Sa tanghaling iyon ay magkasamang nagpunta ng mall si Elaine at si Hanz. Ang freedom at saya na ninanais niya ay nabara hanggang assume nalang sa utak niya. Papaalis pa lang sila ng bahay ay gusto niyang murahin si Hanz, dahil hindi siya nito tinantanan. Makulit at mapilit pa din. Kahit sabihin niyang ayaw niya itong pasamahin ay magpupumilit pa din ito sa kanya. Kadalasan ay ma blackmail pa siya ng mokong para lang pasamahin niya ito.
Kakapark pa lang ng kotse ay nagmamadaling lumabas si Elain at padabog na sinara ang pintuan ng kotse ni Hanz at nauna nang pumasok sa basement entrance ng mall. Nakakainis! Bakit ba ayaw niya akong hayaan nalang?! Sigaw niya sa isipan niya. Na sinabayan niya nalang ng pag-irap.
"Good morning ma'am," bati ng guwardiya na tinanguan niya lang at dire-diretso na pumasok ng mall kahit hindi tumitingin ng maayos sa daanan. Hanggang sa hindi niya sinasadyang makabangga ng tao. May dala itong box at mukhang papa-exit na.
"I'm sorry, I'm very sorry!" agad niyang paghingi ng tawad at tinulongan ito sa pagpupulot ng mga can goods na binili nito.
Busy siya sa pagpupulot, habang ang lalaki din ay tinutulongan ang sarili. "Ito oh, papaano 'yan sira na 'yung lagayan..." Napapatamimi si Elaine nang matuklasan ang mukha ng lalaki. Napaka-guwapo nito, ang kulaw bughaw nitong nga mata ay nanghi-hipnotismo. Sa mata pa lang ay mapapangalanan mong may lahing foreigner ang lalaki. Ang ilong nito ay matangos at tila claw tumatanglaw sa mga mata ng mga babaeng kagaya niya na madaling makakita ng guwapo, ang labi nito ay may kakapalan ngunit mapula at nababagay lang sa hubog ng mukha nito. Pati adams apple ay naakit siya, napapalunok siya. Hanggang sa jaw line nitong maganda ang pagka-sculpt pa-kuwadrado.
Hindi niya pansin na nakatingin na din pala ang lalaki sa kanya, napakurap-kurap siya at binitawan na Ang cans na hawak din ng lalaki. "Sorry..." Sabay niyang paghingi ng tawad. The guy chuckled.
"It's okay, actually it was my fault." Anito at binilisan na nila ang pagpupulot. Nang matapos ay tumayo na sila, "By the way, you're gorgeous," napangiti si Elaine sa naging komplemento nito sa kanya. Naappreciate niya dahil hindi lang siya ang naguwapohan dito, pati rin pala ang lalaki ay nagagandahan sa kanya.
Sa ganoong akto ay naabutan sila ni Hanz, nakatayo lang ito sa likod ng dalaga at mataman na pinagmasdan ang lalaki at si Elaine na nag-uusap. Hindi din siya napansin ng mga ito dahil mukha namang masaya itong nag-uusap. His jaw clenched.
"Salamat, ikaw din... Guwapo" professional ding sabi ni Elaine na may kasamang matamis na ngiti.
"I'm Jordan, you are?" Inisang hawak lang nito ang box na nabutas at iniabot sa kanya ang isang kamay nito para makipag-kamay.
"Elaine--" aabotin niya sana ang kamay nito nang may naunang makakuha nun at mahigpit itong hinawakan.
"My girlfriend's off limits bro, and sorry for the trouble she had cause," laglag ang panga at namimilog ang mga mata ni Elaine na tinitingnan ang lalaking humihila sa kanya ngayon, papalayo kay Jordan na nakilala niya kanina. Ano ba ang problema nito at bigla nalang nitong sinabi na girlfriend siya nito? Baliw na ba ito?
Marahas na iniyugyog niya ang kamay niya para sana bawiin mula sa binata nang higpitan pa nito lalo ang pagkakahawak sa kanya, dahilan para makaramdam siya ng sakit. "Ano ba, Hanz? Nasasaktan ako!" reklamo niya, ngunit hindi man lang siya nito pinakikinggan. Ano ba ang nagawa niya para magalit ito bigla? And worst, saktan pa siya. "Bitawan mo sabi ako!" Sigaw niya na ikinalingon halos lahat ng tao na naroroon.
"Pwede ba, Elaine? Act like your age! Hindi ka na bata!" napatigil sila saglit at nagtitigan silang dalawa, ngunit ang mga kamay nila ay nanatiling konektado.
Napaamaang siya, "Wow! Ako pa talaga ang sinabihan mo niyan, eh noh? Samantalang ikaw itong nagagalit bigla! Act like your age? Ikaw dapat maghunos-diri sa mga sinasabi mo! Ano bang problema mo?" Sarcasms was visible to her, hindi nakasagot si Hanz kaagad, napatigil sila saglit sa harap ng isang boutique at picture booth pero kalaunan ay hindi pa rin siya nito kinibo at hinila na naman siya ulit. Para siyang bagay na tatangayin kahit saan nito gusto. This time, hindi na mahigpit ang pagkakahawak nito. Siya naman itong nagpatangay lang.
Kaya nga lang ay, naiinis siya. Parang binadbaran ng again ang dugo niya para kumulo pa lalo, she's impatient... Naturak lang sa kanya 'yun. She bet, hindi lang siya ang nakakaramdam nun. Kundi marami, lalo na't galit na walang klarong dahilan. "You know what we are to each other, bakit mo sinabi kay Jordan na girlfriend mo ako? When in fact hindi naman!"
Doon tuloyang natigilan si Hanz at hinarap na nga talaga siya, his angst eyes filled with darkness held her annoyed eyes. Sa pamamaraan ng titig nito sa kanya ay, tila ba nanghina ang mga tuhod niya, pati siya ay nilukob ng takot. Sa dilim ba naman ng titig nito, ay nakikita niya ang galit na lumalagablab dito. Sumubra na ba siya sa pagiging stubborn niya? Naapektuhan ba ito ng mga sinasabi niya? Nagagalit ba ito dahil doon o may iba pa?
"So, ikaw lang ang pwede? Akala mo ba, hindi ko alam ang sinabi mo patungkol sakin na boyfriend mo raw ako sa department niyo? Ano 'to ikaw lang ang pwede at ako hindi?" doon siya natauhan... Isang buwan na ang nakalilipas simula noong sinabi niya 'yun sa mga kaklase niyang may pagtingin sa binata, at ang inakala niyang hindi nito alam ay alam pala nito. Para siyang binuhosan ng malamig sa tubig.
"It was nothing!" ang tanging nasabi niya, mahina ang boses. Napayuko siya sa hiya na dumagan sa buong pagkatao niya.
"Tsk, arguing with you means nonsense. Nagsasayang lang tayo ng laway," tiyaka siya binitawan nito, na kanina pa niya ni-request. "Let's go and shop with your needs, time is running." natatamad nitong sabi at pumauna nang maglakad.
Elaine doesn't know that everything she was telling to him earlier, can be turned down this way. Sobra siyang napahiya sa mga sinasabi niya. Dahil na-realize din niya kung gaano ka useless ang pinaga-tatalonan nilang dalawa. Kaunting mali, argue agad. Para bang ang init-init ng ulo niya palagi para sa binata?
Tahimik siyang sumunod, para siyang aso na nababahag ang buntot dahil sa mali niya. Kaya imbes na siya ang mamili, ay siya na Ang nakasunod ngayon kay Hanz na siyang hinihintay din kung saan sila papasok sa mga boutique na dinaraanan nila. Until sa nalibog na nila ang mall at wala pa ring napili ang dalaga.
Nangunot ang noo ni Hanz, at nilingon ang likuran kung saan tahimik nakabuntot ang dalaga. Parang malalim ang iniisip at wala sa realidad. Tumigil siya, nabangga sa likuran niya si Elaine. Dahilan para magising ito sa kasalukoyan. Pero parang hindi naman.
"Pasensya na," sa paghingi nito ng tawad ay para bang... Ibang tao siya? Nakayuko pa din ito. And we're about to avoid him, when he stopped her by holding both of her shoulders.
"Aren't we supposed to buy, and not roam around?" tanong niya, naiinip. Ngunit matiim na inoobserbahan ang dalaga.
"Oh... Sorry," palagi nalang ito nagso-sorry and it pisses him off.
He sighs, "Come here," imbes sana na ang babae mismo ang pipili ng boutique ay masuyo niya itong hinila papunta sa kalapit na boutique pambabae.
Ang mga tao na naroroon ay napalingon sa kanilang dalawa, maybe because lalake siya at for girls lang ang boutique. Ngunit, hindi niya iyon pinansin. Ang boutique ay sosyal ang datingan. Malaki at malapad. Agad siyang naghanap ng bench na pwede nitong maupoan. Nang makahanap sa may sulok sa may entrada, pinaupo niya ito. Hanggang sa pag-upo ay hindi pa rin siya nito pinagtaasan ng tingin. Dahilan para mag adjust siya at mapantayan ang pagtingin nito, sa pamamagitan ng pag squat sa sahig. He doesn't care if the floor's dirty. He's worried of her deafening silence.
"Hey, what's wrong?" Tanong niya rito nang makapantay siya dito. Though, she's sitting by the bench while he's squatting by the tiled floor. Matangkad siya kaya napantayan pa rin niya.
Hindi ito kumibo, napadila siya sa kanyang labi, sabay silip sa paligid. Nakita niya kung papaano nag-uusap-usapan ang mga tao sa paligid nila habang nakatingin sa kanila. Nang mahagip ang mga mata nito ay, nagsiiwas din kalaunan. Tumingin siya ulit Kay Elaine na hindi pa rin kumikibo. Hindi niya kaya ang ganitong nakakabingi na katahimikan sa dalaga. Kung papapipiliin siya sa pagitan ng pagtatalo o katahimikan, ay mas mainam na piliin nalang niya ang pagtatalo nila, dahil lilitaw pa kung gaano ito ka stubborn at mabunganga.
He held her chin with his right hand and make her look at him. Her eyes screams regrets, and apologetic. Hindi siya sanay sa side na ito ng dalaga. Minsan lang 'to magkaganito pag affected ito masyado sa argumento nila.
"Mind telling me of why you're silent?" tanong niya sa mababa at maingat na boses.
"I'm sorry..." Saka sunod-sunod na naglaglagan ang mga luha na hindi niya inaasahan. "I'm sorry..." Para itong bata na nagkasala sa kanya, hindi kinaya kaya umiyak. Bigla ay naaalala niya ang batang Elaine. Ganitong-ganito ito dati. Pag nagkasala sa ibang bata na hindi sinasadya.
Niyakap niya ito, without asking for her permission. "Kalimutan mo na 'yun,"
Hanz embrace calms her, kahit nagmumukha na siyang immature sa bisig nito. "It's alright, hindi ako galit." Anito para mapagaan ang loob niya, she doesn't know but Hanz gives her special feelings. Gusto niya ang kaibahang 'yun. He's caressing her hair and the small of her back, for more minutes. At nang pakiramdam niyang okay na siya ay, bumaklas na siya sa yakap at tinuyo ang basa niyang pisngi.
"Help me choose a good outfit, please?" Hindi na niya ito sinungitan at naging sweet sa binatilyo. He was right, she should act mature according to her age. Hindi yung palagi nalang sila nagtatalo dahil sa dislikes niya.
Yun nga ang nangyari, tinulongan siya nitong maghanap ng magandang outfit para sa kanya. Pero kabaliktaran ang nangyari, napaka-sensitive nito sa mga damit niyang napili na revealing. Well, hindi siya, siya! Kung magpapaawat siya sa lalake. She still buys what she sees nice. Wala ng nagawa si Hanz kundi ang magbuntong hininga sa tuwing pinapakita ng dalaga ang mga napili nito. None among his suggestions ang sinunod nito. Siya ba naman ang pumili ng mga maiinit na damit, like turtle necks, jumpsuits with thick sleeves. Natural na hindi talaga sundin ng babae yun.
Nang matapos itong magbayad ay siya na ang nagbitbit ng mga pinamili nitong damit. Three bags from that store. Sumunod ay nagpunta sila shoe shop. Namili ito ng sandals na pagkataas, naiiling nalang siya. Hindi na nag-abala pang umapila. Pero hindi naman lahat ng pinili ni Elaine ay high heels. Isang medium wedge, flat at heeled sandals ang binili nito. Another three boxes from that store.
Sa isip niya ay, kawawa ang mapapangasawa ng dalaga kapag ganito ito mag-waldas ng pera. Napakahilig sa mga gamit.
"Wow! Angganda ng necklace, wait lang Hanz... Titingnan ko siya," masayang usal ni Elaine at pumasok sa accessories shop. Para siyang buntot, susunod-sunod sa may-ari.
"Hi ma'am, is there something you would like to see? Every accessories from our store are made with different designs and are made in good quality products. Rest assured that in any purchase of your accessories are real and not fashioned," anang sales lady sa hanay na nilapitan niya. Namamangha siya sa mga nakikita niya. Antagal na rin, since the last time she brought jeweleries. Kahit ang suot niya ngayon ay taon na rin ang tagal sa kanya.
"Uhm, can I see and touch that one?" Ika niya at itinuro ang kwentas na may maliliit na pendants ng butterflies. She has this addiction for butterflies. Kaya halos ng gamit niya ay may pendant na butterflies. Kahit sa bag na wala naman noon ay binilhan niya ng pendant.
The necklace is glistening and very light to carry. It's a choker type of necklace. Sakto lang ang taas, to round by your neck. There are six butterflies in one necklace at na kyutan siya roon. She can't help but be mesmerized towards it. There are also earrings na gusto niya rin, bagay ito ipares sa kwentas.
"How much?" She asked as she palms the necklace.
"That cost's a million ma'am..." The sales lady said. Nganga naman siya dahil sa nun. Jusme, saan naman siya pupulot ng milyones para lang sa isang kuwentas? Ang pera na ginamit niya ngayon ay hindi sa kanya at ang mga damit na pinamili niya ay hanggang three thousand lang ang limits niya. Hayyy, say goodbye na nga muna siya accessories. She should've known that already, mahal talaga ang mga ganoon. Lalo na't rare.
"Nakabili ka na?" Tanong ni Hanz nang igiya niya ang sarili palabas. Sumunod ito kaagad nang makita siyang lumabas na.
"Nope, I changed my mind... Saka nalang pala ako bibili, may binigay si mommy last month. Yun nalang muna ang gagamitin ko," pagsisinungaling niya. Even though she likes collections stuffs. Hindi naman siya ganoon ka heartless at ka stubborn para hindi isipin ang parents niya na kumakayod para kumita ng pera.
Meanwhile, Hanz in his mind was confused. Para sa kanya ay nagsisinungaling ang dalaga. Kung kanina ay sobra-sobra ang saya nito nang makita ang kuwentas, bakit bigla nalang nagbago ang isip nito? That's the biggest question dotted in his mind.
Nagpunta sila sa Chowking at doon napili kumain. Elaine loved their chaofan rice kaya binabalik-balikan talaga nito sa tuwing nagpunta ito sa mall. She was picking some money bills when someone stopped her from paying.
"Ako na," boluntaryo nito.
"Sure ka? I can pay naman eh," tanong niya rito.
"I'm sure,"
"One thousand and one hundred twenty-five, Sir. I received credit card." dinig niyang sabi nung cashier. Late na pala siyang nagtanong.
"See? I'm sure," sabi ni Hanz at iginiya na siya paalis sa counter matapos magbayad at naghanap ng mauupoan.
Napili nilang maupo sa may glass wall, kung saan nakikita ang labas. "Thanks for today," wika niya habang ang atensyon ay nasa labas. "And I'm sorry..." Paghingi niya ng tawad. As of that moment, Hanz was arranging their things on the space under the table.
"I told you, it's fine. Just cut the crap of saying sorry, it's sickening!" 'yun ang sinabi ni Hanz sa kanya na ikinatawa niya nalang.
"I wonder how you used to my attitude..." naiisip lang niya, kase sa immaturity ba naman niya? For sure, walang makakatagal sa attitude niyang 'yun.
Umayos na sa pagkakaupo si Hanz, he just got done with arranging the things she brought, tamang-tama rin na dumating 'yung inorder nila at kasalukoyang sini-serve, "Well you're a pain, and I'm confident to say that I'm the only man who can tolerate those,"
Sa sinabi nito ay wala sa sariling napatawa siya, "Seriously?"
Nagkibit-balikat lang si Hanz, "Well? Sino pa ba? May nakikita ka bang kasama natin every day?" Sabagay, tama naman ito. Naaalala niya noong highschool siya, walang nakakatagal sa mga manliligaw niya dahil sa ka-malditahan niya.
"You're crazy," ang tanging naisambit niya.
"Yeah-yeah... Crazy as it is,"
Kumain na sila at nagkukuwentuhan ng kung ano-ano. But, this time... They're kind of being careful sa mga sinasabi nila sa isa't-isa. Trying to replenish the annoyance in between to not occur.
"Birthday nga pala ngayon ni Celes..." Ika niya habang ngumunguya.
"Celes? Friend mo nung highschool?"
"Yup, siya nga!" Tiyaka niya kinuha ang iced tea at ininom.
"Then, what did she say?" His voice is naturally lazy, and firm when he uttered. She likes it somehow. Deep and manly.
Sumandok siya ulit, "She invited me to her party, reason why I shopped today. I couldn't resist her, it's been a long time too." She then shrugged and eat the chaofan she scoops.
"Okay, then." Yun lang sagot nito sa kanya, which was ikinangiti niya.
Kaya nang sumapit ang gabi ay agad siyang nagbihis. Pinili niya yung shaggy crop-top na binili niya at pinaresan ng hapit sa bewang niya na itim na skirt. Sinuot niya rin yung simpleng kuwentas na binigay sa kanya ng dad niya. Gold yun at may customized na pendant in name niya. Ginamit niya rin yung white stilettos niya. Her lips is attractively red, her eyes were highlighted with maskara, dark eye shadows and black eye liner. Her brows are highlighted with brown. Bagay lang ang make-up niya for a mily skinner like her. Ang maikli niyang buhok na may pagka kulot ay hinayaan lang niyang nakalugay, even her grandparents straightened bangs. For finality, dala niya lang ang pouch niya at umalis na. Hindi niya rin nakita si Hanz sa bahay nila o sa labas ng bahay nito. Sabi kase nito kanina ay may pupuntahan lang saglit at babalikan siya. Pero ngayon ay, umandar na naman ang pagka-brat niya.
Tinext ng kaibigan niya ang address, kung saang bar sila magkikita-kita. Agad naman siyang nagtawag ng taxi at hindi na nagpahatid sa family driver nila. Tiyaka nagpahatid sa nasabing lokasyon.
Eight ng gabi siya dumating, and the bar's in full bloom. Maaga pa lang ay dinagsa na ng maraming tao.
"Elaine!" tawag sa kanya ng kaibigan, pagkapasok niya sa private room nito. Malaki ang nirentahan nitong room, sakto lang para sa kanilang marami-rami din ang bilang.
"Hi, happy birthday again!" pagbati niya at ibinigay ang binili niyang gift kanina. That was one among the three sandals she brought.
"Oh, so sweet! Anyways, thank you! I'm happy that you made it this time." saka sila nagyakapan, at nagbiso-biso.
Sumapit ang alas onse, kakauwi lang ni Hanz galing sa IT department ng kompanya nila, he was called dahil nagka-problema roon. Well, his parent's absence made him come.
Kakapasok pa lang niya ng kotse nang mag ring ang cellphone niya. It was Art, kaibigan niya na ka-batch rin.
"Bro, you won't like what I am going to say..." Anito sa tunog na hindi kagusto-gusto.
"Ano ba 'yun?" nagtatanggal siya ng sapatos at naka-pande kuwatro na binaklas ang liston.
"Elaine's drunk and she's getting wild now..."
Napatigil siya sa pagtatanggal ng liston, tila ba nagsi-sink in pa lang sa kanyang utak ang sinabi ng kaibigan. "Pick her up, dude. Bago pa siya madisgrasya ng ibang lalake dito." Pagkatapos ay naputol na ang tawag.
"Sh't!" Napamura siya at ibinaling sa pagkakasilid ang paa sa sapatos. Hindi na nag-liston at mabilis na bumalik sa garahe.
"Damn woman!" He hissed and maneuver the car out from their village.