PT. 15

3235 Words
Elaine's POV Dumating ang parents ko ng mag weekend, hindi din ako pumasok sa school the rest of the week at nagkulong lang sa bahay. Wala na talaga akong pakealam kung liliit man ang grades ko, basta maiwasan ko lang ang mokong na'yun. I even cage myself at home at nag pagaling without his care. Noong mga nakaraan din, kahit may klase ay naririnig ko siyang kumakatok sa bahay namin. But after a few minutes he'd give up and left. Doon ako bumababa para tingnan ang pintuan kung may ibinilin man siyang pagkain, and I was right! Nag-iwan nga siya, pero sa bawat mensahe niya ay puro, 'What's your problem? Can we talk about it?' 'Galit ka sakin? Nagtatampo ka pa rin ba?' 'Kailan ka ba pwede makausap? I badly want to spend time with you, you've been avoiding me for days already!' Alam niyo 'yung nakakainis? 'Yung second choice ka nalang, kung baga, pag na'bored na siya kay Skye ay sakin siya pupunta? Tsk, that's a big no-no! Kaya kung maaari ay ayoko siyang makausap. Ginugulo lang niya ang isipan ko. "Kamusta ang pag-aaral mo, anak?" Tanong ni Daddy habang nasa kalagitnaan kami ng breakfast. Himala talaga na umuwi pa sila, after almost a year of being away at home. "Ayos lang naman po," Sabi ko at may diin na kinagat ang fried shrimp. Naiinis ako sa tuwing umuuwi sila na parang ayos lang talaga sakin? Like, may anak pa pala silang kailangan uwian? They've been busy since my childhood, at hindi man lang nakakatagal ng taon sa bahay dahil kailangan na naman nilang umalis. Siguro nung sanggol lang ako sila nakakatagal sa bahay na kasama ako. "That's good! I also heard na lumipat ka ng school?" Tanong niya ulit sakin, mabibigat na mga balikat na hinarap ko ang pagkain. "Opo, sa E.H.U" I don't feel like talking them for long. They may ask me about my whereabouts, pero para sakin kulang pa rin 'yun. All these years, hinahanap-hanap ko pa rin yung pag-aaruga nila. I want to spend time with them for long, kahit na mag twenty na ako at nasa kolehiyo na. "That school is quite famous with their services, nice choice!" Anito at nagpatuloy na sa pagkain. Even dad, I could feel his distant from me. Hindi ko alam, pero nakakaramdam ako ng distansya sa aming dalawa. "Di'ba nag-aaral din doon si Hanz?" Tanong ni Mom. Well, hindi na nakakagulat 'yun. They're quite a fan of my cousin tho. Matalino naman 'yun kaysa sakin. Nakakapang selos lang. "Opo graduating na din." 'Yung boses ko, halos wala ng buhay. Hindi ko na rin nalalasahan ang pagkain. "Wow! Makakapagtapos na rin pala ang anak ng kapatid mo mahal." "Oo mahal, this year. Ang saya nga ni Alfred!" Imporma ni papa. He may be calm, pero mapapangalanan mo pa rin kung masaya siya o hindi. Makikita sa mata na nakangiti. Sana all nalang talaga ako, kase hindi naman ako matalino, hindi maipagmamalaki. Kay nga iniiwan eh! "Eh, si Alfred? Bakit hindi pa umuuwi? It's been a year since the last time he left. Hindi ba niya namimiss ang anak niya?" Yeah, right. Hindi lang naman pala ako ang iniiwanan. Si Hanz din. Mas malala pa nga 'yun kaysa sakin dahil in conflict ang parents niya, at mukhang maghihiwalay. I don't know with myself, pinagseselosan ko pa talaga yung pinsan ko na mas worst pa ang natatanggap. "Yan ang hindi ko alam, mahal. Basta ako, I can't afford to not come home and forget about our only daughter left." Ngumiti si dad sakin at ganun rin ang ibinigay ko sa kanya pabalik. 'Yun nga lang matamlay. "Why are you sad, anak? May problema ba?" Doon ako tumigil sa pagkandos ng pagkain, na-realize ko, parang pinagalalaruan ko lang ang pagkain ko. "Aalis na din po ba kayo kaagad ni Dad, Mom?" Finally, natanong ko rin. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi, at that picture, the sadness that envelopes my heart faded. May ganito talagang charisma si mom na nakapag-pawala ng insecurities ko, pwera kay Dad na nakaramdam ako ng puwang talaga. "Hindi baby, actually we settled everything to stay here for a month, with you..." Sa sinabi niya ay gusto ko mapaiyak. Kasse kung matutupad man 'yun ay yun ang pinakamataas na bakasyon nila rito sa bahay. "Talaga?" I asked for assurance. Nagkatinginan sila ni Dad, at sabay na nginitian ako. "Oo naman anak! If you want, we can go for a vacation in visayas? Magpa-dagat tayo." Doon ako napatayo at parang kabote na nagtakbo papunta sa kanilang dalawa. "Wahhh! Sige po!" Finally, makapag vitamin sea narin! "Sa boracay tayo dad! Oh my, namiss ko ang islang 'yun! Tapos palawan, pag kaya po?" Sunod-sunod kong requests na ikinatawa nilang dalawa. Dad caressed my back, "What my girl wants, is what she will get" Pangarap ko talagang makapag-padagat. Ang tagal na rin kase nung huli. Yung feeling na nasa baybay ka, naglalakad tapos niyayakap ka ng malamyos na hangin? Ghadd! I'm so excited! Ganoon nga ang nangyari, matapos naming mag breakfast ay nagpaalam ako kaagad para ihanda ang mga gamit na dadalhin ko. Gosh, huwag naman sanang magbago ang isip nila daddy dahil ikamatay ko talaga. Chooss! Siguro, magtatampo at ma-disappoint dahil pinaasa ako ng malaki. Pero shempre, naligo muna ako at napiling isuot ang cross over floral dress ko na binili ko last year. Hanggang hita ko lang siya. Actually, it is a one piece swim dress. Meaning, pwede ko siyang ipangligo. Summer na summer ang datigan ko ng makababa, I even paired it with cream with cotton ribbon flipflops sandals, and for the head wear, I wear a khaki sunhat with ribbon in the side. To lighten up my mood, for protection na rin sa masilaw na araw ay nagsuot ako ng big frame black glasses. Sosyal lang, ganda ko rin kaya sa maliit kong buhok. "Ready ka na anak?" Tanong ni Dad sakin na kasama si Mom. Mukhang kakalabas lang ng kuwarto, at nasa kalagitnaan rin kami ng hagdanan. Dala ko ang travelling backpack ko. "Super! Excited na din ako, walang bawian po ah?!" Sabay silang napatawa ni Dad. "Kailan ba kami nagbawi ng mga salita sayo anak?" Napaisip ako bigla sa tanong ni Dad, sabagay, wala pa naman? "Uhm, hindi pa nangyari?" "Kahit kailan talag Elaine, ang kulit mo..." "Opo tita, sarap niyang isako noh?" Napatigalgal ako sa kinatatayuan ko ngayon. Nang makarinig ng tahol galing sa taong pinagtataguan ko. Mabilis ko siyang nilingon na may namimilog na mga mata. Siya naman ay kinindatan ako. What the heck? Ang parents ko naman ang nilingon ko pagkatapos, na may nagtatanong na mga mata. I even shrug my shoulders at them. "He's coming with us?" "Yes, my dear. Sasama si Hanz sa'tin sa Boracay," Tiyaka tumingin si Dad kay Hanz na nasa hamba ng pintuan. "You ready, man?" Gusto ko mag welga sa nalaman, wala naman sa usapan namin ang isama siya! Pero papaano kung bawiin nila Mom ang bakasyon? Edi tengga ako sa bahay ulit! Haist, hindi bale na nga lang! Bumaba ako sa hagdan na may mabibigat na binti. He motioned me to give my bag onto him, pero hindi ko ginawa at dire-diretso na naglakad papunta sa nakaparadang van. "Good morning, Ma'am!" Pagbati ng family driver namin na si manong Roger. "Good morning din po." Kahit hindi naman maayos ang umaga ko, ay bumati ako pabalik. Umupo ako sa pinakalikod, sila dad ay nasa ikalawang hanay, medyo tago nga lang ang parte ko. I want to be alone. Pero ang kagustohan ko na mapag-isa ay hindi ata matutupad. Dahil may isang peste na tumabi sakin. Nakahilig ako sa bintana, at walang plano na harapin siya. "Can we talk now?" He whispers, "Why are you avoiding me?" Mataman niyang tanong na binalewala ko lang. "Come on, Elaine. Quit sulking!" He mouthed. Kay dali lang sa kanya na sabihin 'yun pero hindi madali para sakin. Selos na selos ako, to the point na gusto ko silang mag disipate ng jowa niya. "Pwede ba, huwag ka magulo?" I said, with the sarcasms. "Ginugulo lang naman kita, because you're ignoring me the whole time!" He hissed, and at the same time, hold me by my wrist. Heto na naman ang salbahe affection ko sa kanya. Sumusobra talaga ang number of beats sa tuwing hinahawakan niya ako. I rolled my eyes, bago siya nilingon at inilayo ang palapulsohan ko sa pagkakahawak niya. "Hindi ka ba masaya na iniiwasan kita? Kase ako, ayos lang naman. You're being secretive to me and I respected you. Para makaiwas sa curiousity ko ay ako na ang dumistansya. Alright? Hindi rin ako nagtatampo, its you who should quit thinking the other way!" Dala ng pagka-inis ay hindi ko rin napansin na lumabong pala ang boses ko, not until... "Elaine, bakit ka sumisigaw?" Si Dad na lumingon sa banda namin. "Wala po--" I was about to reason out when... "Inaasar ko po siya tito, sorry." Haist, naiinis rin ako sa emotions ko. Like, naiinis ako to the point na naibulyaw ko na sa taong dahilan kung bakit ako nagkakaganito. When he had no idea about it. Pero here he is, still owning my disgraceful manner. "Kayong dalawa talaga," Naiiling nalang si Dad pagkatapos ay umakbay kay Mom. Hinayaan nalang kami. "I'm sorry, did it stressed you out?" He asked, na nakapagpataas ng kilay ko. Napabuntong hininga na rin, "Sorry din, kung masyado akong masungit." Tapos dinungaw pa ako ng konsensya. Nagkatitigan kami after at heto na naman ako, hindi magawang titigan siya ng matagal. Ako ang naunang umiwas, dahil pakiramdam ko luluha ang mata ko kung pipilitin kong lumaban sa titig niya. "It's fine, gusto ko rin naman ang pagmamaldita mo." Just like a flicking stone, tinambol ako ng makabinging pagtibok ng puso ko. Letche na puso, ano ba ang problema mo? Mas nanigas pa ako sa kinauupoan ko nang pihitin niya ako paharap sa kanya. Parang robot lang. "Maayos pa ba tayo? Can we bring back the past us? I know this is weird for a guy to request, but I admit that I'm kind of missing you every single day that passes. Elaine, hindi kompleto ang araw ko pag hindi kita nakakasama..." He's true, weird nga, Kung dati-rati'y maayos lang ang lahat sa pagitan naming dalawa, its not today. Parang may malaking pader na nakaharang sa gitna namin na tumitigil sa gusto naming mangyari. I'm kind of sad at that fact tho. I pull his hands off of my shoulder, "We're fine, but what we had spent from the past will remain at the past. Kung meron man tayong problema o wala, its about the things that changes between us now." His eyes are asking, confused. "Bakit may nabago ba? "Para sakin, oo. Meron." Hindi pa rin niya ako tinantanan, he's sincere. I can tell. "Anong nabago? Can you tell me, at ng maibalik ko." Mabilis akong umiling, "Yan ang bagay na huwag mong gagawin. I understand that things does not remain, dahil kagaya ng panahon, tumatanda rin tayo. Its not about the fun, wants and the hearts anymore. Hindi na tayo mga bata, at kung meron man na gusto kong gawin mo, that is for you to focus on your career..." My voice is so low, meaningful but behind it, I'm being emotional. Hindi na nga ako bata, I'm turning twenty and I should act like one. He was right. "Tiyaka sa personal ife mo," Inihilig ko ang ulo sa bintana at pinagmasdan ang mga tanawin, kabahayan na nadadaanan ng sinasakyan namin, "Pati na rin sa lovelife mo." Parang sinaksak ang puso ko sa sinabi ko. Pero tama naman diba? "Was it because of Skye?" He asked na hindi ko expect na itanong niya. Bakit ba niya naisipan na itanong sakin 'yun? Mahina akong napatawa, "It's not about her, it was about us Hanz. Kung ano man ang meron sa inyu ni Skye, labas na ako roon." Kaya nga nakakainis eh! Hindi naman kami narito sa dati para ako lang ang nag-iisang babae na inaasikaso niya. He had his girlfriend now, kaya tama lang ang desisyon ko. "But, I admit. I don't feel like, liking Skye. Kaya ko siya iniwasan. That's all. I just want to be practical." Mas mabuti na rin yung alam niya, kaysa ipilit niya sakin ang taong hindi ko tipo. Everything about Skye, hindi ko gusto. From her actions, sa pagbitaw niya ng salita at sa uri ng pananamit niya. Hindi sa pagiging judgmental, pero gusto ko lang maging pranka. "We can still be friends you know!" Pilit kong pinasigla ang mood sa aming dalawa, kakaumay lang kung hahayaan kung maging lamayan. Hindi siya na siya sumagot sa akin, kaya hindi na rin ako nag-aksaya pa ng oras na makipag-usap sa kanya. Sa byahe papuntang airport ay nakatulog ako. Nagising lang ako ng may mumunting daliri na sumundot-sundot sa katabaan kong pisngi. I just groaned and open my eyes as well. "Narito na tayo sa airport, halika na, naghihintay na sila Tita sa labas." Aniya, tumango naman ako at kumilos na rin kalaunan. I was about to get my bag when his hand touches mine, it stunned me. Hindi ako nakakilos kaagad. Not until... "Ako na, baka mabuktot ka pa sa bigat ng bag mo." Na may kasamang pang-aasar, kinuha niya ang bag ko at tinuro ang daanan palabas, "Ladies first." Napailing nalang ako at naunang lumabas. Sumunod naman siya. Sa byahe namin papuntang Kalibo Aklan Airport ay tahimik lang din ako. Nahihiya lang akong mangulit, kahit na wala ang girlfriend niya. I don't know, pero dinaganan talaga ako ng hiya. At siya bilang siya, tahimik lanag din na naka earpods. Natulog. Mukhang pagod. Magkatabi kami, ako ang nasa banda ng bintana, siya naman ay nasa tabi ko. At dahil natulog ako kanina, ako naman ang dilat ngayon. Nang makarating ay ako na rin ang gumising sa kanya, tinapik ko siya sa balikat at pinakakatitigan ang kanyang mukha, lalo na ang labi niyang natural na mapula. Ang kilay niya na may pagkakapalan, at ang ilong niyang matangos. Para lang siyang baby na natutulog, dahil kagaya ko, may katabaan rin ang pisngi niya. Tho, perfect sculpt pa rin naman ang jaw line niya. Napaigtad ako nang sa pagtingin ko pataas sa mga mata niya ay nakadilat na siya, pinakakatitigan ako. Parang may racing na naganap sa katawan ko. "Sorry!" Naibulalas ko bigla at natatarantang tumayo. Pero napaupong muli nang hinatak niya ako bigla papunta sa kandong niya. Actually sitting above his lap. Napapikit ako nang maramdaman ko sa likod ko ang matigas niyang dibdib. I swallowed hard. "Careful, you almost hit your head sa pagmamadali mo." Wika niya sakin, halos pabulong na dahil malapit lang naman ang bibig niya sa tenga ko. "T-Thank you!" Agad din akong umalis nang makaramdam ako ng hindi normal na pagdaloy ng kuryente sa sistema ko. He just smiled at me, yung tipo na walang problema. Tapos ako, meron? Its kind of unfair talaga! Papaano siya kumilos ng komportable when I'm just around him? Subalit ako? Hirap na hirap magpanggap na ayos lang! Lumabas ako ng eroplano na kasunod siya sa likod ko. Marami kaming lumabas but I can feel that he's blocking the way for those passengers na kasabayan namin na may possibility na maitulak ako. See, he's simple actions made me appreciate it a lot. Dahil nakikita ko yung efforts niya para sakin. But too bad, panandalian lang 'to. Even tho, I want more from him, ay hindi na pwede dahil may mahal na siyang tao. Irionic, isn't it? From the airport itself, may mga staff na galing sa resort na pag stayhan namin while we are here in Aklan, as usual nakasakay na naman kami for around ten minutes. Then someone fetch up on us again para makasakay sa speed boat, ika nga nila fifteen minutes bago kami makarating. Hindi pa nga kami nakakarating ay naaaliw na ako. Damn, look at those dazzling in blue sea water! Nakakahalina at nakakaakit. Sa puntong ito, gusto ko nalang tumalon. Pero pinigilan ko nalang at hinintay na makadaong ang bangka. At dahil exclusive VIP guests sila dad, kami lang ang narito sa iisang speed boat. Kaya malaya rin akong nakakagalaw-galaw. Actually not really malaya, kase may magulo na gusto akong alalayan. Akala mo naman isa akong baby na nag-aaral pa lang maglakad at binabantayan niya baka ako'y madapa. Echoss lang! "Can't you just sit back and wait for our arrival?" Nasa barandilya ako ng speed boat dito sa likod. Kinuha niya yung sunhat ko dahil liliparin daw ng hangin pag hindi kinuha. "Nah, gusto kong masilayan ang dagat." Tiyaka ko ibinuka ang aking mga braso to feel more of the Boracay's ambiance. Nakita ko siyang umiling nalang at tinabihan ako, para may silbi naman siya at hindi masayang ang oras niya, minuwestra ko sa kanya ang cellphone ko. "Take me a picture, please!" Tiyaka ko siya nginitian at umatras ng konti malayo sa kanya. "Wait up, huwag kang lumayo!" Aniya na medyo nabahala na. Kase nga nasa likod kami, apprently nasa taas ng makina. Ilalim kase nitong kinatatayuan ko ay ang makina at may parang hagdan na maliit sa kasunod. Para ata sa pagbaba. "Why?! Maganda kung malayo!" Natatawa kong sabi, siya naman masyadong maalalahanin. "Take me a picture na--ahh!" Napahiyaw ako ng umapak ako sa walang sahig at hindi pa ako nakahawak sa kahit anong supporting railings. Pakiramdam ko ay para akong matilapon. Lalo na't malakas ang hangin. Dinaganan akong muli ng matinding kaba. Sa ideya sa maari kong mauuwian kapag nahulog ako. "Fvck!" Parang nag slow motion ang oras para sakin when an arm envelopes my waist. Sinalo ako mula sa kalagitnaan ng pagbagsak. I was so scared kaya mabilis rin akong napakapit sa t-shirt niya. I even saw how scared he was bago niya ako hinatak pabalik. "I told you not to stay away, didn't I?!" Singhal niya sakin, kahit na magkayakap pa rin kami. Ramdam ko ang malalakas na paghinga naming dalawa. He's pinning himself by the wall. "Why are you so stubborn?!" Napapikit ako sa pagtaas ng boses niya ulit. Napayakap ng husto sa kanya. I don't know what to say, hindi pa rin ako nakakaraos sa matinding kaba na dinanas ko doon kanina. "You really want to torture me, what if something bad happened to you and you drowned in the sea?!" Pero kahit galit man siya naramdaman ko ang sincerity niya, ang pag-aalala niya. Kung hindi niya ako sinamahan, baka kanina pa ako nalunod. Kung hindi lang niya tipong sundan ako na parang buntot na sumusunod sa amo niya ay baka namatay na ako. Papaano kung may pating at kainin ako? Sa isiping 'yun ay napakagat-labi ako at mas lalo pang nagtago. "Marunong ka kasing makinig, hindi 'yung puro sarili mo lang iniisip mo! Knowing you had always been a pain in the ass, parating nagkakamali! Sige nga, ano ang magagawa mo kapag nalunod ka dun?" And because he was right, hindi na ako umangal, baka lalabong pa ang awayan namin dahil lang dun. Kaya imbes na makipagtalo, "I-I'm sorry..." Nauutal pa ako sa paghingi ng tawad. Humigpit ang pagkakayakap ng isang braso niya sakin habang ang isa ay nakatuko sa barandilya, "Pinag-aalala mo ako..." My heart dwells for I was flustered at what he just said to me. Mas lalo lang bumilis ang pagtibok ng puso ko na sinabayan ng pag-usbong ng maraming paru-paru sa tiyan ko. Good god, what's really happening to me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD