PT. 5

1744 Words
Elaine's POV That night was a pain, sumasakit ng todo ang ulo ko after ko matutunan ang itinuro niya sakin. I really hate numbers. Nakakatuliro ng brain cells. Hindi ako katalinuhan, pero nakakainis yung kailangan mo talagang matutunan ang lesson. To the point na nagawa kong makatulog sa mismong lamesa. The next morning, nagising nalang ako sa guests room, with a loud alarm clock. Bwesit na umaga 'yun naaalala ko pa kung gaano kasakit sa tenga yun. Dinaig pa ang bomba. Nakakabasag eardrums. Lumipas na ang isang buwan at dalawang linggo, kakatapos lang ng mid-term examination week namin. And next week will be our road trip!!! My gosh, excited talaga ako. Imagine, nung huli kong sama sa school road trips namin, travel and round tours was in JHS pa lang! Kaya namiss ko din 'tong ganito. Saturday din ngayon, at wala kaming pasok. Kasalukoyan akong nagka kape dito sa hardin, nang matanaw ko mula dito ang kumikinang na katawan ng lalaking naglilinis ngayon ng kanyang sasakyan. Napailing-iling ako at kinurap-kurap ang mga mata sa nakita. At dahil kaharap lang ng garden namin ang may garahe nila ay, hindi ko talaga maiiwasan na makita siya. Ang muscles nito ay gumagalaw at lumalaki sa tuwing kumikilos siya. Yung sunkissed yet tanned skin niya ay nag stand out pa lalo. Lalo na't medyo basa siya at nasinagan ng umagang araw ng alas sais ng umaga. Tama lang na hindi ako kumuha ng tinapay, dahil sa nakikita ko now ay pandesal na eh! "Miss Elaine, ito na po pala yung ensaymada na pandesal na pinapakuha mo po," napapikit ako ng mariin sa sariling hiya. Nagpakuha nga pala ako ng pandesal. Nagawa ko pang nakalimutan dahil sa ibang pandesal na nakita ko, kani-kanina lang. "Pakilagay nalang po dito manang, salamat po!" Napabusangot ako ng wala sa oras. Epal talaga si manang eh! Nasa ganoong mood ako nang bigla nalang bumaling sa direksyon ko si Hanz. Kumaway pa ako at masaya siyang binati ng, "Good morning, Pork and beans!!!" Pero poker face lang iginanti niya, sabay smirk. Edi siya na ang tinaguriang, deadmatology! As usual, hindi ako nahiya noh, makailang beses ko na kaya nakita ang muscles niya. "Mag suklay ka, at mag bra ka naman! Nagmukha kang manang!" Halos mabitawan ko na ang kape at nalaglag pa ang pandesal na nginuya ko ngayon dahil sa pagkalaglag ng panga ko sa sinabi niya. Napaamaang sa ka-harshness niyang mang insult. Aba't ang lokong 'to! "Ang sama mo! I hate you!" sigaw ko pabalik at nagmartsa na lang papunta sa loob bahay. Panget na ng morning ko, ang ogag na 'yun! Arghhh! Sarap niyang ipahalik sa putik! Para naman maalibadbaran ng bibig niyang walang kasingtamis! Sumapit ang alas siyete, at nagiisa na naman akong kumakain sa napakalaking dining namin. Napahinga ako ng malalim bago nagsimulang kumain. Hanggang kailan pa ba ako magiisa? Well, hindi naman sa lahat ng panahon nag sstay ang lahat. Kagaya nalanh nila ate ko, they grow up and get married after getting a profession. Kung baga dati, this empty dining was filled with joy and laughter from us. Pero now... Wala na. Tahimik pa sa sementeryo. "Ang tabang naman ng kanin ko," kahit itong kinakain ko, natabang na din sa panlasa ko. Sad life... "Stop sulking, sasaluhan na kita sa pagkain. Para naman hindi ka na mag drama diyan," pinaikot ko ang mata ko, nang mapansin siyang naghugot ng silya sa gilid ko. "No one told you to come here nor ask you to join me, ano naman ang pake mo kung mag drama ako?" Kay umagang tapat, heto na naman siya sa pangaasar niya. "Dapat masaya ka, kaysa mag emo ka diyan. Parehas lang tayong nagiisa sa mga bahay natin." dagdag niya, completely discarded my sarcasms. "Eh, diba naglilinis ka ng car mo?" tanong ko tiyaka nagsandok ng kanin ko sa plato at iniumang sa bibig ko. Kinain din after. "Yup, at nakita kita kung papaano mo ko tingnan." Confident ng mokong. Sarap sakalin. Sabagay, ganyan talaga pag GGSS! "Isipin mo na ang gusto mong isipin, wala akong pake. Besides, eyes are for viewing purposes. Hindi ka sana nagpakita sa paningin ko," kumukulo na ang dugo ko sa kanya. Swear. Nakakainis siya. Seryoso ako sa sinabi ko at walang ni anong biro doon. "Bakit ba ang init-init ng ulo mo? Umaga pa lang, galit ka na sakin," reklamo niya, at tumigil din sa pagsandok ng pagkain sa hapag. Siya nga 'tong nang iinsulto kanina, na mas umaga pa kaysa ngayon. "Then, hindi mo sana ako iniinis para malinaw tayong dalawa! Don't ask me the things that you did to annoy me, kase nakakagalit kang talaga!" bawat salita na binibigkas ko ay may diin, tumayo na din ako mula sa pagkakaupo. "You're way defensive! Tiyaka, totoo din naman ang mga sinasabi ko about you. You should've be thankful kase I am here para pagsabihan ka. Maliban nalang kung hindi diba?" Turan pa niya. Edi siya na! Napapikit ako ng mariin, kinokontrol ang sarili na huwag sumabog. "Ang layo naman ng iniisip mo, okay sige! Ikaw na ang tama palagi at perpekto, ako na ang mga mali! Happy?" galit kong usal sa mahinang boses, sabay alis sa kinatatayoan ko. "Ang mahirap kase sa'yo, Elaine. Ang bilis mo magalit at mairita--" rinig kong sabi niya. Tumuloy ako sa kusina at kumuha ng tubig, pakiramdam ko nanunuyo ang kalamnan ko. Bawat galaw ko ay nagpipigil ako na baka makasira ako dahil sa galit, "Yun na nga, Hanz! Alam mong impatient ako, pero sige ka pa din!" He blows out a heavy sigh, nasa hamba siya ng kusina ngayon. Sinusundan pa talaga ako, "Hindi mo ako naiintindihan--" Mapakla akong pumeke ng tawa, "Of course, I understand! Sinasabi mo ang mga 'yun just to slap me with those mistakes to my bare face!" Nakita ko kung papaano din siya nagpipigil, pero no... Hindi ako magpapaawat. "Pataposin at pakinggan mo ako pwede?" "Ha! Why would I?" "Because, my rants are for your own good!" "No! Sinasabi mo lang 'yan dahil hindi ako perpekto para sayo! Bakit? May nangyayari ba sa mga scold-de-rants mo sakin? Nagbago ba ako? I did not!" padabog kong nilagay sa sink ang baso, mabuti nalang hindi nabasag. At mabilis na umalis, nilampasan siya. "Kase hindi ka gumagawa ng ikakabago mo! Alam mo ng mali, pero sige ka pa rin! I don't know what to do with you, Elaine!" "Edi, tigilan mo 'ko! Oh, kung gusto mo... Stay away from me, para hindi na masasayang 'yang laway mo kaka-rant mo sakin!" lumabas din ako ng dining after. "Saan ka pupunta? Hindi ka pa tapos kuma--" Nagaalburuto na ng buo ang mga organs ko sa katawan, Wala na din akong gana dahil sa nangyari. Kahit nung ako lang ay wala din naman akong gana... "Wala na akong gana!" Umakyat na ako dito sa silid ko, at nagkulong. Boring weekend. Patalon na dumapa ako sa kama. Habol pa din ang mabilis na paghinga. Ganito talaga ako pag magalit, tinabla pa ang nag-marathon. "Argh! Kakainis!" Wala man lang araw na lilipas na hindi kami nagaaway. Palage nalang! Ringg!!! Gumulong ako papunta sa bedside table, nang marinig ang cellphone ko na nagri-ring. "Hello?" "Elaine! Si Celestine ito, are you free tonight?" Ohhh... Si Celes pala. Napapaisip ako bigla, "Wala naman ata, bakit?" tanong ko sa kanya. Well, hindi naman tatawag ang tao kung walang need from you diba? Besides, weekends ngayon... Walang klase, and walang test na aabalahin, I'm totally free! "Birthday ko now, and for a simple celebration... Okay lang ba kung, invite kita sa bar later?" My lips protruded... "Marami naman tayo, Honey also agreed. Pupunta daw siya later," napangisi ako. Well, Honey's upgraded! "Sure!" Magiliw kong sagot. Na siyang ikinatutuwa niya rin. I also greeted her a happy birthday and give her a brief message. Celestine was also a friend of mine. Nagkakakilala kami because she was a friend of Khairro Saavedra, one of my gentleman suitors before. "Anyways, thank you Elaine! See you at the party tonight!" pagpapaalan niya. "Bye," and ended the call as well. Nakangiti ako nang bumangon mula sa pagkapahiga. Now, my saturday won't be that boring! Gotta shop something good to wear for later! Naligo ako, nagbihis at nag-ayos. There's no poise of staying here at home. Kakainin ka lang ng kaboringan. Walang ibang magawa kundi ang humiga buong araw. Feeling ko bumibigat ako eh, pakahilig ko ba naman magkulong dito sa kuwarto every weekends. Dalang din ako kung lumabas. Depende kung may mag-aya. Hanz gotten worst these days... Hindi naman siya ganoon ka worst... Ngayon nagmumukha na siyang si dad ko. Nakakasakal minsan. Wearing a simple maong rogue jeans na nagmumukhang putol sa may tuhod pero hindi naman like as what Lisa from blackpink wears, paired with stripped sando, and coffee wedges for bottoms. Black oversized sunglass for the eyes, lariat necklace for my neck, a gold watch for my wrist and simple make-ups for completion. Pink lipstick, light shades both the cheeks and upper eyes. Brown eyeliner and lastly a maskara for my pilik-mata. Kinuha ko ang clutch bag ko and I'm good to go! "Saan ka pupunta?" Nang makalabas ako ng kuwarto ay halos mapatalon ako nang muntikan ko pa siyang mabangga. Bakit ba siya ganyan? Parati nalanh nanggugulat! "Ano ka ba naman! Bakit parati ka nalang nanggulat?!" I hissed and glared him darkly. His eyes are looking at me intently, "Where are you going, woman?" His tone seems dangerous, fierce and serious. Well, I don't care if he's here. Hinawakan ko ng maayos ang bag ko, "Malling, why do you care?" sabi ko at nilampasan na siya. But, he was able to hold me by my wrist. Bali magkapantay na kami ngayon. "Malling nga bang talaga?" Yung klase ng pagtatanong niya ay nanghuhusga. Nakakainis lang. Pati ba naman sa mga lakad ko, pakikialaman na niya. "It's just malling alright?! Kaya pwede, bitiwan mo na ako so I could leave, at hindi ko na makita ang pagmumukha mo!" Kahit hindi pa niya ako binitawan ay ako na mismo ang nagwaksi ng braso ko mula sa pagkakahawak niya. Everytime I see him, ay naiinis lang ako. Having the thought of, he's gone worst. Wala na 'yung Hanz na masaya at masarap kasama. "Sasama ako," napabuga ako ng marahas na hininga, hanggang kailan pa ba siya magiging makulit at tantanan na ako?! "Bahala ka!" tiyaka nagmartsa na pababa ng hagdanan. Hindi na siya hinintay, na sumunod naman kaagad. Kung gusto niyang sumama, pwes... Magdusa siya mamaya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD