Chapter 5

2058 Words
DAY 16 August 23. Tuesday “EUGINE! Samahan mo ako. Wala ka naman gagawin ngayon ‘di ba?”             Umungol ako at mariing pumikit. “Kira, do you know what time it is?”             “Four o’clock.”             “In the morning. Morning, Kira!” frustrated na sabi ko.             Tawa ang narinig ko mula sa kabilang linya. Sino bang matinong tao ang tatawag ng madaling araw? God, he just wants to sleep a little more.             “Sige na. Kailan ka lumabas ng bahay ng ganito kaaga ha? Ayaw mo ba ma-experience kahit isang beses lang? Ayaw mo ba malaman kung ano ang hitsura ng paligid bago sumikat ng araw? Sige na, Eugine. Let’s do it,” pangungulit pa rin ni Kira.             Inis na bumuntong hininga ako at kahit inaantok pa napilitang bumangon paupo sa kama. Kasalanan ko rin ‘to eh. Pinagbigyan ko siyang hatakin ako sa kung saan-saan kahapon. Mostly puro sa kainan lang naman. I think I ate one week’s worth of food in just a few hours. Gabi na ako nakauwi kahapon. Na okay lang naman sa akin kung tutuusin kasi nang dumating ako tahimik sa buong bahay. Narinig ko sa isa sa mga helper namin na nag-away daw ang parents ko bago padabog na umalis ng bahay si Papa. Malamang si Mama nagkulong sa master’s bedroom.             “Eugine. Come on. Bangon na. I’ll give you thirty minutes ha? Hihintayin kita sa gate ng Richdale University. Tatandaan mo lang na mag-isa lang akong lalabas ng bahay. Mag-isa lang akong pupunta sa campus. Kapag hindi mo ko sinipot, hindi ko alam kung ano mangyayari sa ‘kin.”             Ah. Damn. Nagising na ako ng tuluyan. Umalis na ako sa kama. “Don’t go there alone. Sabihin mo sa akin ang address mo. Susunduin kita.”             Ilang sandaling tahimik lang sa kabilang linya. Nakapasok na ako sa banyo nang magsalita uli si Kira. “Sa gate na lang ng subdivision namin. Salamat ha?” Sinabi niya ang address. Nagulat ako kasi malapit lang pala sa Richdale ang subdivision na tinitirhan ni Kira.             “I’ll be there in thirty minutes.” Saka ko tinapos ang tawag, mabilis na naligo, nagbihis at tahimik na lumabas ng bahay. Nang pumunta ako sa garahe para kunin ang kotse ko napansin kong wala pa roon ang sasakyan ni Papa.             Hindi siya umuwi.               TWENTY minutes lang nakarating na ako sa gate ng subdivision nina Kira. Naroon na siya, mag-isang nakaupo sa gilid ng kalsada bitbit ang malaki niyang shoulder bag. Nakatingala na naman sa langit, parang malalim ang iniisip. Pero nang matamaan siya ng liwanag mula sa head lights ng kotse ko lumingon siya at masiglang tumayo. Malawak siyang ngumiti at kumaway-kaway sa akin.             Huminto ako sa tapat niya at binuksan ang passenger’s seat. Mabilis siyang sumakay. A fresh and sweet scent filled my car. Katulad din kahapon nang ilang oras kaming nagpagala-gala sa mga restaurant at coffee shop. That same scent that I knew belongs to Kira. Kasi ‘yon ang naamoy ko noong tumalon siya mula sa sanga ng puno at sinalo ko siya.             “Salamat sa pagsundo sa akin ha? Kahit na medyo na-excite ako sa thought na pupunta ako ng school gate na mag-isa sa ganitong oras.”             “Don’t get excited. That’s dangerous.”             Tumawa siya. Umiling ako pero katulad ng dati hindi ko mapigilan mapangiti kapag naririnig ko na ang tawa niya. “So saan ba tayo pupunta?”             “Sa Richdale University nga.”             Gulat na nilingon ko siya. “Sa campus mo gusto pumunta ng ganito kaaga?” Tumango siya. “Hindi tayo makakapasok sa loob. Sarado ang gate.”             “Hindi lang naman gate ang pwedeng daanan.”             Nanlaki ang mga mata ko. “Mataas ang mga pader na nakapalibot sa buong campus, Kira!”             “Hindi naman sobrang taas na hindi kaya akyatin. May alam akong side na may puno sa labas. Makakapasok tayo through that tree.”             “At paano ang pagbaba?”             “Tatalon.”             “That’s ridiculous! Ihahatid na kita pabalik sa bahay niyo – ”             “Eugine please!” Hinawakan niya ang braso ko. Hindi tuloy ako nakaporma ng kambiyo pabalik sa pinanggalingan namin. “Let’s take a risk. Ayaw mo bang masubukan maging reckless? Now is the time to do something like this. Habang bata pa tayo. Next time kapag mas matanda ka na, hindi ka ba magsisisi na buong buhay mo naging safe ka at walang ginawa kung hindi sumunod sa rules? Hindi mo ba ma-wi-wish na sana magkaroon ka ng isa pang chance na bumata uli para magawa ang mga bagay na hindi mo ginawa? Mga bagay na mas imposible mo nang magawa kapag matanda ka na?”             I felt like someone clenched my heart. Bigla parang narinig ko ang boses ni Lolo nang kausapin niya ako sa opisina niya. Find something I want to do. Relax. Enjoy my youth. Hindi ko alam kung paano ‘yon gawin pero mukhang alam ni Kira kung paano.             Huminga ako ng malalim. “Fine. Simula ngayon gagawin ko lahat ng gusto mong gawin natin. Hindi na ako magrereklamo.”             Natigilan si Kira, napatitig sa mukha ko at humigpit ang hawak sa braso ko. “Talaga?!” masayang tanong niya.             Sinulyapan ko siya. “Just as long as we are… friends. Remember I promised you eighty days? Kung kasama ang ngayon, sixty nine days na lang.”             Ilang sandaling nakatitig lang siya sa mukha ko bago tipid na ngumiti. “Alam ko. Hindi ka magsisisi.”             So few minutes later nag-park ako ilang bloke ang layo mula sa Richdale University. Four forty five ng madaling araw, kaming dalawa lang yata ang taong gising. Ni walang dumadaang sasakyan. Para kaming mga magnanakaw na pumupuslit sa kadiliman. Narating namin ang part ng pader na sinasabi ni Kira na may punong kadikit. Mukhang madali lang akyatin kasi mabababa ang sanga.             “Sa tingin ko pa rin delikado ‘to. Paano kung may live electricity pala ang itaas ng pader? O may alarm na mag-o-on kapag may nagtangkang pumasok through the walls? Mamahaling school ang Richdale. Imposibleng hahayaan nilang basta may makapasok sa loob,” katwiran ko.             “Wala ‘no. Nagtanong-tanong na ako. Walang mga ganiyang security ang pader. Ang mga school building meron. Lalo na ‘yong building kung nasaan ang mga opisina ng mga matataas ang posisyon sa school. Don’t worry, hindi ko tatangkain pasukin ang mga ‘yon. May limit naman ang pagiging reckless ko kahit papaano.”             Nakahinga ako ng maluwag. At least kung totoo ‘yon safe kaming umakyat ng pader. But God, kapag may nakahuli sa amin o may makaalam na school official, malilintikan talaga kami.             “Let’s go,” bulong sa akin ni Kira na nalingat lang ako umaakyat na sa puno. Ang bilis. Parang sanay na sanay siya. Kasi wala pang isang minuto nakasampa na siya sa pader at tumingin sa akin. Hinihintay akong umakyat na rin.             Bumuntong hininga ako. Saka sumampa sa puno. Mas natagalan at nahirapan ako kesa kay Kira. Hindi tulad niya, wala akong experience sa pag-akyat sa puno. Nang sa wakas makasampa na rin ako sa pader at nasilip ko ang loob na side, gusto ko na naman mapaungol. Mataas talaga ang babagsakan namin. Kahit na lupa at may d**o siguradong masakit pa rin kapag tumalon ako.             “Sabay na tayo?” tanong ni Kira.             “No. Ako na ang mauuna.” Huminga ako ng malalim saka lakas loob na tumalon.             “Ugh.” Unang bumagsak ang mga paa ko sa lupa pero s**t ang sakit talaga! Nanginig ang buong katawan ko. Napaluhod ako at mariing napapikit. It took me a while before I finally regained my strength. Tumayo ako, paulit-ulit na huminga ng malalim saka humarap kay Kira na mukhang worried habang nakayuko sa akin. Itinaas ko ang mga braso ko. “Come on. Talon.”             “Sure ka?”             “Oo nga. Magaan ka lang naman eh.”             Sandali lang siya nagkaroon ng doubts. Kasi nagbilang siya agad hanggang tatlo saka tumalon. Nasalo ko siya. Hindi nga lang katulad noong nakaraan, napaatras ako sa puwersa ng pagbagsak niya sa katawan ko. Mabuti na lang hindi kami natumba.             “So, ano na ang balak mo ngayong nandito na tayo sa loob?”             Tumingin si Kira sa relo niya habang naglalakad kami sa quadrangle. “Malapit na maubos ang oras natin. Let’s go!” Sabay takbo.             “Hey!” Frustrated na tumakbo rin ako pahabol sa kaniya.             Sa pinakalumang building kami pumunta. Sa likod kung saan may fire exit.             “Akala ko ba may security measures ang mga building?” manghang tanong ko.             “Not this one. Ito ang oldest building sa buong University at puro classrooms lang ang nandito.”             “Paano mo nalaman ‘yan?”             Nilingon ako ni Kira, pilyang ngumiti at iwinagayway ang keychain na may mga susi. “Reliable source. Basta sumunod ka na lang.” Binuksan niya ang pinto ng fire exit. Tapos may kinuha siya sa shoulder bag. I realized when she turned it on that it’s a flashlight. Prepared na prepared talaga.             Madilim sa loob ng building pero mukhang hindi takot si Kira. Ako pa nga ang mas kinakabahan sa ginagawa namin. Umakyat kami ng umakyat ng umakyat ng hagdan hanggang sa marealize ko na rooftop ang balak niya puntahan. Binuksan niya ang pinto ‘non gamit ang isa pang susi saka ako hinatak palabas.             Mahangin at mas malamig doon kaysa sa ibaba. Siguro kasi mas mataas ‘yon ng anim na palapag. Hindi na kasing dilim kasi papaliwanag na ang langit.             “Eugine, dito tayo,” sabi ni Kira, hinawakan ako sa braso at hinatak sa east side ng rooftop.             Napahugot ako ng malalim na paghinga at napahawak sa railings na nakaharang sa pinakagilid ng rooftop. Kasi kahit nasa gitna ng city ang Richdale University, ngayon ko lang nalaman na kita pala sa part na ito ang horizon na may view ng kabundukan. Though sobrang liit lang ‘non at parang ilusyon lang kung tutuusin. “Ano ang mga bundok na ‘yon?”             “Rizal. Ang galing ‘no? Oo nga sobrang liit tingnan dito pero to think na nakikita natin ang malayong lugar na ‘yon kahit nasa gitna tayo ng city, amazing. May nagsabi sa akin na sa Antipolo nga raw, may mga overlooking restaurants na makikita mo naman ang city lights sa gabi.”             “Ito ba ang gusto mong makita natin?”             “Hindi pa ‘yan ang gusto kong makita,” natatawang sabi ni Kira. Tumingin na naman sa wristwatch, lumapit sa akin hanggang mapatingin na ako sa mukha niya. Then matamis siyang ngumiti. “Malapit na.”             Bigla narealize ko kung ano talaga ang ipinunta namin sa rooftop. Kasi habang nakatitig ako sa kaniya, unti-unting naliwanagan ng magkahalong orange at pink ang nakangiti niyang mukha.             She wants to see the sunrise.             Mukhang napansin na rin niya ang pagbabago ng kulay ng langit kasi lumingon na siya sa horizon. Namilog ang mga mata niya at bumakas ang sobrang tuwa sa mukha. “Wow. So beautiful.”             Nagulat ako sa realization na oo nga. She’s very beautiful.             “Eugine, tingnan mo, parang nakikita ko na ang araw sa banda ‘don oh.”             Kumurap ako. I was mortified with my own thoughts. Mabilis kong inalis ang tingin sa mukha niya at tumitig na rin sa horizon. Parang lilitaw na nga ang edge ng araw mula sa bundok. “Matagal-tagal pa ‘yan aangat.”             “Amazing, Eugine. We’re currently watching the in-between of night and day.”             I felt the corner of my lips curl. “Mas nakaka-amaze na ganiyan ang pagtingin mo sa sunrise.”             Nilingon niya ako. “Pero totoo naman ‘di ba? Ang iksi lang ng moment kung kailan magpapalit ang gabi at araw. This short moment na hindi night time pero hindi rin day time, the actual transformation process, nakakatuwa. Parang tayo lang ngayon. Hindi na teenager pero hindi pa rin matatawag na adult. We are the in-between. We are the sunrise.” Bumuntong hininga siya. Parang tuwang-tuwa sa sinabi. “Ang sarap pakinggan ‘no?”             Sure. Masarap nga pakinggan. At kapag si Kira ang nagsasabi parang logical ang mga bagay na hindi naman talaga maiisip ng normal na tao. Pero hindi lang ‘yon ang nag-register sa utak ko. Napatitig ako sa mukha niya at napanganga. “Wait. We? Sinasabi mo ba na twenty years old ka rin katulad ko?”             Natigilan siya. Mukhang nagulat rin. Pero nakabawi din agad at iwinasiwas ang kamay na parang balewala lang sa kaniya ang nalaman ko. “Ah. Hindi ko nga pala nasabi sa ‘yo no? Yup. I’m twenty.”             Hindi ako makapaniwala. Magtatanong pa sana ako pero napunta na uli sa sunrise ang tingin niya at tinapik ang braso ko. “Look, Eugine. The sun is already rising.”             So napatingin na lang rin ako sa sunrise. At hindi ko na naalis ang tingin doon. This is the first time na gumising ako ng sobrang aga para lang talaga panoorin sumikat ang araw.             It’s really amazing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD