DAY 34 September 10. Saturday SOMEDAY, years from now, the thing I will remember the most about this day is her laughter. Kahit na maraming ingay sa loob ng amusement park, kahit na halos ang hirap na magkarinigan, malinaw pa rin sa pandinig ko ang masaya at malutong na tawa ni Kira. Parang sa mga pelikula. Nag-fe-fade out ang ibang ingay at ang na-a-amplify at na-fo-focus lang sa bawat eksena ay ang tawa niya. Obvious na first time niya sa ganitong lugar. Halata kasi ang excitement niya everytime na pumipila kami para sa isang ride. Hindi siya naiinip kahit ang haba ng pila. In fact, parang tuwang tuwa pa nga siya na maraming tao sa paligid. Weekend kasi. Wala siyang pinalampas na rides. Mula sa mga pambata katulad ng carousel hanggang sa pinaka-extreme katulad ng roller coaster, si