Chapter 8

1599 Words
"Ang mabuti pa ay magpahinga ka na muna, Darcy. Lalabas lang ako para mag-report sa boss ko at pagkatapos ay magdaragdag ako ng stock ng pagkain at ilan pang kakailanganin mo. Huwag kang masyadong mag-alala kina Mama at Papa. Nai-text ko na kanina sa kanila ang pagdating mo." Kahit papano ay napangiti ako dahil sa sinabing iyon ng Kuya ko. "Thank you, Kuya. Lowbatt na rin kasi iyong phone ko kaya hindi ko pa sila nababalitaan na nakarating na ako rito. Sa kamamadali ko kagabi ay hindi na ako nakapag-charge." Umupo ako sa pang-ibabang kama. "Sa taas ba ulit ako, Kuya?" tukoy ko sa tutulugan ko. "Oo, doon ka na para masanay ka na. Para rin hindi kita maabala kapag papasok ako at tulog ka pa." Tumango ako sa kanya at saka umakyat na sa taas ng double deck. "Hindi ka ba muna magbibihis?" tanong ni Kuya nang mapansin ang paghiga ko. "Hindi na, Kuya. Hindi naman ako pinagpawisan sa biyahe kaya malinis pa itong suot ko. Kailangang magtipid ng damit at labahin dahil iilan lang naman ang dala ko," sagot ko sa kanya. "Gamitin mo na iyong ibang t-shirt ko kung sakaling mauubusan ka. Pwede tayong maglaba dyan sa banyo kapag gusto natin. Isampay na lang natin diyan sa maliit na terrace nitong kuwarto. Hindi naman iyon mawawala. Akina rin ang phone mo at nang mai-charge ko muna habang nagpapahinga ka." Itinuro ko sa kanya ang isa sa mga back packs ko. "Pakikuha na lang sa bulsa niyang bag, Kuya." Nahiga na akong muli at pinakinggan ang nagagawang ingay ni Kuya. Susubukan kong matulog pag-alis niya dahil buong magdamag akong gising. "Darcy, aalis na muna ako." Sa wakas ay narinig ko ang pagpapaalam niya. "Sige, Kuya. Magpapahinga lang ako." "Balik ako kaagad," huling sinabi niya bago ko narinig ang pagbukas at pagsara ng pinto. Ilang sandali pa muna akong nagmuni-muni bago ko ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko na nakayanan ang sobrang Lala's na hila ng antok sa kamalayan ko. ... Napabalikwas ako ng bangon nang malakas na kumalabog ang pinto pabukas. Dali-dali kong tinignan ang may gawa niyon at laking gulat ko nang masalubong ko ang galit na mga mata ng taong pinagtataguan ko. Mabilis siyang kumilos at namalayan ko na lang na nahila na niya ako pababa sa kama. "A--atty!" "Akala mo ba ay matatakasan mo ako, Darcy? Pwes, nagkakamali ka!" singhal niya sa akin bago niya ako hinila papunta sa pintuan ng kuwarto. Nakipaghilaan ako sa kanya. "Ayoko! Bitawan mo ako! Ayokong sumama sa'yo! Ayoko sa'yo!" paulit-ulit kong sigaw habang nagpupumiglas sa pagkakahawak niya sa akin. "Wala akong pakialam sa ayaw at gusto mo, Darcy. Akin ka!" Isang malakas na hila ang ginawa niya kaya napasubsob ako sa dibdib niya. Nang pumalibot sa katawan ko ang mga braso niya ay lalo akong nagwala sa ginagawa kong pagpupumiglas hanggang sa malakas na tumama sa mukha niya ang kamao ko. Pareho kaming natigilan dahil sa nagawa ko. Nang bumaling sa akin ang mukha niya ay nakita ko ang pamumula ng kanyang mga mata dahil sa matinding galit. Napahakbang ako paatras sa takot. "Mukhang hindi ka na talaga masusuweto, Darcy. Mukhang kailangan ko nang ariin ang katawan mo para hindi ka na makatakas sa akin." Nanlaki ang mga mata ko dahil alam at naiintindihan ko ang ibig sabihin ng sinabi niya. Napasulyap ako sa bukas na pintuan. Kailangan kong makatakbo papunta roon. Kailangan kong makaalis. "Halika rito!" akmang aabutin niya ako ngunit iniwasan ko ang kamay niya. "Ayoko!" sigaw ko at saka hindi na nag-iisip na tinakbo ang pinto. Isa iyong malaking pagkakamali dahil madali niyang naabot ang bewang ko at saka ikinulong ang katawan ko sa malakas niyang braso. Nagsisigaw ako. "Saklolo! Tulong, tulong! Kuyaaa!" tawag ko sa kapatid ko. Kaagad na sinipa ni Atty. pasara ang pinto saka ako hinila papunta sa ibabang bahagi ng double deck. "Kuya? Wala ka ng Kuya, Darcy. Patay na ang Kuya mo. Nabaril siya kanina ng isa sa mga tauhan ko habang hinahabol namin siya." Nakangangang napalingon ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala na pinatay nila ang Kuya ko. "At bago siya malagutan ng hininga, ipinangako ko sa kanya na kapag nahanap kita ay hindi na kita pakakawalan pa. Ngayon, Darcy, mamili ka kung sino ang isusunod ko sa pamilya mo para masuweto kita. Ang mga ate mo ba? O ang Mama at Papa mo?" Puno ng gigil na pinagsusuntok ko siya. "Mamamatay-tao ka!" paulit-ulit kong sigaw habang galit na galit na pinatama sa mukha niya ang mga kamao ko. Ngunit isang malakas na suntok ang tumama sa tiyan ko dahilan para mamilipit ako sa sakit. "Talagang nagiging walanghiya ako kapag sinusuway ako at hindi ko nakukuha ang gusto ko, Darcy." Gigil niyang dinakma ang leeg ko at sinakal ako. Isa pang suntok sa tiyan ko ang ginawa niya kaya lalo akong mamilipit sa sakit. Habang patuloy sa pamimilipit ay pinahiga niya ako patalikod sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko dahil hinihila na niya pababa ang jogging pants na suot ko kasama na ang brief ko. "Ayoko! Ayoko!" muli kong sigaw lalo na ang maramdaman ko ang pagtutok ng napakatigas at mainit-init na bahagi niya sa gitna ng dalawang umbok ng likuran ko nang walang pakundangan niyang paghiwalayin ang mga binti ko at pumuwesto siya sa gitna ng mga iyon. Nagsimula na rin siya sa paghalik, pagsipsip, at pagdila sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang basa niyang dila na naglulumikot sa balat ko. "Ayoko!" ubod ng lakas kong sigaw nang bigla na itong tumulak papasok sa akin. "Darcy!" Napabalikwas ako ng bangon mula sa pagkakahiga ko sa kama. Nasalubong ng mga mata ko ang nag-aalalang mga mata ni Kuya. Magkadikit na magkadikit ang mga kilay niyang nakatitig sa akin. Buhay siya?! Napatingin ako sa paligid. Kaming dalawa lang ang nasa kuwarto. Wala si Atty. Panaginip lang ang lahat. Nananaginip lang ako kanina! "Mukhang napakasama ng napapanaginipan mo. Buti na lang at dumating na ako para gisingin ka kung hindi baka nahulog ka na mula riyan." Napatingin ako kay Kuya na bumababa na sa pagkakatungtong sa ibabang higaan para masilip ako. Ilang beses kong iniiling ang ulo ko para magising ang diwa ko. Napansin ko ring nanginginig pa ang buong katawan ko dala ng panaginip na iyon. Napakasamang panaginip. Ngunit tingin ko ay isa iyong babala sa akin. Tingin ko ay ipinakita lang nito kung gaano kasama si Atty. Samuel Simon. ... Nakaligo at nakapagbihis na ako nang umupo ako sa maliit na mesang kainan namin ni Kuya. May mainit na kanin na roon at sa isang plato ay may ilang stick ng barbeque na ulam namin. Pareho naman kaming hindi mapili sa ulam ni Kuya kaya sapat na sa amin ito bilang hapunan. "Kumain ka ng marami, Darcy. Nalampasan ka ng gutom dahil kanina pang umaga na hindi ka nakakain. Natulog ka naman maghapon. Ayan, binangungot ka na sa gutom." Umupo na rin si Kuya at naglagay pa ng dalawang stick ng barbeque sa plato ko. "Hayaan mo na iyon, Kuya. Siguro nga ay Dala ng gutom at pagod ko sa biyahe kaya masama iyong napanaginipan ko." Sa kalagitnaan ng aming pagkain ay may naalala ako kaya kaagad kong tinanong ang kapatid ko. "Kumusta na pala sina Mama at Papa, Kuya? Wala ba silang nasabi sa'yo?" Hindi ko pa kasi nabubuksan ang phone ko mula noong i-charge ito ni Kuya kanina. "Tapusin mo na muna ang pagkain mo, Darcy. Pagkatapos mo ay tawagan mo sila. Nagtatanong sila kanina noong tumawag sila habang namimili ako. Sinabi kong iniwan kita dito sa apartment para magpahinga." Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanya. Nang matapos kami ay ako na ang nagboluntaryo para maghugas ng pinagkainan namin. Lumabas naman si Kuya sa terrace para manigarilyo. Nang mapatuyo ko na ang mga kamay ko ay kaagad kong kinuha at binuksan ang phone ko. Nagulat ako sa napakahabang pagtunog ng message alert tone ng cellphone ko indikasyon na marami ang nagpadala ng mensahe sa akin. Hindi ko muna pinansin ang mga iyon at kaagad nang hinanap ang cellphone number ni Mama. Matagal iyong nag-ring sa kabilang linya ngunit hindi iyon sinagot ni Mama kaya ang number na lang ni Papa ang tinawagan ko. Ngunit kagaya ng kay Mama, nakailang redial na ako ngunit hindi rin iyon sinagot ni Papa. Magkadikit ang mga kilay na napatingin ako sa phone ko. Siguro ay busy pa sila. Pero alas otso pa lang ng gabi. Sigurado akong tulad namin ay tapos na silang kumain ng hapunan. Imposible namang tulog na sila. Muntik ko nang maibato ang cellphone ko nang bigla itong tumunog. Unknown Number. Nakailang ring din iyon bago ko napagpasyahang patayin ang tawag. Pero ilang saglit lang ay muli na naman iyong tumunog. Tumatawag na naman sa akin ang may-ari ng unknown number na iyon. Hindi. Hindi ko iyon sasagutin. Sigurado akong si Atty. Samuel Simon ang tumatawag sa akin sa mga sandaling ito. Muli kong pinatay ang tawag hanggang tumunog ang message alert tone ng cellphone ko. Nanlalamig ang palad na tinitigan ko muna ang phone bago ko binuksan ang mensahe mula sa unknown number na iyon. Tama nga ako. Si Atty. Samuel Simon nga ang tumatawag sa akin kanina. Napaismid ako sa mensahe niya sa kabila ng takot na meron ako para sa kanya. Umuwi ka na, Darcy. Hindi na ako natutuwa. Muli akong umismid. Wala akong pakialam kung hindi na siya natutuwa sa akin. Mas mabuti nga iyong mainis siya nang tuluyan sa akin para tigilan na niya ako. Kaagad kong pinuntahan ang setting ng phone ko upang i-block ang number niya. Tignan natin kung matatawagan pa ako ng manyak na abogagong iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD