Chapter 10

1952 Words
Binilhan nga ako ni Kuya ng bagong sim card kinabukasan. Syempre pa, ang mga magulang ko at si Carla ang una kong pinadalhan ng mensahe. Nag-deactivate na rin ako sa mga social media accounts ko dahil baka doon na naman ako kukulitin ng manyakis na abogadong iyon. Iyong email ko lang ang hindi ko dineactivate dahil doon ipapadala ni Carla ang mga kopya ng lessons namin. Bored na bored ako sa kuwarto sa mga sumunod na araw Lalo na kapag nasa trabaho si Kuya at ako lang mag-isa. At tuwing ganito ay sinisisi ko ulit si Attorney Simon. Ipon na ipon na ang inis at galit ko sa kanya. Pati sa gabi, inaabala niya ang isipan ko. Mabuti na lang sa araw ay ka-text o kaya ay katawagan ko si Carla. Siya ang nagbabalita sa akin tungkol sa mga nagaganap sa aming eskuwelahan o 'di kaya ay sa aming mga kaklase at schoolmates. "Hinanahanap ka ni Steven." Text niya sa akin. Hindi ko napigilan ang mapangiti nang mabasa ko iyon. Lihim sa lahat ay espesyal sa akin si Steven kahit na hindi ko naman talaga siya ka-close. May something sa aming dalawa na hindi ko mabigyan ng pangalanan. Matangkad si Steven. Medyo matipuno dahil nagbubuhat daw sa gym. Maputi rin siya na siyang gusto ko sa mga lalaki. Syempre pa, halata sa itsura, pananamit, at kilos niya na mula siya sa maykayang pamilya. May pagkaisnabero madalas pero kapag nagkakasalubong kami ay tumatango o hindi kaya ay ngumingiti siya nang tipid sa akin. Kaya ko siya napansin noon dahil nahuli ko siyang malagkit na nakatitig sa akin. At mula noon ay lagi ko na siyang napapansin. Sa lahat ng lalaking guwapo sa aming eskuwelahan ay sa kanya ako attracted. Siguro nga ay crush ko siya. Bisexual naman ako kaya hindi ko mapipigilan ang sarili ko na ma-attract sa kanya. Kung hindi ko lang nobya na si Carla, siguro ay tuluyan na akong babaliko para kay Steven kung sakaling gagawa ito ng paraan para mapalapit sa akin. Mas mabuti nang sa kanya ako tuluyang maging bakla kesa sa gurang na abogadong iyon. Kaya naman hindi ko mapigilan ang kiligin dahil hinahanap niya raw ako. "Bakit niya raw ako hinahanap? May kailangan ba siya sa akin?" painosente kong reply kay Carla. Syempre, hindi ko sasabihin sa kanya na may gusto akong lalaki. Baka masampal pa ako ng girlfriend ko kapag nagkita na kami. Sabik kong hinintay ang sagot ni Carla sa text ko. Oras ng klase pero alam kong makagagawa siya ng paraan para sumagot sa akin. Ilang minuto pa nga ay tumunog na ang message alert tone ng cellphone ko. Sabik ko itong binuksan. "Hindi naman sinabi, babe. Umalis kaagad noong sinabi kong magmo-modular ka na lang muna. Siguro nami-miss ka na niyang makita," biro ni Carla sa akin. "Nami-miss? Hindi, ah!" mabilis kong reply sa kanya. Hindi naman siguro niya mahahalata na masyado akong defensive sa sagot ko. Matagal bago siya nakasagot kaya medyo kinabahan ako. Baka kasi nakahalata sa akin si Carla. Pero ang sumunod niyang text ang nagpalamig sa buong katawan ko. "Babe, galing dito sa classroom natin si Attorney Simon. Nagtanong kay Ma'am Santos pati na rin sa akin!" Halos mabitawan ko ang phone nang mabasa ko ang mensahe niya. Nangangatal pa ang mga kamay ko nang mag-type ako ng reply sa kanya. "Anong itinanong? Anong sinabi mo?" Nahihirapan akong huminga dala ng nerbiyos ko habang naghihintay sa sagot ni Carla. "Hinanahanap ka sa amin. Sinabi kong magmo-modular ka muna at hindi ko rin alam kung saan ka nagpunta at kung kelan ka makakabalik. Ihahatid niya raw ako mamayang uwian. Siguradong kukulitin niya ako tungkol sa'yo. Darcy, ano ba talaga ang ginawa mo? Ano ba ang naging kasalanan mo kay Attorney Simon? Bakit ganito ka na lang niya hanapin?" Paulit-ulit kong binasa ang mensaheng iyon ni Carla dahil tila hindi ko iyon maintindihan. Hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Nablangko ang isipan ko. Halos limang minuto ang lumipas bago ako nakagawa ng isasagot ko sa kanya. "Huwag kang sumama..." Kaagad naman siyang sumagot sa akin. "Hindi pwedeng hindi ako sumama. Naka-oo na ako sa kanya, Darcy. Kaya mamayang uwian, huwag ka na munang mag-text o tumawag. Buburahin ko na rin ang mga text mo at papalitan ko ang pangalan mo sa phone book ko. Babalitaan na lang kita kapag nakauwi na ako." "Magsabi ka sa mga kaibigan natin na sasama ka sa kanya mamaya, Carla. Para kung may gagawin siyang Hindi maganda sa'yo ay may magsusuplong sa kanya sa mga pulis," nagmamadali kong reply sa kanya. "Mabuti nga na magkausap kami para malaman ko ang totoong rason kung bakit ka niya pinaghahahanap. Darcy, sinasabi ko sa'yo. Makikipag-break ako sa'yo kapag sobrang sama ng ginawa mo! Huwag ka nang mag-reply!" Gusto kong iuntog ang ulo ko sa semento dahil sa huling text ni Carla. Ayoko namang mag-break kami. Mahal ko naman siya bilang girlfriend. Natatakot din ako na manggagaling kay Attorney Simon ang mga impormasyon na dapat malaman ni Carla. Baka kasi baliktarin pa nito ang lahat. Baka ako pa ang palabasin nitong nang-akit sa kanya kaya nangyari ang bagay na iyon sa aming dalawa. At gaya ng sinabi ni Carla, hindi ako nagpadala ng mensahe sa kanya at naghintay na lang. Pero dumating na si Kuya at nakakain na kami ay wala pa rin siyang text sa akin kaya lalong nadagdagan ang kaba ko. Nakahiga na ako sa taas ng double deck nang mag-vibrate ang phone ko. Kaagad kong binuksan ang mensahe niya. "Darcy, ano ba talaga ang kinuha mo kay Attorney? Umamin ka na!" Nagdikit ang mga kilay ko sa text message sa akin ni Carla. Kinuha? Wala naman akong kinukuha sa abogadong iyon! "Anong kinuha? Wala akong kinuha sa kanya, Carla!" Diin na diin pa ang mga daliri ko sa pagtipa sa mga letra bago nagmamadaling pinindot ang send. "Sinabi niyang may kinuha ka kaya ka niya hinahanap! Ano ba iyon? Bagay ba? Picture? May nakuhanan ka bang picture niya na meeskandalo siya kapag kumalat? Video ba, Darcy? S*x video ba niya ang nakunan mo?" Ano?! S*x video?! Ano ba itong pinagsasabi ni Carla? Hindi na ako nag-abalang sagutin ang text niya. Kaagad ko na siyang tinawagan. "Iyon ba ang sinabi niya? Na may kinuha ako sa kanya?!" kaagad kong tanong nang sagutin ni Carla ang tawag ko. "Darcy, ano ba 'yan?" tanong ni Kuya na nagising pa dahil sa lakas ng boses ko. Bumangon pa siya para silipin ako. Kaagad ko namang inilagay ang hintuturo ko sa ibabaw ng bibig ko para patahimikin siya. Pinindot ko ang loud speaker para marinig din niya ang pinag-uusapan namin ni Carla. "Basta! Sinabi niyang may kinuha ka sa kanya kaya ka niya hinahanap! Kung ano man iyon, isauli mo na para makabalik ka na rito, Darcy!" galit na utos sa akin ni Carla. Napatingin ako kay Kuya na magkadikit ang mga kilay na nakatitig sa akin. "Wala nga akong kinukuha sa kanya, Carla! Ano naman ang kukunin ko? Hindi ako magnanakaw! At hindi ko siya nakuhanan ng litrato o video ba may ginagawa siyang masama!" pagpupumilit ko naman. Walanghiyang abogado. Ginawa pa akong magnanakaw. "Sino sa tingin mo ang paniniwalaan ko sa inyong dalawa, Darcy? Siya na nagsabi na o ikaw na nagtatago pa sa akin ng totoo?" Nainis ako sa katanungang iyon ni Carla. Sobrang nag-aalala pa naman ako dahil baka may gawing masama sa kanya si Attorney Simon, tapos ganito ang sasabihin niya sa akin ngayon? Na mas pinaniniwalaan niya ang lalaking iyon kesa sa akin sa boyfriend niya? "Bahala ka kung mas paniniwalaan mo siya kesa sa akin, Carla. Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan. Basta, wala akong kinukuhang ano man kesa sa kanya. Wala!" Pinatay ko na ang tawag kahit hindi pa siya nakakasagot sa akin. Ilang segundo lang ang nagdaan nang siya naman ang tumawag pero hindi ko iyon sinagot. Pinatay ko ang tawag at pinatay ko na rin ang phone ko para hindi niya na ako matawagan. Nakakainis kasi siya. Pareho sila ng sinungaling na attorney na iyon. Pwes, magsama sila. "Darcy, tingin ko ay tama lang ang ginawa ni Attorney." Galit akong napatingin sa kapatid ko. "O, wag mong ipasa sa akin ang galit mo. Makinig ka muna sa sasabihin ko, okay?" Humalukipkip muna ako bago tumango. "Tingin ko, mas mabuti na lang na sinabi ni Attorney na may kinuha ka sa kanya kaya ka niya hinahanap kesa naman sabihin niyang hinahanap ka niya dahil gusto ka niyang asawahin." Dumausdos ang mga kamay ko at saka napabuka ang bibig ko. "O, anong nakakagulat sa sinabi ko? Hindi ba at ganon naman talaga ang gustong mangyari ng attorney na iyon?" natatawa niyang tanong. Nang hindi pa rin ako makasagot ay nagpatuloy siya. "Kahit hindi niya natapos, naangkin pa rin niya ang katawan mo dahil napasok ka na niya. Eh bakit hinahabol-habol ka pa niya kung minsan ka na niyang natikman? Bakit nagsabi siya kina Mama na gusto ka niyang ibahay? Bakit gusto niyang tumira ka sa kanya? Simple. Dahil gusto niyang tapusin ang nasimulan niya. Gusto niyang tuluyan kang maangkin. Pero sa tingin mo kung matatapos niya ay ganon na lang iyon? Hindi, Darcy. Gusto niyang paulit-ulit na gawin iyon sa'yo. Gusto niya na may paglabasan siya ng init ng katawan niya na hindi niya mabubuntis. Gagawin ka lang na laruan ng abogadong iyon. At ayaw naming mangyari iyon kaya ka nga nagtatago rito ngayon, hindi ba?" Pilit kong nilalabanan ang sobrang hiya na nararamdaman ko sa harapan ng kapatid ko dahil sa mga salitang nakaeeskandalo ngunit puno naman ng katotohanan na sinabi niya. Nagpakatatag Ako at nagtapang-tapangan. "Gusto ko siyang labanan, Kuya! Gusto ko siyang isuplong sa pulis dahil sa patuloy niyang ginagawa. Hindi iyon ganyan na sinisira niya ako sa mga kakilala ko. Iyong tinatakot niya ang pamilya natin! Hina-harrass na niya ang lahat!" Napalatak si Kuya. "Tingin mo, hindi rin maisip iyan nina Papa? Pero Darcy, ano ang laban natin sa kanila? Hawak nila ang bayan natin pati na ang buong probinsiya natin. At kung dito naman sa siyudad, tingin mo ba ay hindi nila mapapagana ang impluwensiya at pera nila? Isa pa, tignan mo ang nangyari Kay Carla. Balikan mo ang sinabi niya. Sa tingin mo sino ang mas paniniwalaan ng pagsusumbungan mo? Ikaw na hindi kilala at walang impluwensiya o siya na abogado at makapangyarihan? Pwede siguro kung mukha siyang kriminal pero pareho nating masasabi na hindi." Bumagsak ang mga balikat ko sa paulit-ulit na katotohanang sinabi ni Kuya. Matagal akong nanahimik bago nakapagsalita. "Pero hanggang kailan ako magtatago? Hanggang kailan ko siya pagtataguan? Natahimik din si Kuya bago sumagot. "Hanggang makakita siya ng kapalit mo. Hanggang magsawa siya sa kahahabol sa'yo. Kaya iyon ang ipagdasal mo gabi-gabi, Darcy. Na tuluyan niyang makalimutan ang nangyari sa inyong dalawa. Pero ang sinisiguro ko sa'yo ay hindi iyon mangyayari sa lalong madaling panahon kaya tanggapin mo na lang muna ang sitwasyon mo." Napayuko ako at tinimbang ang mga sinabi niya. "Kung mas pinaniniwalaan siya ng nobya mo, tingin ko kailangan mo na ring pag-isipan kung ipagpapatuloy mo pa ang pakikipagrelasyon sa taong walang tiwala sa'yo." Lalo akong nalungkot sa sinabing iyon ni Kuya. "Matulog ka na, Darcy. Magpalamig ka na muna ng ulo bago ka makipag-usap sa nobya mo." "Sige, Kuya," mahina kong sagot bago nahiga na puno ng pagkadismaya sa sarili ko, kay Carla at lalong-lalo na sa sinungaling at manyakis na abogadong nakilala ko. Pero tama rin si Kuya, mas mabuti nang nagsinungaling si Attorney kesa sabihin kay Carla ang nangyari sa aming dalawa. At ayaw ko man pero sa mga oras na ito ay nagpapasalamat rin ako kahit papano. Ngunit hindi pa rin iyon makababawas sa galit ko sa abogadong manyakis na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD