Chapter 38

1118 Words

"Ayan! Kumain ka na!" Padabog na inilagay ni Ate Kristine ang platong may lamang pagkain sa labas ng kulungan ko. Sa lagay ay siya pa ang tila galit sa akin. Nakakaloko na imbes na ako ang magselos at mamuhi sa kanya ay siya ang nakaramdam niyon para sa akin na nakakulong ngayon sa hawla. Kahit namumugto pa ang mga mata ko, kahit puro pasa na ang buong katawan ko, at kahit pa tila nilalagnat ulit ako ay nagpilit akong bumangon. May kalakihan at kataasan rin naman ang kulungan ko at hindi ako mauuntog sa mga bakal kapag nakaupo ako. Kumilos ako kahit humihiyaw sa sakit ang mga buto ko sa pagkilos na ginawa ko. Inabot ko ang plato at ang bote ng mineral water na dala niya at saka ako walang imik na nagsimulang kumain. Nakaismid niya naman akong pinapanuod. "Napakasuwerte mo pa rin, bunso

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD