya at nagdodoble na ang paningin niya. Naparami ang inom nilang magkaibigan. Nagkatuksuan nga kanina kung kailan siya magaasawa. At siya, 32 years old, very much single pa rin. Pero siyempre, hindi naman ibig sabihin na single siya ay hindi na siya nakikipagflirt o walang s*x life. She is not prude. Hindi naman siya santa. Tao lang din siya na kailangan minsan ng atensyon at siyempre... s*x. She's already in a right age, marrying age to be exact. Lagpas kalendaryo na nga siya. At kung moderna man siya magisip, wala naman sigurong masama roon, as long as wala siyang tinatapakang tao. Bago rin naman siya makipagflirt, sinisigurado niyang walang asawa iyon o kahit girlfriend. Nang marating niya ang condo unit niya, dumaretso na agad siya sa kwarto niya at hinubad ang stilettos at ang night dress niya. Naka tube nalang siya at ang cycling niya. At inihiga ang pagod na katawan sa kama. "Ang saya natin ha," Isang boses na pamilyar na pamilyar sakaniya ang nagpamulagat ng mga mata niya. Tila nawala lahat ng kalasingan sa katawan niya nang makita itong nakaupo sa night dresser niya at tila hinintay talaga siya makauwi. "K-Kuya Ambrose...?" Gulantang na sambit niya. Napailing iling ito. "Gulat na gulat ka naman yata, Louisse." Napatayo siya. "H-Hinihintay mo ba ako, Kuya?" Tumango ito at sumeryoso. "Oo, as a matter of fact, kanina pa ako nandito. At anong oras na, Louisse? Alas tres ng madaling araw? May balak ka pa pala umuwi. Uwi ba ng matinong babae ito?" Galit na tanong nito, bagamat alam niyang nandoon ang pagaalala. Iwinasiwas niya ang kamay sa ere na tila pinapatigil ito. "Kuya, huwag mo na akong lektyuran. For pete's sake! I'm already 32 years old. Hindi na ako baby girl. I can do whatever I wanna do in my life," Huminga ito ng malalim. "Alam ko naman 'yon. Pero hindi mo maaalis saakin hindi magalala sayo. Ako nalang ang nagiisang pamilya mo. At ayaw kong mapahamak ka. Baka hindi mo alam, gaano ka kaganda? Maraming loko lokong lalaki ngayon. Kahit lagpas kalendaryo kana, ikaw pa rin ang nagiisang baby sister ko," Natouch naman siya. Pero OA sa pagiging protective ang Kuya Ambrose niya. Ang tanda tanda na niya. "Kuya naman, baka pati pakikipagsex bawal na rin ako ha?" Sumeryoso ang mukha nito. "As much as possible, itigil mo 'yan. Unless kung seryoso sayo 'yung lalaki. Baka mabuntis ka o magkasakit ka. Louisse naman," Napairap siya. "I always practice safe s*x, Kuya. Don't worry. And as if namang noong kabataan mo hindi kung sino sino sinesex mo, duh," Bumuntong hininga ito. "Kaya nga, ayaw ko ikaw ang tumanggap ng karma ko. Naging maloko ako noon sa babae. Baka ikaw ang gantihan ng tadhana. Inaalala lang naman kita." Napangiti na siya. Alam niyang mahal na mahal talaga siya nito. "Don't worry about me, Kuya. I know what I am doing." "At 'yang pag babar mo mas tumitindi ha. Parang araw araw na lang. Kailan ka ba magtitino, Louisse? Kailan mo balak lumagay sa tahimik? Hindi ka pa ba sawa sa pagkadalaga mo? Ayaw mo ba magkaroon ng asawa't anak? Tignan mo kami ni Cess ngayon, nakakastress man ang pamangkin mo, pero worth it." Matagal nang kasal ang Kuya Ambrose niya at may isang anak. 48 years old na ito ngayon. At hindi naman mababakas na maedad na rin ito. Parang nasa prime of his life pa nga rin ito. Kinamot niya ang ulo. "Kuya, kung pinuntahan mo ako rito para mag lektyuran, please. I want to go sleep. Antok na antok na ako." Pagiiba niya ng usapan. "Ang gagong Brett pa rin ba na 'yon ang dahilan bakit hindi ka pa nagaasawa? Ang hayop na 'yun pa rin ba ang laman ng puso mo, Louisse? Hindi ka deserve 'nung tao. Kalimutan mo na siya," seryoso ngunit naroon ang concern na sabi nito. Hindi naman si Brett ang rason bakit hindi pa rin siya nagaasawa. Basta, nageenjoy pa siya sa buhay niya. Pero aaminin niyang dahil kay Brett ay nagkaroon na siya ng trauma pumasok sa seryosong relasyon dahil sa takot na mangyari ulit sa kanya ang p*******t at pangloloko na ginawa nito noon. Napatawad na niya ito. Pero mahirap makalimot sa pilat na ginawa nito. "Kuya, stop. Hindi siya ang dahilan." "Eh kung ganoon, bakit?" Nagkibit balikat siya. "Para kang reporter, Kuya. Ang daming tanong. Sa hindi ko pa nakikita ang the one ko," biro niya na may himig totoo. "Concern lang ako sa'yo, sis. Huwag mong masamain. I only want what is the best for you. At hanggang kailan kang ganyan? Wala ka bang balak ayusin ang sarili mo? Utak teenager ka. Utak dalaga. Wala pa sa isip mo magpamilya. Alam mo daig ka pa ng anak ng kakumpadre kong si Travis. Ang anak 'non batang bata pa, pero napakamatured magisip." Napapailing na sabi nito. Lumabi siya at niyakap ito. "Sorry na, Kuya. Alam mo naman hirap ako magsimula. Isa pa, alam mo naman ang hirap na dinanas ko dati, di ba? So ngayon ko lang talaga naeenjoy 'yung buhay ko. Kasi dati puro paghihirap nalang," Napapikit ito. "Alam ko naman 'yon, sis. Kaya nga bumabawi ako hanggat maari. Gusto kong maspoiled at mapampered ka. Pero sumobra yata ako. Look at you. Bagets na bagets ka pa rin," he chuckled. "I love you, Kuya." She smiled. "Ofcourse, I love you too, sis." At hinalikan siya nito sa noo. "Sige na, matulog kana. Dito na muna ako matutulog at para makapagbonding tayo. Nagpaaalam naman ako sa bata at sa Ate Cess mo," Ang Kuya Ambrose niya ay kapatid niya sa ama. 9 years ago, noong 23 anyos siya, nagulat siya nang biglang naging panauhin niya ito sa bahay niya. Ambrose claimed that he is her half-brother. Iisa sila ng ama. Iyon pala ang sinasabi ng ina niya na hindi siya habang buhay na maghihirap. Dahil ang pamilyang Borromeo ay mayaman. Noon lang din nalaman ni Ambrose na may kapatid ito sa labas. Sinabi lamang iyon ng ama nila noong na bedridden na ito at hindi na kinaya ng konsensya. Natakot lamang ito sa magiging reaksyon ng ina ng Kuya Ambrose niya kaya nilihim ang identity niya sa mga ito. Hindi rin naman sila nagkakilala ng ama dahil pumanaw na rin ito. Ang ina naman ni Ambrose, dahil maedad na rin, ay hindi na nagawang magalit pa sakaniya. Bagamat civil ang pakikitungo sakaniya, hindi naman niya kababakasan ng galit o inis sakaniya. Pero bago pumanaw ang kanilang ama, ay nagawa nito at ni Ambrose na i-legally adopt siya at ipasa ang mga dapat na karapatan niya rin bilang isang Borromeo. Madali namang nakagaanan niya ng loob ang kapatid dahil nang magkakilala sila ay parehas na silang may edad at hindi na sarado ang isip. 39 years old ito nang magkakilala sila. At wala nang puwang kung magkakaroon pa sila ng sumbatan. Isa pa, kitang kita niya ang pagbawi ng Kuya niya sa pagkukulang ng ama niya sakaniya at sa mga bagay na salat siya noon. Tulad ng pera, gamit, damit at latest gadgets. Malayong malayo na nga siya sa Louisse noon na mukhang hampas lupa. Ngayon, larawan na siya ng isang matured, matapang at sosyal na babae. Ambrose is her guardian and savior. Ramdam niyang sobrang mahal siya nito at bukod pa roon ay nagiisang kapatid lamang siya nito. Hindi siya nito pinapabayaan at laging nandiyan para sakaniya. On the other hand, she feels the same way too. Mahal na mahal niya rin ang Kuya Ambrose niya. Ito na lamang ang nagiisang pamilya na mayroon siya ngayon. Pero kahit mahal na mahal siya nito, hindi naman siya nito kinukunsinti, at gusto nitong paghirapan niya muna lahat ng bagay bago nito ibigay sakaniya. Halimbawa, may gusto siyang bagong model ng cellphone, ibibigay nito iyon ngunit kailangan niyang magpakabait at magtrabaho ng maayos. At ibibigay nito ang reward niya. Nagpapasalamat siyang mayroon siyang kapatid. Mabait, haligi ng tahanan, mapagmahal at family oriented. Na malayong malayo sa dati niyang fake husband. Nakatulugan niya ang ganoong pagiisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD