Chapter 30

1135 Words

Kinakabahan akong pasulyap-sulyap sa relong nasa kamay ko o 'di kaya ay sa malaking wall clock na nasa loob ng classroom ko. Malapit nang magtapos ang oras ng klase ko at ang susunod kong subject ang sinabi ni Steven na hindi ko papasukan upang magkausap na kaming dalawa. Kaninang umaga pa ginugulo ng magiging desisyon ko ang utak ko. Kung hindi lang ako pinakitaan ng galit ni Samuel kagabi, determinado na talaga akong makipagkita kay Steven. Ngunit ngayon, natatakot na ako. Nangangamba na kapag nakipagkita ako kay Steven ay may makakita sa amin at magsumbong kay Samuel. Nang magpaalam na ng prof ko ay halos hindi na ako gumagalaw sa puwesto ko samantalang excited namang nagtayuan ang mga kaklase ko at halos mag-unahan pa palabas ng kuwarto namin. 15 minutes na nagdaan ngunit naririto pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD