PT. 3

1240 Words
Elaine's POV Kakagising ko pa lang nang bumukas ang pintuan ng bedroom ko. Argh! Gusto ko pa matulog! "Elaine! Bangon na, malalate na tayo!" as usual si Hanz na naman. Kung itatanong niyo kung paano siya nakapasok, well sanay na yan dito sa bahay eh. Papasok at lalabas 'yan kung kailan niya gusto. Tinabla pa kong may-ari ng bahay. Wala naman nang iba pang tao dito sa bahay, maliban nalang sakin at ng mga katulong. Sila mommy? Ayon, nandoon sa ibang bansa. Inaasikaso ang mga bagay na patungkol sa business namin. Bumalik kaagad sila sa pag byahe. Hindi ko na rin tinanong kung anong bansa sila ngayon. Actually, kasama rin nila parents ni Hanz. Wala na nga lang akong balita kung anong bansa sila ngayon. Hindi ko naman kase tipo yung business. But soon, sabi ni Dad, ako daw ang magmana lahat. Dahil sila ate, binend ang rules nila. Napapaisip din ako, bakit ako lang? Anak din naman nila sila ate. Ang unfair naman nun kung ako lang ang story makaka-benefit. Sana mag bago pa ang isip nila Dad. Ayoko rin naman na manahin ang assets ng family namin. Lalo na't kaya ko naman buhayin ang sarili ko sa future. "Stop being a lazy brat, okay? Anong oras na oh! My goodness, hindi ko na alam ang gagawin ko sayo, Elaine. Papapaano nalang kung wala ako, sino maggising sayo dito. Ni kahit katulong niyo hindi ka nakikinig eh!" arghh!! Si papa galit! Naiinis na bumangon ako sa pagkakatago sa kumot, lalo na nung nakikipag agawan siya sakin sa kumot, ang buhok parang nest sa sobrang gulo. Gulo din ng damit kong pantulog. "Bumaba ka na diyan sa kama mo," aniya at ikinuha pa ako ng tuwalya sa towel rack na nasa loob ng walk-in closet ko. Hanggang sa naabutan nalang niya ako ay hindi pa rin ako bumaba. "Inaantok pa ako, Hanz" wika ko na naaantok pa. Inabot niya yung mga kamay ko at hinila ako patayo. "Estudyante ka pa niyan? Tumigil ka nalang kaya, at matulog dito buong araw" aniya sakin at hinatid ako hanggang banyo. "Huwag ka na magmaktol, at maligo ka na! Phew! Tinabla pa ako nitong parents mo!" rinig kong usal niya mula sa labas ng banyo. Napabungisngis ako at naligo nalang. Paglabas ko ay nakahanda na 'yung uniporme ko. Nakalatag na sa kama eh. Pati medyas at sapatos ay nakahanda na. Pagsusuot nalang ang gagawin ko. "Bilisan mo na!" sabi niya nang mamataan akong tinitingnan lang ang mga nakahanda. "Labas ka muna!" "Lalabas talaga ako!" sagot niya na may tono pa kamong nandidiri. My lips twitched at his answer. Angganda ko kamo para pandirian niya. Nagbihis na ako dahil baka uungos ang makapal na usok sa ilong nun kapag nalaman niyang hindi pa ako nagbihis. Baka isumbong na kamo ako kila mommy. "Antagal mo, halika na nga! Bagal mo!" kakalabas ko lang ng kuwarto at halos mapatalon na ako sa biglaang pagkulog ng boses niya. Hindi ko knows na nasa labas pala siya ng room ko. Medyo gusot ang mukha niya, hindi mapinta ng maayos. "Edi hindi mo na sana pa ako hinintay!" anggil ko sa kanya habang sinundan siya pababa. "Oo para ako malintikan ng parents mo pag pinabayaan ko ang ''Only goody daughter' nila" sa mababa na boses ay naririnig ko ang himig ng sarkasmo niya. Ayaw niya talaga mag patalo kapag sa ganitong usapan kami nahantong. Kahit lalake siya, ay mapagkamalan mo siyang bakla minsan kase, hindi yan madali kung magpatalo eh! Dadaan ka muna sa ilang pagtatalo bago mo siya magpapatalo. Kase isa sa mga attitude niya, ay nawawalan ng gana kung ang pinaguusapan ay nagma-maintain sa isang topic. Parang machine gun ang bibig niya, kung tutuosin. "Sa recess time ka nalang kumain, malalate na tayo, may test pa ako ngayong umaga." naglalakad kami papuntang labasan ng bahay, as usual siya na naman ang may dala ng baonan ko. Malamang kinuha na niya sa kusina. Wala naman na din akong magagawa kase test na ang pinag-uusapan namin eh! Hindi naman ako masyadong epokrita para ipagkait sa kanya ang hinihingi niyang pabor. Baka pag bumagsak siya, ako pa masisisi. That's a big no-no! Sa byahe ay tahimik lang akong nakahalukipkip sa kinauupoan ko, nakapatong ang siko sa may bintana ng kotse at ang chin ko ay nakatapatong sa likod ng palad ko. Hindi ko rin siya tiningnan. Siya naman ay... "Huwag ka aalis ng classroom niyo, pupuntahan kaagad kita ng recess para sabay na tayo kumain ng agahan," panay pa ang lingon at tingin niya sa banda ko. Tapos balik ang atensyon sa pagmamaneho. "Pag may problema, tawagan mo ako agad," akala mo naman kung saan kaming lupalop ng ka-maynilaan nag-aaral. Nasa iisang campus lang naman kami. "Galingan mo rin sa klase, huwag puro chikka ang atupagin." Ayan na... Kung hindi lang 'yan nag-aanyong binata, baka ulirang tatay ko na 'yan. Pagkarating ng school parking ay... "Ako na," he meant for my bag nang makalabas ako ng kotse. "Ihahatid na kita sa classroom mo. Kung saan-san ka pa makihapit ng chikka sa tabi-tabi" "Grabe ka naman, kanina ka pa nang-iinsulto ha. Nakakarami ka na!" My lips protruded for a pout. Naglalakad na kami ngayon papunta sa building department ko. Sinukbit niya ang bag ko sa balikat niya, paharap sa dibdib niya. "Bakit? Totoo naman ang mga sinasabi ko. Ilang beses na nga kitang nahuhuli mag ditch ng klase dahil sa--" "Hindi ako nag ditch! Nakalimutan ko lang!" Pag-aapila ko. "Yun na nga ang point, nakalimutan mo man o hindi. Pag hindi ka pumasok sa oras ng klase, ditch pa rin ang tawag dun! Kung hindi lang ako naroroon, baka nalaman na ng mga magulang mo ang kabulastogan mo!" "Hindi ko naman sinasadya kase!" Pumauna siya sakin sa paglalakad pagkatapos ay patalikod na naglalakad, nakaharap siya sakin at pinaningkitan kamo ako ng mata. "Hindi sinasadya pero sinasadya ang pakikipag chismis, jusmeyo Elaine. Aral ang ipinunta sa paaralan, hindi maki-marites!" "Okay na! Ikaw na ang tama! Shut up ka nalang pwede?" Nakita ko pa kung paano siya nag smirk at pumantay sakin sa paglalakad. Especially nung na reach na namin ang elevator. "Pinagsabihan lang kita, para maalala ang mali mo. 'Yan ang problema sayo eh. Hindi ka marunong tumanggap sa mga mali mo." Naiinis man ako, ay hindi ko nalang siya sinagot. Bagkus ay nagmamadali na akong pumasok sa elevator. Hanggang sa paglabas ay hindi ko na siya hinintay pa. Pumauna akong naglakad at diretsong pumasok sa classroom ko. Nasa kanya ang bag ko kaya, ang makapal na mukha na si Hanz ay pumasok din sa classroom ko para lang ibigay ang bag ko. Halos lahat ng mata ay nasa kanya, ang mga bagang ng mga babaeng nakakakita lang ng guwapo this morning ay nanubig. Sa paraan ng pagtitig nila kay Hanz, tila tutunawin na nila ng buhay eh! Kung may powers lang sana ang titig ay baka nalusaw na si Hanz ngayon. "Elaine, sino 'yun?" "Kilala mo ba 'yun?" "Ang guwapo! I want to know his name" "Taga saan siya?" "May number ka niya?" Jusko, mali nga yata ang naging desisyon ko na magtampo at magmaktol. Dahil nilanggam lang naman ako ng mga kaklase kong ala imbestigador ang mga mata, tapos ang mga alindog ay pang boy hunting. Isang malokong ngiti ang lumitaw sa mga labi ko, lalo na nung may pumasok na kabaliwan sa utak ko. "Boyfriend ko 'yun. Sorry girls pero off limits na siya, he belongs to me. Only me!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD