Halos kaladkarin sya ni Morgan pumasok lang sya sa loob ng punerarya. Nasa labas lang sya pero atubili siyang pumasok. Napatingin sya sa lalaki. Namumula ang mga mata nito panay ang singhot at alam nya kung bakit. Dahil maraming patay sa loob. Sigurado siyang nagdidiwang ang mga ito ngayon dahil sa pagpasok nya sa punerarya. Magkakaroon ng contact ang mga ito sa loob, at sya ang gagamitin para maglabas ng bangkay. Nanginginig ang katawan nya sa labis na takot.
“May problema ba Miss?” tanong sa kanila ng lalaki. Huminto ang sasakyan nito sa harap nila at humarap sa kanya napatingin din sya dito.
“Wala pare. Natatakot kasi itong nobya kong pumasok sa loob. First time kasi.” sagot ni Morgan sabay turo sa punerarya.
“Ah, ako pala ang anak ng may-ari nito. Dito ka ba magtratrabaho?” tanong nito sa kanya. Ang gwapo nito at ang linis linis ng suot. Napatitig sya ng husto sa maamo nitong mukha at mapupulang labi na tila nag aanyayang halikan nya.
“Op-o.” natataranta niyang sagot..
“Sige maiwan na kita, babalikan nalang kita mamayang gabi.” paalam sa kanya ni Morgan. Alas otso kasi ang labas nya punerarya.
Hindi nya sinagot si Morgan ng magpaalam ito. Naiinis sya dito sa pagtawag nitong nobya sa kanya. Kung tutuusin kaya nya namang umuwing mag-isa kahit na malayo ang bayan sa kanila pero alam nyang hindi papayag ang mga ito dahil tiyak na susunduin sya dahil sa mga pakay na bangkay.
“Paano sabay na tayo sa loob?” pukaw sa kanya ng lalaki. Bahagya pa siyang nagulat sa bigla nitong pagsalita. Nang hindi pa sya kumikilos, inalalayan sya nito. Hinawakan sya nito sa siko kaya sya napapitlag.
“Im sorry kung nabigla ka.”sabi nito sa kanya sabay alis ng kamay sa siko nya.
“Wala po yon sir.” nahihiya niyang sagot.
“Alam kong natatakot ka dahil mga patay ang mga kasama mo dito pero hu’wag kang mag-alala dahil nandito naman ako saka patay na sila wala na silang kakayahan para manakot at makasakit.” sabi pa nito sa kanya. Kay sarap pakinggan ng boses nito lalo na kapag pabulong ang pagsasalita nito. Lihim syang kinilig sa boses nito, his masculine voice na nagpapawindang sa tulog niyan puso.
“Iyon nga ang pinag-aalala ko wala na silang buhay pero binibiktima pa rin ng mga kamag-anak ko, patay na sila mas lalong pinapatay pa.” bulong nya.
“May sinasabi ka?”
“Ha? Wala po sir.” nataranta nyang sagot.
“Akala ko kasi may sinasabi ka.”
Mukhang hindi na sya maiilang sa pinasukang trabaho dahil sa lalaki. Tingin nya ito ang magiging inspirasyon nya para ganahan sya sa pinasukang trabaho.
Hind nya maiwasang matakot ng magsimula na siyang magbihis ng patay. Tinuturuan naman sya kung ano ang tamang pagbibihis. Naisip nya tuloy ang mga magulang at ibang kamag-anak. Tiyak kasi na maglalaway ang mga ito kapag makita ang ginagawa nya. Baka hindi na makatiis at kainin agad ang mga bangkay.
“Ano kaya ang magiging kapalaran ko? Magiging tulad kaya ako ng mga magulang kong hayok sa bangkay ng tao?” tanong nya sa sarili habang abala sa pagbibihis ng patay. Muntikan nya pang mahulog ang bangkay ng may nagsalita mula sa likuran nya. Napahawak tuloy sya sa dibdib sa takot akala nya kasi isa na sa mga bangkay ang nagsalita.
“Mapapatay yata kita sa gulat. Bakit ba ang lalim parati ng iniisip mo? Iniisip mo ba ang nobyo mo?” pag uusisa sa kanya ng boss. Nakasandal ito sa pader para itong modelo.
“Sino ba naman ang hindi matatakot sir eh puro patay ang kasama ko sa silid na to saka po hindi ko nobyo si Morgan. Iniisip lang nila yon.” mahinang sagot nya na hindi nag abalang tingnan. Nakatutok lamang ang mata nya sa ginagawa. Ayaw niyang isipin nito na tatamad tamad sya sa trabaho baka mamaya tinitingnan lang pala nito ang performance nya kaya pinagmamasdan ang bakit kilos nya.
“Sinong sila?”
“Mga magulang ko at tiyahin ko na nanay ni Morgan.” sagot nya pa rin..
“Kung tiyahin mo ang nanay nya dapat mag pinsan kayo diba? Bakit nila iniisip na kayo?” tanong pa nito. Alam nyang nagtataka ang mukha nito kahit hindi nya ito nakikita. Gustong gusto nya itong tingnan pero pinipigil nya ang sarili.
Napabuntonghininga sya sa mga tanong nito. Ang daldal nito masyado.
“Kasi ho ampon lang naman ako. Ayaw nilang mapunta ako sa ibang lalaki kaya ito ako ngayon. Dapat si Morgan daw ang magiging asawa ko balang araw.” sagot nya dito. Kahit na kukulitan sya dito hindi nya naman matanggihang sumagot. Siguro dahil sabik siyang may kausap. Sino ba naman ang tatangging makipag usap sa mala adonis nyang boss sabagay pansinin naman talaga ang beauty queen niyang ganda. Matangkad sya at matangos ang ilong, manipis din ang mga labi niyang may natural na pula.
“Ang saklap naman ng buhay mo. Bakit ka naman pumayag?.”turan pa nito sabay buntong hininga.
“Sinabi mo pa. Saka hindi naman ako pumapayag wala lang talaga akong magawa.” sagot niyang nawawalan ng pag asa.
“Magtanan kaya tayo?” sabi nito na ikinagulat nya. Napalingon sya dito pero kampante lang ito na tila seryoso sa sinabi. Lumaban pa ito ng titigan sa kanya kaya sya na mismo ang nagbawi ng tingin. Ang lakas ng tahip ng puso nya. Para siyang hinihingal na hindi nya maintindihan.
“Baka gusto mong bumangon itong mga patay.” pagsakay nya sa biro nito. Alam niyang hindi ito seryoso sa sinasabi nito sa kanya kanina. Yayayain sya nitong magtanan samantalang wala pang tatlong oras silang magkakilala. Pansin nya agad sa lalaki ang pagiging plaboy nito. Sanay na sanay mambola dahil walang kahirap hirap nitong binitiwan ang mga salitang nagpapawindang sa mga katulad nya na walang lovelife.
“By the way ako nga pala si Brent. Ikaw?” sabay lahad nito ng kamay.
“Ella Lozada. Hindi ko matataggap yang kamay mo dahil galing sa patay ang gwantes ko.” pagtanggi nya.
Napakamot ito sa ulo, maya maya ay ngumiti na tila batang may naisip na kalokohan. Natutuwa sya dito dahil pati mata nito nakangiti kapag tumatawa.
“Pwede mo namang tanggalin yang gwantes mo.” pangungulit pa nito kaya natawa nalang sya.
“Ang ingay nyo sir mamaya magising itong patay at lumipat sa kabilang punerarya dahil naiinip.” pagbibiro nya pa.
“Sige bilisan mo na diyan at nilalamig na yan.”biro din nito sabay hagalpak ng tawa. Ang saya nitong kasama, kahit papano nakakalimutan nya ang problema sa pamilya. Hindi ito nauubusan ng sasabihin.
Panay ang sulyap nya sa pambisig na orasan. Alas sais na ng gabi. Nasa labas na ng punerarya ang mga magulang nya at si Morgan. Inaabangan na sya ng mga ito. Hindi sya mapakali dahil nasa opisina pa si Brent. Hindi pa ito umuuwi. Kung papapasukin nya naman ang ina sa loob baka mahuli ito ni Brent dahil kanina pa ito pabalik balik sa morgue para tingnan ang ginagawa nya at para na rin makipagkwentuhan.
“Nasa labas na pala ang mga magulang mo at si Morgan parang inip na inip na nga.” sabi sa kanya ni Brent.
“Hayaan mo na sila sir. Tatapusin ko muna itong dalawang bangkay para mailagay na sa kabaong at ng makuha na ng mga kamag anak nila bukas.” tanging sagot nya. Umiwas sIyang tumingin dito.
“Sir nasa labas na po ang nobya nyo, hinihintay na po kayo.” tawag kay Brent ng guard. Napalingon sya sa lalaki, bahagyang nagsalubong ang mga mata nila. Ito ang unang umiwas ng tingin kaya yumuko sya at pinagpatuloy ang ginagawa.
“Ikaw na ang bahala dito pagkatapos mo diyan umuwi ka na rin at magpahinga.”sabi pa nito bago lumabas. Bahagyang kumirot ang bahagi ng puso nya.
May gusto na ba sya sa amo kahit na buong maghapon palang silang magkasama? Tanong nya pa sa sarili dahil sa nararamdamang lungkot. Siguro nanghihinayang lang sya dahil sa nalaman na may nobya na ito. Halata naman kasing binobola lang sya nito kanina pero bakit iba ito kung makatitig sa kanya na tila may gustong sabihin o baka naman sya lang ang nagkakamali at binibigyan ng kahulugan ang bawat kilos at titig nito.
Posible bang magkagusto ito sa kanya sa unang pagkikita palang nila? Tanong nya pa ulit sa sarili. Napatigil sya sa pag iisip ng may narinig na ingay. Siya lamang sa silid na iyon dahil ang guard ay nasa entrance lang nakapwesto. Singhot ang naririnig nya at alam nya kung sino iyon.
“Nay, anong ginagawa nyo dito?”takot niyang tanong dito pero hindi sya nito pinansin dahil sa bangkay ito nakatingin. Panay pa rin ang singhot nito na tila isa iyong pagkain. Nasa anyong tao ito.
“Nay ano ba? Baka may makakita sa inyo!” nag-aalala niyang saway. Panay din ang lingon nya sa pinto baka may biglang pumasok. Sumilip pa ito sa kabaong at pilit na binubuksan. Napasigaw pa sya ng biglang niyang nakita sa bintana si Morgan at ang Ama. Anyong halimaw na ang mga ito.
“Hu’wag kang mag alala dahil nakaalis na ang boss mo at sya rin ang nagpapasok sa akin para daw may kasama ka.” sagot ng ina nya. Tuwang tuwa ang mga ito sa mga nakikita sa loob. Hindi nya alam kung ano ang mararamdamn ng mga oras na iyon sa labis na takot at kaba na baka may makakita sa kanila.
“Tay, Morgan bumaba kayo diyan baka may makakita pa sa inyo.” nag-aalala niyang pakiusap sa mga ito pero hindi man lang sya pinansin.
Agad na nagtalunan sa loob ang mga ito.
“Alin ang bago dito?” tanong ng kanyang ama. Panay ang bukas ng mga ito sa mga bangkay na nakatakip ng puting kumot. Akala mo kung ano ang tinutukoy ng mga ito na bago. Bangkay pala. Nasa isang tabi lang sya at pinagmamasdan ang ginagawa ng mga ito.
Agad na kinain ng mga ito ang bangkay sa loob ng kabaong. Tila gutom na gutom. Nang matapos kumain agad na inayos ang kabaong at pinalitan ng katawan ng saging. Tinitigan nya iyon, kahit sino malilinlang dahil ang bangkay na kinain ng ama ay nasa loob pa rin ng kabaong pero ang totoo katawan nalang iyon ng saging. Napalingon sya kay Morgan. Nakakatakot ang mukha nito, mabalahibo at may mahabang pangil. Malayong malayo ito sa Morgan na may maamong mukha.
Sama sama na silang umuwi ng bahay, bakas sa mga mata ng kasama nya ang labis na kasiyahan. Tingin nya isa rin sya sa mga ito dahil pinahihintulutan nya ang mga maling ginagawa. Tahimik lang sya sa sasakyan.
“Hindi ka pa ba nasasanay?” tanong sa kanya ni Morgan. Nasa anyong tao na ito. Hindi lihim dito ang pagkadisgusto nya sa pamilyang umampon.
“Kailanman hindi ako masasanay dahil hindi nyo ako kauri!” inis nyang sagot. Pabulong lamang iyon baka pagalitan sya ng mga magulang. Nasa likuran ang mga ito at sila ni Morgan sa unahan, ito kasi ang nagmamaneho.
“Darating ang araw na magiging katulad ka rin namin. Sigurado akong kakainin mo rin yang sinasabi mo. Kapag naisagawa na ang ritwal magiging asawa na kita at hindi lang yon, magiging isang aswang ka na rin na hayok sa mga patay.” nakangisi nitong sabi sa kanya. Kahit palagi nyang naririnig ang magiging kapalaran nya hindi nya pa rin maiwasang matakot lalo pa at hindi ligid sa kanya na may gusto din sa kanya si Morgan, ito mismo ang nagsabi sa mga magulang nya na sya ang gusto nitong maging asawa.
Maaga palang ay nasa trabaho na sya, naiinis sya sa mga tao sa bahay pero bago pa sya umalis agad na nagbilin sa kanya ang ama na susunduin sya.
“Ang lalim na naman ng iniisip mo.”puna sa kanya ni Brent. Ang gwapo nito sa suot na Giordano shirt’s, nakashort lang ito. Muling tumibok ay puso nya ng marinig ang boses nito pero agad nya rin inisip na may nobya na ito.
“Good morning sir!” mahina niyang sagot dito. May thirty minutes pa sya para mag umpisa sa trabaho kaya kumain muna sya sa malapit na canteen hindi na kasi sya nag almusal sa bahay. Hindi nya alam kung aalukin ito dahil imposibleng kumakain ito sa maliit na canteen, nagulat pa sya ng umupo ito sa tabi nya.
“Nakita kita kaya tumuloy na ako dito.” sabi nito sa kanya. “Ano pala ang gusto mong kainin?” dagdag pa nito.
“Ha, eh tapos na ako saka malapit ng mag-alas otso.”tanggi nya dito. Naiilang sya sa mga titig nito. Nagwewelga ang puso nya kapag kaharap ito.
“Kasama mo naman ang boss mo kaya wala kang dapat ipag-alala.”nakangiti nitong sagot sa kanya.
“Yan nga ang iniiwasan ko, ayaw ko na may masabi sa akin ang mga tao. Hindi porket boss kita sinasamantala ko na ang kabaitan mo.” tutol nya pa rin.
“Magagalit ba si Morgan sa akin kapag niyaya kitang kumain?” tanong nito sa kanya. Napatitig tuloy sya sa maamo nitong mukha.
“Paano naman pong napasok si Morgan sa usapan?”
“Kung iwasan mo kasi ako para akong may sakit.” mahina nitong sagot sa kanya. Batid nyang nagtatampo ito.
“Hindi naman sa ganun Sir. Ang panget lang po kasing tingnan na kasama ko kayo sa pagkain at baka po may magalit sayo. Umiiwas lang po ako.” balik nya sa tanong nito.
“So nagseselos ka?”
Nanlaki ang mata nya sa sinabi nito. Hindi nya alam kung ano ang isasagot, namula ang mukha nya . Napabungisngis ito ng malakas habang pinag-mamasdan sya.
“Wag mo ng sagutin dahil alam ko na ang sagot.” pilyo pa nitong sabi sa kanya. Kating kati na ang kamay nyang batukan ito. Napipikon yata sya sa mga banat nito o baka naman talagang iyon ang nararamdaman nya kaya sya napipikon. Masyado pang maaga para maramdaman nya ang ganitong pakiramdam.
“Ang ganda mo kapag namumula ka.”sabi pa nito. Humihigop ito ng kape habang nakatitig sa kanya hindi nya alam kong ano ang isasagot sa mga komento nito. Naiilang sya.
“Unang una po Sir hindi ako nagseselos. Hindi po nobya ang inaplayan kong trabaho kundi tagabihis ng mga patay sa punerarya nyo.” inis nyang sagot dito.
“Ang init naman ng ulo mo.”turan pa rin nito na bahagyang nagseryoso.
“Sorry po.” hingi nya ng paumanhin. Boss nya pa rin ito kahit papano, baka dahil sa pag sagotsagot nya tanggalin sya nito sa trabaho. Tiyak na lagot sya sa pamilya pag nagkataon.
“Sorry din kung naging marahas ako sayo. Ayaw mo nga palang kinakausap ka.” turan pa nito. Hindi na nito inubos ang iniinom na kape. Suminyas lang ito sa kanya bago umalis. Hindi nya alam kong ano ang mararamdaman ng umalis ito. Napabuga nalang sya ng hangin. Maghapon syang nagtrabaho ng hindi man lang ito lumalapit sa kanya, kapag nakakasalubong nya ito sa pasilyo agad itong umiiwas. Namiss nya ang mga ngiti nito na parati nyang nasisilayan kapag kaharap ito o nakakasalubong hanggang sa lumipas ang mga araw na hindi man lang sya nito kinakausap kaya naman labis niyang ikinalungkot ang mga mga nangyari.
Wala ang isip nya ang trabahong ginagawa kundi nasa lalaki. Ramdam nya ang lungkot sa puso nya. Hinahanap-hanap nya ang pangungulit nito. Kasalanan nya rin naman agad niyang pinutol ang pagkakaibigang alok nito sa kanya. Ito na nga lang ang nag iisang taong nagpapasaya sa kanya, tinulak nya pa palayo. Hindi nya mapigilang umiyak. Wala na ang taong pumukaw sa puso nya pero ok na rin iyon habang maaga hindi na mahuhulog ang puso nya dito lalo pa at may nobya na ito, delikado rin ito sa pamilya nya kapag malaman na umiibig sya tao. Ayaw nya itong mapahamak.
Umuwi siyang malungkot ng gabing iyon. Tanging ang pamilya nya lang ang masaya ng mga oras na iyon, tulad kasi ng dati sa punerarya na ang mga ito kumakakain. Alam nyang mahal nya si Brent. Sa maikling panahon na nakilala nya ito napukaw nito ang puso nya.
“May problema ba?” kalabit sa kanya ni Morgan. Nasa terrace silang dalawa ng mga oras na iyon. Nagyoyosi ito samantalang nakatingala naman sya sa langit.
“Kung sabihin ko bang oo may magagawa ka?” inis nyang sagot.
“Ito lang ang masasabi ko sayo, ganito lang ang buhay natin. Umiikot lang ang buhay natin sa paghahanap ng makakaing bangkay para mabuhay kaya wag mo ng pahirapan ang buhay mo.” turan pa nito sa kanya.