Chapter 37 SPG

1878 Words

Hindi ko rin natiis na magmulat ng mga mata. Ngayon tuloy ay hindi makapaniwalang nakatitig ako sa dalawang tao na nagyayakapan at naghahalikan sa kama. Ang ate kong si Kristine ay nakakandong sa lalaking ilang ulit na ring umangkin sa katawan ko. Mulat na mulat ang aking mga mata, nakabuka ang aking bibig, at naninikip ang aking dibdib habang titig na titig sa panunuod kung paano magsayaw ang kanilang mga labi sa isa't isa habang naglalakbay ang mga kamay nila sa bawat parte ng katawan nila. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang sakit, kirot, at hapdi na nararamdaman ko sa buong katawan ko... Kung idinidikta ba iyon ng puso ko o ng isipan ko. Gulat, galit, at paghihimagsik ang waring nagtulak sa mga mata kong balungan ng mga luha hanggang sa ang tila panunuod ko ng sine ay unti

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD