Chapter 12

1612 Words

Pagkatapos kong sabihin kay Kuya ang desisyon ko ay walang imik na akong naghanda. Inayos ko ang mga gamit ko at saka ako naligo at nagbihis. Halos isang oras lang ang nagdaan ay handa na ako sa aming pag-alis. Ilang beses kong sinulyapan si Kuya. Nasa mukha na rin niya ang pagsuko sa sitwasyon ko. Nasa bingit na ng kapahamakan ang dalawa naming kapatid. Wala akong galit, pagtatampo o pagtatanong sa kanya na hindi siya tumanggi sa naging desisyon ko. Dalawa kapalit ang isa, natural na mas pipiliin namin ang mas marami kesa sa iisang masasakripisyo kahit na ako iyon. Alam kong kung may iba lang na pagpipilian, hindi ako ang isasakripisyo ng pamilya ko. Tahimik lang kami ni Kuya nang sumakay kami sa sasakyan ng kaibigan niya. Natawagan na niya ito habang naghahanda ako para may masakya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD