Tahimik ang paligid kahit na alas siyete palang ng gabi. Nakatitig lamang sya sa buwan, maliwanag iyon dahil kabilugan ng buwan. Kung tahimik ang paligid hindi ang puso nya, alam nyang kahit hindi sya magsalita may takot sa puso nya na parte na yata ng buong pagkatao nya. Nasa sistema nya na yon. Mula pagkabata ganito na sya. Walang kaibigan, malayo sa mga tao kaya palagi syang nag-iisa. Minsan nga naiinggit sya sa mga batang naglalaro dahil kahit minsan hindi nya naramdaman maging tulad ng mga ito, malayang naglalaro at walang iniisip.
Napalingon sya ng bahagyang tumunog ang gate na yari sa bakal. Dumating na ang mga magulang nya kasama ang ibang mga kamag anak. Agad syang tumakbo sa sariling silid, ayaw nyang madatnan siyang gising ng mga ito. Kinilabutan sya ng may narinig syang alulong ng aso. Matagal iyon at nakakatakot, nakakabingi. Naniniwala siyang may third eye ang mga ito dahil bago pa man makita ng tao nakita na ng mga aso. May narinig siyang ungol sa labas ng bahay, naririnig nya iyon dahil hindi naman katibayan ang pinto ng silid nya, bahagya nya pang idinikit ang tenga sa pinto. Nagtatalo na naman ang mga kamag anak nya, dinikit nya pa lalo ang tenga sa malapad na pintuan.
“Kung bakit ba kasi hindi mo pinilit yang anak mo na sumama tuloy nabulilyaso ang lakad natin.” naririnig nyang sabi ng tiyuhin si Roy sa mga magulang. Sa kanila ito nakatira kasama ang asawa nito at anak na si Morgan. Ok lang iyon sa kanya dahil malaki naman ang bahay nila at kapatid rin ito ng ama.
“May sakit si Ella, hindi natin sya pwedeng pilitin sa mga gusto natin baka lalong mapahamak tayo.” naririnig nyang sagot ng ina.
Hindi pangkaraniwang tao ang pamilya nila. Matagal na nilang itinatago ang lihim na iyon. Isa silang balbal,o ghoul. Katulad din sila ng mga aswang na kumakain ng mga tao. Isa sila sa mga kinatatakutang halimaw sa bansa. Ang balbal ay magnanakaw ng bangkay. Malakas ang pang amoy nila kapag may bangkay. Kinukuha nila ang mga iyon mula sa burol, sementeryo o sa punerarya. Sya ang kasa-kasama ng mga ito kapag kukuha ng mga bangkay. Hindi pa kasi sya halimaw pero hinahanda na sya ng mga magulang para maging isa sa mga ito balang araw. Kung wala talagang bangkay kumakain ng karne ng tao ang mga ito. Kapag kinikuha ng mga ito ang bangkay mula sa kabaong pinapalitan iyon ng katawan ng saging. Nalilinlang nila ang mga may ari ng bangkay, ang buong pag aakala ng mga ito ay ito ang mga mahal nila sa buhay pero ang totoo ang nasa kabaong ay katawan lamang ng saging dahil kinuha na nila ang totoong bangkay para gawing pagkain.
Ayaw niyang maging tulad sa mga ito pero wala siyang magagawa dahil nakatakda
din syang maging balbal, tulad ng mga ito balang araw. Sa ginagawa nya nga hindi na sya nakakatulog sa gabi dahil sa konsensya, lalo na kaya kapag kumain sya ng tao. Hayok sa bangkay ang mga kamag anak nya, tila pabango ang mga bangkay sa pang amoy ng mga ito kapag may namamatay. Nagiging halimaw rin ang mga ito, may mahahabang kuko at matutulis na pangil. Lumalakas pa lalo ang mga ito kapag kabilugan ng buwan tulad nalang ngayon.
Narinig nya pa ang pag angal ng Tiyang Melba nya dahil sa sinabi ng ina. Pasigaw na umalis ito maghahanap daw ito ng makakain.
Napabuntong hininga sya bago nagpasyang lumabas ng silid, nakita nya ang mga magulang na anyong halimaw. Hindi na sya natakot dahil sanay na sya sa mga ito. Naalala nya pa nga noon, napasigaw sya sa sobrang takot ng makita ang mga magulang sa anyong halimaw. Hindi akalain ng mga ito na matutuklasan nya ng maaga ang tunay na lihim ng pamilya pero mabuti na daw na sya na mismo ang nakatuklas para maihanda nya ang sarili kapag naging isa na rin sya sa mga ito.
Bente kwatro na sya pero hindi nya pa naranasang magkanobyo. Isa iyon sa mga ipinagbabawal ng mga magulang sa kanya. Minsan nga may nanligaw sa kanya, nagalit ang mga ito at kinain ang binatang nanliligaw sa kanya. Bihira lang kumain ng buhay na tao ang mga ito pero dahil sa galit pumatay ang mga ito.
Isa lamang siyang ampon kaya ang gusto ng mga ito si Morgan ang magiging asawa nya para maging balbal din ang mga anak nila pagdating ng araw. Balak ng pamilya nya na magparami ng angkan dahil ang pamilya nya nalang ang natitirang balbal kaya napilitang mag ampon ang mga ito at sya nga ang batang yon..
Iniiwasan nyang kumain ng hilaw ng karne kapag kasalo nya ang mga ito dahil naniniwala pa rin siyang tao sya at hindi aswang o balbal. Kung kaya nyang umiwas ginagawa nya kaya nga kung minsan hindi na sya sumasabay sa hapag kainan, nandidiri lamang sya. Hindi naman sya pinipilit kapag ayaw nya dahil kusang magugustuhan nya rin iyon kapag naging ganap na siyang balbal.
Napadungaw sya sa bintana ng may marinig siyang ungol. Dahan dahan nya iyon binuksan at sumilip. Nakita nya ang tatlong nilalang, may pinagkakaguluhan ang mga ito sa bakuran. Maliwanag ang buwan kaya kitang kita nya kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga ito. Bangkay iyon ng isang lalaki, halos kalahati nalang iyon dahil tila gutom na gutom ang nagsisipagkain. Halatang galing ng sementeryo ang bangkay dahil may nakita siyang mga lupa sa barong. Napalunok sya sa nasaksihan, ayaw nyang maging imortal, ayaw nyang maging necro-cannibalism o iyong mga kumakain ng patay. Tao sya hindi tulad ng mga magulang. Hindi sya aswang. Gagawin nya ang lahat makaalis lang sa poder ng mga kinagisnang magulang kahit pa tinuring nya ng magulang ang mga ito.
“May nakita pala akong pagtratrabahuan mo kanina. Naghahanap ng magbibihis ng patay sa punerarya kaya sinabi ko ikaw nalang ang kunin dahil kailangan mo ng trabaho kaya tinanggap ka naman.” sabi ng kanyang ina sa kanya habang nag aalmusal sila. Kape at tinapay lamang ang kinain nya samantalang batchoy sa mga ito. Naibuga nya tuloy ang iniinom nya dahil sa sinabi nito. Tinitigan nya ito baka sakalng nagbibiro lang ito pero wala syang makitang anumang pagbibiro sa mukha nito.
“Nay, ayoko sa punerarya. Nakakatakot don.” angal nya.
“Ang ibig sabihin natatakot ka rin sa amin?”galit na tanong ng ama nya sa kanya kaya napayuko sya.
“Hindi naman sa ganoon tay sa inyo kasi sanay na ako. Saka po nakakatakot dahil puro patay ang kasama ko” mahina nyang sagot.
“Kaya nga doon ka pinasok ng nanay mo dahil malapit ka sa patay, hindi na kami mahihirapan pang maghanap ng bangkay dahil ikaw na mismo ang magdadala sa amin. Ang gagawin nalang namin ay kakainin ang inihanda mong masarap na putahi.” sabi pa ng tiyuhin nyang ngingisi ngisi. Kahit kailan talaga hindi nya ito nagustuhan.
“Hu’wag kang mag-alala sasamahan ka naman ni Morgan kaya wala kang dapat na ikatakot.” turan pa ng ina nya.
Kahit anong tutol nya hindi naman papayag ang mga ito, lalo pa at advantage sa mga ito ang gagawin nyang pagtratrabaho. Pinanganak yata sya sa mundo na walang choice kundi ang sumunod sa gusto ng mga magulang.