Elaine's POV
Gabi na nang mapasugod ako sa bahay nila Hanz. May isang assignment kase ako sa mathematics na hindi ko gets. Totoo talaga nun was, hindi ako nakinig. Ewan ko ba, kahit makinig man ako... Lutang pa din yung isipan ko.
It's been weeks na rin simula nung nagawa kong kalokohan.
"Hi po, nanay Tanya!" Pagbati ko sa mayoradoma nila si nanay Tanya nang makasakubong ko sa may entrada. Magsasarado na siguro ng bahay nang dumating ako. Epal lang haha.
"Good evening po, ma'am," she greeted back and bow after. For respect. Nakaugalian na nila yan, kahit ilang beses ko na silang sinaway na huwag na masyadong maging pormal. Hindi naman kami ang parents namin, na need ng atensyon for that kind of respect.
"Si Hanz po, nasaan siya?" Tanong ko, sabay taas ng tingin sa ikalawang palapag ng bahay.
"Nasa study ho ata siya ngayon, tatawagin ko po ba ma'am?" Naiilang na napangisi ako sabay wasiwas ng dalawa kong kamay.
"Huwag na po, hehe" kumunot ang noo niya, "Ako nalang po ang pumunta," nakakahiya naman kung uutosan ko pa siya, eh... Gabi na. Oras na ng pahinga. At kailangan din ni manang ng pahinga dahil marami na naman siyang ta-trabahuin bukas. For sure.
"Sige po, ma'am,"
Let me tour you at his house, I mean their house. Sila tito nga pala ang nagpatayo nito. Well, he's the only heir too, in his generation. Bata pa kase ang kapatid niya m I think graduating pa lang sa elementary. Nasa US nga lang pinag-aral. Siya naman, dito sa pinas. Hindi ko alam kung bakit hindi siya dinala sa US, pero siguro pinili niyang mag stay dito diba? Isa rin yun sa rason kung bakit parati siyang naiiwan dito dahil paratiw naman nakatuon ang atensyon ng mga magulang niya sa nakakababata niyang kapatid. Ako kase may mga kapatid, sila ate Ezra at ate Eren. May mga asawa na nga lang. Kaya wala na sila sa bahay. Anyways, nag asawa ang mga ate ko na hindi pa nakatapos, pero mabait naman ang husbands nila, at tinulongan silang makatapos. Even without the supports of our parents. I envy them.
Nakatayo ako ngayon sa may pasokan ng bahay. Sobrang laki ng space, you're like standing in a hotel's main entrance. Ang pinagkaiba lang is, sa pagpasok mo mismo ng puting double doors with golden knobs ng bahay nila ay, bubungad sa'yo ang malaki at ginintoang hagdanan. Pero hindi siya pure na gold lang ang hagdanan. It was paired with dark chocolate and mocha coffee colors to enlighten the place. Ang barandilya nito ay naibabagay sa kulay na tsokolate. Kahit ang mga muwebles ay uniporme ang kulay, from floors to walls. Then extract lines from different designs of walls and floors. Kahit sa kinatatayoan ko ay may nakaukit sa sahig na mga border frame leaves but highlighted with color brown and some chocolate colors.
But before you could reach the stairs. Dadaanan mo muna ang mini fountain nila, which has a strings of silver-like water. Ang nagsisilbing tinayuan ng fountain ay kulay chocolate din, nababagay lang sa mocha coffee floor. While the standee of the fountain itself with two floors storey was designed with gold and has bids of icy sculpted silver gems. Nakakaagaw pansin din ang tatlong malalaking chandeliers na kulay ginto rin, uniporme sa mga muwebles.
The huge stairs will appear as an only one way to the middle, pagdating mo sa gitna ay makikita mong nahahati ang hangdanan sa dalawa papunta sa magkabilang direksyon sa itaas.
Sa gilid-baba, makikita mo na nakabahagi na ang mga puwesto sa apat na bahagi. Sala, kusina, dining, lounge at sa tagong likod ay maid's pub.
Tinakbo ko ang hagdan pataas para puntahan si smart guy upang magpaturo sa math. Kase kahit anong titig ko dito sa kuwaderno kong may laman na assignment, wala talagang pumapasok sa kukuti ko.
Pagkarating sa itaas ay agad kong tinungo ang library, kung saan palagi naggugol si Hanz tuwing gabi bago matulog. Studious kasi yan, dinaig pa akong tamad talaga mag-aral.
"Hanz?" kumatok muna ako bago ko pinihit ang pinto pabukas. Even without his permission to enter. Besides, alam na niya na ako ang pumasok.
Ang library nila ay hindi naman ganoon kalaki. Sakto lang. Sa pagpasok mo ay makikita mo na kaagad ang nagkaharap na hanay ng bookshelves. Bali may ikalawang palapag pa ang shelves nila. May hagdanan naman para makaakyat ka. Then, there's this black chandelier in the middle. Hindi naman ganoon kalaki. Sakto lang din. sa baba nun, at sa gitna ng magkaharap na shelves ay may couch at single sofa's for visitors siguro or kapag marami ang tao na magtambay sa library.
Sa unahan ng konti, naroon ang wooden table, doon ko rin siya nakita. Seryoso at parang dinadasalan ang pag-aaral. Biro lang, seryoso lang talaga siya, lalo na't nakasalamin siya, nakatuko ang siko sa table at nakahilig ang mukha sa nakamao niyang kamay. Habang ang isang kamay ay may hawak na libro, tila ba nagbabasa siya. Sa bandang ibabaw ng lamesa ay naroroon ang notebooks niya, mukhang nag research siya para sa assignment niya. Ang medyo mahaba at makapal niyang buhok ay nakatali, may ilang hibla pa na tumakas roon. Mas lalo siyang gumwapo sa estilo niyang 'yun.
"Oi? Bakit ka nandito?" With his voice so low and authoritative, he spoke.
Tapos ang makakapal niyang kilay, ang malapula niyang labi at matangos na ilong. Jusko, paanong nagka possessed ang lalaking to near perfections?
Napakurap-kurap nalang ako nang marinig ko siyang tumikhim. Hindi ko napansin, masyado akong nag-fantasize sa maala-demi god na features ng lalaking 'to. Well, hindi lang naman ako, lahat naman ata ng kalahi ko ma-mesmerized sa lalaking guwapo.
"Elaine, may kailangan ka ba?" tanong niya, sabay hubad ng salamin niya. At maingat na inilapag sa mesa.
Lumunok muna ako ng ilang beses, then tumikhim pagkatapos, bago tumayo ng ayos at tumuloy na sa loob.
Like a student who submits her work to the professor, nilagay ko sa desk niya yung notebook ko, at umupo sa harapang silya.
"Turoan mo ako Hanz, hindi ko ma gets ito eh," sabay bukas ko sa notebook at turo sa kanya ng assignment ko. "Please?" Naka poker face lang siya. Ang mga mata niya ay kinikilatis ako kung nagsasabi ba ako ng totoo. I pouted.
"Magpapaturo ka dahil hindi mo talaga ma gets, or papasagotan mo ito sakin dahil hindi ka nakinig at walang pumasok sa kukuti mo?" umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Gusto ko umapila. Pero walang lumabas na salita sa bibig ko, ending up sighing. Nakatingin ako sa kanya, pati mata na nakatitig sa kanya ay napakurap-kurap ako at unti-unting iniiwas ang tingin ko sa kanya papunta sa sahig.
Huli kang bata ka.
"Tama ako noh? Hindi ka makasagot kasi nahuli na naman kita," prosecutor ba siya? Culprit ba ako? Akala mo naman nang iimbestiga ng krimenal eh.
Tiyaka ako nag puppy eyes sa kanya, nagpapaawa. Kasabay na pinagsiklop ang mga kamay sa mismong harapan nito, para bang dinadasalan ko siya. "Please?"
Napabuntong hininga siya, "Ewan ko sayo, Elaine." Sabay iling. Pero kahit nauubosan siya ng pasensya sakin, ay tiningnan niya pa rin ang notebook ko, hindi kalaunan ay sinagotan na niya. After ilang minuto, binalik niya sakin ang notebook.
"You may now leave, dinidisturbo mo ang pag-aaral ko," bumulilat ako ng tahimik, para sa kanya yun. Mimicking him and his expression. Pero nakatalikod ang mukha ko sa kanya, body ko lang ang nakaharao sa kanya.
"Ang suplado naman..." Bulong ko.
"May sinabi ka?" Wika niya na, ikinaharap ko, ngumisi lang tiyaka tinanggap ang notebook.
"Wala po, guwapo mo kase!" Pagsisinungaling ko at tatayo na sana nang, hindi niya binitawan ang notebook ko. Pareho naming hawak.
"Ahh-heh... Can I have it na?" naiilang ko pang sabi sa kanya. While siya naman itong seryoso masyado kung makatingin sakin.
Then a annoying grin, formed to the bottom of his lips. "Who told you that you're free to go? Hm?"
I felt like, binagsakan ng dambuhalang yelo at nanlamig. Dahil alam kong hindi ako makakauwi, not until I learned the lesson I asked him to answer...
Mommy!!!! Help!!!