Chapter 42

1361 Words

"M-mahal niya ako?" nanginginig ang boses na pag-uulit ko sa sinabi ni Patrick. Tumango naman siya sa akin. "Ikaw? Magagawa mo bang mahalin si Kuya Samuel?" Balik-tanong niya sa akin. Matagal akong Hindi nakaimik habang pinag-iisipan ang tamang mga salita sa isasagot kom "Sa totoo lang, kung noon mo itatanong iyan sa akin, mabilis kong sasagutin na hindi. Kaya nga ako may nagawang pagkakasala dahil akala ko ay wala ako ni munti mang nararamdaman sa kanya. Pero nitong nakaraan mga araw ay may ginising siya sa puso ko. Pagkatapos ngayon na nagkausap tayo ay aaminin kong may nararamdaman na ako para sa kanya. Hindi man niyon matutumbasan ang sinasabi mong pagmamahal na meron siya para sa akin, nadarama kong meron ng ibang pakiramdam dito sa puso ko para sa kanya," pag-amin ko kay Patri

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD