PT. 11

3030 Words
Elaine's POV Nakarating kami sa studio paint pub dito sa Rizal na kasama pa rin si Elijah. Tatlo na kami ngayon, counted si Honey. Medyo naiilang ako ng kaunti, at hindi mapangalanan kung bakit hindi ko magawang ituon ang aking atensyon sa mga kasama ko. Ni hindi ako makapag-focus sa usapan namin. Awkward overload talaga ang peg ko now. Hindi ko malaman kung bakit ang lutang ko sobra. This is frustrating me. Like, pwede na bang umuwi? Nagdadalawang isip na ako sa desisyon kong sumama sa road trip na ito. Wala na akong gana. "Elaine, ano sa tingin mo dito sa painting ni Vincent Van Gogh?" Napakurap-kurap ako ng hawakan ako ni Elijah sa balikat. "Ayos ka lang ba?" Tanong nito, "Kanina ka pa, nags-space out." May punto naman siya, kahit ako... napapansin ko rin. Doon naman sumali si Honey na may nagtatanong na mga mata. Kuryuso din. "Pansin ko nga Elaine, may nakakapagpabagabag ba sa'yo?" Sabi na nga eh, kahit inosenste ang isang 'to. Nangunguryuso pa din. Marahan akong umiling na sinabayan ng pag-ngisi, "Wala, uhm... Ayos lang ako, wag niyo nalang pansinin." Liar! Well, may choice ba ako? Kaysa naman sa paga-alahanin ko pa sila hindi ba? Wala namang dahilan ang mga bagay na nagpapagulo sakin. It'll just ruin our trip. Imbes na mag-saya, ma-agrabyado lang sahil sa problema kong wala namang kuwenta. Wala ngang kuwenta, pero ang isip ko hindi magkamayaw sa pag-iisip! Umarko ang kilay ni Honey, "Sure ka?" Tila hindi naniniwala. Tumango ako, at parang ewan na ngumiti na naman ulit. "Yup, sure ako. So, ano ba 'yung tinatanong mo sakin Eli?" Short term ko sa name ni Elijah. Konti nalang talaga, pwedeng-pwede na ako sa mental. "You do not look fine to me..." It was Elijah. Hanz's POV "Babe, look oh! Ang nice ng painting diba?" Kasama ko si Skye ngayon, pero ang isip ko hindi sa kanya nakalaan. Lumilipad ang isip ko sa babaeng gusto kong makasama kanina pa. Sa totoo lang ay hindi ko sinasadya na mauuwi ako sa ganito. I thought, mawawala siya sa isipan ko kapag ka nakipag-relasyon ako sa ibang babae. But it wasn't. Skye's hugging my arm. It's frustrating! However, I do not have the moment to be angry. So, I just let her that way... First day naming magkarelasyon tapos pagsususngitan ko? Bad idea. Mas lalo lang lumala ang situwasyon ko. Habang may kasama akong iba, ang utak ko lumilipad sa kanya. Ang mga mata ko, hinahanap-hanap siya. Ano na ba itong nangyari sakin? Hindi naman ako ganito kapag hindi ko siya kasama noon. I've been feeling comfortable kapag wala siya, pero iba ngayon... Why couldn't I settle my mind at tumigil na sa pag-iisip patungkol sa kanya? "Babe!" Tinulak na niya ako palayo. Sinabi na niya sakin na ayaw niya sakin, at nandidiri siya sakin. She already told me the worst! Pero bakit hindi ko pa din siya magawang tantanan? Nagugulohan ako... "Hello earth to my baby?" Napapitlag ako mula sa pagiisip, nang may bagay na humilig sa aking dibdib. "Skye!" Halos mapahiyaw ako sa gulat nang matagpoan ang dibdib niya na isinisiksik sa akin. Bumungad sakin ang nakasimangot niyang mukha, "You know, kanina pa ako salita ng salita dito. But you're not listening naman pala." Nagtatampo niyang usal. Hinilot-hilot ko ang aking sintido bilang palusot. "I'm sorry," Pagpapaumanhin ko na rin sa kanya. "Wala lang ako sa mood magliwaliw ngayon." Dagdag ko. Lumayo siya sakin at pinamewangan ako. "Ano na ang gagawin natin kung ganun?" Skye's a beauty. Pero hindi hamak na may taong mas maganda pa sa kanya at karibal sa aking paningin. Sexy din siya, may tamang kurba ng katawan, Heartshape face, attractive eyes, thin line brows, pointed noise and a bluish eyes, which every men can drool of. Kaya hindi na ako magugulat kung sasabihin ni Zach at ng iba na maswerte ako kay Skye at naging girlfriend ko siya. But that wasn't the case to me... I cannot fool myself that I want someone else. Pero heto ako at nasa maling tao. Ngunit, wala namang masama kung i-try ko diba? Wala namang masama kung pilitin kong ibaling ang atensyon sa babaeng napili ko ngayon tama? Skye's my first girlfriend, and she told me na ako rin ang una niya, hindi naman ako ganoon ka heartless para ipagkait sa kanya ang sarili kong atensyon. "Ikaw, what do you want us to do?" Nang-aakit niyang sabi at kinagat ang hintuturo niyang daliri. Mariin akong napapikit nang sa ginawa niyang 'yun ay nakikita ko si Elaine sa kanya, that night was a mistake. Hindi ko na dapat pang iniisip yun. Hindi kami pwede. She's someone, na hindi ko dapat pinagkaabalahan kong isipin pa, when in fact may kasintahan na ako. "Don't do that Skye." Nagtitimpi kong wika. Pinipilit na kalimutan ang bagay na dapat kong kalimutan. Elaine has a boy, and I have a girlfriend too. Kaya dapat lang talaga. "Why babe?" Kahit sinabihan ko na siyang tigilan na niya, ay mas lalo lang niyang ginagawa. Flirting me at inaakit. At that action, Skye's face faded that was replace with Elaine's seductive face. "Damnit!" Mabilis na hinapit ko ang kanyang bewang at mapangahas na siniil ng halik ang kanyang labi. Mapagparusa. Walang pakealam kung nasa publikong lugar man kami. This girl is getting into my nerves, she's annoying and she makes me remember about Elaine at sa nangyari ng gabing 'yun. Fvck! Pero hindi ko inaasahan na sa ginagawa kong 'yun ay makikita na naman niya ako. Her eyes widen in surprise, as she bit her lips with force. Para akong napako sa aking kinatatayoan, nang magtagpo ang aming mga mata. Nahuli ng asawa sa akto ng pagtataksil. I'm feeling nervous. Kahit hindi dapat. Elaine's POV "I know how to paint, pero hindi ko mapapantayan si Vincent noh!" Sabi ko sa kanilang dalawa habang lumilipat kami ng puwesto para matingnan ang iba pang naka display na larawan. Natural na aangal ako, sikat at bihasa ba naman na pintor ang ikinumpara sakin. "Magaling ka din naman ah!" Angal ni Honey sa sinabi ko. Hindi talaga magpapatalo. Natatawang umiling-iling ako, "Ano ka ba naman Honey, mas magaling sila kaysa sakin. Tiyaka libangan ko lang ang pagpipinta." Totoo naman kase, libangan ko lang talaga ang pagpipinta. Hindi naman ako matuto nito kung hindi ako mabilis mainggit at makulit. I couldn't help but smile with the stubborness I had with someone before. Nakakatawa talaga 'yun. Lalo na't nasasanay akong gulohin siya everytime na busy siya sa study, sa hobbies niya, at sa mga ginagawa niya. "Naku, Elaine. Kung ikaw ako, makikita mo ang ganda ng works mo." Bilang sagot ay tumawa nalang ako sa sinabi ni Honey, grabe naman ang babaeng 'to maka compliment. Gusto pa atang tapatan ang mga sikat na pintor. "Do you have pictures of her works, Honey?" Naiiling nalang ako sa tanong ni Elijah. Isa pa 'to, nagpapaniwala talaga kay Honey eh. "Yup! Actually, nasa I.G niya. Wait!" Tiyaka naman nalipat ang kani-kanilang atensyon sa cellphone. Habang ako ay inoobserbahan ang painting na gawa ni Pacita Abad. Sa ganda ng pagkakapinta nito, malabong-malabo talaga na mapapantayan ko 'to. "Ang ganda naman talaga ng works mo, Elaine!" Si Elijah na mukhang nakita na ang recent posts ko sa I.G about sa works ko. "Humble lang 'yan si Elaine, hindi tumatanggap ng mga parangal sa mga gawa niya!" Kahit kailan ang babaeng 'to, may pagkamadal-dal eh! Lalo na pag sa ganitong aspeto. "Natutonan ko lang, Eli." Giit ko, nang hindi tumitingin sa gawi nila. Nakakahiya talaga minsan pag may kasama kang maingay at honest kung magbigay ng feedback. Well? Confident naman ako na... everything about me is as beautiful as I am! Charrottt! "Paano, at kanino mo natutunan? Anggaling niya naman magturo." Napangiti ako sa sinabi ni Eli, naalala ko pa 'yung panahon na beginner pa lang ako. Parati akong sakit sa ulo, ngunit hindi niya pa rin ako inangalan at patuloy lang niya akong tinuturoan. Kahit na sasabog na ang ilong at tenga niya sa galit at pagpa-pasensya sakin. "Magaling talaga si Hanz! Parang lahat na ng bagay ay alam na niya eh! Matalino pa, guwapo, makisig, mabait, at hindi ako..." Aksidenteng napagawi ako sa bandang kaliwa at nakita ang hindi dapat masaksihan pa. It's Hanz na kahalikan si Skye. Ramdam ko ang tensyon na namumuo sa kaibutoran ko, naiinis ako sa nakikita ko. Nagagalit na parang gusto kong maiyak. I couldn't understand my feelings pero, nanghihina ang mga tuhod ko habang ang mga mata ko ay nakatuon lang sa kanya, at kung papaano niya hinahalikan si Skye. Its torrid. Kagaya ng ginawa niya sakin. He lied, hindi lang pala ako ang nahahalikan niya ngayon. What a shame, isn't it? Nagpapaniwala pa naman ako. Ang malala, nag assume pa. Sa nakita ko, mas lalo lang naupos ang natitirang paghanga ako sa kanya. I don't know kung bakit ako naaapektuhan sa nakikita ko, lumala lang lalo nang maalala ko ang mga halik na pinagsaluhan namin ng gabing 'yun. Bvllsh't na buhay 'to, oo! Bakit ba hindi ko magawang kalimutan ang mga nangyari noon?! I should've forget about it and move on! "Elaine?" "Napatahimik ka ata Elaine?" Nakakainis na! Pati sa sarili ko ay nangangalaiti ako sa galit. Why am I like this? "Kalimutan niyo na ang sinabi ko. It's not Hanz who taught me, nagkamali ako." Pagbawi ko sa mga sinabi ko kani-kanina lang. At pumayo papalayo doon. He's not deserving para ipagmalaki ko. Siguro nagulat ang dalawa sa inakto ko, at walang pasubili na sumunod sakin. "May problema ba, bakit mukha kang galit?" Padaskol na tanong ni Honey sakin. Marahas na napabuga ako ng hininga at mas binilisan pa lalo ang paglalakad. Ayoko na sa lugar na 'to. May peste akong nakikita, bwesit! Kung saan ako naroroon, may naghaharutan! Nananadya ba siya?! Tang'na! Nakakawalang-gana! "Sandali! Ano bang nangyayari sa'yo Elaine at bigla-bigla nalang nagiiba ang mood mo?" Mukhang galit na rin si Honey sa'kin. Pero who cares? Pwede niya ipagsawalang-bahala ang inakto ko, o hindi kaya ako. Someone grab me by my elbow, kaya napatigil ako sa paglalakad at hinarap ang taong 'yun. Akala ko si Hanz, akala ko pa naman sinundan niya ako. Si Elijah lang pala. Assuming lang ako. Himala nalang kung hahabulin ako ng manyak na Hanz na 'yun! "Calm down, alright? We can talk about your problems, buksan mo sa amin para maibsan 'yang dinadamdam mo. Kase kanina ko pa napapansin na hindi ka talaga okay... And I don't want you to be like that." Anito, sana ganito din si Hanz noh? Kaso, hindi eh! Kabaliktaran! Tinaguriang Ice King nga 'yun sa sobrang cold. Wala nga 'yung pakiramdam. Nga pala, bakit ko ba siya pilit na ikinukumpara sa ibang lalake? It's not like, napaka worth keeping siya! "I-I'm sorry..." Paghingi ko nalang ng tawad. Na realize ko, sa biglaang pagbabago ng mood ko ay naaapektuhan sila sakin. "Is it about him?" Biglang tanong ni Honey, dahilan para ako'y magtaas ng tingin sa kanya. She's looking towards someone, kaya nilingon ko rin 'yun. Doon ko lang napagtanto na si Hanz pala ang lalakeng kakalabas lang din sa studio. Ano ito, porket lumabas ako ay, lalabas din sila? Nananadya talaga sila eh! Mainam na nag-iwas ako ng tingin, at yumuko nalang. This is crazy, avoiding him is craziness! "Nagugutom ako, can we find some restaurant to eat?" Completely, ignoring Honey's question. Pinaglilipat-lipat ko ang tingin ko sa dalawa, na tumango rin kalaunan. Ang totoo niyan is, gusto ko lang makalayo dito. 'Yung hindi ko sila nakikita. Dahil sa tuwing nakikita ko sila, sumasakit ang paningin ko at ang abnormal kong puso ay naaapektuhan na. Sumisikip ang paghinga ko, pati emosyon ko nadadamay na. I'm jealous, alright? Nagseselos ako dahil, nasa iba na ang atensyon ni Hanz na dati ay sakin lang. Bakit? Aren't I allowed to sulk over it? Kase, everytime na tinatago ko, mas lalong lumalaki ang issue ko sakin para sa kanya. When in fact, wala naman siyang pakealam. Better for me to keep this alone, and forget it sooner. I know, na makakalimutan ko din siya. Kahit pa na kasama ang samahan namin na mayroon kami dati, I have to continue moving forward. Walang use kung manatili ako sa ganitong situwasyon. Hanz's POV Pagkatapos akong makita ni Elaine sa ganoong situwasyon ay mabilis kong tinigilan ang kahibangan na ginagawa ko. Para akong nabisto ng wala sa oras. Pero huli na ako, nag-iwas na si Elaine ng tingin sa gawi ko. I know na, hindi ko dapat ito ginagawa kay Skye dahil deserve niya naman na akitin ako at gawin ang gusto niyang gawin kasama ako, dahil nobyo niya ako. But what the hell is going on with me?! I came up with the descision to forget and move on. To try and be the better one, pero hindi ko pa din magawang e-abante ang sarili ko. Naiinis ako sa sarili ko, why couldn't I manage to do that? Kay simpleng bagay, nahihirapan pa akong gawin. "Bakit, babe? Is there something wrong?" Tanong ni Skye na ngayon ay nagpupunas ng kanyang labi. "Nah, never mind..." Actually, I don't know what to say to her. Kaya panay iwas ko nalang sa mga tanong niya. "You know what babe..." She trailed, at pinapagapang ang kanyang mga daliri sa aking dibdib. Kahit anong pagdamdam ko, wala akong maramdamang naaakit. Elaine's not doing this kind of act. Kaya hindi ako naapektuhan. Wala akong naalala na naaapektuhan ako sa ganitong uri ng temptasyon. "What?" Tanong ko at hinawakan na ang kanyang kamay. I heard her moan, "I like your lips, and your kiss... It's turning me on." Aniya na binabalewala ko lang. "Let's eat, Skye. I'm hungry." "Wait, babe! Bestfriend mo 'yun hindi ba?" Nakalabas na kami ng studio at nabilaran na rin ng init. Open field kase ang kaharap ng studio na ito, sunod naman ay medyo malayong parking. "Sino?" Tanong ko, hinila niya naman ako paharap sa direksyon na tinitingnan niya. Tiyaka ko lang napagtanto kung sinong bestfriend ang tinutukoy niya. It's Elaine. Kasama niya pa rin ang kaibigan niyang si Honey at ang manliligaw niyang si Elijah. Honestly, kanina pa ako nagtitimpi sa lalakeng 'yun. I don't want him near, Elaine. Naiinis ako. If you'll call it jealousy, then so be it! Hindi ba pwedeng magselos? I'm her friend almost a decade. Kaibigan ko na siya simula bata pa. At kami lang ang magkasama simula pa noon. I was her companion, her shield and her secondary parent pag wala ang parents niya. I was the only one who cares for her, and was there when she's not okay and in trouble. But, upon seeing her with someone else... Nagseselos ako ng higit pa sa inaakala ko. She found my gaze, pero hindi rin nagtagal ay umiwas siya sa sakin at inaya ang mga kaibigan na umalis doon. Napabuntong-hininga nalang ako sa biglaang pagsikip ng akig dibdib. Why am I feeling to much, by the way? I'm confused... "Ela--" "Let's just let her be, Skye. Mukhang nage-enjoy naman siya sa mga kasama niya ngayon. " Puna ko sa kanya na nagtatangkang tawagin si Elaine. "But--" I squeezed her hand and intertwined it with mine. "Hayaan mo na, pwede naman natin siyang kausapin some other time." As if naman na mangyari 'yun. Iniiwasan na nga ako eh! Elaine's POV After namin sa studio ay nagpunta kami sa Zoo, mga ilang oras lang ang itinagal namin sa studio, then lipat na naman sa ibang routa. Which is Zoo! Ipinagpasalamat ko din na hindi ko sila nakasabayan sa isang bus. Nakakahinga ako ng maluwang at sana lang talaga ay magtuloy-tuloy na ito. I don't want to see them. It will just ruin my mood and my day itself. Kaya kung maaari, iiwas na lang talaga sa mga bagay na nakakapagpa-bad trip sayo. "Elaine, bibili kami ng sorbetes sa labas. Gusto mo sumama?" Kasalukoyan akong nagpapakain ng unggoy. May hawak akong saging at patuloy na pinapakain ang unggoy. Naaaliw talaga ako sa kanila, kaya naman ay... "Nope, kayo nalang muna ni Elijah, Honey. Naaaliw ako sa mga unggoy eh!" Sabi ko. Honey just sigh. "Alright, may gusto ka bang ipapabili samin? Total lalabas naman na din kami." Tumigil na muna ako saglit at hinarap sila. "Sige, bali cotton candy nalang at mineral water ang sakin Honey." Kumuha ako ng pera at ibinigay sa kanya. Na siyang tinanggihan niya. "Para sa ganitong halaga talaga, Elaine?" She sounded sarcastic. Kaya isinauli ko nalang ang pera sa bulsa ko kaysa maiwan na nakahanging sa kamay ko. "Osya Honey, salamat sa libre!" Na may kasamang ngiti at meaningful na salita ay nagpasalamat ako. Ang saya kaya pag libre, at isa pa... Mas nalalasahan mo ang sarap ng pagkain pag ibang tao ang nagbili sayo. Kagaya nalang noon... Sh't, heto na naman ako. Can't my mind just forget about him, kahit isang araw lang? Bakit parati ko nalang siyang naalala? Nakakaumay naman oh! Nga pala nakaalis na sila Eli at Honey para mamili. Pinagtuonan ko nalang ang mga unggoy, masaya ko silang pinapakain. "Nakks! Hindi pa kayo busog sa ganyang situwasyon ah?" Kanina ko pa kaya sila pinapakain, pero mukha naman na walang kabusogan ang mga hayop na'to. Paubos na din ang dala kong saging. "Hi Miss!" Napatingin ako sa taong bumati. Nakks! Ang guwapo, jusko! May takas na buhok ang tumabing sa aking labi kaya kinuha ko iyon at inilagay sa likodo ng aking tenga. Bago nag... "Hello!" They are just passersby tho, after kung bumati ay bumalik na rin ako sa pinaga-aabalahan ko. Pero hindi ko inaasahan na sa huling piraso ng saging na ipinapakain ko ay gusto akong tuklawin ng unggoy. Kinakabahan na napatalon ako paatras, nabitawan ko na rin ang saging at sa aksyon kong 'yun ay inaasahan ko nang matutumba ako, medyo natapilok din ang paa ko kaya... Hindi na ako magugulat kung sa lupa ang bagsak ko. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata, hinihintay sa aking pagbagsak nang... "Careless ka pa din.'' Namilog ang aking mga mata nang sa inaakala kong mahuhulog ako sa lupa ay isang makisig at matigas na katawan ang sumalo sakin. "Tsk." Dinungaw ako ng matinding kalabog ng kaba sa aking dibdib nang napagtanto ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Hanz...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD