Elaine's POV
I'm sitting here at one of the pool loungers, watching my colleagues who are enjoying their bath. Honey invited me earlier to join them, pero hindi ko talaga feel ang maligo. Every girls that I saw are wearing their bikini's, while the boys are topless. I'm feeling lazy about doing something that could make me feel unbored.
"Elaine, maligo ka nalang kaya?" Sabi ni Honey sakin, na sinagot ko ng makailang pag-iling.
"Ayoko, pass muna ako." The truth is, ayokong maligo na may nakakakitang mga lalake sa kahubdan ko. Ang baliw ko rin noh? I transferred school because of boys, tapos mahihiya akong mang-akit. Just weird. Okay pa kaya ako?
"Eh? Ano gusto mo? Uupo ka lang diyan?" Yung labi talaga niya ang dahilan ng pagtawa ko. It twitched upwards with the same manner of Phineas lips. Wala lang natatawa lang ako.
"Silly, maligo ka na nga lang diyan. Kulit mo eh!" Sabi ko nalang sa kanya at tumayo na. Lalo na't natatanaw ko mula rito ang paparating ng mag-asawang peste. Just wanna avoid of becoming annoyed in the middle of the night.
"Eh? Saan ka naman pupunta?" Tanong na naman niya, kahit kailan talaga itong si Honey, wait kailan nga siya naging madaldal? I don't remember a nerd who's so blabber.
I just rolled my eyes at her at nagsimula ng maglakad paalis, "Sa tent lang ako, mama!" Diniinan ko talaga ang 'Mama' dahil kung makaasta ang gaga para na siyang nanay ko eh! Well? Kung gusto niya palitan ang role ni Mom, hmm... why not?
"I'm not your mother!" Giit niya at nakisali na sa mga kakilala niya roon. Humugot ako ng isang malalim na hininga at inilabas iyon bago nagpatuloy sa pag-alis. Sana naman ay huwag na akong sundan ng kahit na sinong panget na nakakairita, kagaya ni Hanz at ng girlfriend niya.
Bumalik nga ako sa ground kung saan kami nag campo, pero hindi ako doon nanatili. Naghanap ako ng kahoy na maaari kung mapag-tambayan at nakahanap nga ako, tanaw lang siya dito. Pero medyo malayo. I just shrug, ayos na rin yun kaysa walang mapili na lugar na mapagtambayan. Kung sa gazebo ako at sa ibang lugar na may mga benches, paniguradong makakasagupa ko ang dalawang 'yun. Tiyaka, maliwanag naman ang buwan kaya hindi na rin nakakatakot. Fan din kaya ako ng mga horror movies, my wish is to see ghost. Charr lang, pero totoo!
With my cellphone and my headset in hand, nagpunta ako sa puno na nakita ko. Naupo sa bandang hindi kaagad makikita ng kahit sino. Hindi naman kalakihan ang puno, sakto lang na mapagtaguan mo. Ang maganda lang dito ay maganda ang view, dahil sa sinag ng buwan ay natatanaw ko ang kabuoan ng kalangitan. Even the clouds and the countable stars at the sky. Nag-aambon kase, kaya siguro kaunti lang ang nakikita ko ngayon. Uulan kaya?
Well, hindi ko alama. Bahala na, kung uulan, edi uulanin. Binuksan ko ang cellphone ko at pinindut ang 'Do not disturb' botton. Ayokong madisturbo kaya sinasadya ko ang ganoon. Then I turn on my mobile data after, ang saya lang dahil malakas ang signal dito sa banda ko. Pwede akong makapag-spotify! I plug my headset to my cellphone at naghanap ng mga kantang maaari kong pakinggan. Nang makahanap ay, hinayaan ko ang sarili ko na pumikit. Pero sa kasamaang palad nakatulog ako.
Narration:
Habang nagtagal si Elaine sa punong pinag-pahingahan niya ay hindi nito napansin ang oras. Masyado siyang napagod sa mga activities na ginawa nila at binisita kanina. Medyo dala na rin ng antok at kunting pagkahilo, kaya siya mabilis na nakatulog na sinabayan rin ng musika na nakapagpaganda ng tulog niya.
Tumuntong ang alas onse at nasa kani-kanilang mga tent na ang mga estudyante, pero hindi pa rin nakabalik si Elaine. Bagay na ikinabahala ni Honey, kaibigan at ka-partner ni Elaine sa tent. Lumabas siya ng tent at iginala ang paningin sa paligid. Umaasa na mahanap ang kaibigan, pero wala siyang Elaine na nakikita. Nagalakad-lakad siya sa kabuoan ng resort para lang hanapin ito. Kahit na yata siguro rest room ng lalake ay chineck na niya pero wala pa rin doon.
Saan kaya nagpunta ang kaibigan niyang 'yun? Alas onse na at malapit ng mag hating-gabi ay hindi pa rin ito bumabalik. Sana man lang ay sinabihan siya nito kung saan nito plano magpunta. Hayys, imbes na natutulog siya ngayong oras ay hindi siya makatulog dahil sa pag-aalala. She knows that her friend was carrying a problem, pero kahit anong tanong at pilit niya rito na e-share ang problema ay siyang pag-iwas naman nito sa paksa na binuksan niya. The last time she check, mukha namang nagkaayos na si Hanz at si Elaine, pero bakit hindi naman nagmukhang maayos ang kaibigan niya? She was been doubting that, since earlier.
Wearing her jacket and a jogging pants, she decided to go back to their tent, baka bumalik na 'yun doon. Pero sa pagbalik niya ay siyang pagbuhos ng ulan, wala siyang ibang choice kundi tumakbo at pumasok kaagad sa tent nila. But Elaine's absence made her worry more. "Nasaan ka na ba Elaine?" She mumbled to herself.
Nag send na rin siya ng messages dito kanina, tinawagan niya rin ito. Nag ri-ring pero hindi naman sumasagot.
Sa kalagitnaan ng pag tulog ni Elaine ay hindi niya agad napansin ang biglaang pagbuhos ng ulan. Mga ilang minuto pa ang lumipas bago niya naramdaman ang sarili na naligo na sa ulan at dinumog ang matinding ginaw na dala ng hangin at lamig na hatid ng ulan. Nabasa ang cellphone niya, kasabay ng pagkabasa ng mga saplot niya.
"Sh't!" She cussed to herself and push herself up, para sana tumakbo paalis, nang makailang hakbang pa lang siya ay nadulas siya sa sobrang basa ng mga dahon na nadadaanan niya. Napapikit siya sa sakit na dumama sa bukong-bukong niya. Pagka minamalas nga naman siya, suki na nga ata talaga siya ng kamalasan dahil parati nalang siya nitong dinadalaw.
Kahit masakit ang kanang paa niya ay tinulak niya pa rin ang sarili na makatayo at ininda ito. Para makarating sa tent nila ni Honey, paniguradong magagalit ito sa kanya kapag nakita siya nitong naligo sa ulan.
Ang rason sa likod ng kanyang pag tanggi na maligo ay masakit ang ulo niya, at kapag naligo siya ay maaari siyang dalawin ng hika, at sipon na siyang iniiwasan niyang mangyari. Pero tipo talaga siya ni kamalasan kaya nakaligo siya ng hindi niya inaasahan. In the amidst of the night, siya nalang ang nag-iisang tao sa labas and what's worst? Naligo pa sa ulan.
Kaya kinabukasan sa pag-uwi nila ay nagsidatingan ang mga consequences niya dahil sa ulan kagabi. Panay singhot at apply niya ng vicks na binigay sa kanya ni Honey kanina. Pero ayos na rin 'yun at hindi siya nilagnat at hika. Sipon lang din naman at mawawala rin.
Honey was so mad at her last night. Hindi daw siya nagpaalam kung saan siya magsusu-suot sa kalagitnaan ng gabi. Ni hindi siya sumasagot ng mga tawag nito. At pinag-aalala pa talaga siya nito. As usual, wala siyang makalap na sagot at nanahimik nalang habang sinermonan siya ng kaibigan, na nauwi naman sa pagbabati.
Hindi sila magka-pareha ng bus na sinakyan ni Hanz, kaya maluwang siyang nakakauwi. Nagpa drop lang siya sa village nila at naglakad. Pero sa kalagitnaan ng paglalakad niya, ay siyang pagdaan ng kotse ni Hanz. Wala sa sarili na napangiti siya, bakit pa ba siya nito hihintuan at tulongan? Di'ba, magka-galit sila? Pero sa ideyand 'yun, hindi niya maiitatanggi na sinagi ng kirot ang puso niya. Hanz wasn't like that, at palagi siya nitong inaaalalayan sa lahat ng bagay. Pero ngayon, dahil sa kanya, she lost him. Wala nang Hanz na magtatanggol sa kanya, mang-aasar at mambubuwesit sa kanya, sa panghuli, wala nang lalake na manenermon sa kanya at sakyan ang mga kalokohan niya. How irionic was it?
Nang makarating sa bahay ay, wala siyang nadatnan na tao. Maybe because it's last monday of the month? Day off ng mg maids at sa myerkules pa ang balik. Pagod at mahina niyang binuhat ang maleta niya papunta sa kuwarto niya, completely leaving the entrance's door open. Nakalimutan niyang isara. Tiyaka nakakapagod na rin kung balikan pa niya lalo na't hindi maganda ang pakiramdam niya.
She unbuckles the laces of her shoes so her foot could free, ganoon rin ang ginawa niya sa kabila at nang mahubad ay hinayaan niya nalang itong nakalatad sa sahig. Hindi na niya kaya pang magligpit, at masyadong mabigat ang katawan niya para roon. Hinubad niya ang blazer at tinapon 'yun kung saan-san. Wala na siyang pake kung magulo man tingnan ang silid niya. Basta ang alam niya, gusto niyang matulog buong araw.
Sa kabilang banda, kasalukoyan na nag-aaral si Hanz ng coverage sa pre-test nila bukas. Gabi na at pagkatapos niyang mag-aral ay matutulog na din siya, nang biglang umilaw ang cellphone niya at sunod-sunod na notifications ang natanggap niya. Hindi ba niya na on ang 'Do not disturb' at may nakalusot na notifications?
Hindi sana niya papansinin nang umilaw na naman itong muli dahil sa isang tawag. It was an unregistered number, at nakuryuso naman siya. Hindi rin naman maaari na ang nobya niya ang tumawag dahil naka-rehistro naman ang numero nito sa contacts niya.
Nilubayan niya muna ang libro para pagtuonan ng pansin ang cellphone niya. Tiyaka niya 'yun sinagot.
"Finally! Sumagot ka rin, Hanz!" Sa uri ng boses ay mapapangalanan niya kung sino 'yun.
It was, "Celes, bakit ka napatawag?" Tanong niya, it's not like Celes will call him for some useless matters. Pag tumawag ito, alam na niyang may sadya ito sa kanya.
"Actually, it's not me. Si Honey ang may kailangan sayo!" Maldita nitong sabi, at hindi niya mawari kung bakit ang maldita nito sa kanya. Well, hindinalang niya papansinin. "Ayan, mag-usap kayo!" Nawala na nga si Celes sa kabilang linya at napalitan ng may pagka-malamyos na boses. Umarko ang kilay niya dahil wala naman siyang kilalang Honey.
"Hi, I'm Honey. Elaine's friend. Remember mo nung sinako mo si Elaine sa school?" Doon naman sumagi sa isipan niya ang babaeng kasama ni Elaine nung araw na 'yun. Which happened three weeks ago.
"Alright, naalala ko." Tanging sabi niya at pinulot muli ang kuwaderno at sinimulang magbasa.
"Uhm, ano... Alam kong hindi pa kayo okay ni Elaine, pero pwedeng makisuyo?" Natigils siya sa pagbabasa, ngunit pinili na huwag sumagot. Gusto niya muna itong pataposin at kung bakit nito hinihingi na puntahan ang kaibigan. "Kagabi, nawala siya ng ilang oras at alas dose nang nakabalik sa tent na basang-basa ng ulan. At kanina, panay singhot niya at kung tingnan mo ay napakahina at pagod..." Muling nagbalik ang kanyang balintanaw sa Elaine na nakita niyang hatak ang maleta at mahina masyado kung maglakad. Wasn't it because she's sick? "Nag-aalala lang kase ako sa kanya dahil baka tinarangkaso na 'yun. Ayoko naman siyang tanongin about sa pakiramdam niya kanina dahil alam kung sasabihin niyang ayos lang siya kahit hindi namna siya nagmumukhang maayos. Maaari mo ba siyang kamustahin?" Napapikit si Hanz sa narinig, she's gone last nigt at bumalik na basang-basa ng ulan, at alas dose pa talaga ang napiling oras para bumalik?
The last time he saw her last night was the time she saw them coming and left. Ibig sabihin, simula sa mga oras na 'yun nawala ang dalaga? Sa kalaisipang 'yun ay sumasakit ang ulo niya at heto na naman siya, nag-aalala.
"Sige, bibisitahin ko siya." Kahit lingid sa kaalaman niyang magagalit ang dalaga sa kanya ay tinulak niya ang sarili pa tayo at nagpunta sa silid niya para tanawin ang katapat nitong silid.
"Salamat!" Pagpapasalamat ni Honey bago naputol ang connection nila. Napahugot siya ng malalim na hininga nang makitang madilin ang kuwarto at tanging kusina lang ng bahay ang nagbibigay liwanag sa kalooban nito. While the outside premises ay maliwanag.
"Tang'ina!" Malutong siyang napamura sa sarili nang mapagtantong lunes ngayon at huling linggo ng buwan. Walang katulong ngayong araw at bukas! Papaanong hindi niya 'yun naaalala? Malamang mag-isa ito ngayon sa bahay. Papaano kung tama ang kaibigan nito at may sakit talaga itong dinadamdam? Papaano ang agahan at tanghalian nito? Malamang hindi iyon kumakain! He knew Elaine very much, at napakatamad nitong babae sa tuwing may dinadalang sakit. Maliban sa pag tulog ay wala na itong ibang ginagawa basta naitulog nito ang dinaramdam. Ni kahit pagkain ay ayaw pagtuonan ng pansin, walang gana.
Napansin niya nalang ang sarili niya nang maglakad siya papasok sa bahay na nakabukas ng kaibigan. Nakalimutan na naman nitong sinara, kaya siya nalang ang nagsara, pero gabi na ng alas nuwebe, malamang bukas ang pintong 'yun maghapon. Maswerte lang na mahigpit ang segyuridad ng village, dahil kung hindi, matagal na nitong pinasok ang bahay na nakahain na para sa mga magnanakaw at mahilig manloob.
Patakbo na tinahak niya ang hagdanan papunta sa ikalawang palapag ng bahay, at malalaki ang hakbang na ginawa papunta sa kuwarto ng dalaga. Kahit pintuan ng kuwarto nito ay bukas. Sa pagpasok niya ay nakita niya ang iilang saplot nito na nakahandusay sa sahid katabi ng maleta na nakapasad lang.
Sa nakita ay, hindi niya sinasadyang maalala ang gabing puno ng naging problema nila. But still, he was glad that Elaine did not suffer from pain. Tatlong linggo na rin ang nakakaraan ng magkailangan at magka-iwasan sila. At kahit ganoon man, pilit niyang pinapapaintindi sa sarili na hindi na mababago ang nangyari sa kanila. Nangyari 'yun dahil choice niyang huwag makitang nagdudusa ang dalaga, choice niyang galawin ito at palayain sa sakit na maaari nitong maramdaman sa drogang 'yun. Praktikalan nalang siya sa pag-iintindi kahit na minsan ay mahirap pasunorin ang isip at ng puso niya. Na siyang kinagagalit niya. Dahil doon ay nakakagawa siya ng mga maling hakbang na kumakailan niya lang din na realize. But can he still do something about it? Mahirap magpumilit sa taong ayaw na. Kaya he better shvt his mouth and control himself to not do something annoying to her, dahil paniguradong-panigurado, bubugwakan siya ng kumukulong lava sa galit. Just like yesterday at dinner time in gazebo. She doesn't like Skye, nahahalata niya 'yun. At sa pagkakakilala niya kay Elaine ay hindi nito tipo ang magpanggap kaya, nang magtagpo sila kahapon ay nagulat talaga siya, lalo na nung hinarap nito si Skye at nagpanggap na maayos sila.
He just want to talk to her, pero ang ideyang 'yun ay nakitaan niya ng mali. Kaya tumigil na rin siya nang maggabi.
Pero natagpuan na naman niya ang sarili niya na lumlapit sa dalaga, worries svcks when it comes to the person so dear to him. Hindi niya kayang baliwalain nalang, dahil siya naman ang ha-hantingin ng pag-aalalang 'yun.
He turns on the light of her room, at bumungad sa kanya ang dalagang naligo na sa pawis. Fvck! He cursed himself again at agad na kumilos para kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo. Ano ba kase ang naisip ng babae at bakit naligo sa ulan ng dis-oras ng gabi? Wala na ba ito sa sariling katinuan?
Instead of waking her up, and reprimanding her. Siya nalang ang kumilos, napakainit nito at napakataas ng lagnat na siyang hindi niya magawang iwan. Dahil kapag iwanan niya ito ng ilang minuto, tataas na naman ulit ang pumapanaog na init nito sa katawan.
Elaine sneezed and cough several times na ikina-disappoint niya. He remained silent, at hindi na nagsalita. Being careful to not wake her up. Natatakot na baka sa paggising nito ay mag-aaway na naman sila.
Pero... "H-Hanz... I-Ikaw ba 'yan?" Nagising din ito ng kusa.
"Yeah..." Sagot niya sa naturang tono.
"Bakit ka nandito?" Her voice was so weak, at sa panghihina nito ay siyang pagka-disappoint niya rin sa sarili. It was his job to look after her, pero hindi niya nagawa ng maayos ang trabaho niya at hinayaan ito. Inuuna pa ang ibang tao kaysa sa pinsan niyang malapit sa kanya.
"To take care of you, brat..." Kumilos ito patihaya, siguro ay napagod sa patagilid na posisyon.
"Salamat," Sabi nito sa kanya at ngumiti sa ere. Hindi siya tinitingnan. Ang mga mata nito ay napakabigat tingnan, ang ilong nito ay namumula, ngunit namumutla naman ang balat at ang labi nito.
He felt awkward, nararamdaman niya rin 'yung distansya na meron sila, na noon naman ay wala. Binalot silang dalawa ng katahimikan, at ilang minuto pa ang lumipas bago niya naaalala na kailangan niya pala itong ipagluto. Na siyang ipinagpaalam niya rito. Tango at mahinang ungol lang ang sagot nito sa kanya. Sa pagluluto niya ay hindi matahimik ang isipan niya kakaisip ng maaari niyang ipagbukas para sa kanilang dalawa na mapag-usapan.
Pero natitigil siya pagdating sa palaisipan na buksan ang pagkakamaling 'yun. Kaya tinantanan niya nalang din.
Matapos magluto ay dinala niya ay naghanda siya ng tubig, tiyaka gamot. Bago siya pumayo at umakyat sa taas ng kuwarto nito. Sa pagpasok niya ay hindi niya sinasadyang maabutan ito na nagbibihis at tanging bra lang ang suot nito. Tahimik siyang napamura at napaatras. Ngunit, huli na siya at nagawa na siya nitong mapansin.
"I'm done changing, pwede ka ng pumasok." Anito, senyales na pwede na siyang pumasok. "Thank you for coming here," Sabi nito sa kanya na hindi niya lang pinansin.
"Eat up, so you can drink the medicine and go back to sleep." Bagsak ang mga balikat na lumapit si Elaine sa kama dahil sa pag ignora nito sa kanya, at inilipat naman ni Hanz sa kandong niya ang bed table. Upang makakakain siya ng maayos.
Actually, gusto niya ring makausap si Hanz, pero hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Natatameme siya at para bang may bagay na bumara sa lalamunan niya para ilabas 'yun. She's embarrassed too. Nag-aalala din siya sa magiging reaksyon nito sa oras na buksan niya ang paksa na pilit din nitong kinakalimutan.
Nakakaisang spoon pa lang siya ng sabaw ay nag-angat siya ng tingin sa binata, wala naman sigurong masama kung magtanong hindi ba? "Naiilang ka ba sakin?" Pilit na pina-natura ang boses kahit na nanginginig na ang dila at labi niya.
"Medyo," Pag-amin nito. But she couldn't risk to ask.
"Namiss kita..." She lookd deeply at his eyes, kasabay nun ang pag-usbong ng nakakabinging pag-tambol ng puso niya. "Namiss mo ba ako?" Makapal na kung makapal ang mukha niya, pero gusto niyang malaman. After all, sinsisi niya si Hanz sa mga inhibitions niya simula nung huli.
Hanz, swallowed hard as his adams apple moved up and downwards motionally. "I missed you too."
With that confession, pareho silang dalawa na napayuko at nagtago ng kani-kanilang mga ngiti. Parehong masaya at magaan ang pakiramdam sa naging aminan.
Pero ang tanong, ito na kaya ang senyales para magkaayos sila at maibalik ang dating samahan na ilang linggo ring nawala?