DAY 33 September 9. Friday NASA rooftop na naman si Kira. Nakahiga sa sahig at nakatitig sa langit. Hawak niya ang DSLR camera niya pero hindi naman kumukuha ng picture. Nakatulala lang. Naglakad ako palapit sa kaniya. Sinulyapan niya ako. Gumanti ako ng sulyap pero hindi nagsalita. Sumalampak na lang ako ng upo sa tabi niya. Hindi pa rin siya tuminag sa pagkakahiga. Ibinalik pa nga ang tingin sa langit. Umangat ang mga kilay ko. Then I did something na akala ko hindi ko gagawin kahit kailan. Humiga ako sa sahig katabi niya, paharap sa kalangitan. Naningkit ang mga mata ko kasi nasilaw ako sa biglang liwanag sa harapan ko. “Paano ka nakakatitig ng matagal sa langit?” “Sanayan lang ‘yan,” sagot ni Kira. Nang sulyapan ko siya nakita kong nakangiti siya. Napangiti rin ako. Ganoon ang ep