"Hanz! Ano na ang gagawin natin? Alam na nila daddy ang tungkol satin! Malamang pauwi na 'yun ngayon!" hindi mapakali sa kanyang kinatatayoan si Elaine habang nasa sala sila ng condo ni Hanz. Ang kanyang kasintahan. Panay lakad roon at dito ang ginagawa niya.
"Nagiisip ako, Elaine! Will you please calm down?!" bulyaw pabalik ni Hanz kay Elaine, habang kagaya niya itong hindi mapakali sa kinauupoan na couch habang ang mga kamay ay nakatiklop sa ibaba ng chin nito. Nagiisip.
"How will I calm down?! Mapapatay tayo panigurado!" bulalas ni Elaine, halos maiyak na at panay padyak sa kinatatayoan.
Napapikit sa kanyang mata si Hanz, "Elaine, magtanan tayo..." biglang sabi nito sa kasintahan na ikinagulat ni Elaine ng husto. Laglag ang panga at namimilog ang kanyang mga mata.
"Magtanan?! Mare-resolba ba ang problema natin kung mag tanan Tayo?! It's not, Hanz!" halos napuno na ng sigawan nila ang buong condo, dahil lang sa nasabing problema. Alam nila pareho na hindi sila pwede. Pero masisisi niyo ba sila kung dahil lang sa ipinagbabawal na pagibig ay nalaglag sila sa situwasyon nila ngayon? Pagibig na nakakabaliw, na magawa kang maipagmaneho sa maling tao. Na kahit mismo ang isipan ay hindi makakapigil.
Marahas na napatayo si Hanz, nauubosan na rin ng pasensya at ideya kung ano ang dapat. Ano nga ba ang dapat? Kung sa umpisa pa lang ay hindi na dapat? "Then, ano ang gusto mong mangyari?! Maghiwalay tayo? Ganun ba Elaine?!" Isang butil ng luha ang kumawala sa kanan niyang mata, habang ang t***k ng kanyang puso ay parang nakiki-karera.
Doon napipilan si Elaine, dahilan para mag iwas siya ng tingin. "Wala akong sinasabing ganyan Hanz! Mahal kita--"
"Oo nga sinasabi mong mahal mo ako! Pero kung makapag-react ka riyan sa suhestiyon ko ay parang isa akong kadiri na dumi para pandirian mo! You know what, kung ayaw mong sumama sakin, sige! Hintayin natin sila dito at hayaan natin silang paglayuin tayong dalawa!" sa sobrang galit ay hindi na alam ni Hanz ang kanyang sinasabi, ngunit lingid sa kaalaman nilang dalawa na may punto si Hanz, dahilan para bigla nalang naglabasan ang mala-agos ng tubig sa poso na pinipigilan niyang luha kanina. Nanginginig pati ang kanyang mga labi. Naninikio ang kanyang dibdib, dahilan kung bakit nahihirapan din siyang huminga.
Ang marinig si Hanz na magsabi ng ganoon salita ay parang kinarayom ang kanyang puso. Masakit, sobra. Pero masisisi niya ba ito? Gusto lang din naman nito na magkasama sila, pero siya itong nagharumintado.
Napa-alerto si Hanz nang makita ang kasintahan na umiyak. Parang natanggalan ng turnilyo sa ulo at na-realize ang naidulot sa taong mahal. Dahil sa situwasyon nila ay hindi niya sinasadyang masigawan ito. Nanlumo siya, at natunaw kaagad ang galit na namuo sa puso niya, "I did not mean it, I'm sorry, mahal..." dinaluhan niya kaagad ito ng yakap at hinalik-halikan ang noo. Wiping her tears.
"M-Mahal din n-naman kita H-Hanz, at natatakot din akong m-malayo sayo..." wika ni Elaine sa kasinatahan. Patuloy pa rin na naglaglagan ang mga luha, at nahihirapan na bigkasin ang mga salita. Kasalukoyan silang nagyayakapan at dinadaluhan ang isa't-isa para pahupain ang mga hinaing.
"Kahit sino man ang humadlang sa pagmamahalan nating dalawa ay handa kong harapin at kalabanin. Para lang sayo, mahal... Kahit na pati ang mundo ay maging kalaban ko sa hinaharap, ay susuongin ko, manatili ka lang sa tabi ko, Elaine. Dahil sa oras na iwanan mo ko ay siyang ikakamatay ko rin. Kaya Elaine, sumama ka na sakin at magpakalayo-layo na tayo!" Makahulogan at buong puso na sambit ni Hanz kay Elaine at puno ng pagmamahal na hinagkan sa noo ang kasintahan. Pinakatitigan pagkatapos.
"Sasama ako sayo, Hanz. Mahal din kita at gayon din ako sayo." She said, meaningfully.
Humiwalay sa yakap si Hanz at hinawakan sa kamay si Elaine at patakbo na tinahak ang daanan papunta sa pintuan. Nakapag desisyon na silang dalawa. Magpakalayo-layo na sila at manatiling magkakasama. Kahit mali man o tama. Hindi nila makayanan na malayo pang muli. Minsanan na silang nagkalayo at maaring ikadurog iyon ng kani-kanilang mga puso. Na siyang kanila na iniiwasan ngayon.
"Where are you two going?" sa pagbukas mismo ng pintuan ay siyang paglitaw ng kanilang mga magulang. Parang pinako si Elaine sa mismong kinatatayoan niya. Nahahabag sa biglaang pagdating ng kanilang mga magulang. Napapalunok sa hindi inaasahan na pagtatagpo.
"Anong ibig sabihin nito Elaine? Totoo ba ang sinabi ng Tito Alfredo mo?" Gagad sa kanya ng ina nang makita siya. At sa unang tanong na iyon siya nalugmok. Ang kaninang lakas ng loob na meron siya upang sumama kay Hanz na magtanan, ay nabaliwala at napalitan ng abo't milyong bultahe na kaba na namutawi sa kanyang dibdib. She saw pain and confuse from her mother's eyes. Para nitong pasabogin ang ribcage niya. Mula bata pa lang ay, takot na siyang magkamali. Takot siyang kamuhian siya ng kanyang mga magulang dahil lang sa kakaunting mali. Hindi niya kaya kapag nangyari iyon. Mahal niya ang pamilya niya, at hindi niya kayang malayo rito. Gusto niya, perpekto siya sa paningin ng mga ito. Pero papaano kung nagkamali siya ngayon? May magagawa pa ba siya? Panigurado, kakamuhian na siya dahil lang sa nagkamali siya ng taong inibig. Siguro nga baliw na siya, at nawawala na sa tamang pag-iisip. Ano nga ba ang pumasok sa kukuti niya?
Oo nga at nagmahal siya, pero napapaisip siya... tama pa ba itong ginagawa niya? Bakit pa ba niya tinanong? Malamang ay hindi. Mali ang pagmamahal na meron siya para kay Hanz.
"Elaine anak, alam ni dad na hindi mo magagawa iyon, hindi ba?" kahit ang ama niya na nalilito at may bahid ng galit ay puno pa rin ng pagmamahal at pagiingat ang pag approach nito sa kanya. Hindi siya binulyawan, hindi kagaya ng tiyohin na ama ni Hanz... Imbes na husgahan siya, bagkus ay iniisip nito na hindi niya magagawa ang nagawa niyang mali. Pinapanigan ang positivity kaysa magpadala sa mali. Sa nakita at narinig ay...
Namalisbis ang kanina pang gusto na dumaloy na luha mula sa kanyang pisngi pababa sa kanyang bibig at leeg. "D-Dad, Mom, let me explain..." kahit sa pagbigkas ng salita niya ay hindi maayos. Hinihigop ng kaba at takot pati ang kakayahan niyang magsalita ng matuwid.
"Hanz! Ano na namang kalokohan ito?!" mala kulog ang boses ng ama ni Hanz, dahilan para siya'y magulat. Kasabay nun ay ang pagtambol ng puso niya. Halos mapatalon siya sa sobrang pagkagulat. Sa pagkakakilala niya sa ama nito ay, napaka estrikto at desiplinadong tao. Malupit at mahigpit sa pamilya nito. Ma-pride. Ngayon ay, nakikitaan na ng disappointment galing sa mukha nito.
"Anak? You didn't done it with him right?" her mom is one among the amazing mothers in the world. Napakabait nito, halos lahat ng gusto niya ay binibigay nito sa kanya, at ni kailanman ay hindi siya nito pinagtaasan ng boses. Malumanay ang boses nito, mahahalintulad sa isang anghel.
Ang iyak niya ay nauwi sa hagulhol. Hindi niya alam ang sasabihin. Bubuka ang bibig niya para sana magpaliwanag pero ni kahit isang salita ay walang lumalabas.
"Stop controlling me dad! I know what's right and wrong!" Marion na napapapikit siya sa biglaang pagsalita pabalik sa ama nito.
"Really, Hanz? Tama para sayo ang ibigin ang sarili mong kadugo?! Pinsan mo si Elaine!"
Ang mga magulang ni Elaine pati na rin ang ina ni Hanz ay napasinghap sa sinabi ng ama nito. Kahit siya ay hindi magawang buksan ang nakapikit niyang mata. Ano ba itong nagawa niya, bakit hinayaan niya na mauwi sila sa ganitong situwasyon... Bakit?! Ngunit, ito pa ba kaya ang tamang oras na magsisi at sisihin ang sarili niya? Kung magsisi siya, may magagawa ba ang pagsisisi niya? Wala!
Kailangan may sabihin siya. Kailangan may gawin siya. Hindi maaari na manahimik nalang siya habang ang mga tao sa paligid nila ay nagtatalo na.
"Mahal ko si Elaine dad! And she's the right thing that ever happened into my life!" sigaw ni Hanz pabalik sa ama. Galit na rin ito sa mismong ama. Kailanman ay, namuhay si Hanz na kontrolado ng mismong pamilya. Lalo na sa ama. He never resist to his father's wishes. Ngayon lang niya ito nakita na nagsalita pabalik sa mga magulang. Kasalanan niya ito, kung sana ay hindi na siya naging selfish... Sana ay hinayaan nalang niya ito sa piling ng ibang babae at nilunok nalang niya ang selos. Sana ay ayos pa ang lahat sa kanila ngayon. Sana nalang talaga ay hinayaan niya nalang na umibig ng iba si Hanz. Para wala sila sa ganitong situwasyon.
"Pero pinsan mo si Elaine, Hanz! Hindi ka ba nandidiri?" sabi iyon ng mismong ina ni Hanz. Sa sinabi nito ay hindi niya naiwasang hindi maapektuhan. Kinurot ang puso niya sa narinig, tila ba isang sampal sa pagkakamali nila. May punto naman talaga ito. Sadyang nabulag lang siyang masyado para sa pagmamahal niya kay Hanz.
"I'm very disappointed in you!" sigaw ng ama at binigyan ito ng napakalakas na suntok. Bumagsag si Hanz sa sahig, sapo ang dumugong labi. Napasinghap siya at bago pa man madagdagan ang pananakit nito sa anak ay agad siyang kumilos, hinarangan ang tiyohin at dinaluhan ang kasintahan na nakasalampak sa sahig.
"Tama na po, Tito! It was my fault... Kung sana lang ay hindi nalang ako naging selfish... hindi pa sana nauwi ang lahat sa ganito--"
Napamaang si Hanz sa narinig. "Ano ba 'yang sinasabi mo Elaine? Wala kang kasalanan! Mahal natin ang isa't-isa!" mabilis na umiling si Elaine sa sinabi ni Hanz habang ang mga kamay nito ay nakahawak sa magkabila niyang pisngi. Nakasampa silang dalawa ngayon sa sahig, habang tinitingnan sila ng mga magulang.
"Nahihibang ka na!"
"Tama na Alfredo! Hindi nasusulusyonan ang problema kung idinadaan natin ito sa pisikalan!" Ang ina iyon ni Elaine. Pinigilan ang mismong in-law sa susunod nitong atake. "Mga bata lang sila... Please,"
"I agree with my wife, Alfredo. Huminahon ka muna" pag sang-ayon ni Anthon sa asawa.
"How could you say that, Anthon?! Your daughter is involved with my son! Your niece!" ngayon ay ang kanilang mga ama naman ang nagtatalo. Kumpara sa magkakapatid na Hernandez ay mahinahon ang ama ni Elaine na si Anthon habang ang kapatid nitong si Alfredo ay napakainitin ng ulo. Mabilis kung magalit.
"Alam ko Alfred! Kaya nga ako nagpipigil eh! Dahil gusto ko magawan natin ito ng paraan na may maayos na usapan! Hindi ang ganito!"
"So, ako ngayon ang sinisisi mo ganoon?!"
"Hindi ganun yun, Alfred!"
"Oh, shut the damn mouth, Anthon!"
Dahil sa ingay at dahil na rin sa gulo ng isipan ni Elaine ay, "Tita, Tito... Mom, Dad... mahal ko po si Hanz..."
Namutawi ang matinding pagsinghap at mga mura sa kanilang mga magulang. Napalitan ang kaninang ingay.
"Oh my goodness! Elaine, hindi mo alam ang sinasabi mo!" wika ng kanyang tita. Na-stress sa narinig mula sa anak ng asawa.
"Anak! How could you... Anthony, do something! Our daughter's gone insane!" galing mismo sa kanyang Ina 'yun. Hindi niya maipagkakaila na yun ang unang beses na nagtaas ito ng boses, nakita niya kung gaano ito naaapektuhan sa nalaman, pero isa rin sa mga masakit na salita na natanggap niya. Ngunit alam niya na nasasaktan rin ang ina at nagulat sa matinding rebelasyon na meron siya para sa pinsan niya.
Kumilos ang ama niya at hinawakan siya, hinila papalayo. Ngunit nagmatigas siya. Niyakap niyang lalo si Hanz dahil sa ngayon ang binata nalang ang meron siya. "Huwag ka bumitaw sakin Elaine. Huwag kang pumayag na malayo tayo sa isa't-isa. Mahal kita!" tumango-tango naman siya pero ang lakas niya ay unti-unting nauupos. Pumapalahaw na siya sa pag iyak lalo na nung nailayo na siyang tuloyan Kay Hanz.
Si Hanz naman ay binugbog ng ama nito. Sa natuklasan niya ay parang may pumiga sa puso niya ng napakasakit na. Nasasaktan si Hanz dahil sa kanya. Dahil sa kanya ay nagdurusa ito na sana ay hindi dapat. Kung hindi niya nalang sana pinairal ang sariling nararamdaman. Pilit siyang kumalas sa pagkakahawak ng ama. Umiiyak at nagsisisigaw, para lang malapitan si Hanz. Ngunit hindi niya nagawa. Masyadong malakas ang ama niya para sa isang maliit na babae na kagaya niya.
Wala siyang nagawa.
"Hindi pagmamahal ang nararamdaman niyo sa isa't-isa, kundi incist! Kaya hindi kayo dapat magsama dahil magkadugo kayo! Magpinsan kayo! Kaya sa ayaw at sa gusto niyo, ilalayo ko si Elaine sayo Hanz. Delikado kung paglalapitin pa kayong muli." at tuloyan na nga siyang inilayo sa minamahal niya.
"Hanz! Mahal ko! Dad, put me down! kailangan ako ni Hanz, mahal ko siya dad! Dad please!" paulit-ulit na pagmamakaawa niya, ngunit hindi siya dininig ng mga ito.
"Shut up, Elaine! I'm very disappointed in you!"
Yun ang huling araw na nakita niya si Hanz. Ang pangarap na magsama ay nauwi sa masakit na hiwalayan. Kahit na hindi nila ginusto ay napaglayo pa rin silang dalawa.
Mahal mo ngunit hindi pwede.
Nagmahal ka pero sa maling tao naman.
Kaibigan o lover?
Tara na't tunghayan natin ang kuwento ng dalawang tao na nagmahal ngunit hindi pwede. Magkakaibigan subalit nauwi sa matinding pagmamahalan. Pinaghiwalay pero, mapagtatagpo pa kaya silang muli?