"Dito ka," nag-uutos ang boses na salubong sa akin ni Samuel nang makarating ako sa dining room ng bahay pagkatapos niya akong ipatawag. Nakita kong iisa lang ang plato at nasa harap na niya iyon. Nang sulyapan niya ang mga hita niya ay nakakaintinding pumuwesto ako ng upo roon sa kabila ng dumadagundong sa kaba kong dibdib. Kaagad na pumulupot sa bewang ko ang isa niyang braso. "Lagyan mo ng pagkain ang plato natin," sunod na utos niya sa mahinahon na boses. Ginawa ko ang gusto niya at nang mapuno ko na ng pagkain ang plato ay tahimik kong hinintay ang susunod na iuutos niya sa akin. Inayos niya ang pagkakaupo ko sa mga hita niya at nagsimula na siyang kumain. Sa bawat subo niya sa kanyang sarili ay ako naman ang sinusubuan niya pagkatapos. Tahimik ako sa aking pagnguya at paglunok.