Chapter 8

2316 Words
SOFIA: NAPAPIKIT ako na kusang napayapos ang mga braso ko sa batok nito. Napangiti na unti-unting tinugon ang malalim nitong halik. "Uhmm. . . H-Haden," ungol ko na inihiga ako nito sa carpet dito sa sala. Naghahabol hininga kaming bumitaw sa isa't-isa na nagkatitigan. Kita ang kalasingan sa mga mata nito. Namumula at namumugto. Napahaplos ako sa kanyang pisngi na ikinangiti nito ng pilit. Nilalabanan ang pagsara ng mga mata nito. "Sofi, akin ka na lang, huh? Pangako, hindi kita sasaktan, hindi kita gagamitin, hindi kita. . . pababayaan. Mamahalin kita kung sino ka. Tatanggapin kita ng buong-buo kahit mawalan ka ng kasikatan at mana. Dahil ikaw ang mamahalin ko. Hindi sa kung anong meron ka. Kalimutan mo na si Kuya Hades. Hindi siya karapat dapat sa pagmamahal mo," lasing nitong saad na ikinatigil kong napapalunok sa ilalim nito. "H-hudas, lasing ka lang kaya mo nasasabi ang mga 'yan," nauutal kong sagot na ikinailing nito. "Tinatawag-tawag mo akong hudas. Ni hindi mo nga nakikita kung sino ang totoong hudas," nagtatampong saad nito. Pilit itong ngumiti na humiga sa tabi ko. Napadantay ng braso sa noo na mariing pumikit. Napatagilid ako ng higa na tumitig dito. Pulang-pula ang mukha at leeg niya dala ng kalasingan. Natigilan ako na makita ang pagtulo ng butil niyang luha. "H-Haden," sambit ko na halos pabulong. Sunod-sunod namang umagos ang butil-butil niyang luha. Hanggang sa napahikbi ito na ikinatulo na rin ng luha ko. Pumaibabaw ako sa kanya na niyakap siya. "Tahan na, hwag ka namang umiyak," sambit ko na niyakap ito sa ulo habang nakaunan siya sa kamay ko. Nakasubsob siya sa dibdib ko na parang batang napahagulhol. Parang kinukurot naman ang puso ko na umiiyak ito. Hindi ko man alam kung anong dahilan kaya siya umiiyak. Kaya siya nagpakalasing. Pero dama ko ang bigat na dala-dala nito sa bawat paghikbi nito. "Mahirap ba akong mahalin, Sofi?" malat ang boses nitong tanong. Umayos ako sa ibabaw nito at marahang pinahid ang luha nito. Tinitigan siya sa mga mata niyang mugtong-mugto at namumula. "Bakit ka ba nagkakagan'to, hmm? Nagda-drama ka ba para hindi kita pagalitang umuwi kang lasing, huh?" paninita ko dito. Napalabi naman ito na parang batang nagtatampo. "Kahit bungangahan mo ako, bugahan ng apoy at ratratin sa kangangawa mo," anito. "Ano?" taas kilay kong tanong na ikinangiti nito. "Uuwian pa rin kita. Asawa kita eh," nakangising sagot nito. Napalapat ako ng labi na nagpipigil mapangiti. Napatitig naman ito sa akin na nakangiti. Inabot ako sa pisngi na ikinalunok ko. Bumilis ang t***k ng puso ko na magtama ang mga mata namin. Maging ito ay natigilan din na marahang hinahaplos ng hinlalaki nito ang pisngi kong sapo nito. "Kalimutan mo na si Kuya, Sofi. Masasaktan ka lang," anito na halos pabulong. Tipid itong ngumiti na dahan-dahang pumikit at nabitawan na rin ang pisngi ko. Napapalunok ako na paulit-ulit nire-reply sa isipan ang huling katagang sinaad nito. Na tila napakalaman no'n sa pandinig ko. TUMAYO ako na maingat inasikaso ito. Kumuha ako ng basang bimpo at damit nito. Habang pinupunasan ko ang maamo niyang mukha ay hindi ko maiwasang mapa-isip sa mga sinabi nito. Dala lang kaya ng kalasingan niya kaya may mga nasabi siyang malaman? O may ibig siyang ipahiwatig sa akin? Napatitig ako dito. Kahit tulog na siya ay nakalarawan ang kakaibang lungkot sa mukha nito. Bahagya pang salubong ang kilay at mugtong-mugto na ang mga mata. Pigil ang hininga ko na isa-isang kinalas ang butones ng uniform nito. Napapalunok na hindi makatingin sa kanya at mabilis hinubad ang uniform at sando nito na pinalitan ko ng white t-shirts. Napabuga ako ng hangin na bumaba sa paanan nito. Wala namang ibang mang-aasikaso sa kanya kundi ako. Napakawalang puso ko naman masyado na hindi siya asikasuhin gayung lasing na lasing siya. Mariin kong kagat ang ibabang labi habang pikit ang matang dahan-dahang ibinaba ang suot nitong pants. Pakiramdam ko tuloy ay nagkakasala na ang mga mata ko dahil kahit anong iwas ko ng paningin ay kusang bumabalik ang paningin ko sa kanyang umbok na nakabakat sa pagitan ng mga hita nito. Kung bakit naman kasi nakabukol 'yon? Nakakatuyo tuloy ng lalamunan at 'di ko maiwasang mapalunok na mapasadaang may kalakihan ang kargada niya. Tulog pa sila nito pero nakabakat na pipino ang itsura no'n! Kaagad kong hinila ang comforter nito at ibinalot sa kanyang katawan. Nilagyan ko rin siya ng unan sa ulo bago tumayo at dinala sa banyo ang mga ginamit kong panglinis dito. Napahinga ako ng malalim na napahawak sa tapat ng dibdib ko. Damang-dama ko tuloy ang mabilis ang pagkabog ng dibdib ko na hindi maalis-alis sa isipan ko ang umbok nitong nakabakat! "Damn, Sofi! Wake-up," kastigo ko sa sarili. Napatapik-tapik ako ng pisngi na naglakad patungo sa kusina at kumuha ng malamig na tubig sa fridge. Parang natuyuan tuloy ako ng lalamunan na mapatitig sa umbok ni hudas. Ang lalakeng 'yon talaga. Kung bakit naman kasi maglalasing-lasing na hindi naman pala kaya. PALAKAD-LAKAD ako dito sa gawi ng balcony. May dalang wine na direktang tinutungga ito sa bote nito. Napapaisip ako sa mga sinabi ni Haden. Ang sabi kasi nila. Ang mga taong lasing? Nagsasabi ng totoo. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip sa mga sinaad ni hudas. Na siya na lang ang mahalin ko. Na kaya niya akong mahalin at pahalagaan sa kung sino ako at hindi sa kung anong meron ako. At ang sinaad nitong. . . kalimutan ko na si Hades. Nangilid ang luha ko na napatungga sa wine ko. Parang may kumukurot na naman sa puso ko na maisip ang sitwasyon namin ni Hades. Hindi ko naman siya masisisi na nagpakalayo-layo muna siya at hindi kayang makita na ikakasal ako sa kapatid niya. Napatingala ako sa nag-iisang bituin sa kalangitan. Mag-isang kumikinang kahit madilim ang langit ngayon. Mapait akong napangiti na tuluyang tumulo ang luha ko. "Hades, come back to me, love. I'm sorry again for disappointing you. Ang tanga ko. Ang tanga-tanga kong hindi ko nakilala ang lalakeng kasama ko sa silid mo. I'm sorry, love. That I've ruined your trust unintentionally." Napahagulhol akong nanghihinang napalupasay ng sahig. Hindi ko na kayang pigilan ang damdamin ko. Habang palapit nang palapit ang araw ng kasal namin no Haden ay para akong nasasakal. Sa loob ng sampung taon naming magkarelasyon ni Hades ay siya lang ang minahal at hinangaan ko. Oo nga't madalas ldr kami pero lagi naman akong may oras para sa kanya. Nagkakansela nga ako ng schedule ko makasama lang ito eh. Na kahit napakahalagang endorsement ang a-attend-an ko ay uunahin ko pa rin si Hades. Dahil siya ang unang priority ko bago ang career ko. Nakahanda na nga akong umalis ng showbiz para mapagsilbihan ko siya ng buong-buo sa oras na ikasal na kami at maging asawa ko ito. Pero dahil sa isang pagkakamali na hindi naman namin sinadya ni Haden ay heto. . . nagkagulo-gulo na ang lahat. Bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang kulob at kidlat. Pero nanatili lang akong nakasalampak sa sahig. Nakayuko na umiiyak. Ramdam ko ang pagkirot ng palad ko dahil nabasag ang boteng hawak ko pero hindi ko na iyon alintana pa. Mas masakit pa rin ang sakit sa puso ko kaysa sa sugat na nasa palad ko at dama kong umaagos na ang dugo. Napatitig ako sa engagement ring na suot-suot ko pa rin na lalong ikinaragasa ng luha ko. Para akong pinipiga sa puso ko habang hinahaplos ang singsing ko. "Come back to me, love. I can't live my life without you. Mahal na mahal kita. Bumalik ka na sa akin," humihikbing saad ko. Mas lalo naman akong napahagulhol na maramdamang niyakap ako ni Haden mula sa likuran na pilit itinayo. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, Sofi! Tignan mo nga ang sarili mo! Dinaig mo pa ang basang sisiw!" pagalit nito. Basang-basa na kasi ako dahil malakas pa rin ang ulan. Idagdag pang hindi tumitigil sa pagdurugo ang palad kong nasugat mula sa nabasag na bote ng wine. "Get off me! This is all your fault, hudas!" singhal ko na iwinaksi ang braso nito. Nag-igting ang panga nito na kitang bagong gising lang. Napalapat ito ng labi na naikuyom ang kamao. "Kung hindi dahil sa'yo? Masaya sana ako! Masaya sana kami ni Hades! Pero sinira mo lahat! Sinira mo ang lahat! You ruined my life! You ruined everything to me!" sunod-sunod kong bulyaw na pinagsusuntok ito sa dibdib. Napahagulhol ako na patuloy siyang sinusuntok sa dibdib. Hinayaan lang naman ako nitong ilabas ko ang galit ko. Maging ito ay basang-basa na rin sa ulan. Nanghihina akong napasalampak ng sahig. Bagsak ang balikat at talunan ang itsura. "Hindi kita kailangan, hudas. Umalis ka sa buhay ko. Hindi ikaw ang kailangan ko," humihikbing saad ko na nakayuko. ILANG minuto kaming nasa ganoong sitwasyon. Umiiyak ako na nakasalampak sa sahig. Habang ito nama'y nakatayo sa harapan ko na parang sundalo. Nang tumahan na ako ay saka lang ito lumuhod para mapantayan ako. Walang salita na kinarga ako nito ng bridal style at maingat na ipinasok ng silid. Tumuloy ito ng banyo na hindi ako iniimikan. Nanghihina na rin ako at parang wala ng lakas para awayin o pigilan siya. Inilapag niya ako sa countertop nitong lababo ko at saka kumuha ng towel. Hindi ako makakilos. Giniginaw na rin ako at sobrang kirot na ng kamay kong may sugat. Inihanda nito ang roba at isang towel bago ako binalikan na kinarga muli at dinala ng shower room. Pinaliguan niya ako na nakadamit. Hindi ako makatitig sa kanya. Pero hindi rin naman ako pumapalag. Matapos niya akong paliguan ay isinuot sa akin ang roba bago hinubad ang suot ko. Binalot din nito ng towel ang buhok ko bago muling kinarga na dinala ng countertop at pinaupo dito. Mabilis lang din siyang naligo at nagsuot ng roba bago ako binalikan na kinargang muli palabas ng banyo. Dinala niya ako sa kama at kinuha ang first aid kit box ko sa banyo. Maingat nitong ginamot ang palad ko. Hinihipan-hipan pa niya iyon na napapangiwi ako na nasasaktan sa panggagamot niya doon. Matapos niyang malinisan ang sugat ko ay binalot niya iyon ng gasa. Walang imik itong tumayo na ibinalik ang kit sa lalagyan nito. Pagbalik niya ay kinuha niya sa gilid ng mesa ko ang hair blower ko at saka pinatuyuan ang buhok kong basang-basa. Lihim akong napangiti kahit wala kaming imikan nito. Hindi pa kasi nagagawa ito ni Hades sa akin. Ang asikasuhin ako na para niyang prinsesa. Matapos matuyo ang buhok ko ay kumuha ito ng short at sando ko na dinala dito sa kama. "Magbihis ka na. Magluluto lang ako ng soup para maibsan ang panginginig mo," anito na tumayo na. Hindi ako umimik na napasunod ng tingin sa kanyang lumabas ng silid. Napatitig ako sa palad kong may puting gasa. Mapait na napangiti na natakpan no'n ang singsing ko. Napahaplos ako sa gasa sa palad ko na tumulo ang luha. Kung sana gano'n lang kadaling itapon ang mga ala-ala namin ni Hades at magsimulang muli. Na gano'n lang kadaling kalimutan na rin ito at patuluyin si Haden sa buhay ko lalo na't magiging asawa ko na ito. NAPAPIKIT ako na naisandal ang katawan sa headboard ng kama. Medyo kumikirot na rin ang ulo ko at bumibigat ang katawan dala ng pagpapaulan ko. Maging ang lalamunan ko ay tuyong-tuyo na rin. Para akong magkakatrangkaso. Naramdaman ko naman ang pagbukas sara ng pinto at ang mga yabag nitong papalapit. Pero nanatili akong nakapikit at hindi kumikilos. Nasamyo ko pa ang mabangong usok ng soup na ginawa nito at ang paglapag niya no'n sa mesang katabi ko. Naupo ito sa gilid ng kama na malalim na napahinga. "Kumain ka na muna bago uminom ng gamot," anito. Dahan-dahan akong nagdilat ng mapupungay kong mga mata. Napatitig ako dito na gano'n din. Mapupungay ang kanyang mga mata at kita ang kakaibang lungkot sa mga iyon. Dinampot nito ang bowl na hinalo-halo pa iyon at hinihipan. "Ahh," anito na iniumang ang kutsara sa bibig ko. Hindi na lamang ako umimik na masunuring tinatanggap bawat sinusubo nito sa akin. Tahimik lang din naman ito na sinusubuan ako. Lihim akong napapangiti na masarap ang ginawa nitong mushroom with shrimp soup. Naibsan nga no'n ang panginginig ng katawan at panghihina ko. "Inumin mo muna ito," anito na isinubo sa akin ang isang tableta. Matapos kong makainom ng gamot at tubig ay napahinga ito ng malalim na napatitig sa akin. "Magpahinga ka na." Anito. "Why are you doing this to me?" "Ang alin?" "Inaalagaan mo ako," sagot ko. Napahinga ito ng malalim na tumitig ng diretso sa mga mata ko. "Dahil hindi ako masama katulad ng iniisip mo." "You still ruined my life, hudas." Mapait itong napangiti na napatingala sa kisame. Namuo ang kuha sa mga mata nito na gumuhit ang pait at sakit sa mga mata nito. "Alam mo ba 'yong pakiramdam na sana . . . sana hindi ka na lang isinilang sa mundong ito? Na gusto mong magalit pero. . . wala kang karapatan. Gusto mong ipagtanggol ang sarili mo pero walang naniniwala sa'yo. Na hindi mo pa naipapaliwanag ang side mo pero hinusgaan ka na ng mga taong nakapaligid sa'yo." Napipilan ako sa mga sinaad nito na puno ng pait. Napalapat ito ng labi. Nanatiling nakatingala na nagpipigil tumulo ang luha. Tumayo na ito na dinampot ang pinagkainan ko. "Magpahinga ka na, Sofi. At. . . kalimutan mo na si Kuya Hades." Napapalabi akong napayuko. Tumulo ang luha na maalala ko na naman si Hades. Anong gagawin ko? Paano na ako nito? Nasanay akong nand'yan lang si Hades para sa akin. Pero heto at sa isang iglap ay nagkagulo-gulo na ang lahat. "Cheer up, Sofi. You are brave enough to handle and face this situation. You can do it. I know you can," pagpapatatag ko sa sarili. Napatikhim ako na nagpahid ng luha. Ilang beses humingang malalim na kinakalma ang sarili. "Kaya mo 'to, Sofi. Kaya mo 'to."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD