Chapter 11

1439 Words
Tatlong araw kong hindi sinubukang buksan ang phone ko. Kahit na sobrang inip ang naranasan ko sa tatlong araw na iyon ay tiniis ko talaga. Inis na inis pa rin ako kay Carla dahil sa tila pagkampi niya kay Attorney. Nakakainis naman talaga. Kahit na sinong boyfriend ay maiinis na mas pinaniniwalaan pa ng girlfriend niya ang ibang tao. Nagngingitngit din ako sa kupal na attorney na iyon kahit na sabihing pinagtakpan niya ang pagtataksil ko kay Carla. Ako pa rin ang lumabas na may kasalanan sa mga mata ng girlfriend ko. Pwes, bahala sila. Wala akong inatupag sa loob ng kuwarto kundi ang manuod ng TV at tumunganga maghapon. Hindi naman ako pwedeng lumabas para mamasyal. Malay ko ba kung pati ang Kuya ko ay pinasusundan ng abogadong iyon. Ayon kay Mama nang magkausap kami, may mga taong nagbabantay sa bahay. Kahit na hindi nagpapakita ang mga ito, napapansin naman sila ng mga magulang ko. Ramdam din nilang may mga umaaligid sa bahay tuwing gabi dahil wala raw tigil sa pagtahol ang mga aso ng mga kapitbahay namin. Maging ang mga ate ko ay pinababantayan din ni Attorney. Lagi raq may nakasunod sa kanila sa tuwing uuwi sila mula sa pinapasukan nila. Nagkukuwento raw sina Ate Kathleen nang minsang umuwi sila sa bahay. Nakakainis. Pati ang mga magulang at mga kapatid ko ay nadadamay. Kelan ba mapapagod at magsasawa ang abogagong iyon sa kahahanap sa akin? Bakit hindi na lang ibang tao ang pagtuunan niya ng pansin? Sabi nga ni Kuya, naangkin niya na akong minsan. Bakit ba hindi na lang iyon maging sapat sa kanya? Bakit kailangan niya pang gawin ang pang-aabalang ito sa amin? Ang ipinagpapasalamat ko na lang sa kabila ng mga nangyayari ay hindi naman niya sinasaktan ang pamilya ko para pilitin ang mga ito na sabihin ang kinaroroonan ko. Ngunit kabado pa rin ako dahil alam kong anumang oras kapag nainip na talaga siya ay maaari niyang gawin ang kinatatakutan ko. Ilang araw pa ang mabilis na lumipas at hindi ko rin natiis si Carla. Kahit na nagkaroon kasi kami ng pagtatalo ay patuloy siya sa pagpapadala ng mga lessons sa email ko. Siya rin ang unang nag-sorry sa akin sa panghuhusgang ginawa niya at sa pagsabi na mas pinaniniwalaan niya ang sinabi ng abogado kesa sa akin. Sinabi rin niyang hindi na niya ako pipilitin kung hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang lahat. Kaya ayun, binuksan ko na ulit ang phone ko at parang walang nangyari na muli kaming nagti-text at tumatawag sa isa't isa. Hindi namin pinag-uusapan pa ang dahilan ng pag-aaway namin. Gumawa na rin ako ng ibang account sa pinakasikat na social media at kapag gabi ay nagbi-video call kami sa messenger. At kung minsan... online na nagsisilipan. May sarili naman siyang kuwarto at syempre, sinisiguro ko namang tulog na si Kuya kapag ginawa namin iyon. Pampabawas din iyon sa pananabik namin sa isa't isa. Marami pang mga araw at linggo ang dumaan. Ni hindi ko namalayan na halos mag-iisang buwan na rin pala ako rito kay Kuya. Tiniis ko ang pananabik kong umuwi at sugurin si Attorney dahil sa ginawa niya sa Papa ko. Paano kasi ay ginamit nito ang impluwensiya Ng Mayor namin na ate nito kaya naalis sa trabaho si Papa sa munisipyo. Wala namang magawa si Papa. Alam kong ginawa iyon ni Attorney para tikisin si Papa. Si Mama naman ay pinag-iinitan raw ng bagong principal sa paaralang pinagtuturuan nito. Nagsisimula nang mang-harrass si Attorney kaya naman abot na hanggang langit ang galit ko sa kanya. Siguro ay dahil sobrang inip na rin niya dahil halos isang buwan na rin niya akong pinaghahahanap kaya pamilya ko na ang inaatupag niya i-harrass. Isinumpa ko na nga siya nang ilang ulit. At dala ko pa nga hanggang sa pagtulog ko ang galit ko sa kanya. Madalas ko na siyang mapanaginipan kung saan ay ako naman ang nananakit sa kanya. Sinusuntok, sinisipa, at binubugbog. Meron pang napanaginipan kong binaril ko siya. Sa panaginip man lang ay mailabas ko ang galit ko sa kanya. Sabi nina Papa, kahit anong gawin nitong pangha-harrass sa kanila ay mananatiling tikom ang bibig nila. Sabi ko nga ay umalis na lang sila sa bayan namin ngunit ayaw naman nilang iwan ang bahay namin na ilang taon nilang pinaghirapan. Matigas din ang ulo ng mga magulang ko at wala na akong magagawa pa roon. Sana lang ay hindi naman gawan ng mas lalo pang kasamaan ang mga magulang ko. Natatakot na rin ako para sa dalawang ate ko. Isang umaga ay nagising ako at nakitang hindi umalis si Kuya para magtrabaho. Malalim ang iniisip nito na hindi man lang nito namalayan na nakababa na ako mula sa double deck. "Wala kang pasok, Kuya?" tanong ko sa kanya nang makapagsepilyo at hilamos na ako. "Hindi ako pumasok, Darcy," seryoso niyang sagot at malalim akong tinitigan na ipinagtaka ko. "Bakit mo ako tinitignan ng ganyan, Kuya? May problema ba?" medyo kinakabahan kong tanong sabay upo sa harapan niya. "Nanaba na ba ako sa isang buwan kong pagbabakasyon dito?" pagbibiro ko pa. Natigilan siya at saka muling tumitig sa akin na tila pinag-iisipan niya kung may sasabihin siya sa akin o wala. "Malaki, Darcy. May malaking problema tayo." Sumipa ang kaba sa dibdib ko nang marinig ko ang sinabi niya. "A-anong problema, Kuya? May ginawa bang mas masama si Attorney kina Papa at Mama? Nalaman na ba niya ang kinaroroonan ko?" natatakot kong tanong sabay sulyap sa pintuan ng kuwarto na tila anumang sandali ay biglang bubukas at papasok si Attorney. "Hindi pa niya alam." Nakahinga ako nang maluwag sa naging sagot ni Kuya sa tanong ko. Muli akong bumaling sa kanya. "Kung ganon ay ano ang problema na kinakailangan mo pang lumiban sa trabaho mo, Kuya?" Malakas siyang bumuntonghininga. "Darcy, kailangan nating magdesisyon lalo ka na." Nagdikit ang mga kilay ko sa sinabi niyang iyon. "Desisyon? Anong desisyon?" Mas Lalo pa akong kinabahan dahil sa sinabi niyang iyon. "Darcy, mukhang sagad na ang paghihintay ni Attorney sa pagbabalik mo. Gumawa na siya ng hakbang para mapilitan tayong umuwi." Hindi na ako nakatiis pa. "Kuya, diretsuhin mo na ako, please! Ano ba ang nangyayari at sinasabi mo iyan?" nagmamadali ngunit sobrang kabado kong tanong. Muli na naman siyang bumuntonghininga at saka ko nakita ang pagkuyon ng kanyang kamay. "Dinukot nila ang Ate Kristine at Ate Kathleen mo." "Ano?!" Tumango si Kuya, madilim na madilim na ang kanyang mukha. "Inaasahan ko nang gagawin talaga niya iyon kung hindi sa mga kapatid nating babae ay kina Mama at Papa. Ilang beses ko na silang sinabihan na umalis na muna dahil nagiging agresibo na si Attorney sa bawat pagdaan ng araw na hindi ka nagpapakita. Pero matigas ang ulo nila, Darcy. Ayaw nilang makinig sa akin. Kaya hayaan ngayon, nangyari na ang kinatatakutan ko." "Kuya..." nanghihina kong tawag sa kanya. Litong-lito ako at hindi alam ang sasabihin. "Sinubukan nila Mama ang mag-report sa pulis pero alam naman nating hawak din ng mga Simon ang kapulisan sa bayan natin kaya sa iyo ko ibibigay ang desisyon, Darcy. Makikipagmatigasan pa ba tayo o uuwi ka na?" Nanlalamig na ang buong katawan ko. Nai-imagine ko ang dalawang kapatid kong babae na hinihila papasok sa puting van. Nakapiring ang mga mata, nakatali ang mga kamay at paa. Baka rin katulad ni Attorney na manyak ang mga tauhan niyang kumuha sa mga kapatid ko. Baka pinagpapasa-pasahan na nila ang mg ate ko. Baka may putulin silang parte ng katawan nila at ipadala kina Mama at Papa. Baka... Baka patayin nila ang mga kapatid ko hanggang hindi ako lumalabas sa pinagtataguan ko. Ilang beses akong napalunok. Ang higpit-higpit ng lalamunan ko. Parang may nananakal sa akin kaya hindi ako makapagsalita. Ano ang gagawin ko? Hihintayin ko pa bang mapahamak nang tuluyan ang mga ate ko nang dahil sa akin? Siguradong hindi ako mapapatawad nina Mama, Papa, at Kuya kapag bangkay na lang na matatagpuan ang mga ate ko. Hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko. Diyos ko. Ito na ba ang kapalaran ko? Ang maging taga-tanggap ng libog ng abogadong iyon? Ang maging alipin at laruan niya ang katawan ko sa ibabaw ng kama? Napakabata ko pa! Bakit kasi ako pa?! Gusto kong umiyak nang malakas sa sobrang galit sa abogado ngunit alam kong wala rin namang magagawa ang pag-iyak na gagawin ko. Kailangan kong iligtas ang mga ate ko kahit na ang kapalit niyon ay ang magiging pambababoy ng abogado sa katawan ko. "K--kuya..." Nanginginig hindi lang ang buong katawan kundi maging ang boses na tawag ko sa kapatid ko. Tumingin siya sa akin. Nasa mga mata niya ang pagtatanong. "Uuwi na ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD