Elaine is happy to know that he felt the same way as she does. Nakakabaliw yung mga panahon na hindi sila nagpa-pansinan, and they both know why. It was not about the issue anymore. May girlfriend na ang kaibigan niya, and she felt like avoiding the two. Hindi niya matukoy, pero yun talaga ang sinasabi ng isipan niya. Ang lumayo kay Hanz.
"Hindi ka galit?" Kasalukoyan pa rin silang nasa kuwarto niya, si Elaine ay kaharap ang pagkain. Habang si Hanz ay nakatayo sa kanyang gilid.
"No, but I'm kind of blaming myself for what happened to you..." Wika nito, isang multong ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. She knows to herself that she's trying to hide it. Pero ang hirap pigilan, lalo na't nagsimulang uminit ang mga pisngi niya. "I should've be the one to ask you that..." Dala ng tensyon sa hindi malaman na kadahilanan, napadila si Hanz sa kanyang labi pagkatapos ay kinagat ito. While staring at the back of her head, he asked. "Galit ka pa ba?"
"Hindi na..." Sambit ni Elaine sa mahinang boses. "I'm sorry kung hinusgahan kita at pinagsabihan ng mga masasama. I know hindi ka kailanman nagsisinungaling sa'kin at sa iba. Nadala lang talaga ako ng emosyon ko, ng takot ko. I was so scared because we shouldn't done that. Pero naiintindihan ko na, you do not want me to suffer kaya yun nangyari sa'tin."
Pinagsiklop niya ang mga kamay at sekretong pinisil-pisil iyon, nahihiya siya, lalo na't nagbabalik tanaw sila sa nakaraan na may maling ganap. "Ako yung rason kung bakit ka napilitan na gawin sa'kin 'yun. I seduced you, I-I took the first move and burn you with l-lust..." She's stammering, at napayuko sa hiya. Binudburan pa siya ng mga alaalang 'yun. Mas lalong nagaalab ang pakiramdam niya. Para maiwasan na mapansin ng kaibigan ay, nagpatuloy siya sa pagsasalita.
Mainam siyang humugot ng napakalalim na hininga, niluluwagan ang sumisikip niyang dibdib dahil sa mala-tambol na pagtibok nito. "You've been thoughtful, sincere and caring to me since we're childhood, kaya pasensya na talaga sa mga pasakit na dinulot ko sayo, you had been in the toughest dahil sa'kin, and so late did I realized that. Huli na ako..." She then turn to meet his lazy chinky eyes. Inipon niya talaga ang natitirang kakapalan para harapin ito. Bahala na si Batman. Ika nga. Parang may nawalang tinik na nakatusok sa kailaliman ng parte na nag-aasam sa "Kaya ako dapat ang humingi sa'yo ng tawad." But then she remembers Skye at ang mga harutan ng dalawa na nasaksihan niya. Naningkit ang mga mata niya. Nagulat naman si Hanz, Confused with her sudden change of reaction.
"Pero hindi ako magso-sorry sa mga inakto ko kahapon." Hanz lips pursed into an amusing grin. Inarkohan lang naman siya ng kilay ni Elaine at malditang tinititigan. Gamit ang hintuturo ay kinamot niya ang gilid ng kanyang labi, sabay iwas ng tingin. His face began to burn, because this picture he was seeking the past weeks. Oo, inaasam niya na makitang muli ang mga emosyon na kadalasan niyang nakikita kay Elaine dati, lalo na't siya anag dahilan.
Hindi niya matukoy kung bakit sa tuwing sila ang magkasama ay tunay siyang masaya, walang limitasyon at walang humpay na kaligayahan pag ito ang kasangga sa kalokohan. Lalo na't sa mga problema, pero yung huling problema sila nagka-laboan. Nanggaling na mismo sa kanilang dalawa, kaya hirap din silang resulbahin.
"You haven't change, you're still silly." Aniya at dinala ang kamay sa buhok nito at hinaplos. He missed her, everything about her.
Napapitlag si Elaine, nanigas ang kanyang katawan, at parang abo na pinalis ng hangin ang iritadong mukha. Pero agad naman siyang naka-recover. "Kasalanan mo din 'yun, hindi lang tayo nagkaka-pansinan ng ilang linggo, nag girlfriend ka na." Napasimangot siya, dahil naalala pa niya dati na sinabi nitong, siya ang unang makakaalam kapag plano na nitong makipag-relasyon.
That shuts him up, wala naman talaga sa plano ni Hanz ang makipag-relasyon. It was just so sudden. "Kumain ka na, para makapag-pahinga ka ulit." Sabi nalang ng binatilyo sa kanya nakibit-balikat lang niya ang iginante. Pagkatapos ay, nagpatuloy sa pagkain.
"Pero bakit nga ba, ikaw nag girlfriend?" Hindi mapigilan ang sarili na mangulit kay Hanz. Sa tanong niya ay, umaasim ang pakiramdam niya. 'Yun bang sa iilang segundo ay papalis din ang mga ngiti niya.
"Mahal mo ba si Skye?" Hindi siya nito sinagot kaya nagtanong siyang muli.
Lumipas ang iilang segundo, hanggang sa umabot ng minuto ay sumuko nalang siya. Mahirap mangulit ng taong hindi naman gusto magpakulit? "Okay, naiintindihan ko." Naibulalas niya, at minamadaling tinapos ang pagkain. Nang matapos ay itinabi niya ang bed table at humiga na.
Hindi naman na nagulat si Hanz kung bakit biglaan naging cold si Elaine sa kanya. Kung alam lang nito kung ano ang dahilan niya kung bakit... Paniguradong bobombahin siya ng kaibigan, kaya mainam na tumikom nalang siya.
"You forgot to drink your medicine." Sabi niya ng makatayo, umupo kase siya sa gilid nito kanina.
Bwesit naman, kung kailan gusto niyang matulog. Tiyaka naman nakalimutan ang letcheng gamot niya. Lumabas siya sa pagkakataklubong, bumangon at ininom ang gamot. At napaka malas pa niya dahil malayo ang baso na may tubig. Kikilos na sana siya nang...
"Ako na." Nag presenta si Hanz na kunin ang baso at ibinigay sa kanya. Tanga lang, after niyang kumain hindi uminom ng tubig dahil lang sa nagtatampo siya at nakalimutan ang uminom.
"Nagtatampo ka ba?" Napaubo si Elaine sa tanong ni Hanz, tiniming pa talaga na umiinom siya. Ang sakit ng lalamunan niya, halos maluha-luha pa siya. Feeling niya lalabas yung tubig sa ilong niya.
She glared him darkly. "Bakit ka ba nanggugulat?!" Naiinis na singhal niya rito, pagkatapos ay umubo.
"Pasensya na, gusto ko lang itanong..." Pagsasabi ng totoo ni Hanz at nag poker face.
Marahas na umingos siya, "Pwes, wrong timing ka! Ang sakit kaya ng ilong ko!"
Mahinang napatawa si Hanz sa sinabi nito, "Eh, kung mag madali ka ay iiwasan mo na naman ako? May problema pa ba tayo?"
Nag snob si Elaine kay Hanz at iminuwestra ang baso dito. Humiga siya at tinalikuran pagkatapos nitong tanggapin ang baso. "Wala!" Itatanong pa talaga, akala mo naman hindi obvious. Sabi niya sa isipan niya.
Naramdaman ni Elaine ang paglubog ng kabilang parte ng kama, napapikit siya ng hawakan siya ni Hanz sa balikat. Nanindig ang mga balahibo niya sa katawan, kasabay nun ay ang pagdaloy ng kuryente sa sistema niya. Pati paghinga nito ay nanunuot sa pandinig niya. Oh god, what's happening to me? Hindi naman ako nagre-react ng ganito whenever I am around with him before. Tanong niya sa sarili. Dahil totoo rin naman na maraming nagbago. Kahit siya ay mga weird emotions siyang nararamdaman. Lalo na't si Hanz ang kasama.
"Oi? Tampo ka talaga noh?" Alo ni Hanz sa kanya.
Para maiwasan ang haplos nito ay, umirog siya papunta sa gilid. Pero hindi naman siya nilulubayan ng lalake. Sa tuwing kikilos siya palayo ay susunod din naman. Napakagat labi siya dahil gusto niyang sumigaw sa iritasyon. "Pake mo naman kung nagtatampo ako?!"
"So inaamin mo nang nagtatampo ka talaga? Really, Elaine? Ikaw ba 'yan?" Sabi niyang manunukso eh.
"Shut up! Lumayo ka nga!" Tiyaka niya pinalis ang kamay nitong nakahawak sa balikat niya at umusog ulit. Hanggang sa maramdaman nalang niya na mahuhulog siya. Sh't!
Inexpect na niya yung mararamdaman niya kapag mahulog siya sa kama, kaya napahawak siya ng mariin sa kumot niya. "Mag-ingat ka kase," Nang hindi naman natuloy dahil naagap siya ni Hanz, nakayakap na ito sa kanya mula sa giliran niya.
Para siyang nakakain ng sili na sinilaban ang mukha niya sa init, lalo na't naramdaman niya ang kamay nito na nakapulupot sa maliit niyang tiyan. She swallowed hard. "O-Oo na!" Ang pinlanong sigaw ay nauwi sa mahinang salita ngunit tunog na sumusuko.
Ang hagikhik ni Hanz ay mas lalong nagdulot ng kabaliwan siya tiyan niya, parang dinumog siya ng kung anong insekto or kailangan na ba niyang matae? Shems, hindi daw naman kase ganun! Hinapit siya nito patihaya and in just a snap, nagtagpo ang kani-kanilang mga mata. Hanz's eyes are smiling to her, habang siya ay naiilang na parang ewan. "Kinamatis ka ata? Tumaas na naman ba ang trangkaso mo?" Tanong nito at hahawakan sana siya sa noo, nang pigilan niya ito.
Nang-aasar pa talaga ang loko sa kanya, wala man lang patawad kahit may sakit siya. Sabagay, ang noo'y masikip niyang puso ay lumuwang na dahil nagpunta ito para sabihing nag-aalala ito para sa kanya. Inaaamin niya, masaya siya dahil hindi siya nito natiis at pinuntahan siya. Nagkaayos na rin sila, pero bakit iba ang hatid ng presensya nito sa kanya? Bakit sa tuwing kumikilos ito ay parati nalanag siyang kinakabahan? Hindi niya bagkus maintindihan.
Nasa ganoong puwesto pa rin sila, magkaharap at magkatinginan. Ni walang plano ang kaibigan na alisin ang kamay nito sa likod niya. Dahilan para mag mukhang nakadagan sa kanya si Hanz. Muli siyang napalunok. Nag ipon ng lakas ng loob para itaboy ito. "Wala ka bang planong umalis sa ibabaw ko ha?" Naiirita niyang tanong na tawa lang ang ibinayad ng walanghiya niyang pinsan sa kanya.
"Sorry na! Eto naman." Tiyaka ito kumilos. Siya naman ay napatanga sa kisame. Pinakiramdaman ang sarili kung okay pa ba siya.
What did he do to me? Parang timang na nakatulala, habang dala-dala ang tanong na 'yun.
"Are you alright? Kanina ka pa tahimik? This is so unusual of you, Elaine. Do we still have a problem?" Parang robot na lumingon siya sa banda ni Hanz, nakatayo na ito sa kabilang dako.
"Actually, hindi ako okay. May sakit nga di'ba?" She said sarcastically and rolled her eyes at him.
He just smirk and brought the utensils out of her room. Pero bago pa man ito nakalabas ng kuwarto ay napatigil sa naging tanong ng dalaga. "Aren't you going to tell me the reason why you entered a relationship?" Seryoso si Elaine sa tanong niya. 'Yun lang naman ang problema niya ngayon. Gusto niya lanag malaman ang rason nito.
Nakatalikod sa kanya si Hanz, and she couldn't tell why it makes her feel sad. "Let's not talk about it, for now." Naging seryoso din ito sa naging sagot.
Mula sa pagkapa-higa ay napaupo siya sa kama. "Bakit? Masyado bang confidential sa'yo ang dahilan?" Makulit na kung makulit, pero gusto niyang malaman.
"Yeah, kaya saka nalang natin pag-usapan." Kung ang dating tapat at honest na samahan nila noon ay, nabago sa kasalukoyan. She'll be a certified liar kung hindi niya aaminin na naapektuhan siya sa pag tanggi nito sa kagustohan nito. Noon ay hindi ito marunong humindi sa kanya, at masyado siyang spoil. Mapa-argumento man o sa bagay-bagay. Pero ngayon, tuloyan na nga itong nagbago.
Bakit? Dahil ba kay Skye? Mahal na nga ba nito ang kasintahan? Bakit sa tuwing naiisip niya na mahal na nga nito si Skye ay nagseselos siya? Hindi na niya maintindihan ang sarili niya.
Kinabukasan...
Hindi siya nakapasok sa eskuwela dahil sa trangkaso niya na hindi pa rin humuhupa. Hindi pa bumabalik ang mga katulong nila kaya mag-isa pa rin siya sa bahay.
Maagang tanghali na siya nagising. Bago siya bumaba ay nag half-bath siya at nag sipilyo. Nang matapos ay lumabas siya ng kuwarto at bumaba. She has to eat. Baka sa lamay siya matatagpuan kapag hindi niya papakainin ang sarili, kahit na medyo lusaw ang pakiramdam niya ngayon.
Kumunot ang kanyang noo, nang nasa hamba pa lang siya ng hapag-kainan at kaslaukoyang tinatali ang maikling buhok ay nakakita siya ng baonan na nakalapag sa lamesa. Hindi lang isa, kundi anim! Sino naman kaya ang mag-iwan nito sa kanya?
Para madiligan ang kuryuso niya ay nilapitan niya ito at may nakita siyang note na nakadikit sa bawat baonan. Kinuha niya ito.
"Good morning! I'm sure sa paggising mo ay maghahanap ka ng pagkain, kaya dinalhan na kita rito. No one's gonna take care of you here, you better take care of yourself. I hope you'll like these foods I prepare for you! -Hanz"
Yun ang nakasulat sa quadradong sticky note. Ang sulat kamay nito ay napaka-neat tingnan. Naka-bold ang mga letra at appealing sa sobrang ganda ng pagka lagda. Naiiling nalang siya, winaksi si Hanz sa isipan niya at umupo na. Para kumain. In every lunch box ay may apelyido. Kinuha niya 'yung para sa breakfast niya, kanin ang nasa isang baonan habang nilagang baboy naman sa kabilang baonan. Medyo malamig na kaya tumayo muna siya para initin at nang mainitan rin ang malamig niyang tiyan.
Subalit nang matapos niyang initin ang sabaw ay napaso siya sa sabaw na sumagi sa daliri niya. Kay tanga ba naman niya at sa simpleng bagay ay hindi niya magawa ng tama? Ininda niya nalang ang sakit hanggang sa matapos niyang ilipat ang sabaw sa bowl. Sa umagang 'yun ay ramdam niya ang lungkot sa pag-iisa niya. Hayys, bakit ba palagi nalang siya naiiwan? Eh, kung nag-asawa nalang din kaya siya kagaya ng mga ate niya? Siguradong mapatay naman siya ng daddy niya. Dahil ang dalawa niyang kapatid ay hindi nakatapos, at susunod pa siya? Naku, sasakit lang ulo niya.
Pero siguro noh? Kung nakita niya na ang taong makapagpa-t***k ng puso niya, ay maiintindihan niya rin ang mga kapatid niya kung bakit nabaliw ito sa lalake. Nakita niya kung papaano nagdusa ang Ate Elisha at ang Ate Krista niya. Third year college pa lang ay nagbulakbol na sa pag-aaral dahil sa pag-ibig. And she had seen the worst. Nakatingin lang siya pero damdam niya ang lungkot, sakit at poot. Pero sa huli ay masaya rin naman ang mga ito dahil, mahal din sila ng mga lalakeng napili nilang mahalin. Mababait naman ang Timoteo brothers. It was just her Mom and Dad who dislikes them. Dahil wala itong magulang at nagmukhang pobre. Later did they found out that the Timoteo's are one of the youngest billionaire in town. Though, it was a long story, napakagulo. Even now, ay hindi okay ang mga magulang nila sa magkakapatid.
Sumapit ang hapon at napili ni Elaine na aliwin ang sarili sa halamanan. Total, wala naman ang hardinero ay siya na ang nagdilig ng mga halaman, nag-ayos ng mga lupa na nahiwalay sa puno ng tanim. Hindi naman siya binigo, dahil aliw na aliw siya sa ginagawa niya. Back when she's in elementary, gardening talaga sa hapon ang hinihintay niya. She likes to take care of the plants.
"Hmmm... La-lalala!" She's humming her favorite K-Pop song by Ailee nang may epal na pumreno sa mismong harapan ng harden nila. Nakakabinging pag-preno. Abnormal ata siguro ang taong 'yun. Kung sino man siya. Hindi naman siya nag-abala na tingnan 'yun at nagpatuloy sa ginagawa niya. She's having a good time at hindi niya hahayaan na sirain 'yun ng kahit sino.
"Hi, Elaine!" Ang matinis na boses na 'yun... Awtomatikong napataas siya ng tingin at kagaya ng hula niya ay, lumitaw sa paningin niya ang haliparot na ayaw niyang makita dahil naiinis siya sa tuwing nakikita ito.
Kumakaway-kaway si Skye sa kanya. Kakalabas lang nito ng kotse ni Hanz at may dala pang mga pagkain. Pasekreto siyang umirap. Bilang ganti ay peke siyang ngumiti. Maldita na kung maldita. Pake ba niya? Wala naman sigurong rules ang tao na mag adjust sa lahat di'ba? Besides, hindi naman siya pinanganak na maging mabait. She's born to be hehrself, to be real!
At ang paglitaw ng pigyura ni Hanz na kakalabas lang ng kotse ay nakakapagpalubo ng ilong niya sa inis. Kung bakit ba naman nito dinala si Skye sa village nila? Sarap lang upakan. Tapos maypa-hawak pa sa bewang ni Skye. Kunwari iginiya papasok ng kabahayan. Ano naman gagawin nila kuno? Are they going to have s*x, just like what they did?
"Oh shut up!" She groaned in annoyance at nagpapadyak na isinauli ang hose at pumasok sa kabahayan.
Sinigurado niya talaga na ni-lock niya ang mga pintuan ng bahay nila. Ayaw niyang pumunta ang lalakeng 'yun na kasama ang kirida nito sa bahay nila. Ayaw niyang makipag-plastikan sa taong hindi niya gusto. Never! Gawin nito ang mga gusto nilang gawin, magsiping ang mga ito kahit iilang beses labasan, total mga walang hiya naman na 'to at naghahalikan pa sa publiko. Basta ay huwag na makabisita ang mga taong 'yun sa pamamahay nila. Dahil hindi niya talaga pagbubuksan.
Dala ang natitirang pagkain sa dining ay nag-movie marathon siyang mag-isa sa movie room. Mas maganda pa nga 'to kaysa makakakita ng pesteng palaboy sa labas.
She's laughing, while munching the adobo when her phone beeped. Inilapag niya sa sofa ang baonan at chi-neck ang cellphone. She then finds out his message. Napangisi siya. At agad na tumayo para silipin ang mga 'to sa bintana.
"Open the doors, Skye wants to see you!"
Nagtipa siya ng reply, "No, flirt somewhere else!" Ng may diin sa bawat tipa niya.
"What are you saying? Flirt?"
Umarko ang kilay niya, at may lakas ng loob pa talaga itong mag deny. Lokohin nalang nila ang iba, huwag na siya! "Bakit, hindi ba?"
Nakita niya kung paano napatingala sa frustrasyon si Hanz, and that makes her feel victorious. "You're being insensitive, Elaine! Ano ba 'yang pinagsasabi at pinaga-iisip mo riyan?"
Aaminin niya, na insulto siya sa sinabi nito sa kanya, kaya naman... "I don't want to see you with her, alright?! Just go away, nabu-buwesit ako sa inyu!" Para matapos ay padabog na tinabing niya pabalik ang kurtina, in-off ang cellphone niya at bumalik sa panonood.
Meanwhile...
"Anong sabi?" Tanong ni Skye sa kanya.
Napabuntong-hininga si Hanz at umiling sa kasintahan. "She's not feeling well to entertain people daw, that's what she said."
Nadismaya naman si Skye at muling tiningnan ang kabuoan ng bahay. "But I saw her doing just fine earlier..."
Hanz hold her in the shoulder, "Hayaan na natin, she just want peace. Baka dala lang ng sakit niya ang pag ignora ng mga bisita." Sabi niya alang sa kasintahan na naniwala naman kaagad.
"Okay," Bagsak ang balikat na tinalikuran ni Skye ang gate, tiningala muna ni Hanz ang kabuoan ng bahay at doon niya nakita ang pag-alis ni Elaine sa may bintana. He just smirk at her stubborness. Kakausapin niya nalang ito mamaya. Patungkol sa pagma-maldita nito.