Malakas na naman ang ulan, tiyak na maeestranded na naman sya sa punerarya. Kapag ganito ang panahon hindi na sya napupuntahan ng pamilya. Nahiling nya nga minsan na sana lagi nalang umuulan para hindi na sya sunduin ng mga magulang at para na rin hindi na sya magkasala dahil sa ginagawa ng pamilya.
“Wag kang mag-alala ihahatid kita.” puna sa kanya ni Brent panay kasi ang tingin nya sa labas ng bintana.
“Diba sira ang sasakyan mo?” tanong nya dito. Umupo ito sa harap ng mesa nya.
“May motor naman ah.”nakangisi nitong turan.
“Mababasa tayo.”angal nya.
“Alam ko na. Gusto mo lang yata akong katabi matulog eh.”asar nito sa kanya. Namula ang buong mukha nya dahil sa sinabi nito.
“Hindi kaya! Sige payag na akong ihatid mo.” sagot nya dito pero ang totoo nag-aalala sya baka makita ito ng pamilya nya. Tiyak na magwawala si Morgan. Iba na naman ang iisipin nito sa kanila. Malalagay din sa panganib ang buhay ni Brent.
“Pero wag ka ng pumasok sa bahay ha baka magalit sina nanay.” Hindi ito sumagot niyakap lang sya nito ng mahigpit.
Kaya naman pala malakas ang loob nitong magyaya dahil may dala itong rain coat at may dala din itong extra helmet.
“Like the color?”tanong ni Brent sa kanya.
“Para sa akin ba ito?” Tanong nya. Kulay yellow ang rain coat maging ang suot na helmet.
“Diba favorite color mo yan kaya binili ko yan para sayo.”turan pa nito.
Napangiti sya sa sinabi nito. Agad siyang yumakap sa likod ng makasampa sya ng motor nito.
“Thank you dahil natatandaan mo pa.”kinikilig niyang bulong dito.
“Lahat ng tungkol sayo nakatatak na sa puso ko. Mahirap kalimutan ang taong nagbigay sayo ng labis na kasiyahan.”turan pa nito.
“Corny!”sabay kurot nya sa tagiliran nito.
“Walang corny sa nagmamahal!”nakangiti pa nitong sagot. Madilim na sa labas medyo malakas pa rin ang ulan kaya mabagal lang ang takbo nila. Hindi nya mapigilang yumakap sa lalaki. Ang lamig kasi ng hangin.
“I like that!”bulong nito.
“Nilalamig lang ako kaya ako yumayakap!” nakangiti nIyang sagot. Nagulat sya ng bigla nitong inihinto ang motor pinababa sya nito sa malaking puno. Nagtataka sya sa ikinikilos ng lalaki.
“Bakit?”naguguluhan niyang tanong. Itinago nito ang motor sa talahiban at nagkubli sila sa malaking puno. Labis ang kaba nya ng mga oras na iyon.
“Sssh!”Sagot nito sa kanya tinakpan pa nito bibig nya para hindi makalikha ng anumang ingay.
“Tingnan mo!”bulong nito sa kanya. Napatingin sya sa tinuturo nito. Pilit nitong ikinukubli ang katawan sa malaking puno. Napasinghap sya sa nakita para siyang hihimatayin sa nasaksihan. Nanginig ang katawan nya.
“ Are you okay?” tanong nito. Niyakap sya nito ng maramdaman ang panginginig ng buong katawan nya. Pinipigil niyang wag lumikha ng ingay dahil tiyak na mapapahamak si Brent. Dalawang halimaw ang nakita nila at tiyak nya na ang mga magulang ang mga iyon. Hindi sya maaaring magkamali. Kahit malayo sa kinaroroonan nya ang mga ito alam nya kung sino ang mga ito pero nagtaka lang sya dahil wala si Morgan. May kinakain na bangkay ang mga magulang. Busy ang mga ito sa bangkay kaya hindi napansin ang paparating na sasakyan. Kaya pala huminto si Brent dahil sa narinig na ungol. Natatakot sya na baka malaman ni Brent ang tinatago ng pamilya nya.
“Ihahatid na kita sa inyo baka mapahamak ka pa.”turan sa kanya ng lalaki. Napatingin sya sa mukha nito. Wala na pala ang mga magulang. Ilang minuto din silang naghintay na umalis ang mga ito. Hindi nya mapigilang umiyak. Takot na takot sya.
“Wag mo na akong ihatid. Natatakot ako sa pag-uwi mo baka mamaya makasalubong mo sila.” sagot nya.
“Pero malayo pa ang bahay nyo.”giit nito.
“Sasama ako sayo pabalik.”sagot nya pa. Nakikita nya na kasi ang mangyayari kapag tumuloy pa ito sa kanila. Tiyak na papatayin ito ng mga magulang nya at maging ni Morgan.
Walang namagitang pag-uusap sa kanilang dalawa habang pabalik ng opisina. Kung kanina ang bagal ng patakbo nila ngayon naman tila nakikipaghabulan sila kay kamatayan. Kapwa pa nanlaki ang mga mata nila ng may humarang sa kalsada. Si Morgan iyon. Nasa anyong balbal ito. Kitang kita nila ang mabalasik nitong anyo, matutulis na pangi at kuko. Nataranta sya sa mga nangyayari, humigpit pa lalo ang yakap nya sa lalaki.
“Banggain mo!” nataranta niyang utos.
“Mapapahamak tayo.” sagot din sa kanya ni Brent. Medyo panic na ang boses nito.
“Bumalik kaya tayo sa inyo?”suhestiyon nito.
“Hindi maaari.” agad niyang sagot.
“Bakit?” nagtataka nitong tanong.
“Ba-baka makasalubong natin ang dalawang nakita natin kanina.” nagkakandautal niyang sagot. “Kaya natin ito, basta bilisan mo lang ang pagpatakbo.”dagdag nya pa. Walang sagot sagot na binilisan nito ang patakbo ng motor habang papalapit sila kay Morgan. Mas lalong nakakapangilabot ang mukha nito. Pulang pula ang mata at nagtaasan mabalahibong katawan. Alam nyang galit na galit ito.
“Bilisan mo!!!” utos nya kay Brent.
Nalagpasan nila si Morgan pero hinabol sila nito mabuti nalang at nakarating agad sila sa highway may mangilan ngilang sasakyan ang dumaraan kaya hindi na ito humabol pa. Dead end ito dahil mapapansin ito ng mga tao.
“Okay ka lang?’ tanong sa kanya ni Brent ng makapasok sila sa opisina nito. Tinanggal nya ang kaputeng suot.
“Basang basa ako!”sagot nya. Sa nerbiyos nya kasi kanina natanggal nya ang helmet. Nilapitan sya nito at hinawakan ang basang damit.
“Bwisit na aswang yon. Muntikan na tayo dun ah.”galit nitong turan. “Hindi ba delikado ang tirahan nyo sa mga aswang?” dagdag pa nito na nag aalala ang boses.
“Kaya nga hindi na ako sinusundo ni Tatay kapag lumagpas ng alas sais dahil kalat sa barangay namin na may aswang daw na gumagala kapag gabi.”sagot nya dito na abala pa rin sa pag pagpag ng damit.
“Nakakatakot ang hitsura nila pero ang pinagtataka ko bakit bangkay ang kinakain nila. Napansin mo ba kanina nakabarong ang kinakain nila at mukhang kakalibing lang?”
“Napansin ko nga.”
“Patuyuin mo kaya muna ang mga damit mo. Isampay mo muna sa cr, pati yang pants mo basa na rin.”suhestiyon nito na ikinalaki ng mata nya.
“Magpapanty lang ako at magbabra?”gulat nyang tanong. Napangiti ito sa reaksyon nya.
“Gusto mo bang magkasakit? Saka hindi naman kita gagahasain.” sagot pa nito na nakabungisngis. Nagulat pa sya ng mag-alis ito ng tshit pero ang ikinagulat nya ng isunod nito ang pants.
“Brent!” sigaw nya sa lalaki. Tinakpan nya agad ang mga mata.
Tatawa tawa itong pumasok ng cr at ng lumabas nakabrief pa rin. Humarap ito sa kanya.
“Brent ano kaba?” sigaw nya pa.
“May towel sa cr pwede mong ibalot ang katawan mo sa towel kapag naalis mo na ang shirt mo at pants.” turan pa nito. Hindi nya alam ang gagawin ng mga oras na iyon. Nanginginig na sya sa lamig. Napatingin sya sa lalaki napadako ang mata nya sa hinaharap nito. Namula ang mukha nya sa nakita. Agad siyang tumalikod sa lalaki. Inayos nito ang sofa bed at humilata.
“Magpalit kana sweetheart. Basa na ang sahig.” tawag nito sa kanya sabay turo sa sahig.
Tsk!”ingos nya dito sabay pasok ng cr. Naghilamos mula sya ng mukha,pakiramdam nya kasi ang pula ng pisngi nya. Kahit nahihiya sya tinanggal nya rin tshirt at pants habang sinasampay nya ang mga iyon biglang may yumakap sa likuran nya. Napayakap sya sa sarili.
“ Brent!”
“Ang lamig kasi sweetheart saka ang tagal mo.” angal nito.
“Ang sabihin mo takot ka lang sa aswang.” sagot nya ditong nahihiya.
“Hindi no? Kung hindi lang sya aswang lalabanan ko talaga sya kahit mano mano pa. Syempre iniisip ko na baka masaktan ka.”pagmamayabang nito.
“Eh bakit namumutla ka kanina?” dagdag nya pa. Nakaharap sya sa salamin kaya naman nakikita nya ang reaksyon nito. Nakatitig ito sa katawan nya na yakap pa rin ng mga braso nya. Naiilang sya sa sitwasyon nila. Isipin nya palang na nakabrief lang ito para na siyang hihimatayin sa kilig. Sino ba naman ang hindi matutukso sa mala adonis nitong katawan. Pilit niyang inaabot ang towel na nakasampay pero inagaw nito.
“I like your body sweetheart. Ang sexy mo.” bulong nito sa tenga nya.
“Brent naman eh!” nahihiya nIyang sagot. Napasigaw sya ng bigla sya nitong binuhat at nilabas ng cr.
“Ibaba mo ako!” sigaw nya pa. Hindi nya alam kong paano tatakpan ang sariling katawan.
“Masyado ka namang takot sa akin.”turan nito ng ibaba sya sa kama. Nayakap nya uli ang sarili ng bitawan sya nito.
“May aswang pa pala sa panahon ngayon? Akala ko kwentong barbero lang ang mga yan. Panakot sa mga bata pero totoo pala dahil kitang kita ng dalawang mga mata ko. Akala ko nga mamamatay na tayo kanina.” sabi pa nito. Diretso ang higa nito. Nakatingin sa kisame samantalang yakap nya ang sarili.
“Hindi nawawala ang mga aswang. Malay mo nagbabalat kayo lang pala sila.” sagot nya.
“What do you mean?” tanong nito sa kanya. Tumagilid ito paharap sa kanya. Muli na naman siyang nakadama ng hiya. Tinakpan nya ng mga kamay ang dibdib pero tinanggal nito.Niyakap sya nito. Huminga mula sya ng malalim bago sumagot. Nakakawala ng katinuan ang presensya nito.
“Maraming uri ang aswang may tiktik, manananggal, balbal at iba pa. Tao rin ang mga yan.” kwento nya dito.
“Mukhang ang dami mong alam ah.” baling nito sa kanya. Napatigil sya sa pagsasalita baka mamaya pagdudahan sya nito.
“Galing lang yan sa mga research ko.” pagsisinungaling nya.
“Eh yong nakita natin kanina anong klaseng aswang yon?” tanong nito. Umupo ito at humarap sa kanya.
“Balbal ang mga iyon dahil bangkay ang tanging pagkain nila. Tila pabango sa kanila ang mga bangkay.” paliwanag nya pa dito.
“Bilib na talaga ako sayo. Ang dami mo talagang alam.”turan pa nito. “ Kalimutan na muna natin ang mga yan. Nagagalit lang ako lalo.”dagdag pa nito
Hindi sya kumibo pero binabalot ng takot ang buong pagkatao nya at tiyak niyang nakapagsumbong na si Morgan sa mga magulang. Napapitlag sya ng kabigin sya ni Brent paharap.
“Ang layo naman ng iniisip mo. Baka mamaya niyan aswang na rin ang tingin mo sakin.” asar nito sa kanya. Hinawakan nya ang kamay ng lalaki. Dinala ang mga yon sa bewang nakahawak kasi ang kamay nito sa dibdib nya.
“Ang likot ng kamay na to.” Natatawa nyang turan sa kamay nito. Nabigla sya ng sinakop nito ang mga labi nya. Hindi sya nakakilos. Niyakap nya ang mga braso sa leeg nito. Nadama nya ang init ng katawan nito ng bahagyang magdikit ang mga balat nito. Hindi nya maiwasang damhin ang abs nito na ilang linggo nya na ring pinapagpantasyahan. Napasinghap sya ng naramdaman ang kamay nito sa dibdib nya. Hindi na sya tumutol bagkus dinama nya ang init ng katawan ni Brent. Walang klaro ang relasyon nila pero alam niyang mahal na mahal nya ito. Ipaglalaban nya si Brent kung kinakailangan. Kahit nga kasama nya ito namimiss nya pa rin ang lalaki ganoon talaga siguro kapag nagmahal ka. Wala naman sigurong perfect na relasyon ang mahalaga magkasama kayong humaharap sa isang pagsubok. Ang kaibahan nga lang sa sitwasyon nila baka sya lang ang nagmamahal dahil hanggang ngayon wala pa rin itong sinasabi tungkol sa pagmamahal. Oo at nararamdaman nya sa kilos nito at salita na mahal sya nito pero importante pa rin sa kanya na sabihin nito kung mahal sya o hindi para alam nya kung saan ilulugar ang sarili. Handa siyang maghintay para sa pagmamahal ni Brent.
“I thought hindi kana-”
“Virgin?” agaw nya sa sinabi nito.
“Kasi magkasama kayo ni Morgan sa iisang bahay.” turan pa nito. Hinalikan sya nito sa noo.
“Hindi porket magkasama kami pwede ko ng ibigay sa kanya ang katawan ko. Hindi ko sya mahal.”sagot nya. Hindi nya maiwasang masaktan dahil sa sinabi nito.
“So mahal mo ako?” tanong nito sa kanya na nakangiti. Mukhang sya pa ang mauunang umanim. Umismid sya. Iniwas nya ang mga mata dito.
“Hindi ko ibibigay ang sarili ko kung hindi kita mahal at lalong hindi ako papayag na halikan mo ako kung hindi kita mahal.” sabay ingos nya dito. Kinabig nito ang mukha nya paharap dito pero nagmatigas sya.
“I know what i want at ikaw iyon. When i first saw you, you took my heart and when we kissed i floated away in my dreams. I love you because you are my life.”sagot nito sa kanya. Hindi nya maiwasang maiyak sa pag amin nito kahit na nagtatampo sya.
“Thank you for loving me Brent. Akala ko pampalipas oras mo lang ako.”
“No sweetheart. Ako ang dapat na magpasalamat sayo dahil dumating ka sa buhay ko. Your love has changed me so very much at lalong hindi ka pampalipas dahil gusto ko palagi ka lang sa tabi ko.” madamdamin nitong amin.
Dahil sa mga pag-amin nito hinalikan nya ito sa labi. Ngayon nya masasabi na official na sila. Nobyo nya na si Brent ang problema nya nalang ngayon ay ang pamilya nya. Hindi dapat matuloy ang kasal nila ni Morgan ngayon pang mahal din pala sya ni Brent. Matagal niyang hinintay na dumating ito sa buhay nya at ngayong natagpuan nya na ito hindi nya na ito pakakawalan pa.
“Sweetheart?” pukaw sa kanya ni Brent. Nakayakap pa rin sya dito. Kapwa sila walang saplot.
“Bakit?”mahina nyang tanong.
“Kasama ba ako sa mga iniisip mo?”tanong nito sa kanya. Tiningala nya ito at ngumiti.
“Hindi mo na kailangan pang itanong dahil ikaw lang ang palaging laman ng pusot isip ko.”sagot nya.
“Paano pala si Morgan?” tanong nito. Nawala tuloy ang ngiti nya sa labi.
“Hahanap ako ng tiyempo para sabihin na may relasyon na tayo.” mahina niyang sagot. Alam nya sa sarili nya na hindi nya maaamin ang totoo sa pamilya nya dahil alam niyang hindi papayag ang mga ito. Masisira ang mga plano ng mga ito na magparami ng lahi at lalong lalo na hindi papayag si Morgan.
“Ipaglalaban ko ang pagmamahalan natin.” turan pa nito.
“Huwag mo akong iiwan ha kahit ano pa ang mangyari?” tanong nya pa. Gusto niyang malaman kung talagang seryoso ito sa kanya.
“Hindi mangyayari yon dahil ikaw lang ang buhay ko at sayo lang umiikot ang mundo ko.” nakangiti nitong sagot. Dinampian sya nito ng mainit na halik sa mga labi. Sa kabila ng mga nangyari sa araw na iyon hindi nya maiwasang maging masaya iyon ay dahil kay Brent. Binago nito ang pananaw nya sa buhay at tinuruan sya nito kung paano maging masaya at tanggapin ang buhay.