HADEN:
PANAY ang iktad ko na sinasalo ang kamay nitong kung saan-saan na naman ako kinukurot. Napakapino pa naman ng pagkurot nito na tila natatapyasan ang balat ko!
"Urghh! Tama na. Magkakapasa naman ako," reklamo kong daing dito.
Halos magsarado na ang mga mata nitong chinita sa paniningkit niya sa akin at nakabulatay sa magandang mukha ang inis at gigil niya sa akin.
Napalapat ako ng labi. Nagpipigil matawa dahil sa nangyari sa amin sa loob ng elevator. Kung saan ipinasagi ko sa kanya si buddy. Pero dahil palaban ito ay dinakma pa niya si buddy na pumintig at unti-unting nagising fvck!
"Manyak!" asik nito na napangisi ako ng nakakaloko.
"Manyak? Ako nga ang minolestya mo doon sa elevator, Ate."
Napakurap-kurap ito na ikinabungisngis ko. Naningkit na naman ang mga mata niya na tila tinitiris na niya ako sa isipan. Pigil-pigil ang pagtawa ko na umuusok na ang ilong nito at namimilog na ang mga butas no'n.
"Minolestya? Bwisit ka, anong akala mo sa akin? Manyak katulad mo?" nanggigigil nitong sikmat na ikinabungisngis ko.
"Oo na. Napasobra 'yong biro ko kanina, Ate. Sorry na, okay? Hwag ka ng mang-away. Saka. . . magbihis ka na nga. Pagod ako sa trabaho. Hindi kita masamahan sa labas," aniko na napaseryoso na.
Nagtaas naman ito ng kilay na tila wala na namang planong sundin ako. Nakakainis talaga minsan ang pagiging pasaway ng babaeng ito. Ibang-iba siya sa mga kwento ni Kuya Hades na napakabait, makulit, masayahin at clingy ng girlfriend nito.
Ang sutil kaya ng Sofia na 'to. Matigas ang ulo at higit sa lahat? Maldita. Nakakaubos nga ng pasensiya eh. Kung hindi lang ako marunong magtimpi? Napatulan ko na ito. Pasalamat siya at hindi ako nananakit ng babae.
Napahalukipkip ito na napabusangot. Napahinga ako ng malalim na napakamot sa batok. Pagod ako mula sa trabaho at gusto ko ng matulog.
"Saan ka pupunta?"
Pumihit ako paharap. Pagod ang mga mata na napatitig ditong pinaniningkitan pa rin ako. Nakanguso na parang bata.
"Maliligo. Sasama ka?" nakangising saad ko.
"Eww! Wala akong planong makita ang mga libag mo sa katawan, noh?" ingos nito na napakaarte ng pagkakasabi sabay paikot ng mga mata.
Napahagikhik akong nagpamewang sa harapan nito. Napakamaldita talaga ng babaeng 'to. Hindi ko lang ma-imagine kung paano ko kaya mapapatino ang babaeng 'to. Ang sakit niya sa anit. Mapapanot kaagad ang tao na ito ang mapangasawa. Saksakan nga ng kagandahan at ka-sexy-han pero. . . may sungay naman. Ang sarap niya ibalibag eh. . . sa kama.
"Wala akong libag, Ate. Pero incase gusto mong mapagmasdan ang kakisigan ng magiging asawa mo? Pwede naman," paanas kong napakindat ditong umasim ang pagmumukha.
"Yuck! I'm not interested, herodes. Hindi ka naman kakisigan," ismid nitong pinatirik pa ang mga mata.
Malutong akong napahalakhak na naiiling tinalikuran ko na ito. Kakamot-kamot ako sa batok na nagtungo ng laundry room para kumuha ng gamit ko. Nakakainis ang babaeng 'yon. Sa labahan ba naman niya ako pinatuloy. Napakalaki ng condo niya eh.
Sisipol-sipol akong kumuha ng sando at boxer ko ng bumukas ang pinto kaya napalingon ako.
"May kailangan ka, Ate?" nakangiting tanong ko.
Ngumisi naman ito. Sumandal sa may pinto na humalukipkip. Nakataas pa ang isang kilay na napaka demonyita ng itsura kaya napalis ang ngiti ko.
"Bakit, ikaw ang may sabi na maaari kong panoorin ang mapapangasawa ko. Ng masilayan ko naman kung makisig ka nga at may ibubuga ang katawan mo," nakangising asong saad nito.
Napaawang ang bibig ko na namilog ang mga mata. Lalo namang napangisi ito na makita ang reaction ko.
"Panoorin mo akong maghubad?" sarkastikong tanong ko.
"Yes." Sarkastikong sagot din nito.
Napangisi ako na matapang sinalubong ang mga mata nito. Pero sadyang palaban ang isang ito na nakipagtaasan din ng kilay sa akin at napangisi.
Dahan-dahan kong kinalas ang butones ng uniform ko habang nakatitig sa kanyang mga mata. Hanggang sa nakalas ko na lahat ng butones na dahan-dahang hinubad ang uniform ko. Napalunok naman ito na lumantad ang malapad kong dibdib at ang firmed kong biceps.
Sunod kong in-unbuckle ang sinturon ko at kinalas ang kunsa ng pants ko. Dahan-dahang ibinaba ang zipper ng pants kong halos ikaluwa ng mga mata nito na namimilog. Pinamulaan ito ng mukha na ikinangisi ko lalo. Akmang ihuhulog ko na ang pants ko nang umurong ang buntot nitong napapatili.
"Ayt! Bastos! Bwisit ka talagang herodes ka!"
Malutong akong napahalakhak na nag-walk out itong napatakbo ng sala. Tuluyan kong hinubad ang lahat ng saplot ko at tanging brief lang ang iniwan. Isinampay ko sa balikat ang puting towel na nagtungo sa cr.
"Herodes, may bisita-- oh my God! Magdamit ka nga!" bulalas nito na namimilog ang mga mata.
Nagtatanong ang mga mata kong napalingon dito na natulala sa kakisigan kong nakabulandra. Napaawang pa ito ng mga labi na halos hindi kumukurap. Nagtataas baba ang mga mata sa umbok ko sa pagitan ng mga hita ko at sa mapipintog kong pandesal sa tyan.
"Oh, akala ko ba hindi ako kakisigan, hmm?" tudyo kong ikinaangat ng mukha nito.
"Ha?"
Napahalakhak akong nagpamewang. Pero siya namang sulpot ng isa pang kamukha nito na namilog din ang mga matang makita ako at natigilan sa sasabihin.
"Sofi, asan na ang hunky baby--?" ani ng isa pang babae na natigilan.
"Gosh, Danica! Your eyes! For my eyes only ang kakisigan ng baby ko!" tili ni Sofi na kaagad kinuha ang towel sa balikat ko at itinakip sa katawan ko.
Napahagikhik naman ang kaharap naming halos kamukha nito. Napakurap-kurap pa akong nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa na mapagkakamalhan mong. . . identical twins!
"Hi, hunky. Ang gwapo naman. Sofi, alburin ko na lang siya, hmm?" napapahagikhik nitong saad.
"What? No!"
Napalapat ako ng labi sa agarang isinagot nito na ikinabungisngis ng kaharap naming dalaga. Iiling-iling pa ito na nanunudyo ang tingin kay Sofi na nasa harapan ko at kinukubli ako sa bulto nito.
"Anong no? Hello, may Hades ka, hindi ba?"
"Yes. But Haden is mine too. Pwede ba, do'n ka na muna. Maliligo pa si Haden," pagtataboy naman nitong ikinabungisngis ng kaharap namin.
"Fine. Hey, hunky baby. I'm Danica by the way. Sofi's cousin," magiliw nitong pagpapakilala na napakindat pa sa akin.
Pilit akong ngumiti na tumango na lamang dito dahil may pasimpleng kurot na si Sofi sa akin sa tagiliran.
Naiiling naman itong napasunod ng tingin sa pinsan na pakembot-kembot na nagtungo ng sala. Sumasabay pa ang pag-indayog ng pang-upo nitong bilugan sa kanyang paglakad.
"Witwiw," napasipol akong ikinabaling sa akin ni Sofi na naniningkit ang mga mata.
"Bakit? Sexy eh," painosenteng saad ko.
"Sexy, huh?" madiing ingos nito na lumapit bahagya at napangisi.
"Urghh! s**t! Sofi, naman! Nakakainis 'to," ingos kong napadaing dahil tinadyakan lang naman nito ang paa ko.
Ang taas pa naman ng heels ng stilleto nitong itinadyak sa paa ko. Napapangiwi akong nahaplos ang paa na sinamaan ito ng tingin.
"Ang sama mo talaga," ingos ko.
"Huh? Masama talaga ako, herodes. Kaya umayos ka," pagmamaldita pa nito na ibinato sa akin ang towel at nagdadabog na sinundan ang pinsan sa sala.
Naiiling na lamang akong paika-ika na nagtungo ng banyo. Nakakainis talaga ang pagka bruhilda ng babaeng 'yon. Nasasagad na ang kurdon ko sa kanya. Pag ako hindi nakapagpigil. Parurusahan ko 'yon. . . sa masarap na paraan.
IILING-ILING akong naligo na lamang. Matapos kong makaligo ay nagbihis na ako ng pajama at sando bago nilapitan ang dalawang binibini na naghaharutan sa sala. Tila kinikilig sa pinag-uusapan nila. Kung hindi ko lang alam ang damit na suot ni Sofi kanina ay malilito ako kung sino ang mapapangasawa ko sa kanilang dalawa dahil iisa lang naman ang mukha at pangangatawan.
"Hunky, pwede bang magpasama sa'yo? Pupunta sana ako ng Bar eh." Paglalambing ng dalagang si Danica sa akin.
Napakatamis pa niyang ngumiti at ang lambing ng boses. Napangiti ako na naupo sa harapan ng mga ito. Habang si Sofi naman ay nagbabanta ang mga mata sa akin.
"Sure. Sige ba," pagpayag ko.
"What? No! Pagod ka, hindi ba?" may kadiinang singit ni Sofi na pinandidilatan na ako ng mga mata.
"Coz, naman. Ipahiram mo na siya. Pumayag na eh," reklamo ng pinsan nito na niyakap si Sofi sa braso.
"Nope, Dani. Pagod si Haden sa trabaho. Kailangan na rin niyang magpahinga. Maaga na naman 'yan bukas. Hindi ba, Haden?" may kadiinang saad nito na napakahilaw ng ngiti sa akin.
Nagbabanta ang mga mata na tila sinasabi ng mga iyon na kapag pumayag ako sa alok ng pinsan niya ay patay ako sa kanya.
"Uhm, hehe. N-next time na lang siguro, Ma'am. Pasensiya ka na. Actually. . .lalabas sana kami ni Sofi eh. Pero pagod kasi ako at gusto ko na ring magpahinga," nakangiwing pagtanggi ko na matamis na ikinangiti ni Sofi.
"Uhmm. . . gano'n ba? Sayang naman," nanghihinayang saad nito na lumungkot ang mukha.
Napalingon kami kay Sofi na napahikab pa talaga at pinalamlam ang mga mata.
"Uhm, coz? Inaantok na rin kasi ako eh. You can leave now, hmm?" anito sa pinsan na napapahikab.
"Silly. I know you very well, Sofi," naiiling saad nito na tumayo na rin.
"See you around, hunky baby," kindat pa nitong ikinangiti kong tumango dito.
"Sige po, Ma'am. Ingat po kayo," sagot ko.
"Ay. . . how sweet. I really like you na," pabebeng saad nito na mahinang ikinasabunot ni Sofi dito.
"Asawa ko 'yan. Umayos ka nga," mahinang sikmat nito sa pinsan na napahagikhik.
"Correction, coz. Magiging asawa mo pa lang siya. Ang advance mo namang makaangkin," natatawang tudyo ng pinsan nitong ikinalapat nito ng labi na pinamulaan ng pisngi.
"Umalis ka na nga. Iwan mo na kami ng baby ko."
Naiiling na lamang akong napasunod ng tingin sa kanila na nagtungo ng pinto. Nagyakapan pa ang mga ito at napabeso sa isa't-isa bago tuluyang lumabas si Danica ng unit.
Tumayo na ako na sinalubong itong napangisi. Napaikot naman ito ng mga mata sa akin na tila may nagawa na naman akong kasalanan dito.
"Baby mo ako?" tudyo ko.
Napalapat ito ng labi na nag-iwas ng tingin sa mga mata ko.
"Ew, I have no choice, noh? Maloko si Dani and knowing her? Isasali ka lang sa mahabang listahan niya ng mga ka-fling niya," ingos nito na nagdadabog na nagtungo ng sofa.
Pabalang itong naupo na humalukipkip. Napapanguso na pinapakibot-kibot ang nguso. Naupo ako sa tabi nito na inakbayan itong napaiktad.
"It's okay with me, Ate. Wala namang masama, hindi ba? Saka ikaw na mismong nagsabi na. . . pwede akong mambabae," nakangising saad ko.
"What the fvck, hudas!? Sabi mo hindi ka pumayag sa deal natin kaya hindi 'yon official," ingos nito na napairap pa sa akin.
Napahagikhik akong sumandal sa balikat nito. Hindi naman ito umangal na hinayaan lang ako.
"Ayos..Herodes na, hudas pa. Parang napakasama ko namang tao," bubulong-bulong saad ko na ikinahagikhik nito.
"Anyway. Ano bang plano mo? Ngayong week na ang kasal natin. Wala ka bang gagawin para hindi iyon matuloy?" pag-iiba nito.
Napaayos ako ng upo na humarap dito. Napabusangot naman itong huminga ng malalim. Lumungkot din ang magandang mukha na kita ang pagdaan ng pangungulila sa kanyang mga mata.
"I don't know, herodes. Hindi ko pa nahahagilap ang Kuya mo. But still. . . susuyuin ko pa rin siya hanggang bumalik siya sa akin."
"Paano ako?"
Napalingon ito sa akin na nagtaas ng kilay.
"Bakit, ano ba kita?"
"Seryoso ka ba? Kung makaangkin ka nga sa akin sa harapan ng ibang babae eh pinagsisigawan mong asawa mo ako kahit hindi pa," inis kong sagot.
Ngumisi lang naman ito na nagtaas ng kilay sa aking lalo kong ikinabusangot.
"Tsk, have you forgotten? Pag-aari kita. You are my pet, herodes."
"Pet? Anong tingin mo sa akin? Aso?" inis kong sikmat na ikinahagikhik nito.
"Yes. You're my dog, herodes."
"Huh? Aso pala, huh?"
Nakipagngisian naman ito sa akin na kitang palaban. Tumayo ako na mabilis itong hinila patayo at pinatalikod sa akin. Napatili naman ito na napakapit sa armrest ng sofa habang nakatalikod sa akin. Kinabig ko ito sa baywang na ikinatuwad ng balakang niya sa akin. Dama ko ang kabiglaan nitong nanigas na hindi makakilos sa mabilis kong galawan.
Sumiksik ako sa kanyang leeg na mahigpit iniyapos ang braso sa tyan nito.
"A-anong ginagawa mo?" nauutal nitong saad.
Idiniin ko naman ang hinaharap ko sa pwet nitong ikinasinghap nito na maramdaman ang umbok ko.
"Aso mo ako, hindi ba? Alam mo bang. . . magaling ako pagdating. . . sa doggie style, hmm? Magaling akong lumapa at dumila that makes you beg for more, Ate." Paanas ko sa punong-tainga nito.
"B-bwisit ka. I'm just kidding, herodes. Get off me, will you?" nahihirapang sikmat nito na ikinabungisngis ko.
"Really, huh? Pero bakit. . . iba ang reaction ng katawan mo sa sinasabi mo, Ate, hmm?" paanas ko na muling isinagi si buddy sa pwet nitong ikinasinghap nitong muli.
"A-ano ba? Kinikilabutan ako sa'yo, herodes. B-bitawan mo nga ako," nauutal nitong asik.
"Baka naman kinikilig, Ate." Pang-aasar kong ikinapula ng pisngi nito.
"E-ew. Over my dead sexy body." Nauutal na ismid nito.
Napahagikhik ako sa pagmamaldita nito na napaulos ditong napasinghap.
"Oohh, s**t! Damn you! Pervert!" bulyaw nito na napaungol.
"Pervert pero gustong-gusto mo namang minamanyak kita, Ate." Anas ko na muling isinagi sa pisngi ng pang-upo nito ang umbok ko.
Fvck! Kahit lagi siyang galit sa akin ay hindi ko naman mapigilan si buddy na. . . tigasan!
"Ang kapal ng mukha mo!"
Malutong akong napahalakhak na pinalo ng palad ang pisngi ng pang-upo nitong muli niyang ikinasinghap.
"Fvck you, hedodes! Namumuro ka na, ha!?" asik nito na akmang babatuhin ako ng kanyang sandal.
Malutong akong napahalakhak na napatakbo ng laundry room para makaiwas dito.
"Fvck me, huh? Pwede naman, Ate." Ngisi kong saad ng makalayo ako sa kanya.
Pagak itong natawa na napailing at umuusok na naman ang ilong sa galit.
"No way! Ang liit ng atits mo!"
Namilog ang mga mata ko na ikinangisi nitong tila nanghahamon. Nagtaas pa ito ng kilay na maarteng napa-flip ng mahaba niyang buhok.
"See? Natameme ka. Baka kaya hindi ko 'yan naramdaman noong may nangyari sa atin dahil. . . maliit 'yan," nakangising saad nito na nang-aasar ang tono.
"Hoy! Hindi ito maliit! Wasakin kong lagusan mo eh!"
"Huh? Really? How, hmm? Sa liit niya'n, hindi ko mararamdaman."
"Aba't. . . gusto mo yatang wasakin na kita ngayon ah," pagpatol ko na akmang lalapitan itong napatiling kaagad pumasok ng silid.
"No way! Eww!"
"Sus! Pag ako natikman mo, tiyak uulit-ulitin mo, Ate!" Malakas kong sagot.
Natatawa na lamang akong nagkamot sa batok. Nakakasanayan ko na yatang makipag bangayan sa babaeng ito araw-araw. Fvck! Maganda at sexy sana eh. . . bruhilda lang.