"Darcy, kanina ka pa nagmumukmok diyan sa gilid ng pool. Sumali ka kaya sa amin ni Ate at ni Dennis. Pabilisan tayong lumangoy. Mamaya, kapag andito na si Attorney hindi ka na naman namin makaka-bonding," pag-iimbita sa akin ni Ate Kristine. Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa dalawa ko pang kapatid na naghaharutan sa kabilang bahagi ng pool. Gustong-gusto ko talagang makisali at makilagharutan sa kanila ngunit nanginginig pa ang mga tuhod ko. Kaya nga ako nakakapit lang sa gilid ng pool kahit gusto ko rin sanang mag-enjoy sa paglangoy ay dahil sa pesteng mga tuhod ko. Kung alam lang ng mga kapatid ko. Haaay. Halos 30 minuto ang ginugol ko makababa lang sa hagdan dahil isang maling paghakbang lang, gugulong talaga ako pababa. Bukod kasi sa pamamaga ng likuran ko, talagang sobra a