Chapter 4

2405 Words
SOFIA: PANAY ang buga ko sa usok ng yosi ko habang nandidito sa balcony ng unit. Nagpapahangin at nagpapalamig din ng init ng ulo kong pinakulo na naman ng magaling na herodes na 'yon! Napapailing na lamang ako sa mga kaganapan. Conservative kasi ang Daddy kaya heto at hindi siya makakapayag na hindi kami makasal ni Haden na nakuha nito ang virginity ko. Kung ako lang ang masusunod? Palalagpasin ko na lang sana ang namagitan sa amin at si Hades ang hanapin at suyuin ko. Pero heto at ikakasal na ako sa bwisit na herodes na napakagaling magpainit ng dugo at ulo ko. Ngayon pa lang ay kumukulo na ang dugo ko sa bwisit na 'to. "Masama 'yan sa kalusugan. Hindi mo ba alam 'yon?" Napapikit ako na marinig ang baritonong boses nito mula sa likuran ko. Hindi ako sumagot na nanatiling nakatalikod sa gawi nito. Pinagmamasdan ang mga kalapit na building at ang billboard ko sa harapan. May endorsement kasi ako dito ng isa sa sikat na beauty products. Kaya nagka-billboard ako dito. Lumapit naman ito na tumayo sa gilid ko. Nakikita ko naman siya sa gilid ng mata ko na nakapagbihis na at may dalang kape. Napatitig din sa billboard kong kaharap namin na napangiti. "Biruin mo, para kang anghel na bumaba sa langit sa picture mong 'yan," anito na nakamata sa billboard. Napahithit ako sa yosi ko na ikinalingon naman nito sa akin. Napanguso pa ito na pinagmamasdan ako kung paano ko nalalarong ibuga ang usok no'n sa bibig ko. "Tigilan mo na 'yan. Makakakuha ka lang ng sakit mo sa paninigarilyo mo," may halong panenermon nitong ikinangisi kong tinaasan ito ng kilay. "Ano bang pakialam mo?" inis kong asik. Napailing naman itong sumimsim sa kape nito. "May pakialam ako kasi ako din naman ang mag-aalaga sa'yo kapag nagkasakit ka," sagot naman nitong ikinaikot ng mga mata ko. "Hwag kang mag-alala, Haden. Kapag nagkasakit ako? Hinding-hindi ako hihingi ng tulong mula sa'yo," ismid kong ikinangiti lang nito. "Sa ayaw o sa gusto mo? Ako ang mag-aalaga sa'yo dahil ako ang mapapangasawa at makakasama mo." Sagot naman nito. Napanguso ako na pinakibot-kibot. Tama naman siya. Mapapangasawa ko siya at makakasama kahit ayoko. Matamang lang namang nakatitig ito sa akin kahit pinaniningkitan ko at tinitiris siya sa isipan ko. "Let's make a deal, herodes." Aniko na napaseryoso. Tumuwid din naman ito ng tayo na tinitigan ako sa aking mga mata. Hindi ko tuloy mapigilan ang pagbilis ng t***k ng puso ko at makadama ng kaba habang nakikipagtitigan din dito. "Ano namang klaseng deal 'yan?" usyoso nito na ikinangisi ko. "Hahayaan kitang mambabae," paninimula ko. "At hahayaan kitang manlalake, gano'n ba?" Napapikit ako na nahilot ang sentido. Sinamaan ko ito ng tingin na napalapat ng labi na nagpipigil mapangiti. "Parang gano'n na rin. Dahil kahit makasal ako sa'yo? Hindi ko tatantanan si Hades. Ikaw, bahala ka kung pupuntahan mo pa rin 'yong kasintahan mo. Wala naman akong pakialam basta. . . mag-iingat ka lang," saad kong ikinatango-tango nito. "Tingin mo ba papayag si Kuya na maging kabit mo siya?" Napalunok ako sa naitanong nito. Oo nga naman. Hindi pa ako sigurado kung papayag si Hades. Pero hindi ako titigil na suyuin siya. At kapag nasuyo at naibalik ko na siya sa akin? May alibi na ako para makipag hiwalay kay Haden. Sa ngayon. . . pagbibigyan ko na muna sina Daddy sa desisyon nila. Madali lang namang ipawalang bisa ang kasal namin ni Haden kapag nagkataon. Alam ko namang. . . doon din ang bagsak naming dalawa. "Sino bang may sabing gagawin ko siyang kabit habang buhay? Kapag nasuyo ko na ang Kuya mo? Maghiwalay na tayo," sagot kong ikinasamid nito. Sunod-sunod itong napaubo na ikinatawa kong nakamata dito. Napapunas pa ito ng ilong at bibig na sinamaan ako ng tingin. "Ibang klase talaga kayong mayayaman eh, noh? Tipong kayang-kaya niyong gawing tuwid ang baluktot. At gawing baluktot ang tuwid," naiiling saad naman nito. "Bakit, ikaw ba ayaw mong makasama ang kasintahan mo? Hindi ba sabi mo, plano mo na siyang alukin ng kasal?" palabang sagot ko. Natigilan naman ito na dumaan ang lungkot at guilt sa kanyang mga mata. Bumaling na ito sa harapan pero kitang natahimik ito at malayo ang tanaw ng kanyang mga mata. Mukha ngang. . . mahal na mahal niya 'yong babae. Napahinga ito ng malalim na tila problemado. Napatitig naman ako dito. Ngayon ko lang napansing hindi sila magkamukha ni Hades. Maputi at makinis din naman ang balat nito. Matangkad at makisig din naman. Pero hindi katulad ni Hades na singkit ang mga mata. May pagkabilugan ang mga mata nito na dark blue ang kulay. Malantik din ang makapal niyang pilikmata at may kakapalan ang itim na itim nitong mga kilay. Napapanguso akong sinusuri ito. Kitang may lahi kasi ito sa itsura pa lang niya. Pero purong pilipino naman ang mga magulang nila. Kahit nga si Hades ay kulay chocolate ang kulay ng kanyang mga mata. "Haden?" "Ano?" Hindi ito lumingon na nanatiling sa malayo ang tanaw. Napahinga ako ng malalim. Humalukipkip na nakaharap dito. "Ampon ka ba?" walang preno kong tanong. Natigilan ito na napalunok. Dahan-dahang humarap sa akin na bakas ang pagkabigla sa kanyang mga mata. "Sinabi ni Kuya sa'yo?" "Nope." Agarang sagot ko na napailing. Nangunot ang noo nito na bakas ang katanungan sa kanyang mga mata. "Hindi mo kasi kamukha ang parents niyo. At. . . at iba ang kulay ng mga mata mo," naiilang sagot ko dahil matamang itong nakatitig sa akin. Kimi itong ngumiti na napabuga ng hangin. Tumingala sa kalangitan at hayo'n na naman ang kakaibang lungkot sa kanyang mga mata. "Ampon nga ako. Kapatid ng biological mother ko si Mama. Mula pagkabata ay alam ko na 'yon. Dahil mas pinapaburan nila palagi ang Kuya sa akin na bunso. Tanggap ko naman 'yon eh. Na mas mahal nila ang Kuya sa akin. Masaya, thankful at grateful pa rin ako na hindi nila ako ipinamigay sa ibang tao. Na naging parte pa rin ako ng pamilya nila," mababang saad nitong ikinatigil ko. Napalunok ako na napalapat ito ng labi at pinipigilan ang pagtulo ng luha niya habang nakatingala pa rin sa kalangitan. Para namang may kumurot sa puso ko sa nakikitang naglalarong emosyon sa mga mata nito. "What happened to your Mom?" lakas loob kong tanong. Mapait itong napangiti na umiling at pasimpleng nagpahid ng luha niyang tumulo. "Namatay siya matapos akong isilang." Napaawang ang labi ko sa narinig. Hindi ko kasi alam na adopted child lang si Haden. Akala ko ay magkapatid talaga sila ni Hades dahil wala namang nababanggit si Hades ng tungkol sa nakababatang kapatid nito. Ang alam ko lang ay pulis ito na nasa malayo at Haden ang pangalan. Bukod doon? Wala na. "How about. . . your biological father?" muling tanong ko. Dito ay nag-iba ang aura nito. Dumaan ang kakaibang galit sa kanyang mga mata na napakuyom ng kamao. Kahit binubundol ako ng kaba ay nilalabanan ko at pinagmamasdan ang reaction nito. "Hindi ko na siya nakilala pa. At wala akong planong makilala pa siya," saad nito na puno ng pait. "You know what, herodes? Now that I'm looking at you. . . your face seems look familiar to me. Parang nakita na kita before. Hindi ko lang matuloy kung saan at kailan," saad ko na ikinangisi nito. Naipilig ko ang ulo habang nakatitig ng matiim dito. Ang mga mata niyang ngayon ko lang napagmasdan. Parang. . . parang natitigan ko na ang mga iyon dati pa. "Baka dahil kamukha ako ni Tom Cruise," natatawang saad naman nito. Napangiwi ako sa sinaad nito pero tama nga naman siya. Para siyang younger version ng isang sikat na Hollywood actor na si Tom Cruise. "Oh my God!" Namilog ang mga mata ko na natutop ang bibig. Dahan-dahan akong lumapit dito na walang kakurap-kurap na nakamata sa kanya. Hindi naman ito umalis sa kinatatayuan at hinintay akong makalapit. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko sa mga sandaling ito. Unti-unti na kasing nagliliwanag sa memorya ko kung saan ko nakita ang kanyang mga matang pamilyar. Nangangatal ang kamay ko na napaangat at sinapo siya sa magkabilaang pisngi. Nangunot ang noo nito pero hinayaan lang naman akong suriin siya ng tingin. No way! Bakit naman. . . kamukha ni Haden ang Ninong Dwight Madrigal ko noong kabataan ni Ninong!? Para akong sinabuyan ng malamig na tubig na makumpirmang sa lumang litrato nga ni Ninong Dwight ko nakita ito. Hindi kaya. . . may duda rin sila Daddy na anak ito ni Ninong dahil matalik na kaibigan ni Daddy si Ninong Dwight. Napaka-imposible namang hindi nila napansin ang malaking pagkakahawig nito kay Ninong! "Masyado ba akong gwapo, Ate. Hwag kang mag-alala. Magiging asawa mo pa rin naman ang mukhang ito. Hindi ka nga lang gusto. Lalong-lalo ng. . . hindi ka niya mahal." Napakurap-kurap ako sa natatawang sinaad nito na ikinainit ng mukha ko at pinaningkitan itong matamis na ngumiti sa akin.. "Bwisit ka talaga eh, huh? For your information, herodes. 'Di hamak na mas gwapo ang mga kaibigan at manliligaw ko kumpara sa'yo, nuh?" ismid ko na tinalikuran na ito. Malutong naman itong napahalakhak na sumunod sa akin at isinarado na ang sliding glass door nitong balcony. Tumuloy ako ng kama na inabot ang moisturizer lotion ko. Kakamot-kamot naman ito sa batok na sumunod sa akin. "Hindi ka pa ba matutulog?" aniko habang nagpapahid ng lotion sa binti at mga braso. Napanguso naman ito na parang batang nagpapa-cute sa harapan ko. "What? May kailangan ka ba?" untag ko. "Oo. Marami. Wala akong banig, kumot at unan doon. Saka, malamig at matigas 'yong tiles sa laundry room, Ate. Siguro naman may extra kang magagamit ko, 'di ba?" sarkastikong tanong nito na bumalik na naman ang aura sa pagiging hudas. "Problema mo na 'yon. Bakit ka lumipat dito na wala kang gamit," ismid ko na humiga na ng kama. "Hoy, maging tao ka naman. Bwisit na 'to," anito na hininaan ang boses sa bandang dulo pero narinig ko pa rin naman. Napabangon ako ng kama na pinandidilatan ito ng mga mata ko. Napatikom ito ng labi na pinamulaan ng pisngi at hindi masalubong ang mga mata ko. "Aba't. . . minura mo ba ako?" pagalit kong tanong na ikinabungisngis nito. "Damn you! Ang kapal ng mukha mong murahin ako, huh!?" asik ko na nabato ito ng unan sa mukha. Napahalakhak naman itong sinalo ang unan at niyakap pa. "Ahem! Minumura mo din naman ako ah. Ang lulutong nga ng mura mo sa akin eh. Saka. . . pinapatay mo ang gwapong pangalan ko. Haden nga kasi. Pero tinatawag-tawag mo akong herodes," pangangatwiran pa nito na natatawa. "Lumabas ka na nga. Pinapainit mo na naman ang ulo ko eh," madiing paasik ko. "Hindi ako makakatulog doon. Napaka walang puso nito. Ikaw kaya ang matulog sa banyo," pagalit na rin nito na napabusangot. Napalapat ako ng labi. Masyado ba akong harsh na doon ko siya patutuluyin. Napahinga ako ng malalim na napatitig dito. Bigla namang sumagi sa isipan ko si Hades na hanggang ngayon ay walang paramdam sa akin. Unti-unting naglahong parang bula ang kaunting awa na nararamdaman ng puso ko para dito. "Nope. Pulis ka naman, 'di ba? Ibig sabihin. . . na-trained ka na sa mga ganyan. Bumalik ka na ng silid mo." Pagtataboy ko dito. Pabalang akong humiga ng kama na tinalikuran ito. "Napaka walanghiya mo talaga." Dinig ko pang bubulung-bulong saad nito na lumabas na ng silid. Para namang may sumundot sa kunsensya ko na napatayo at sinundan ito. Napatitig ako dito na nagtungo nga ng laundry room na kakamot-kamot sa ulo. "Uhm, herodes?" pagtawag ko. Hindi na ako nakatiis. Kahit naman ayoko sa taong ito ay may kunsensya pa rin naman ako. Hindi ko ugaling magsungit sa totoo lang. Dahil pinalaki kami nila Mommy na marunong magpakumbaba. Natigilan ito sa akmang pagpasok na pumihit paharap sa akin. Kimi akong ngumiti na itinuro ang mahabang sofa dito sa sala na ikinasunod nito ng tingin. Nagtatanong ang mga mata na bumaling sa akin. Napahinga ako ng malalim na pilit ngumiting ikinatigil nito. "Dito ka na lang sa sofa. Iwan mo sa laundry room ang mga gamit mo. Dito na lang ang tulugan mo." Aniko na kaagad tumalikod na dito. Ramdam ko pa rin naman ang mga mata nitong nakasunod sa akin. Pagpasok ko ng silid ay nakahinga ako ng maluwag. Mariing napapikit na napahawak sa tapat ng dibdib kong sobrang bilis ng kabog nito. Panay ang hingang malalim ko na kinakalma ang puso ko. Maya pa'y kumatok itong muli na ikinabilis lalo ng t***k ng puso ko. "Yes?" aniko na pina-normal ang tono. Ngumiti ito na nagniningning na ang mga matang lalong ikinarambola ng pagtibok ng puso ko! s**t naman. Ano bang meron sa lalakeng ito? "Ahem! Mabait ka naman pala konti. Salamat pero. . . pahiram ng kumot, Ate." Nakangiting saad nito na napapakamot pa sa batok. Napasapo ako sa ulo na ikinahagikhik nitong makitang nababanas na naman ako sa pagtawag niya sa akin ng Ate. "Malamig eh. Sisipunin ako. May trabaho pa ako bukas," pagpapaawa kuno pa nito na nagkakandahaba ang nguso. "Humirit ka pa talaga eh, huh? Abusado," ismid ko na nagtungo ng closet at kumuha ng comforter. Lihim akong nangingiti na napailing na lamang. Kahit madalas kaming aso't pusa ay dama ko namang mabuting tao din siya. Sadyang magaling lang magpainit ng ulo ko at inuubos ang pasensiya ko. Napalapad naman lalo ang ngiti nito na makita ang dala ko kahit pinaniningkitan ko na ito. "Happy?" sarkastikong tanong ko na isinuksok sa dibdib niya ang makapal na kumot. Niyakap naman nito iyon na sinamyo pa at napakalapad ng ngiti. "Happy. Salamat, Ate. Dream of me, huh?" Kindat nito na napakahilaw ng ngiti. "Huh? Ayoko pang mabangungot, herodes. Mangarap ka," ismid kong ikinahalakhak nito. "Baka mamaya. . . malaman-laman ko. Pinapangarap mo na ako," pabulong saad pa nito na matamis na ngumiti sa akin. Napaikot na lamang ako ng mga mata na pinagsarhan na ito ng pinto. "Gosh! I really hate that hudas of my life! The nerve of him." Pabagsak akong dumapa ng kama. Naalala ko naman ang katauhan nito. Napatihaya ako na napapangusong nakamata sa kisame. "Hindi kaya. . . anak siya ni Ninong Dwight? Kaya gano'n na lamang kalaki ang tiwala ni Daddy na ipaasawa ito sa akin? Could it be possible. . . na may alam si Daddy sa katauhan ni Haden? Imposible naman kasing. . . ipagkatiwala niya ako kay Haden ng gano'n-gano'n lang?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD