CHAPTER THREE

2606 Words
  Malakas ang ulan ng gabing iyon. Hindi na sya nahintay ni Morgan dahil nag overtime sya. Marami kasi siyang inasikasong bangkay kaya ito sya ngayon hindi makauwi ng bahay. Wala na rin ang guard tanging sya na lang ang tao sa punerarya. Kanina pa sya naghihintay na tumila ang ulan pero tila bingi ito sa pakiusap nya. Ang lakas ng kulog at kidlat. Minabuti nya nalang bumalik sa loob ng punerarya at doon maghintay. Mahirap ng mabasa sa ulan. Mabuti nalang at binigyan sya ng guard ng duplicate key. Hindi nya na napigilan ipikit ang mga mata, pagod na pagod na sya at antok sa mga sandaling iyon. Malamig sa labas dahil na rin sa lakas ng hangin, napahalukipkip sya sa lamig. Niyakap nya ang dalang bag at nag simulang umidlip sa maliit na upuan.   Mahinang yugyug ang gumising sa kanya. Dahan dahan nIyang minulat ang mga mata. Madilim ang paligid ng punerarya. Tanging isang ilaw nalang ang bukas at malayo pa iyon sa kanya. Malakas pa rin ang ulan sa labas maging ang hangin. Inaanag nya ang taong gumising sa kanya bumilis ang t***k ng puso nya ng mapagsino ito.   “Sir?” mahina nyang tanong dito. Para siyang basang sisiw sa sulok ng upuan. Hindi naman sya basa pero sa lamig na nararamdaman hindi nya mapigilang mangatog. Niyakap nya ang maliit na bag.    “Bakit hindi ka nakauwi?” tanong nito sa kanya. Bakas nya ang nag aalala nitong boses.    “Nag overtime kasi ako kagabi kaya hindi ako nakasabay kina nanay,” mahina pa ring sagot nya. Nahihiya syang humarap dito. Napabuntong hininga ito.    “ Nanlalamig kana dito. Mabuti nalang at may naisip akong kunin dito sa opisina kaya ako bumalik. Halika doon tayo sa opisina ko, mas makakapagpahinga ka dun.” yaya nito sa kanya.    “Wag na ho Sir ok na ako dito.” tanggi nya dito.    “Ang tigas naman ng ulo mo, nanlalamig kana nga dito ok pa rin ang sagot mo.” Inis nitong turan. Nagulat pa sya ng kinuha nito ang bag nya at inakay sya papuntang opisina nito. First time niyang makapasok sa office nito. May kalakihan iyon at may malaking sofa, makakapagpahinga nga sya ng mabuti dito. Binuksan nito ang ilaw. Hindi lang pala basta sofa iyon kundi sofa bed.   “Pwede kang matulog dito.” sabi pa nito. Kapwa pa sila napatigil ng biglang mamatay ang ilaw. Brown out. Hindi nya ito makita kahit anong aninag nya. Binalot ng dilim ang opisina nito. Nagulat pa sya ng tumikhim ito. Katabi nya na ito sa sofa bed.   “ May bagyo ba?” naiilang nyang tanong.   “Oo, sobrang lakas ng hangin sa labas.”sagot nito. “ Ok ka na ba dito?” tanong nito sa kanya. Naalarma sya na baka iwan sya nito. Brown out pa naman ang masakit mga patay ang kasama nya.   “Iiwan mo ako?” natatakot nya tanong kahit hindi nya nakikita ang mukha nito.   “Gustuhin ko mang ihatid ka malayo naman ang bahay nyo tiyak kung marami ng tumbang puno sa daan. Saka ayoko ko namang isipin mo na masama akong tao lalo pa at isa lang ang higaan.” dagdag pa nito.   “Wag mo akong iwan please! Natatakot ako!” natataranta niyang hiling nya dito.  Nakinig naman ito sa kanya pero hindi ito sumagot naramdaman nya nalang na humiga ito sa kama. Hindi nya alam ang gagawin ng mga oras na iyon. Kung hihiga at tatabi dito o uupo nalang sya hanggang magdamag. Kanina pa sumasakit ang likod nya sa kakaupo.    “Magpahinga kana muna mahaba pa ang gabi.”turan nito sa kanya. Nagulat pa sya ng hilahin nito ang kamay nya. Wala siyang nagawa kundi ang tumabi dito. Hindi nito binitiwan ang kamay nya kahit na nakahiga na sya. Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa, kapwa sila nagpapakiramdaman. Gusto yang hilahin ang kamay dito pero tila gustong gusto nya ang pakiramdam na hawak nito ang kamay nya. Nabibingi na sya sa lakas ng t***k ng puso nya. Lihim sya kinikilig. Sa tingin nya tulog na ito kaya hindi na gumagalaw. Isang oras na rin kasi ang nakalipas. Tumagilid sya paharap dito dahil sa hindi nya maaninag ang mukha nito. Dahan dahan nyang hinaplos ang mukha nito nagulat pa sya ng maramdamang bumukas ang mga mata nito. Napaayos sya ng higa at muling nakiramdam. Ayaw niyang isipin nito na nagtake advantage sya.    “Bakit mo yon ginawa?” tanong nito.    “Ha eh, gusto ko lang kasi malaman kong gising ka pa.” nataranta nyang sagot. Lalo pa yatang lumakas ang kabog ng puso nya. Hindi ito sumagot bagkus umayos ito ng higa at niyakap sya. Nataranta sya sa ginawa nito. Hindi sya makakilos ng mga oras na iyon. Bigla siyang napaunat ng higa.    “I miss you!”bulong nito sa kanya. Gusto nyang gumanti ng yakap dito pero natatakot sya. Miss nya rin ito, sobra. Ramdam nya ang mainit na hininga nito sa leeg nya. Umaapaw ang puso nya sa sobrang saya. Mahigpit ang yakap nito sa kanya dahil nakasubsob ang mukha nito sa leeg nya. Halos hindi na nga sya humihinga sa takot na umayos ito ng higa. Gusto nya ang ginagawa nito pero natatakot sya.   “Kung miss mo ako bakit mo ako iniiwasan?” pabulong niyang tanong dito. Hindi nya alam kung paano nya nabitiwan ang mga katagang yon.   “Pinagtutulukan mo kasi akong lumayo sayo pero habang tumatagal namimiss kita. Pwede naman kitang pabayaan kanina ng makita kitang tulog sa upuan pero hindi kaya ng puso ko. Hindi ko alam kong paano ko ipapaliwanag ang puso ko pero isa lang ang alam ko masaya ako ngayon dahil kasama kita. Masayang masaya.” amin nito sa kanya.   “Aaminin ko ng iwasan mo ako nasaktan din ako at tulad mo namiss rin kita. Hindi ko alam kong tama ba itong ginagawa natin. Natatakot ako.” sagot nya.   “Wala kang dapat ikatakot hanggat masaya tayo. Nandito lang ako sa tabi mo.”turan pa ni Brent. Wala itong inamin na mahal sya nito pero masaya na sya sa nalaman na namiss sya nito. Naramdaman nya nalang ang pagkabig nito sa mukha na paharap dito. Nagtagpo ang mga labi nila. Hindi sya tumutol bagkus hinalikan nya rin ito ng buong puso. Hindi sya nahiyang yumakap dito ng yakapin sya nito. Ang bilis ng pangyayari.    Umaga na ng magising sya. Tiningnan nya ang pambisig na orasan. Alas sais na, wala na sa tabi nya si Brent. Alam nIyang hindi sya nagdedeliryo kagabi dahil nasa sofa bed pa rin sya. Tumayo sya at inayos ang sarili bago niligpit ang higaan. Tiyak niyang umuwi na si Brent, hindi man lang ito nag-abala na gisingin sya at ihatid. Habang inaayos nya ang sarili may bigla nalang yumakap sa kanya mula sa likuran. Napangiti sya ng matamis ng makita si Brent.    “Breakfast is ready.” nakangiti nitong sabi sa kanya. Hindi nya man lang namalayan ang pagpasok nito sa opisina.    “Saan mo yan binili?” tanong nya dito. Hindi pa rin sya nito pinakakawalan mula sa pagkakayakap.    “Diyan lang sa tabi tabi. Ang lamig lamig!” sabi pa nito na niyakap sya ng mahigpit.    “Hindi kaya!” nakangiti nyang sagot.    “Kung hindi bakit ka nakayakap sa akin kagabi?”pilyo nitong tanong. Kinurot nya ito sa tagiliran para silang mga batang naghaharutan sa loob ng opisina nito. Sobrang saya nya ng mga oras na iyon. Nagsusubuan pa sila habang kumakain. Tawa sya ng tawa sa pangungulit nito. Natigil sila sa pagkukulitan ng may kumatok sa opisina. Ang guard nila. Kapwa pa sila napalingon ni Brent. Ayon dito nasa labas daw si Morgan at sinusundo sya. Napalingon sya kay Brent, nagdilim ang mukha nito na kanina lang ay puno ng saya. “Paano ba yan uuwi na muna ako.”turan nya dito. Hindi sya nito pinansin kaya lumapit na sya dito. “Nagseselos ka ba kay Morgan?” tanong nya dito. “Oo, iniisip ko lang na nasa iisang bubong lang kayo parang gusto ko ng magwala.”yamot nitong turan sa kanya. Niyakap nya ang ulo nito. “Maliligo lang ako at magpapalit ng damit. Amoy bangkay na kasi ang damit ko.”sagot nya ditong nilalambing lambing. “Mabango ka pa kaya.” “Immune ka lang sa amoy ng bangkay.” natatawa nyang turan. Halos hindi sya pakawalan nito ng lumabas sya ng opisina, panay ang yakap nito at halik sa kanya. Tiyak niyang naiinip na si Morgan sa labas at umuusok na ang bumbunan nito sa inis. Hinatid sya ni Brent sa labas ng punerarya. Agad siyang nilapitan ni Morgan at nagulat pa sya ng halikan sya nito sa pisngi na hindi naman nito ginagawa. Napatingin sya kay Brent. Umuusok ang ilong nito. Nakatingin lang ito sa kanya. “Hindi rin ba umuwi ang Boss mo kagabi?” tanong agad sa kanya ni Morgan ng makasakay sya sa sasakyan. “Ako lang ang naiwan kagabi sa loob. Hindi ka man lang nag-abalang sunduin ako.” inis niyang sagot dito. “Bakit kung makatingin sayo daig pa ang pag-aari ka nya.”galit nitong turan sa kanya. “Paningin mo lang yon! Saka hindi ko nagustuhan ang paghalik-halik mo kanina.”galit niyang sabi. “Mas may karapatan akong gawin yon, malapit na tayong ikasal tandaan mo sana yan.” Hindi na sya nakipagtalo dito. Masaya sya kaya ayaw nyang masira ang araw nya nang dahil dito pero hindi nya maiwasang isipin ang sinabi nito. Sa susunod na taon na ang kasal nila. Paano nya ngayon tututulan ang itinakda sa buhay nya ngayon pa na nakilala nya na ang taong gusto nyang makasama habang buhay? Walang kasiguraduhan na magiging sila ni Brent. Wala itong ipinangako sa kanya maliban sa masaya ito kapag kasama nya ang masakit pa baka hindi nito matanggap ang pinagmulan nya. Hindi nya masasabing official boyfriend nya ito dahil may nobya ito at sya naman ay ikakasal na. Ang saklap ng lovelife nya, ngayon na nga lang sya nagmahal mahirap pa abutin. Agad siyang bumaba ng sasakyan na makarating sila ng bahay. Hindi nya na hinintay na pagbuksan sya ng pinto ni Morgan. Agad syang umibis sa sasakyan at binuksan ang gate. Walang sabi sabing pumasok sya sa loob na bahay. Nadatnan nya ang mga magulang sa salas, nag aalmusal pa lang nag mga ito. Hindi nya nakita ang mga magulang ni Morgan. Humalik sya sa pisngi ng mga ito bago nagpaalam na papasok sa sariling silid. Inalok sya ng ina para kumain pero tumanggi sya. Nagmamadali syang maligo at magbihis ayaw niyang paghintayin si Brent. Hindi na sya nagpahatid kay Morgan baka masira lang lalo ang araw nya.  Bakas ang saya sa mukha nya habang papunta sya ng trabaho. “Ganda natin ngayon ah!” puna sa kanya ni Manong guard, nginitian nya lang ito at tuloy tuloy sa loob ng punerarya. Napasilip sya sa opisina ni Brent, nakahiga ito sa sofa. Pinihit nya ng dahan dahan ang pinto para hindi ito magising. Napangiti sya ng mapagmasdan ito. Dahan dahan nyang nilapit ang mga labi sa labi nitong natural na mapula. Ang gwapo talaga nito, maihahambing nya ito kay Piolo Pascual. “Bakit ngayon ka lang?” tanong nito ng magising. Agad nitong hinawakan ang kamay nya at hinalikan. “Naligo lang at nagbihis. Matagal na ba yon?” sagot nya ditong nakangiti. “Matagal ka kayang nawala. Kasama mo lang si Morgan nakalimutan mo na ako.” sagot nitong may halong selos. “Kahit kasama ko sya ikaw pa rin ang nasa isip ko.” nginitian nya ito. “Hinatid ka ba nya?”tanong pa nito. “Nagcommute lang ako, ayokong masira ang araw ko.”maikling tugon nya. Nagbalik na naman tuloy ang pag-aalala nya. Niyakap sya nito ng mahgpit. “I miss you!”bulong nito sa kanya. Gumanti din sya ng yakap dito. “Kailangan ko ng bumalik sa trabaho.” turan nya dito. “Hindi mo na kailangan magtrabaho don. Alam kong ayaw mo sa trabahong yon kaya naghanap na ako ng papalit sayo.” Napamaang sya sa sinabi nito. “Tinanggalan mo ako ng trabaho?” gulat nyang tanong. “Nilipat lang kita. Simula ngayon secretary na kita at dito na sa loob ng opisina ko ang opisina mo. Ayokong nahihirapan ka.” turan pa nito na nakangiti. Hindi nya alam kong matutuwa sya o malulungkot dahil tiyak na lagot sya sa mga magulang, kaya nga sya pinasok sa punerarya para may mapagkunan ng pagkain ang mga ito. “Bakit parang hindi ka naman natutuwa na kasama mo na ako parati?” nag-aalalang tanong nito sa kanya. “Ha eh masaya naman ako pero hindi mo naman kailangan gawin yon. Ano nalang ang sasabihin ng ibang tao? Saka ok naman na ako sa trabaho ko.”sagot nya ditong pilit ang ngiti. “Hindi mo kailangan isipin ang ibang tao dahil wala tayong ginagawang masama at wala tayong inaapakang tao.” turan pa nito. “Wala nga ba?” sa loob loob nya. Niyakap nalang nya ito ng mahigpit para hindi na ito magduda na may iniisip sya. Napakalambing ni Brent. Sa ilang araw na kasama nya ito parati syang masaya para itong bata dahil ang kulit kulit nito. Kahit na may kausap sya sa telepono panay ang yakap nito sa kanya hindi tuloy sya nakakapagconcentrate sa trabaho dahil sa presensya nito. “Ano ka ba Brent hindi ko na maintindihan ang kausap ko.”saway nya dito. “Ang tagal mo kasi sa telepono parang nakikipagtsikahan lang sayo ang kliyente natin.” pangangatwiran nito. “Kapag hindi ko sinagot ang tawag mawawalan ka ng costumer.” sagot nya pa. “Sawa na ako dito sa punerarya. Gusto ko na ngang isara ito at magtayo ng panibagong negosyo. Nakakalungkot kasi. Kapag may namamatay, lalo na kapag nakikita ko ang pamilya ng namatay at panay nag iyak. Hindi ko alam kng paano ko sila dadamayan. Ang lungkot ng buhay dito.”malungkot nitong pahayag sa kanya. Ganun din naman ang nararamdaman nya kapag may mga kamag-anak na pumupunta sa opisina hindi nya maiwasang malungkot minsan pa nga naiiyak sya dahil naaawa sya sa mga naulila ng namatay pero ang pinoproblema nya ngayon ay baka lalong magalit sa kanya ang pamilya, tiyak na paaalisin sya ng mga magulang sa trabaho. Mapapalayo rin sya kay Brent kapag nagkataon. “Kung yan ang desisyon mo susuportahan kita.” nakangiti nyang sagot. Ayaw nya kasing maisip nito na may iniisip sya. “Alam mo bang napakasaya ko nitong huling mga araw.” turan sa kanya ni Brent. Kinuha nito ang mga kamay nya. Dinala ang mga iyon sa labi nito. “Akala ko hindi ko na mararanasan ang ganitong saya. Simula ng mamatay si Mama hindi na ako muling sumaya ng ganito.”dagdag pa nito. Nararamdaman nya ang sobrang kalungkutan nito at pangulila sa ina. Hinaplos nya ang pisngi nito. “Ano ba ang kinamatay ng Mama mo?”tanong nya dito. “Nagpakamatay sya dahil niloko sya ni Papa.”amin nito sa kanya.  Naramdaman nya ang kalungkutan nito. “Mahal na mahal ni Mama si Papa kaya hindi nya nakaya ng mahuli nya si Papa sa bahay na may kasamang ibang babae.” “Im sorry!”tanging nasabi nya. Niyakap nya ito ng mahigpit. “Wag mo akong iwan Ella.”bulong nito sa kanya. Tumango lamang sya bilang sagot . Darating ang araw mawawala din sya sa lalaki. Napaiyak sya hindi lamang sa habag sa lalaki kundi maging sa buhay niyang tatahakin kapag naging ganap na rin sya aswang/balbal. Hindi nya alam kung paano haharapin ang kapalaran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD