Ang sumunod kong ginawa ay tinignan ang mga mensaheng natanggap ko. Karamihan na ng naroroon ay ang mga mensahe mula kay Carla. May kumurot na guilt sa puso ko. Alam ko sa sarili ko na malaki ang kasalanan ko sa kanya dahil sa ginawa kong pagtitiwala kay Samuel at sa pagkakadala ko sa panunukso nito. Nagawa ko siyang pagtaksilan. Nagawa kong makipaghalikan sa iba kahit na sabihing lalaki pa iyon. At higit sa lahat, muntik nang may mangyari sa aming dalawa ni Samuel.
Tapos itong pag-alis ko na hindi ako pormal na nakapagpaalam at nakapagpaliwanag sa kanya. Alam kong karagdagang kasalanan din ito sa girlfriend ko.
Isang ring pa lang ay kaagad nang sinagot ni Carla ang tawag ko.
"Darcy?!"
Napakagat ako sa aking ibabang labi. Damang-dama ko ang pag-aalala na may kasamang pagkaaburido sa boses pa lang niya.
"Carla, ako nga ito. Sorry," kaagad kong hingi ng paumanhin sa kanya.
"Sorry? Sorry dahil wala ka buong maghapon tapos hindi mo man lang nagawang ipaalam sa akin kung bakit? Maghapon akong text nang text sa'yo! Pati nga sa messenger mo, send ako nang send ng message!" puno ng panunumbat na saad niya.
"Kaya nga ako, nagso-sorry, Carla. Pasensya ka ba at biglaang ang hindi ko pagpasok. May nangyari kasi..."
Natigilan ako. Sasabihin ko ba kay Carla ang mga nangyari sa pagitan namin ni Atty. Simon? Ang sitwasyon na kinasusuungan ko ngayon? Maiintindihan kaya niya?
Hindi. Hindi pwedeng sa phone ko sasabihin ang mga detalye sa kanya. Baka mas lalo lang kaming hindi magkakaintindihan. At isa pa, hindi pa ako handang marinig ang paninisi niya. Hindi pa ngayon na magulo pa ang lahat.
"Hello? Darcy? Anong sinasabi mong may nangyari? Sa'yo ba? Sa pamilya mo?" napa-panic na tanong niya. Napalitan na ng ninerbiyos na tono ang galit at pagtatampo sa boses niya kanina.
"Basta, may hindi ko maipaliwanag na nangyari. Please, wag ka munang magtanong, babe," pakiusap ko sa kanya.
"Darcy, girlfriend mo ako!" galit na naman niyang panunumbat.
"Oo, alam ko. Pero mas gusto kong sabihin iyon sa iyo nang personal. Hayaan mo muna akong ayusin ang lahat, okay? Kapag maayos na at nariyan na ako, sasabihin ko rin sa'yo at sasagutin ko ang lahat ng mga magiging katanungan mo. Pangako," pagpapakalma ko sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin na kapag naririto ka na? Bakit? Wala ka ba rito sa atin ngayon? Nasaan ka? Saan ka nagpunta?" sunod-sunod na tanong niya. Nariyan na naman ang pagpa-panic niya.
Malakas akong bumuntonghininga bago ko siya sinagot.
"Carla, umalis muna ako dahil nga may kailangan akong ayusin. Makababalik naman ako riyan. Hindi ko lang alam kung kelan," mahina ang pagkakasambit ko sa huling mga salita ngunit sigurado akong narinig niya ang mga iyon.
"Darcy," may iyak na sa boses ni Carla.
"Kaya ba naririto ang Mama mo kanina? Para ipagpaalam ang hindi mo pagpasok?"
"Oo, babe. Pasensya na talaga. Naging biglaan ang lahat."
Nai-imagine ko na ang pag-iyak ni Carla lalo na nang magsimula siyang ngumuyngoy sa kabilang linya.
"Darcy naman, eh! Bakit naman hindi ka muna nakipag-usap sa akin bago ka umalis? Nakakainis ka naman!" Lalo pang lumakas ang iyak niya.
"Kaya nga sorry, babe. Hayaan mo, babawi ako pagkabalik ko. Ikaw agad ang pupuntahan ko. Promise, babe."
Hinayaan ko siyang umiyak pa nang umiyak. Nang kumalma na siya ay alam kong naiintindihan na niya ang mga ganap.
"Hayaan mo, babe. Ako na muna ang bahala sa mga notes, assignments, at projects mo. Ako na muna ang gagawa. Magpapatulong na lang ako sa mga kaibigan natin." Seryoso na si Carla sa mga sumunod na sandali.
"Salamat, babe. Maaasahan ka talaga."
"Basta, huwag kang titingin sa ibang babae riyan. Huwag kang mambababae. Lagot ka sa akin kapag nalaman kong babae ang dahilan kung bakit ka nagtatago ngayon. Teka, wala ka namang nabuntis ba iba, ha?"
Natawa ako sa tanong niyang iyon. Kahit papano ay naibsan ang guilt na nararamdaman ko.
"Hindi. Wala. Ano ka ba? Ikaw lang ang babae ko. Walang iba."
Pagkatapos kong sabihin iyon ay bigla na lang sumingit sa alaala ko ang seryosong mukha ni Samuel. Galit ang mga matang nakatitig ito sa akin.
Kinilabutan tuloy ako.
Mabilis kong ipinilig ang aking ulo. Bakit ko ba naalala pa ang lalaking iyon?
"Eh, lalaki? Baka naman lalaki ang dahilan ng pagtatago mo, Darcy?" may himig pagbibirong tanong ni Carla ngunit mas lalo akong nanlamig dahil doon.
"Hindi! Ano ka ba, Carla?" mabilis kong tanggi. Ngunit sa loob-loob ko ay may tila sumuntok sa dibdib ko. Na-bull's eye ako ng girl friend ko.
"Joke lang. Alam mo ba, babe, kanina sa school may mga sasakyan na pabalik-balik. May mga mukhang goons pang namamasyal sa buong campus kanina. May ilan pa nga na tila inoobserbahan kami, eh," pagkukuwento na niya.
Napalunok muna ako bago kabadong nagtanong.
"Goons? Pinayagan ng school na may mga goons na namamasyal sa campus?"
"Si SBM kasi ang kasama."
Nanuyo lalo ang lalamunan ko sa sinabi niyang iyon.
"A--ano raw ang dahilan kung... Kung bakit sila naroroon?" halos nabubulol kong tanong.
"Hindi ko rin alam, eh. Siguro naghahanap sila ng bakanteng lugar. Magdo-donate yata iyon ng building sa school natin kaya talagang nililibot nila ang paligid kanina."
Hindi lugar ang hinanap nila, Carla. Ako. Ako ang hinahanap nila.
Gustong-gusto ko iyong sabihin kay Carla ngunit nagpigil ako.
"Baka nga. Baka nga naghahanap sila ng lugar sa school natin. Huwag kang lalapit sa kanila Lalo na ang makikipag-usap."
"Bakit, babe? Magseselos ka ba kapag nalaman mong nakikipag-usap ako sa kanila?" humagikgik pa siya sa sarili niyang biro.
"Oo, magseselos talaga ako," pagsang-ayon ko na lang sa kanya para hindi iba ang isipin niya.
Napailing ako. Nadaragdagan nang nadaragdagan ang mga pagsisinungaling at pagtatago ko ng mga bagay-bagay kay Carla.
"Babe, matulog ka na. Maaga ka pa bukas." Sinubukan ko na ang magpaalam sa kanya.
"Darcy, maaga pa at saka miss na miss na kita agad. Para akong magkakasakit kaninang maghapon kitang hindi nakita tapos hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa'yo."
"Hayaan mo, tatawagan kita ulit bukas para magkausap tayo. Magte-text ako tuwing vacant period mo."
Siya naman ang bumuntonghininga.
"Okay, fine. Basta tatawag at magte-text ka ulit bukas, ha? Para na rin alam kong safe ka."
"Safe ako, Carla. Huwag ka nang mag-alala sa akin. Hindi ako mapapano Dito. Mag-iingat ka rin. At Carla, kahit na sino pa ang magtatanong ay huwag mo munang sasabihin na nagkausap tayo," bilin ko sa kanya.
"Ha? Bakit?"
"Babe, huwag ka nang magtanong pa. Basta wala ka munang pagsasabihan, okay?"
"Okay, fine ulit. Promise, walang makakaalam na nagkausap na tayo."
Napatango-tango ako. Mahirap na. Baka iyong mapagsabihan ni Carla ay maiparating pa sa pinagtataguan ko ang impormasyong iyon. At higit sa lahat, baka madamay pa si Carla sa gulong pumasok sa buhay ko.
"Thank you, babe. I love you. Bye," pagpapaalam ko sa kanya.
"I love you more, babe. Good night."
Hinintay ko munang i-off niya ang tawag bago ko ini-off ang phone ko. Kung sakaling tumawag sina Papa ay si Kuya na lang ang tatawagan nila.
Umakyat na ako sa taas ng double deck at nahiga na. Tumunganga lang ako sa kisame hanggang sa marinig ko ang pagpasok ni Kuya. Bumangon ako at naupo upang magkausap kami.
"Nag-text si Papa, Darcy. Sa akin na lang daw sila tatawag para makausap ka. Dinelete na nila sa phone book nila ang number mo. Huwag mo na raw munang buksan ang phone mo dahil nakuha na ni Attorney iyon."
"Oo, Kuya. Tumawag nga kanina, eh," pagsusumbong ko.
Biglang napatingala si Kuya para salubungin ang mga mata ko.
"Nagkausap kayo?" may paninita niyang tanong.
"Hindi! Hindi ko syempre sinagot. Tapos blocked ko iyong number na gamit niya."
"Mabuti naman."
"Pero Kuya, hindi mo ba ako pwedeng bilhan ng ibang sim card? May kailangan din kasi akong i-text at tawagan."
"Darcy, delikado! At sino iyang kailangan mong tawagan?"
"Si Carla, Kuya. Iyong girlfriend ko."
Napailing si Kuya sa akin.
"Oo nga pala. May girlfriend ka pala. Sinabi mo ba sa kanya ang sitwasyon mo ngayon?" pagtatanong niya. Kaagad akong umiling.
"Hindi pa, Kuya. Hindi pa niya kailangang malaman. Sinabi ko lang sa kanya na kailangan kong umalis muna," pagkukuwento ko.
"Mabuti kung hindi ka kinulit niyon. Ikaw, Darcy, ha? Mas playboy ka pa sa akin!"
Natawa ako sa biro niya at pagkatapos ay sinagot na ang tanong niya.
"Nangulit pero talagang hindi ko sinabi kaya nangako na lang ako na palagi ko siyang iti-text at tatawagan. Kaya Kuya, kailangan mo akong bilhan ng bagong sim card bukas."
"Oo na. Bibilhan na kita. Lagi mong ibilin sa girlfriend mo na mag-iingat siya sa pagkukuwentuhan niya sa pag-uusapan ninyo."
"Nagbilin na ako sa kanya na huwag niyang ipagsasabi na nagkausap kami. Thank you, Kuya."
"Walang anuman. Sige ba, magpahinga na tayo. May trabaho pa ako bukas."
Muli akong nagpasalamat sa kanya bago nahiga ulit. At dahil buong hapon akong tulog, naghihilik na si Kuya ay nakatunganga pa rin ako.
Hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko. Ayoko namang alalahanin ang Samuel Simon na iyon ngunit pabalik-balik siya sa isipan ko pati na rin iyong nangyari sa amin.
Nakakainis lalo at pati iyong ginawa niya ay damang-dama ko pa sa katawan ko. Nanginginig ako sa pangingilabot sa tuwing naaalala ko ang mahapding sensasyon sa likuran ko. Ang mas nakakagalit pa, tuwing naaalala ko ang mahapding pangyayaring iyon ay tinitigasan ako.
Buwisit na buhay ito. Kung bakit kasi sumama at nagtiwala pa ako sa kanya? Ang gulo na tuloy ng buhay lalo na ng isipan ko. Pati panaginip ko ay naroon siya. Nakakainis.
Pilit kong tinatakpan ang mukha ni Samuel sa mukha ni Carla. Inalala ko ang hubad na katawan ng girlfriend ko at ang lambot ng mga bahagi niyang nahawakan at napisil ko na. Pilit kong inaalala ang sarap na nadarama ko sa tuwing nagiging isa ang mga katawan naming dalawa.
Hinawakan ko ang p*********i kong naninigas at saka ko pinisil iyon nang mahigpit. Iniisip kong ang tagong bahagi ni Carla ang nakapalibot roon at hindi ang kamay ko.
Nagsimula akong pagalawin ang kamay ko. Ngunit nakakadalawang minuto na ako sa ginagawa ko ay ayaw pa ring bumigay ng p*********i ko.
Naiinip na ako. Hindi na rin maganda sa pakiramdam ang ginagawa ko. Gusto ko na ang magmura nang malutong.
Hanggang sumingit sa katawan ko ang kauna-unahan hapdi na naranasan ng likuran ko.
Walang anu-ano'y nanginig habang naninigas ang buong katawan ko at ilang saglit pa ay bumugso na sa paglabas ang init mula sa dalawang bola ko.
Hinintay ko munang kumalma ang kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko bago ko pinagmumuta si Atty. Samuel Simon sa isipan ko.