Chapter 13 SPG

1643 Words

Wala silang imik na pumasok sa sasakyan nang nasa loob na ako nito. Sa kabila ng panginginig ay napasulyap ako sa bewang ng isang lalaki. May nakasukbit doong baril. Lalo akong natakot. "S--saan... Saan n'yo po ako d-dadalhin?" lakas loob kong tanong. "Kay Attorney," simpleng sagot ng lalaking nasa tabi ko. Lumunok muna ako bago muling nagtanong. "Ang... Ang mga ate ko? G-gusto ko silang makita bago... bago n'yo po sana ako dalhin kay Attorney," pakiusap ko sa kanila. Nagkatinginan sila bago may isang tumango sa katabi ko. Nakita kong may inilabas itong cellphone. Kabado akong nanunuod habang may tinatawagan ito. "Boss, good afternoon. Hawak na po namin si Darcy Monte pero may pakiusap siya, Boss. Gusto raw po nitong makita muna ang mga kapatid," sabi nito sa kabilang linya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD