PT. 1

1565 Words
Elaine's POV Today is the start-up of the new semester. Actually, second semester. Isang linggo na din ang nagdaan simula nung na-insulto ako ni Hanz. Ang guwapong hybrid na 'yun talaga, kung hindi lang siya guwapo baka na tsugi ko na ang bunganga niya. Pasalamat siya at may pagka-marupok ako sa mga guwapo. Hep-hep! Crash out natin siya, kase kaibigan ko lang siya. Okay? No malice tayo dito. Kasalukoyan kong sinusuklayan ang maiksi kong buhok. Ang kahabaan nito noon ay nauwi hanggang sa balikat. Pinaputolan ko kahapon bago ako umuwi, kase nga... I want to try a new trend! May nakita kase akong K-Drama MC na natipuan ko ang buhok. Kahit curly ang buhok ko at straight yung sa nakita ko ay pinaputolan ko pa rin. Abnormal talaga ang tao pag may gusto kaya nauwi ang hairstyle ko sa ganito. Imagine yung hanggang bewang ko na buhok at naging hanggang balikat nalang. Pag uwi ko nga kagabi ay napagalitan ako ni daddy. Bakit ko raw pinaputolan yung buhok ko na ganito ka eksi. Shempre, asong ngiti lang ang isinagot ko. Wala na din naman silang magagawa eh! Naputol na. Sa haba ba naman ng buhok ko, tapos binigla na putolin hanggang shoulders. Malamang nagulat sila ni mommy. Nagulat nga ako na nakita sila sa bahay, akala ko kase next week pa ang uwi nila galing China. When things are done, I stared at my myself through the reflection of the mirror. Napangiti ako nang makita ko ang sarili ko na, napakaganda at bagay na bagay ang suot kong uniporme sakin. Ang palda na kulay blue na may mix na black, brown at died yellow ay naka stripped ang disenyo. Habang sa pang itaas naman ay puting long sleeve polo na may pair stripped ribbon sa may gitna ng kuwelyo. Saka pinatungan ng light blue long sleeve blazer na may tig-iisang gold designed bottons sa magkabilang sides. Kahit small hair ako ay, nagawa pa ring bumagay sakin ang porma ng uniporme. Natural! Sa alindog ko ba naman, isa kaya akong Hernandez at ang mga Hernandez ay may mga taglay na kakaibang ganda na kinahuhumalingan ng lahat. Kung hindi ba naman ako maganda, may manliligaw pa kaya sakin? "Good morning po, Miss Elaine. Hinihintay ka na po ni Sir Hanz sa baba po." sabi ng katulong namin na nakasilip lang sa kunting siwang ng pintuan. Ngumiti muna ako sa salamin bago sumagot. "Pakisabi sa kanya Manang, he can go without me!" "Okay po, Miss." kinuha ko yung bago kong bili na liptint at ini-apply iyon sa sa aking bibig. Kaya nga lang, hindi pa nga ako tapos mag scattered nung tinta ay bumalik na naman si Manang. "Kung ayaw mo raw po ba-baba at patuloy na magmamatigas ay aakyatin ka niya rito sa kuwarto mo po at isako pababa, hanggang sa eskwela. Kaya kung ayaw mo masako, ay bumaba ka na at sumabay ka na raw sa kanya. Yun ang sabi niya Miss." medyo hinihingal pa nga si Manang nang sambitin niya ang mensahe na mula pa kay Hanz. Nag rolled-eyes lamang ako at tinapos ang gawain na hindi ko pa tapos. Kay umagang kay ganda, sinisira niya ang mood ko. When everything's finally settled with me, kinuha ko ang bag ko at isinukbit sa aking balikat, tiyaka lumabas at bumaba na. "What took you so long, Elaine? Malalate na tayo oh!" ika niya nang makita ako sa hagdanan. Pababa pa lang ako. Lumapit pa siya sa may dulo para salubongin ako. He's always like this, dati-rati pa man ay napaka-strikto niya sa oras. Back when I was in highschool, siya lage ang sumusundo sakin. Nagagalit nga sa kabagalan ko. Pinapauna ko naman, pero ayaw din umalis at hinintay pa din ako. Ang gulo niya rin eh no? Hindi ko nga siya gets minsan. "Tsk, hindi ka naman siguro bobo para maintindihan ang pinapasabi ko kay manang sayo diba?" sarkastiko kong sabi at hinayaan siyang kuhanin ang bag ko mula sakin. Ako naman imbes na dumiretso sa pintuan palabas ay nagtungo ako sa dining. Hindi pa ako nag-aagahan eh. "Saan ka ba pupunta? Huwag mong sabihin na hindi ka pa kumain ng almusal?" kahit nakatalikod ako sa kanya at siya naman ay nakabuntot sakin, ay nagtaas ako ng kilay at hindi siya pinansin. Pero bago pa man ako makaupo sa upoan sa dining ay, hinaklit niya yung elbow ko para mapatayo at mabilis na inabot ang nakahandang baon sa lamesa. "Let's go! Sa sasakyan ka nalang kumain!" aniya at dinarag ako papalabas ng dining. Habang ako naman ay parang napipi, nakaawang ang bibig sa biglaan niyang naging aksyon. So 'yun nga, akay niya ako habang ang bag ko ay nakasukbit sa free shoulder niya at nakalagay ang bag sa harap, while hawak niya rin yung mga baonan. Nagmumukha siyang hot dad. Paglabas namin ay nakahanda na pala yung sasakyan niya sa labas ng bahay namin, napapailing nalang ako at pumasok sa nakabukas na pinto ng sasakyan. Shempre, siya ang nagbukas. Mabilis siyang umikot at pinasibad ang kotse paalis. Boy scout lang ang peg. Sa bagay, ganyan naman siya parati. Laging handa. "Kumain ka na" aniya, wow lang ha! Parang nakautos ng kambing ang tukmol! "Ayoko, wala na akong gana." sabay cross ng mga braso ko sa harapan. "If you don't want to eat, sige ka pag sasakit 'yang tiyan mo, huwag mo ako sisihin. Sisishin mo ang pagka-mahinhin mo!" Nagiwas ako ng tingin at ibinaling ang atensyon ko sa tanawin na nadadaanan namin sa labas, "Kung sasakit man, ikaw ang sisisihin ko talaga," kasunod nun ay ang marahas niyang paglabas ng hininga. Tila malapit ng mapugto ang kinikimkim niyang pasensya. "Wow lang! Just wow, Elaine!" Nang makarating sa school ay, hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto. Kinuha ko ang bag ko at mabilis na lumabas ng kotse. Lalo na't nakita ko si Honey na kakadating lang din. "Elaine!" rinig kong tawag ni Hanz sakin, which was hindi ko pinansin. "Honey!!" napatigil naman si Honey sa paglalakad at nilingon ako. Sabay ngiti nang mapagsino ako. "Oh my gosh! Elaine, it's you!" mabilis niya akong nilapitan at niyakap na nagtatalon-talon pa. Same naman ako sa kanya. "When ka pa lumipat?" tanong niya sakin nang makaraos sa excitement. Honey was one of my closest friends back when I was in Junior High School. She was a nerd and now look at her! Ang laki ng pinagbago niya, and oh... anyways, kaya nakilala ko siya because she once posted a photo of her glow up features at social media. Gone with the huge and thick glasses anymore. Her hair is long and rebonded! "Actually, today's my first day." sagot ko sa kanya habang hindi pa rin mapugto ang ngiti sa mga labi ko. "Wow! Anong section ka ba? Baka classmates tayo, " Nanunukso ko siyang tiningnan, habang siya ay mukhang naiilang. Well, the goods in her was her attitude, still the same as before. Kind! "Section A-smart," sagot ko sa tanong niya na ikinaliwanag din ng mga mata niya. "Classmates nga tayo! Anggaling! Oh, bakit?" Pilya akong ngumiti sa kanya, "Infairness, ang laki ng pinagbago mo ah!" komplemento ko sa kanya. Dati rati ay, nerd siya. "Naku, hinubad ko lang ang glasses ko at pinalitan ng lenses. Well, my mom was kind of persistent. Especially nung pinakilala niya yung future husband ko raw, haist!" mata ko naman ang namilog ngayon. "Future husband? You're mom was into arrange marriage?" nakakagulat lang. Sana huwag mangyariw sakin yun. She sigh, "So sad, but yeah! Mom's into it." Nakakagulat lang kase dahil malayo sa akala ko ang mapasok siya sa ganoong situwasyon, her mom was kind like her too, I once met her kaya nasabi ko. Pero totoo nga ang sabi nila, a person can be a thick faced specie just to cover their true identity. Maaaring plastic sa panlabas na anyo o baka plastic kung makikitungo sayo. "Pero papaano si Zen? Alam na ba niya?" It was about her boyfriend, well she once told me about that thing too. Noong nagkita kami sa mall with her boyfriend. "Hindi niya alam... I don't even know how to tell him about it, baka mauwi pa kami sa hiwalayan na ikinatakot ko din. I love him so much!" ramdam ko yung pangamba at takot sa kanya. Mukha na nga siyang problemado. Sana nalang pala ay hindi ko na binuksan ang tungkol doon. Well, siya naman ang nag share. I was just asking. "Elaine!" heto na naman ang boses ni Hanz. Sa totoo lang ay naiinis pa din ako sa kanya. Panira siya ng mood ko noon. "Someone's calling you, sino siya?" tanong ni Honey at tinanaw ang kinaroroonan ni Hanz. "You left your lunch boxes at the car, you should've check." at dahil nakasukbit ang bag ko sa likod, siya na rin ang naglagay ng baon na naiwan ko kanina. "He's just my friend, naiinis ako sa kanya kaya hindi ko siya kabati ngayon." sinadya ko talaga na marinig niya ang sinabi ko. Narinig ko pa yung pag heave niya ng malalim na hininga. "Mainis ka lang, I don't mind that though! Anyways, see you later! I'm gonna fetch you up!" yun ang sabi niya at umalis na. "Ang guwapo naman nun, anong pangalan niya?" "Hanz pork and beans, yun ang pangalan niya." sarcasms and bitterness is in me, na siyang ikinatawa ni Honey. "Hahaha! Baliw ka na Elaine, tara na nga lang!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD