"Gusto mo bang sabay na tayong mag-shower?" malamyos ang boses na tanong si Attorney nang maisara na niya ang pintuan ng aming suite. Dito niya ako idiniretso pagkatapos niya akong sunduin sa Rest Room ng resort kanina. May pag-aalinlangang umiling ako sa kanya. Natatakot akong magalit siya sa ginagawa kong pagtanggi ngunit mas natatakot ako kapag nawalan ako ng kontrol sa emosyon ko gaya kanina sa harap ni Kuya Dennis. Napaigtad ako nang pumalatak si Samuel ngunit nakangiti naman siya nang balingan ko siya ng tingin. "Sige na nga, alang-alang sa pamilya mong kasama natin ngayon sa resort na ito, hindi ko ipagpipilitan ang gusto ko. Pero mamaya pagkatapos mong maligo, kinakailangang pagbigyan mo naman ang mga hihilingin ko. Nagkakaintindihan ba tayo, Darcy?" Tumitig siya sa mga mata ko