Elaine's POV
"Hanz! Hanz!" tinawag ko si Hanz habang patakbo na papasok sa kanilang bakuran. Anyways, I'm Elaine Hernandez, beautiful and young! Charr! I'm just eighteen. Uhm, no! Mag twenty na pala. Feeling eighteen pa rin talaga ako pasensya na.
"Ano yun, Elaine? Tiyaka bakit ka ba tumatakbo?" As usual ang guwapo talaga ni Hnaz, nakahubad-baro ang mokong habang naglilinis ng kaniyang kotse. Unlike me, he's already twenty, turning twenty-one. May sarili na siyang sasakyan and of course, he's at legal age. Isang taon ang gap namin at simula mga bata pa kami ay magkakaibigan na talaga kami. Sa lahat ng naging kaibigan ko, sa kanya lang talaga ako nadidikit. Hmmm... Siguro isa akong glue, mabilis napapadikit sa taong saan ako masaya. Kahit na naiinis kung minsan, dahil nga malakas mambara ang tukmol, ay hindi pa rin ako nagawang nalalayo sa kanya. Siguro magtatampo, pero mag last lang ng ilang weeks.
"Nakapasa ako! Nakapasa ako! Tingnan mo, bilis!" Masaya kong sabi sa kanya, nagtatalon-talon rin habang tumatakbo. My hair bounced too. Excited na makita niya yung results. Habang siya ay naman ay may hawak pang hose ng tubig. Basa rin. Pansin ko nga rin yung short trunks niya ay basa. Siguro dahil sa paglilinis ng sasakyan. Ewan ko ba sa kanya, sinabi ko na sa kanya na huwag na siya ang maglinis at may mga car wash station naman sa labas para bayaran para maglinis ng kotse niya. Ayaw niya rin naman ipalinis kay Mang Isko. Ang nakaka-down lang ay ang cold niyang mukha. Parang namatayan palagi.
Malapad ang aking ngiti at parang kabute na hindi mapakali sa kinatatayuan habang hinihintay siyang lumapit. At nananadya talaga siya eh noh?! Ang bagal kung kumilos! Kung kailan ako excited, napaka-KJ niya naman. Hmp!
"Ano ba kase yan? At napakasaya mo?" ito na naman ang pagka moody niya, umaandar na naman. Kadalasan kase, itong ekspresyon niyang ito ang kinaiinisan ko talaga. Bakit? Malamang! Parang namatayan palagi eh! Malay ko ba kung papaano ko 'yan natatagalan at napagtitiisan.
"Look, nakapasa ako sa E.H.U! Anggaling ko hindi ba?!" sa E.H.U kase siya nagaaral, nag take ako ng exams last month at ngayon lang lumabas ang resulta. Kaya tuwang-tuwa talaga ako dahil tanggap na ako! Bueno, siya rin naman ang dahilan kung bakit ko gusto lumipat ng school eh, napaka boring ng college life ko sa Luna University without him. May friends naman ako, kaso siya talaga ang hanap ko. Dapat pala ay sumabay nalang ako sa kanya at hindi na nagpaiba-iba ng school. Yun tuloy, malungkot ang first to third years ko sa kolehiyo. Second sem ko pala napagdesisyonan na lumipat. Marami nga ang nalungkot sa biglaan kong paglipat, at kinumbinse akong mag-stay, mostly mga plastic friends ko sa University, tiyaka mga manliligaw ko. But in the end, Wala rin naman silang nagawa. I took the exam, and was able to pass it.
Pero hindi bale na, ngayon na nakapasa na ako, makakasama ko na ang mokong, at palagi ko siyang pagti-tripan. Magiging masaya na ang mga araw ko. Hindi na ako mabuburo. At hindi ko siya lulubayan talaga, I don't care if he doesn't want me around. Basta susulitin ko ang pagkakataong ito, para naman maka meet ako ng iba't-ibang students here in E.H.U. I heard kase na, may maraming pogi dito. Maka-hunting na rin hehe! Pwera nalang kung hindi siya mangengealam, eh pakealamero yan eh!
"Aysus! Para yan lang naman, akala ko kung ano na para magmukha kang bulate na hiniwaan ng katawan. Bakit ka pa kase lumipat, okay ka na naman dun sa school na pinasukan mo." Seryoso niyang sabi, at binalikan na ang hose na iniwanan niya sa gilid ng kulay asul niyang lamborghini auto car. Hindi man lang pinagtuonan ng pansin ang naging achievement ko. Ganito talaga siya ka-heartless.
Napasimangot ako, mali talaga na sinabi ko eh! Ang tukmol napaka chossyy! Ayaw lang naman niya talaga na maging school mate ako. Saklap para sakin na ako lang ang may gusto na maging school mate siya. Haist, nagsisisi tuloy ako. Pero kung ayaw niya sakin, "Edi huwag!" hindi ko namalayan na ang sinisigaw ng utak ko ay naibulalas ko na pala. Patay!
Ramdam kong napalingon siya sa gawi ko, ang mga mata at nanliit. Well, singkit naman siya talaga. "May sinabi ka?" tanong niya. Tila namimilosopo, eh narinig niya naman. Agad akong nagiwas ng tingin at tumingin-tingin sa paligid. Also pouting my lips. Pretending na walang alam.
Tinuro ko ang self ko. "Ako? May sinabi ba ako?" sa naging sagot ko ay siyang, pag-iling niya. Hindi na naman siguro gusto yung sagot ko. Phew! Siya lang talaga ang lalake na nakilala ko na may mataas na dugo palagi. Dinaig pa ang nag mens na babae!
Bumalik siya sa paglilinis at ako naman... wala lang, nakatunganga! Inoobserbahan ang bawat galaw at ginagawa niya. Bakit ba? Makauwi na nga lang!
"Oh? Saan ka naman pupunta?" tanong niya nang mapansin akong nagdadabog paalis sa garahe nila.
"Pake mo?!" sigaw ko sa kanya, nakakairita ang lalaking 'yun, sobra! Kita na nga na masaya ako, hindi man lang marunong maging suportive! Manigas na sana siya sa pagiging cold-hearted niya! Matapos ko sabihin yun ay, lumabas na ako sa gate at padabog rin na sinarado iyon. Kakaiinis siya! Sinisira niya ang mood ko today!
"Eh, bakit galit ka?" biglang tanong niya sabay hawak sa siko ko. Hindi ko man lang napansin na nakasunod na pala siya sakin. Hindi pa naman ako nag assume na susundan niya ako. Sa taong kagaya niya? Tsk, malabo na gawin niya. Pero heto siya, unexpected lang. Hinarap ko siya at pinagtaasan ng kilay.
"Galit ba ako?" pamimilosopo ko pa, kung kanina ay pinilosopo niya rin ako gamit ang pag-uugali niya, pwes! Parang utang-bayad lang 'to! Bakit siya lang marunong? No way! I am a woman with dignity and pride. Hindi ako magpapakababa ano! Kung may maiganti ako, gaganti ako.
Nakita ko kung paano siya napakagat-labi at gamit ang free hand niya ay sinuklay nito ang may pagkagulong buhok, umiwas ng tingin para tumingin muna sa paligid, bago ako tiningnang muli. Sa galawan niyang yun, mas lalong tumingkad ang kagwapohan niyang taglay. Hep-hep! Hindi na pala siya guwapo, galit nga pala ako sa kanya! I just realized.
"Come on, Elaine. What's wrong?" bigla ay naging mahinahon ang boses niya. May tonong pag-aalala. Tila ba ang ginawa niya kanina ay paghugot pa ng mahabaging pasensya para sakin? Sa aming dalawa kase, ako yung may pagka-spoil. Pero hindi ako spoil. Madali din akong magalit, samantalang siya ay may mahabang pasensya. Totoo nga ang sabi nila na, imperfect couple. Hindi kayo tugma sa gawa at ugali, pero may tugma apa rin kahit papaano sa ibang bagay. Tama ba ang pagkakasabi ko? Hindi bale na nga lang! Tiyaka, hindi kami couple! Gomenasaaaiiii, nagkamali lang ako!
I rolled my eyes at him, tiyaka binawi ang siko ko mula sa pagkakahawak niya. Pinaningkitan ko pa rin siya ng mata, bago sinabing... "Ikaw!"
"Me? May nagawa na naman ba ako na ikinagagalit mo?" aniya sa concern na tono. Nagpapa-amo ang loko. Alam ko na 'yan ang galawan at rason niyang 'yan, nagpapa-as if na walang alam. Well, palagi naman siyang walang alam, kuno! Kahit na obvious naman na ang rason kung bakit ako galit sa kanya. Or sadyang slow lang talaga siya?
"Kay ganda ng mood ko, hindi mo man lang ako kino-congratulate sa na-achieve ko!" bulyaw ko sa kanya. At dahil nasa labas kami ng bahay nila, may iilang villagers na nakakita sa amin na nagtatalo. Ang tanong nga lang ay, nagtatalo ba kami? Tiyaka, bakit ko ba sinabi ang hinaing ko? I should've keep it!
"Eh? Do I have to? Pero sabi ko sayo hindi ba, okay ang school na pinapasokan mo ngayon, tinanong ko lang kung bakit ka pa lumipat." Ika niya na nagpapa-init at nagpapakulo pa ng dugo ko lalo. Ramdam ko pa kung paano tumaas ang pressure ng blood ko papunta sa ulo. Parang iniwanan ang katawan at nagpunpon sa ulo ko lahat.
"I was doing this because of you! Isn't it obvious?! I was doing this because I wanna spend my college days with you! Ano? Ayaw mo?" Naisigaw ko, walang pakealam sa mga nakikita. Hindi ko kase feel na maitago ang nararamdaman ko. I'm suck at keeping secrets tho.
"It's not that--"
"Edi, hindi nalang ako tutuloy! If yun ang gusto mo, madali naman akong kausap eh!" pabalikwas ko siyang tinalikuran, dala pa rin ang papel na may resulta ng entrance examinations ko last month. Haist! Sayang lang ang efforts ko, hindi naman pala ma-appreciate. Matapon na nga lang!
"Sandali!" hindi ko siya nilingon at nagtuloy-tuloy lang sa paglakad papunta sa bahay namin. Siya naman itong humarang sa daraanan ko ngayon, nakabuka pa ang dalawang braso, para harangan talaga ako ng mabuti.
"Elaine, sorry na. Hindi ko naman kase alam eh!" lantaran pa kamo ang nakahubad niyang pang itaas sa mismong harapan ko pa. Ang mala model niyang katawan ay kitang-kita ko. Yung abs, pak-na-pak sardines! Este, Mr. Muscles pala. I swallowed hard. Kahit naman na ilang beses ko na itong nakikita sa kanya ay nasisilaw pa rin talaga ako ng mala chiseled chest at broad shoulders niya. Sa mura niyang edad, napaka-macho na niya. OMG! Mura? Bata pa ba itong damuho na 'to? Jusme, wala man lang delikadesa.
Nag-iwas ako ng tingin, hindi dahil sa ayaw ko siyang tingnan, nasisilaw lang talaga ako at baka makurot ko pa ang maliit niyang s**o. "Palusot"
"Hindi ako nagpapalusot, if sinabi mo lang talaga sana na uhm... yun ang dahilan... I should've acted the other way around" rason na naman niya, sa kay tagal naming magkakaibigan, imposible na hindi niya alam.
"Huwag na! Magmukha ka pang scripted, late ka na masyado! Osya, hindi lang naman ikaw ang dahilan talaga! I heard na maraming handsome boys sa school niyo kaya, I want to transfer. Rest assured boss! Chill, okay?!" Sabi ko with matching arch brows and sarcasms. Tiyaka tinabig na siya pagilid para makadaan na ako, nakaharang siya sa daan eh at mabilis din na pumasok sa gate namin.
"Elaine, sorry na nga eh!" at talagang nagtatampo pa talaga ang boses niya. Manigas siya, hindi ko siya papaniwalaan. Hmp!
I fake a smile, "Bye!" sabay kaway ko sa kamay ko at pag supil ng pekeng ngiti. Bhala siya!