Chapter 7

2501 Words
HADEN: KINABUKASAN ay maaga akong gumising. Kahit naman hindi magkasundo ang buntot namin ni Sofi ay hindi naman kalabisan sa akin na ipaghanda ito ng agahan. Napapasipol ako habang nagluluto ng agahan. Maingat bawat kilos dahil baka magising ko si Sofi. Tatalakan lang naman ako no'n at sisirain ang umaga ko. Ayaw ko naman talagang nag-aaway kami ni Sofi. Kung pwede namang magkasundo na naman kami. Pero kapag magkaharap na kami at nagmamaldita ito sa akin? Ang sarap lang niyang patulan at asarin. Aba, sumusobra na kaya siya sa akin. Matapos kong makapagluto ay naligo na rin ako. Mabuti na lang at malapit lang dito sa condo ni Sofi ang headquarters namin. Bagong lipat pa lang ako sa departamento namin kaya nakikibagay ako sa lahat. Kahit na Inspector nila ako doon na nakakataas ang ranggo ay ayoko namang may maipuna ang mga katrabaho sa akin. Napahinga ako ng malalim na masulyapan ang cellphone ko. Magmula noong nakausap ko si Lalyn na lilipat na ako ng destino dito sa syudad at ikakasal sa iba ay hindi na siya muling nagparamdam pa. Ni hindi ko na siya matawagan. Gusto ko mang ayusin ang lahat sa amin ay wala pa akong sapat na oras para doon. Marami pa akong kailangang unahing ayusin. Ang relasyon namin ni Kuya, ang relasyon namin nila Mama at Papa. At ang relasyon namin ni Sofi. Gusto ko na lamang maging maayos na ang lahat. At bumalik sa dati na tahimik at masaya ang buhay ko. . . kasama ang mahal ko. Pero sa mga nangyayari ngayon? Napaka-imposible ng mga hangarin ko. Ni hindi nga kami magkasundo ni Sofi na kasa-kasama ko. Naiintindihan ko naman na galit din ito sa akin. Dahil katulad ko ay nasira din ang masayang relasyon nito sa kanyang mahal. Kaya nauunawaan ko na sa akin niya naibubunton ang galit sa mga nangyayari lalo na't hindi pa namin alam kung nasaan si Kuya Hades. MATAPOS kong mag-agahan at malinisan ang kusina ay sinilip ko na muna si Sofi ng silid nito. Napabuga ako ng hangin na maingat pinihit ang seradula ng pintuan nito. Napasilip ako ng ulo sa loob at nakitang nahihimbing pa naman ito. Napailing na lamang ako na maingat na pumasok. Napakaburara ng babaeng ito. Nakadapa siya sa malaking kama nito na nakalihis ang kumot. Tanging panty nga lang ang suot kaya nakakatuyo ng lalamunan na masilayan ang ka-sexy-han nito. Mahaba naman ang mga hita niya. Maputi siyang babae na napakakinis ng balat mula ulo hanggang talampakan. Hinila ko ang kumot nito na ibinalot sa kanyang katawan. Napatitig naman ako sa maamong mukha nito. Maingat kong inayos ang ilang hibla ng buhok niyang nakatabing sa kanyang mukha. Unti-unting napangiti na mahina itong humihilik. Bahagya pang nakaawang ang manipis at mapula-pula nitong mga labi. Napalunok ako na makadama ng init at pagkauhaw na mapatitig sa mga labi nito. Tila nagpapaanyaya kasi ang mga iyon ng isang masarap na halik! Pilit akong nagbawi ng tingin na hinaplos ito sa ulo. Napangiti na yumuko at wala sa sariling hinagkan ito sa noo. "Good morning, sleepyhead. Kainin mo 'yong agahan mo, ha? May gayuma 'yon para bumait ka na sa akin," bulong ko na mahinang natawa. Hinaplos ko ito sa ulo bago tuluyang lumabas ng kanyang silid. PAGDATING ko sa opisina ay natigilan akong nandidito ang taong hindi ko inaasahang makita ngayong araw! Parang lulukso ang puso ko na makita itong prenteng nakaupo sa swivel chair ko na matamang hinihintay ako. "Kuya!" Malalaki ang hakbang na nilapitan ko ito. Tumayo naman ito na nagpamulsa ng kamay at lumabas ng mesa ko. Akmang yayakapin ko ito nang iangat niya ang kanang kamay na ikinatigil ko. "Kuya," halos pabulong kong sambit na nangungusap ang tono. "Kuya? Sino, ako ba?" sarkastikong tanong nito. Natigilan ako na nangilid ang luha. Walang emosyon ang mga mata nito na nakatitig sa akin ng diretso. Humakbang ito palapit na ngumisi at hinawakan ako ng mariin sa balikat. Halos pigil ko ang paghinga habang nakikipagtitigan dito na wala akong mabasang emosyon sa kanyang mga mata. "Hindi kita kapatid, Haden. Magpinsan lang tayo. Alam mo 'yan," pang-uuyam nitong ikinalunok ko. "N-naiintindihan ko ang galit mo, Kuya. Handa akong magpakumbaba maayos lang natin ito. Bumalik ka na kay Sofi. Hindi pa huli ang lahat, Kuya. Hindi pa kami kasal ng fiance mo. Kayo ang dapat ikasal ni Sofi. Hindi kami," puno ng pakiusap kong saad ditong napangisi lang at tinapik-tapik ako sa balikat. "Bumalik? Magpakasal?" magkasunod nitong tanong na napakasarkastiko. Nanigas ako sa narinig mula dito. Pagak itong natawa na tinapik-tapik ako sa pisngi. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan na matamang nakatitig dito. Naguguluhan dahil hindi ito ang inaasahan ko sa kanya. Sa pagkakatanda ko ay halos durog na durog siya noong nakaraan na nagdesisyon si Tito Khiranz na ipakasal si Sofi sa akin. Pero ngayon? Tila pabor sa kanya ang nangyaring iyon. "A-anong ibig sabihin nito, Kuya?" Pagak itong natawa na napailing. Nagpamewang sa harapan ko na tumingala sa kisame. Napapalunok akong naikuyom ang kamao habang matiim na nakatitig dito. Hinihintay ang sasabihin nito. "Ingatan mo si Sofi, Haden. Babawiin ko siya sa'yo. . . pagdating ng panahon," saad nitong ikinaawang ng bibig ko. "Pagdating ng panahon? Bakit hindi mo pa kunin ngayon? Hindi ko naman siya kinukuha sa'yo." Napailing ito na ngumisi. Sinalubong ang mga mata ko na ikinalunok kong binundol ng kakaibang kaba sa dibdib. "Dahil marami pa akong pangarap na gustong abutin. Pero hindi mangyayari ang mga 'yon. . . na maikasal ako kay Sofi. Mahal na mahal ko si Sofi. Pero mas mahal ko. . . ang pagiging isang pulitiko ko, kuha mo?" makahulugang saad nitong ikinatanga ko. "S-sinet-up mo kami ni Sofi. . . t-tama ba?" nauutal kong tanong na ikinahalakhak lang nito. "K-Kuya. . . b-bakit hindi mo na lang siya hiniwalayan? Bakit kailangan mo itong gawin para sa pansariling hangarin mo? Paano naman ako!?" halos pasigaw kong panunumbat dito. "Tanga ka ba, huh? Tingin mo ba kung hiniwalayan ko si Sofi? Makukuha ko siya ulit pagdating ng araw? Kaya ko nga siya sa'yo ipinagkatiwala para madali ko lang din siyang mabawi." Nakatulala naman ako dito na hindi makaapuhap ng sasabihin. Kimi itong ngumiti na naigala ang paningin sa kabuoan ng opisina ko. "You're imposible, Kuya. Paano naman ako?! May karelasyon din ako. Pero dahil sa ginawa mo ay hiniwalayan ako ng babaeng mahal ko!" "Malaki ang utang na loob mo sa pamilya ko, Haden. Dahil sa amin kaya ka nagkaroon ng maayos at buong pamilya. Hindi mo mararating ang kinaroroonan mo ngayon. . . kung hindi dahil sa mga magulang ko," makahulugang saad nitong ikinalunok ko. "Pero, Kuya," pagsusumamo ko. "Lalaban akong Governor sa susunod na election, Haden. Kapag nanalo ako? Babawiin ko na si Sofi sa'yo. Hindi ako iboboto ng mga tao na malaman nilang may kasintahan o kaya ay kasal na ako. Alam mo naman kung bakit ako gusto ng mga kababayan natin, hindi ba?" saad nitong ikinatulo ng luha ko. "Ang selfish mo, Kuya. Isusumbong kita kina Mama," puno ng pait kong saad na ikinahalakhak nito. "Tingin mo ba wala silang alam, hmm?" Natigilan akong napatitig dito na napapangisi at naiiling sa akin. Tuluyang tumulo ang luha ko na naikuyom ang kamao. Sising-sisi pa man din ako sa sarili ko sa mga nangyari. Dahil nasaktan ko silang pamilya ko. Pero heto at pinapaikot lang pala kami ni Sofi para matupad nito ang pangarap maging. "Pinaglaruan niyo kami ni Sofi. Ang sama mo," puno ng pait kong saad na nagpahid ng luha. Siya namang pagbukas ng pinto na ikinalingon naming dalawa doon. Pumasok sina Mama at Papa na parehong naka-pokerface sa akin. Humarap ako sa kanila na tuwid na tuwid ang pagkakatayo. "Alam niyo rin ang tungkol dito? Kaya ba pilit kayo ng pilit sa aking umuwi naman ako?" puno ng pait kong tanong. Palipat-lipat ako ng tingin kina Mama at Papa na lumapit dito sa gitna ng opisina ko kung saan kami nakatayo ni Kuya Hades. "Suportahan mo na lang ang Kuya Hades mo, Haden." Ani Mama. Napailing ako na napalapat ng labi. Nangingilid ang luha na nakamata sa kanila. "Mula pagkabata ay palagi ko na lang pinagbibigyan si Kuya, Mama. Hindi ako magrereklamo as long as kaya ko ang hinihingi niyo. Pero ibang usapan na 'to. Paano naman ako? Paano ang girlfriend ko? Paano. . . paano si S-Sofi?" magkakasunod kong tanong. Isang malakas na mag-asawang sampal ang isinagot nito sa akin na ikinatagilid ng mukha ko. Ramdam ko ang pag-init at hapdi ng pisngi ko sa magkasunod nitong pagsampal sa akin ng sobrang lakas. Napahaplos ako sa pisngi ko na tumulo ang luhang dahan-dahang nilingon ito. "M-Mama," garalgal ang boses kong sambit. "Wala kang karapatang sumbatan kami, Haden! Utang mo sa amin ang buhay mo at kung sino ka ngayon! Napaka-simple ng pinapagawa sa'yo ng Kuya Hades mo! Hindi natin pwedeng pakawalan si Sofi dahil hindi na tayo makakahanap ng katulad niyang bilyonarya! Naiintindihan mo?!" puno ng galit nitong singhal sa aking napailing na yumuko. Hinayaang tumulo ang luha ko habang kuyom ang kamao. Ramdam ko naman ang mga mata nilang nakatitig sa akin. Maya pa'y tinapik ako ni Papa sa balikat na ikinapahid ko ng luha at nag-angat ng mukha sa kanila. Ngumiti ito na bakas ang awa sa mga mata niya. Pero wala naman siyang magagawa dahil takot si Papa kay Mama at Kuya Hades. "Sumunod ka na lang, Haden. Hindi mo naman kailangang mahalin si Sofi. Alagaan mo lang siya para hindi maagaw ng iba. Isipin mo na lang. . . tinutulungan mo ang Kuya mong maabot niya ang pangarap niya," maalumanay na saad nitong tinapik-tapik ako sa balikat. BAGSAK ang balikat na iniwanan ako ng mga ito. Nanghihina na nakaupo sa swivel chair ko. Nakatulala at hindi maka-focus sa trabaho. Gusto kong magwala. Gusto kong magalit. Gusto kong magdamdam. Pero tila. . . wala akong karapatan. Ilang oras na magmula noong nakaalis sina Mama dito sa opisina ko pero hindi pa rin ako nakakabawi sa mga nalaman. Ngayong weekend na ang kasal namin ni Sofi. Labag man sa loob kong magpakasal kami nito pero. . . hindi ko kayang kalabanin ang pamilya ko. Tama naman sila. Utang ko sa kanila ang buhay ko. Utang ko sa kanila kung sino at ano ako ngayon. Napayuko ako na naitukod ang siko sapo ang noo. Namumugto na ang mga mata ko pero hindi ko naman mapigilang maluha. Naaawa ako sa dalawang babae. Kay Lalyn na girlfriend ko. At kay Sofi na mapapangasawa ko. Tumayo ako na nagtungo ng banyo at naghilamos. Pulang-pula na ang ilong, pisngi at mga mata kong namumugto sa pag-iyak. Napagpasyahan ko na munang lumabas ng headquarters namin. Hindi rin naman ako maka-focus sa trabaho dahil tila naglalakbay ang isipan at diwa ko. SAKAY ang bigbike motor ko ay nakipag karerahan ako sa kalsada. Wala naman akong maisip na pupuntahan. Baguhan pa lang ako dito sa syudad at hindi pa kabisado ang pasikot-sikot dito. Gusto ko lang magpalamig ng ulo at iwaksi ang bigat sa dibdib ko. Napahinto ako na maitapat ako sa billboard ni Sofi. Nag-angat ako ng helmet na napatingala sa billboard nito kung saan close-up ang kuha at matamis siyang nakangiti sa camera. Mapait akong napangiti na nakatingala sa billboard nito. Naaawa din ako sa kanya. Dahil mas mahal pa ni Kuya ang ambisyon niya kaysa sa kanya. Kung nagkataon lang siguro na anak mahirap si Sofi? Matagal na siyang hiniwalayan ni Kuya. Pero dahil isa itong heredera na nagmula sa kilalang angkan? Hindi siya hinihiwalayan ni Kuya. Na tipong mahal lang siya ni Kuya dahil. . . dahil bilyonarya ito. Napabuga ako ng hangin na naninikip na naman ang dibdib ko. Gusto ko mang sabihin kay Sofi ang mga nalaman ko ay wala naman akong lakas ng loob na kalabanin ang pamilya ko. Paniguradong madudurog si Sofi na malaman ang totoo. At kapag nangyaring umalis ito ng bansa at tuluyang iwanan niya si Kuya? Hindi malabong itakwil ako nila Mama. Dahil sa aming dalawa ni Kuya Hades? 'Di hamak na mas pinapaburan nila ito kaysa sa akin. Kahit na ako ang tama. NAKAINOM akong umuwi ng condo. Hindi ko ugaling maglasing. Kaya madali lang akong tamaan ng alcohol. Naalala ko naman ang gabi ng engagement nila Kuya. Kung saan sinalubong niya ako na puno ng galak na makita ako sa ilang taon kong pagkakawalay sa kanila. Humarap ako sa mga bisita nito at panay ang tagay sa akin ni Kuya. Hindi naman ako makatanggi dahil ayokong mapahiya si Kuya. Nang halos sumubsob na ako ng mesa ay inakay ako nito. Dinala sa silid at iniwanang mag-isa. Mariin akong napapikit na inaalala ang gabing iyon. Kung paano ko. . . naangkin si Sofi. Pero sadyang hindi ko maalala kung paano ko siya naikama. O baka naman. . . hindi talaga ako ang nangikama sa kanya. Napalunok ako na sumagi ang bagay na iyon sa isipan ko. Hindi kaya. . . wala talagang nangyari sa amin ni Sofi? Posibleng si Kuya ang gumalaw kay Sofi pero. . . ipinain ako!? Para akong pinipiga sa puso na maisip ang posibilidad na iyon. Napasabunot ako sa buhok na hindi malaman ang gagawin. Sobrang lakas na rin ng kabog ng dibdib ko na ikinaninikip ng paghinga ko. Pagewang-gewang akong naglakad ng hallway patungo ng unit ni Sofi. Hindi ko pa alam kung anong alibi ko dito na naglasing ako ngayon. Pagpasok ko ng unit ay sinalubong ako nito na kunot ang noo. Pagewang-gewang kasi ako na hindi makatayo ng tuwid. Bagsak ang balikat ko at halos mawalan ng lakas ang mga tuhod ko. "Hudas? What happened, huh? Bakit ka naman naglasing!" singhal nito na inalalayan ako. "Hi, my soon to be wife," lasing kong bati na napapangiti. Napaikot lang naman ito ng mga mata na inakay ako sa sofa. Halos sumubsob pa kami sa sahig na hindi niya ako maalalayang maayos. "Gosh, hudas! Sinong may sabing--umpt!" Natawa akong siniil na lamang ito sa mga labi kaysa marinig ang sandamakmak na naman niyang panenermon sa akin. Parang inahin na naman ang bibig nitong putak nang putak! "Umpt! Enough, bwisit na 'to!" asik nito na pilit binabawi ang mukha. Napangisi ako na mapatitig ditong halos magsarado na ang mga mata. Namumula ang pisngi na bakas ang iritasyon na hinagkan ko ito. "Masarap naman pala ang mga labi mo, Ate. Isa pa," anas ko na muling kinabig ang batok nito. Namimilog ang mga mata nito na muli ko siyang siniil sa mga labi. Naninigas itong hindi makagalaw at hindi makatugon sa halik na ginagawad ko. Mahina akong natawa sa isip-isip ko na hindi ito makaangal sa akin. Ni hindi makakilos para suwayin akong heto at nilalamutak na siya sa kanyang mga labi. Damn! Ang tamis ng mga labi niyang kay lambot. Nakakagigil sipsipin na kahit sinong lalake ay hahangaring makahalikan ang isang katulad niya. "Uhm. . . H-Haden." Napangiti akong bumitaw na napaungol ito. Namumungay ang mga mata naming nagkatitigan sa isa't-isa. Napahaplos ako sa pisngi nito na muli siyang siniil na ikinapikit nitong napayakap sa baywang ko at. . . tinugon ang halik ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD