PT. 10

2423 Words
Dahil sa sobrang gulat, hindi alam ni Elaine ang e-re-react niya. She's stunned by the scene she's watching. Gusto niyang umalis pero, sa hindi malamang kadahilanan, hindi niya maigalaw ang mga paa. Patuloy na naghahalikan ang mga ito, dahilan para siya'y nahirapang lumunok ng sariling laway. She wants to avert her sight from them, pero kagaya ng katawan niya ay parang na hipnotismo siya sa live show ng kaibigan at ng babae nito. Sa ganoong oras, napansin ni Honey na hindi na sumunod sa kanya si Elaine. Panay pa ang pagsasalita niya ng kung ano-ano, pero wala naman pala ito sa tabi niya. Lumingon siya at nakita kaagad si Elaine sa hindi kalayuan. "Elaine!" Pagtawag sa kanya ni Honey, napapitlag siya at napakurap-kurap. Nilingon niya ang kaibigan. "Anong tinitingnan mo diyan?" Tanong nito at nagsimulang maglakad pabalik sa kanya, kaya bago pa man ito makalapit sa kanya ay nagmamadali siyang umalis doon at sinalubong nalang ang kaibigan. Right before she approached her friend, ay tinaponan niya ng tingin ang dalawa, Hanz found her eyes na iniwasan niya kaagad. "Sino 'yun?" Tanong ni Skye, ang kahalikan ni Hanz kani-kanina. Natigil kase landian nila dahil kay Elaine. "I don't know..." He trails as he lied. Habang ang mga mata ay nakatuon sa puwesto kung nasaan nakatayo si Elaine kanina. Inside his chest, nakapaloob ang kanyang kaba. Hindi niya inaasahan na makita sila ni Elaine na maghahalikan ni Skye. Hanz's is doubting patungkol sa naging desisyon niya. Tama nga ba ang ginawa niyang pagsagot kay Skye? Tama nga bang nakipag relasyon siya sa taong napipilitan lang siyang sagotin dahil, he wants to forget? None of these days na hindi niya namimiss si Elaine. Her cute and bratty gestures, ang mga ngiti nito sa tuwing nakikita siyang napikon, pati na rin ang mga tawa na pinagsasaluhan nila. Just because of that one night mistake, nalugmok ang samahan nila, he knew it was a mistake... Pero ginawa niya pa rin, even if he has the goody reasons... ay hindi niya pa rin maitatangging mali ang ginawa niya sa dalaga. But can someone blame him? Hindi niya gustong makita na nahihirapan ito, he prefer to do the worst than to see her in pain. Paniguradong ikakatibak ng puso niya. Because of that night, hindi niya maiwawala sa isipan niya si Elaine. Kahit pa na nakikipag-ayos na ito sa kanya kanina, ay ramdam niya pa rin na may puwang sa pagitan nilang dalawa. They are not completely okay. Kanina din ay hindi niya alam kung ano ang pag-uusapan nila, when in fact ay kinakabahan rin siya sa magiging reaksyon nito kapag nakitaan siyan g natural ang akto. He's really confused. Kumunyapit ang babae sa kanyang siko at inanyayahan siyang magpunta na sa main hall, kung saan gaganapin ang orientation nila bago umalis. "Let's go, babe." Tahimik na tumango lang siya at hinayaan na tangayin siya ng dalaga. Upon entering the hall, crowd of students piling up in their respective lines welcomes Hanz's vision. Pero sa dagat ng mga tao na naroroon isa lang ang gusto niyang makita. He couldn't sustain the worries he had earlier for her, he's worried of her reaction. Pakiramdam niya, nagkasala na naman siya. Parang bata na hawak ng nanay niya si Hanz. Skye is quite glad with their relationship. But, he's doubing, regretting. With all smile, Skye grimaced the path to their level's line with her boyfriend beside him. Halos lahat ng mga mata at atensyon ay nakatuon sa kanila. "Skye, kayo na?" Tanong kaibigan nito. Masayang tumango si Skye at sinagot ng... "Yep, sinagot ko na si Hanz." He wants to clarify things out, but he find it troublesome kaya hinayaan nalang niya ang dalaga. Ang totoo kase niyan, Skye was the one who court her at siya ang sumagot dito. Naaalala niya, ni-reject na niya ang dalaga dahil wala talaga siyang gusto dito. Pero hindi ito tumigil at patuloy pa rin siyang nililigawan ng patago. Patay na patay sa kanya si Skye, sometimes he felt pity towards her. According to his perspectives, a girl should be threaten special, hindi yung sila ang gumagawa ng paraan para makuha ang taong gusto nila, dahil tungkolin yun ng mga laake. It was lower in the belt kapag ganun, nakaka-konsensya. Then, that night happened... He's a messed. He can't even have a decent sleep because he was thinking about Elaine and the mistake he had caused all the time! Humiwalay na siya ng linya, si Skye ay nagpunta na sa hilera ng mga babae habang siya ay nagpunta sa hilera niya, ngunit ang mga mata ay naghahanap pa rin. "Congrats, pre! Kayo na pala ni Skye," Bati ng mga kaklase niyang mga lalake. Siya naman ay poker face lang ang sagot. Sa kabila ay masaya na nakikipag usap si Skye sa mga babae. Pinagma-mayabang siya. He can tel, kase narinig niya. "Ang swerte mo naman pare!" Sabi ni Terrence kaklase niyang taga costa. Habang tinapik-tapik ito sa balikat. Zach's a bully, pero isa lang naman tinutukso nito at yun ay si Odette. Ka-batch mates nila. Natigil si Zach nang mapansin siyang hindi mapakali, "Oh? Bakit hindi ka ata masaya, pre? Ayos ka lang?" "Oo, ayos lang!" Aniya, kahit hindi nililingon ang kaibigan. Naiiling nalang si Zach, kasabay nun ay pagka-hagip ng mga mata nito si Elaine na siyang kanina pa hinahanap ni Hanz. "Pero sayang noh, pare? Ang ganda ni Elaine, akala ko talaga kayo ang magkatuloyan eh!" Anito na ikinalingon niya sa kaibigan. Tiyaka hinawakan sa magkabilang balikat, na ikinagulat din nito. "Nakita mo si Elaine? Saan siya banda, pre?" Natataranta niyang tanong, while Zach's speechless. "Woah, ng tinanong kita about kay Skye hindi mo ako pinansin, tapos heto si Elaine. Para kang damuhog nagkukumahog para mahanap." Bulong-bulong 'yun ng kaibigan, na hindi naman niya narinig ng maayos. "Saan na pre?" Napapakamot nalang sa ulo si Zach at inakbayan si Hanz, paharap sa direksyon kung nasaan niya nakita si Elaine. At dahil may pagka-bulag kung minsan si Hanz, ay tinuro na rin niya ito. "Ayon pre oh!" Pagkatapos ay ginulo ang buhok ni Hanz. Parang may something na sumapi sa kanya at nagawa siyang mapangiti nang makita si Elaine na tumatawa, habang kausap ang mga kaibigan nito. Kailan nga ba niya ito huling nakita na tumatawa? Napahalukipkip siya dala ang pagkahinayang, at pagsisisi. Regrets can do nothing, nangyari na ang nangyari. Elaine felt like someone had eyed her, kaya nagtaas siya ng tingin habang hindi pa pumapanaog ang katatawanan na dinulot sa kanya ni Aleah. Sinuyod niya ang paligid, pati na sa kalagitnaan ng mala-dagat na schoolmates nila. Napalunok siya. Unti-unting nabura ang malapad niyang ngiti nang mag tagpong muli ang mga mata nila ni Hanz, ang mga mata nito ay maamo at tila may iniisip, mukhang wala pa sa kasalukoyan. Not until his Friend, smiled at her, waving its hand, and tapped Hanz by the shoulder. Doon lang siya nag-iwas ng tingin, napatikhim at ibinaling muli ang atensyon sa mga kaibigan. "Listen, everyone! I'll make it quick, this time dahil nakuhanan na tayo ng oras." Anunsyo ng isa sa mga homeroom teachers ng college. "One, Total malalaki naman na tayo, I trusted you guys na mag-iingat kayo at alagaan ang mga sarili ninyu while we're on the trip. Two, you can choose a specific bus and an specific partner or group kung saan kayo gustong sumama. Lastly, make use of time, have fun, but always remember the calling time, dapat pagsapit ng alas singko 'y trenta, nakabalik na kayo sa meeting place, dahil mag byahe pa tayo sa mapag-campingan natin. Nagkakaintindihan ba tayo?" Masaya na nagsi-ingayan ang lahat ng estudyante na naroon, excited na hinanap ang mga taong gusto nilang makasama sa trip. Habang si Elaine ay tahimik lang, minsan ay naiilang siya dahil may dumadapong tingin sa kanya. She's not comfortable... "Elaine, tayo nalang ang magsama!" Sabi ni Honey sa kanya, tumango siya rito na sinabayan rin ng pag tango. "Sure!" Sagot niya. "Alright, naiintindihan kong excited kayo. Pero respect please!" Makatuwirang sabi ng professor. Isa itong bakla at kilalang masungit, pero aktibo sa mga bagay na patungkol sa outdoor activities. A history teacher both SHS at College students. Ito ay si Mr. Valdemore. Nagtatawanan ang lahat dahil sa sinabi nito, lalo na ngayon na sarkastiko kung niliraw ang mga mata ng estudyante. "Yes, sir! Naiintindihan namin!" Baklita ito kung ngumiti at napabuntong hininga, "I welcome you to road saya trip 2021! Pwede na kayong magtungo sa mga bus sa labas at sumakay, para makaalis na ang lahat." Anito at ito pa mismo ang nagbukas ng malapad na pintuan para sa mga estudyante. Parang nasa Train to Busan kung magtulakan ang mga ito at nagmamadaling lumabas. Samantalang sila ni Honey ay napiling magpahuli, para makaiwas sa disgrasya. Ngunit sa paglabas nila ay hindi sinasadyang mabunggo ni Elaine ang likod ni Hanz, hindi niya alam na ang binata pala ito, kung hindi lang ito nag... "I'm sorry," Humingi ng tawad at lumingon sa kanya ay hindi niya malaman. Bigla kase itong umatras kaya nabundol niya ang ulo sa likod nito. Napalunok siya ng lihim, "A..Ayos lang," Sa mahinhin na boses ay sinagot niya ito at mailap na umiwas. Subalit, bago pa man siya tuloyang nakaalis ay napigilan siya nito sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang siko. "Elaine, can we talk?" Tanong nito sa kanya. Siya naman ay napatingin sa kamay nitong nakahawak sa siko niya. Nasa kalagitnaan pa sila ng daan nang maganap. Si Honey at si Skye na kasama nila ay indibiduwal na kasama nila ay nahiwalay. Tila ba dinaganan ng iilang boltaheng kuryente si Elaine sa simpleng paglapat ng kamay nito sa balat niya. Siguro ay napansin ng lalake na nakatingin siya sa kamay nito, kaya binitawan nito ang siko niya. "Uhm... Para saan?" She's totally embarrassed. Wala din siyang maisip na tanong... Hanz didn't look away and look at her intently. He sighs, "About us," Diretsyahang sabi ni Hanz. If he'll doubt today, he thinks he can no longer find a courage to approach her, and will talk to her, kagaya ng ginawa niya ngayong araw. Tameme si Elaine, nangangalap ng sagot sa kailaliman ng utak niya. "Ok--" "Hanz!" Pasagot na sana si Elaine nang bigla naman dumating si Skye at hinahanap si Hanz, natabunan ang pag-ambang sagot. Papalapit ito sa kanila, at mukhang nag-aalala. "Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala." Anito at kumunyapit na naman sa braso ni Hanz, sa scene na 'yun ay... "I'll gotta go, Hanz! Kitakits nalang later!" Pinasigla niya ang boses na parang wala lang problema, iniiwasan na mag-alala yung babae. Kumilos naman si Skye at sa pagtalikod din ni Elain ay pinigilan siya nito sa kamay, habang nakahawak pa din sa braso ni Hanz, masaya ito. "I heard that you're his bestfriend, sana maging kaibigan din kita." Maiging napalunok si Elaine, at sumipol ng kaaya-ayang ngiti. "Pwede naman, anytime." Tiyaka siya tumingin kay Hanz na kanina pa pala nakatingin sa kanya, "Whatever Hanz's plans, sinusuportahan ko siya. As long as, ikinasasaya niya." Deep inside, masyado siyang bitter. Dahil hindi niya expect na sa araw kung kailan sila muling magkakausap ni Hanz, ay ang araw din na malaman niyang may jowa na pala ito. She felt betrayed. Nakaramdam siya ng kung anong kirot sa dibdib niya. "Wow! Salamat! By the way, I'm Skye." Tiyaka naglahad ng kamay si Skye sa kanya. Kahit ayaw niya, at gusto nalang umalis ay ayaw rin naman niyang maging rude. Nagpapanggap na siya eh! Hindi na pwedeng mag back-out! "I'm Elaine." "Ayieee! Narinig mo 'yun babe?! Magiging kaibigan ko na rin si Elaine!" Sa uri ng pagkabanggit nito ay totoong masaya. Hindi alam kung bakit nakaramdam ng konsensya si Elaine. She felt like a sinner. "Yeah, I heard..." Hanz was expressionless, pero ang mga mata nito ay nakatuon lang kay Elaine. Hindi man lang binigyang pansin ang karelasyon nito. Hindi na kinaya ni Elaine ang paninitig nito, kaya umiwassiya at nagpaalam na... "I'll gotta go," She didn't mean to sound rude, kusa lang 'yung lumabas sa bibig niya. Pero, mukhang hindi na niya kailangang alahanin 'yu dahil, hindi naman binigyang pansin ni Skye ang naging tono niya, "Nice meeting you, Elaine!" Pahabol nitong sabi. Tumakbo siya hanggang sa marating ang lot kung saan possibleng naroon ang kaibigan. Pagkarating ay doon lang niya nailabas ang kahinaan na itinamo sa kanya ni Hanz. Napaakbay siya sa kaibigan habang ang isang kamay ay nakahawak sa kabilang tuhod niya. Nagulat naman si Honey. "Anong nangyari sayo?" Umiling siya kaagad, "Napagod lang ako, walang ibang tao sa C.R eh!" Pagpapalusot niya, when in fact, nakasagupaan niya sa daan si Hanz at ang Jowa nito. "Gaga! Dapat sinabihan mo ako, para nasamahan na kita doon." Sermon nito sa kanya habang hinimas ang likuran niya. Napa, "Hehehe!" na lamang siya. Can't find a suitable word to answer. Nag buntong-hininga ito, "Tingnan mo tuloy ang sarili mo, pinapawis ka na." Buti pa ang kaibigan niya talaga, inaalala siya. Subalit ang kaibigan niyang matagal niyang nakasama sa tawanana, kalokohan, at galitan ay hindi man lang siya sinabihan ng patungkol sa postura niya. "Tiyaka itong jumper mo, hindi na ayos ang pagkahanay." Sabay iling ni Honey at tinulongan siyang ayusin iyon. Hagikhik lang ang naging sagot niya, "Babae ka pa nito?" Naku inusulto pa talaga siya, hindi niya naman inalintana. "Oo naman noh, pretty pa din kaya ako kahit na gusot ng kunti damit ko." Tanging sabi niya at sa aksidenteng paglingon niya ay siyang pagtama sa dalawang tao na nakasaluha niya kanina. Napaka sweet nitong tinganan, habang siya ay na bitter-an na sa nakikita. She doesn't like the view... 'Yun ang totoo sa likod ng pagpapanggap niya kanina. Sumakay ito sa bus na kaharap nila ngayon. "Si Hanz yun diba?" Tumango siya sa kaibigan, kay bilis naman ng mata nito na mahagilap ang ex-boy bestfriend niya. Ex, dahil may iba na itong kalantari. Pinalitan na siya. Kaya nga ang cold nito sa kanya kase may new flavor na ito ngayon. "Yup," "Tara sakay na tayo!" Sabi ng kaibigan at walang sere-seremonyang hinatak siya papunta sa bus. Timing naman na, nakasalubong niya si Elijah, ang current manliligaw niya na ni-reject niya last week. "Hi Elaine!" Pagbati nito sa kanya, abot tenga ang ngiti nito nang makasalubong siya nito. Parang pababa ito. "Hello, Eli!" Sa ganoong pangyayari, nakita ni Hanz kung gaano ka tamis na nginitian ng dalaga ang lalaki. Sa hindi inaasahan ay, nag selos siya, naikuyom ang kanang kamay ng patago. That moment, isa lang ang alam niya... That is to kick that as'hole who just made her smile.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD