SOFIA:
TAHIMIK akong umiinom dito sa Bar namin sa Del Prado's Exclusive Bar. Pinili ko na munang mapag-isa dahil sa mga nangyayari. Ilang araw na rin ang nakakalipas.
Oras-oras, minu-minuto ay tinatawagan ko si Hades. Naghihintay na mag-reply o call back ito pero. . . hindi niya ni minsan ginawa. Sandamakmak na ang messages ko sa kanya. Kahit sa messenger niya ay mini-message ko ito. Mag-usap kami at ituloy ang kasal. O kahit ayusin lang namin ang relationship namin dahil hindi ko siya kayang binatawan ng gano'n-gano'n lang.
Damn! Ten f*****g years! Sampung taon kaming magkarelasyon at siya lang ang naging kasintahan ko sa tanang buhay ko. Akala ko ay kami na. Na kami ang magkakatuluyan sa huli. Pero heto at sa isang iglap lang ay hiniwalayan na niya ako at iniwan.
Hindi ko naman iyon ginusto. Aminado akong mali ako doon at nakahandang suyuin siya. Dahil hindi ko naman sinasadya na magpasiping sa kapatid niya. Malay ko bang hindi pala si Hades ang nasa silid niya noon. Hindi ko rin naman alam na darating noon ang nakababatang kapatid nito. Kaya wala akong ideya na ibang tao na pala ang katabi ko sa kama!
NAPAANGAT ako ng mukha na merong tumabi sa bakanteng high chair na katabi ko. Napahawi ako sa buhok kong tumabing sa mukha ko at umusok ang butas ng aking ilong na makilala ang tumabi sa akin.
"What are you doing here, huh?" may kadiinang asik ko.
Kinuha nito ang isa sa mga shot ko na nasa harapan ko at inisang lagok iyon. Napangiwi pa itong malasaan ang pait at init no'n sa lalamunan. Napahinga ito ng malalim bago bumaling sa akin.
"Are you done? Let's go," balewalang sagot nito.
Napangisi ako na uminom muli ng shot ko. Pagod ang mga mata nitong nakatitig lang sa akin. Na tila binabasa nito ang mga tumatakbo sa isipan ko.
"Umuwi kang mag-isa mo. I can manage myself," ismid ko na napairap dito.
Pero tila wala naman itong planong lubayan ako na kumuha muli ng shot ko at nilagok niya iyon ng pang-isahan.
"How old are you again?" tanong naman nito.
Napalingon ako dito na ngumisi ng ngising aso. Pero ngumiti naman ito na ikinalunok ko at nakadama ng biglaang pagbilis ng t***k ng puso ko.
"Twenty-eigth, why?" sagot ko na pina-normal ang tono.
Napanguso itong tumango-tango. Kahit iniirapan ko siya at binubusangutan ay tila hindi 'yon effective sa kanya.
"Twenty-eigth. . . mas matanda ka pala sa akin," anito na ikinaikot ng mga mata ko.
"So, what?"
Napangisi ito na humarap sa akin. Pinasadaan pa ako ng tingin mula sa red stilleto ko, at sa red strapless dress na suot ko, light make-up at nakalugay ang mahaba na alon-alon at kulay blonde kong buhok. Masyadong revealing ang suot ko na nakalitaw ang cleavage at mga braso. Mataas din ang slit sa legs ko kaya maging mga hita ko ay nakalantad at gan'to naman talaga ako manamit.
Of course. I'm an international model. Kaya palaging presentable at formal ang suot ko kahit saan ako magpunta. Kilala ako ng publiko hindi lang dahil sikat akong modelo kundi dahil kabilang ako sa angkan ng mga Montereal. Ang nangungunang pinakamayaman sa buong bansa. Kaya naman kilala ng lahat lalo na dito sa Pilipinas kung sino ang mga tagapagmana.
"Staring is rude," ismid ko na natutulala na ito sa pagpasada sa kabuoan ko.
Hindi na bago sa akin ang makitaan ng paghanga at pagnanasa ang mga lalakeng nakakasalamuha ko. Pero dahil faithful ako sa boyfriend ko ay ni minsan hindi ako na-attract sa ibang lalake. Kahit sa mga kaibigan at katrabaho ko bilang modelo.
Marami din namang nagtangkang manligaw sa akin. At hanggang ngayon ay meron pa rin. Hindi naman kasi alam ng publiko na may kasintahan na ako. Pero ni minsan ay hindi ako nag-allowed tumanggap ng suitors. Masyado kong mahal si Hades para gumawa ng ikakaselos o ikakasira ng tiwala niya sa akin.
"Then act base on your age. . . Ate."
Namilog ang mga mata ko na napalingon ditong ngumiti ng hilaw sa akin. Naningkit ang mga mata ko pero mas lalo lang namang lumapad ang ngiti nito na tila nang-aasar. Bwisit na herodes 'toh!
"Leave me alone, Haden. Baka masipa kita," madiing asik ko dito.
Bumaba ako ng high chair para makaiwas dito. Pero masyado ng naparami ang nainom ko gaya muntikan akong matumba sa sahig. Mabuti na lang at may matipunong braso ang kumabig sa akin at sa isang iglap ay heto at. . . nakabitin ako patiwarik!
"Urghh! Fvck you, herodes! Ibaba mo ako! Makakatikim ka talaga sa akin bwisit ka!" pagwawala ko pero patuloy lang itong naglakad palabas ng Bar habang nakasampay ako sa kanyang balikat!
Umiikot lalo ang paligid ko sa pagkakatiwarik ko at halos masuka na rin ako!
"Ibaba mo ako sabi!"
"Manahimik ka!" asik din nito na pinalo ang pisngi ng pang-upo ko!
Namilog ang mga mata ko na nag-init ang mukha sa pagpalo niya sa aking pang-upo. Mahina itong natawa na maramdamang natigilan ako sa kanyang ginawa.
"Damn you! How dare you to touch my butt!" asik ko ng matauhan ako.
Malutong lang naman itong napahalakhak na muling. . . pinalo ako sa pwet! Halos lumuwa ang mga mata ko dahil may papisil pa siya dahil bilugan nga naman ang pisngi ng pang-upo ko!
"Sinabing tumahimik ka eh. Parang pinalo ka lang sa pwet. Ang ingay mo. . . Ate."
Nag-igting ang panga ko sa isinagot nito lalo na't pinagdidiinan niya ang pagtawag sa akin ng. . . Ate!
"Bwisit ka! Pervert!" asik ko.
Napasapo ako sa ulo na sa wakas ay ibinaba ako nito. Gumewang pa ako sa pagkakahilo ko na kaagad namang ikinayapos nito sa baywang ko.
Natigilan ako na mapadikit dito at tila may libo-libong boltahe ng kuryente ang lumukob sa ugat kong ikinagising ng dugo ko. Ramdam kong maging ito ay natigilan na tila naramdaman din ang kuryenteng naramdaman ko.
Napatingala ako dito at uminit ang ulo ko na masilayan ang mukha niya. Ang mukhang kinaiinisan ko sa tanang buhay ko. Ang mukhang sumira lang naman ng masayang relasyon namin ng Hades ko!
"Aahhh!"
Napadaing ito na nasapo ang pisngi na mabilis at malakas kong sinampal.
"Para saan naman 'yon?!" inis nitong asik.
Ngumisi ako na humalukipkip na makitaan ito ng iritasyon sa mukha. Tila nagtitimpi lang siyang hwag akong saktan. Nagtaas ako ng kilay na nanatiling nakangising aso dito.
"For touching my butt! How dare you!" inis kong asik.
Natawa naman ito na tila hindi makapaniwala sa rason ko kung bakit ko siya nasampal.
"Alam mo. . . ? Nagtataka na ako kung paano ka natagalan ng Kuya Hades ko sa sama ng ugali mo. Mukha ka ngang anghel. . . pero may sungay ka naman sa kamalditahan mo," ingos nito na nagtungo sa black ducati bigbike motor nito.
"Sasakay ka o maglalakad ka?" baling nito sa akin na hindi kumikilos sa kinatatayuan.
"At bakit naman ako sasakay sa'yo? Huh? Manigas ka!" asik ko na naglakad sa gilid nitong highway.
"Bwisit! Nasaan na ba ang driver ko?" bulong ko na napapalinga sa paligid.
Usually ay nasa VIP ang kotse ko na nakaparada habang binabantayan ng driver ko. Pero wala na doon ang kotse ko na ikinakukunot ng noo ko. Huminto naman ito sa tapat ko na napangiti.
"Ako ang driver at bodyguard mo magmula ngayon."
"What!?"
Namimilog ang mga mata kong napabaling dito sa narinig. Nagkibit balikat lang naman ito na iniabot ang helmet sa akin na hindi ko tinanggap.
"Tawagan mo ang Daddy mo. Siya naman ang may utos na sunduin kita, maging driver at bodyguard mo ako magmula ngayon kahit saan ka pa magpunta," balewalang sagot nito.
Mariin akong napapikit na napahugot ng malalim na buntong hininga. Damn! Talaga bang pinaglalapit kami ng herodes na 'to!? Nakakainis na talaga!
"Sasakay ka ba? O iiwanan na kita? Pagod ako, Sofi. Gusto ko ng magpahinga pero heto at ipinasundo ka sa akin," saad nito na bakas sa tono ang iritasyon.
"Hindi ako sasakay sa'yo! Magta-taxi na lang ako kaysa sumakay sa cheap mong motor!" pagmamaldita ko na ikinangisi nito.
"Bahala ka nga sa buhay mo. Kapag ikaw tinangay ng masasakyan mong taxi at ginahasa sa bakanteng lote? Hinding-hindi ako darating para sagipin ka." Pananakot nito na ini-start na ang motor!
Namilog ang mga mata ko at binundol ng takot sa dibdib sa pagbabanta nito. Hindi naman kasi malabong mangyari iyon. Kaya nga may phobia na akong sumakay sa mga taxi dahil minsan na akong muntik ma-kidnapped noon na naglayas ako ng mansion.
"E-eto na!"
Taranta akong napasakay sa likurang bahagi ng motor nito na ikinahalakhak naman nito. Iiling-iling na iniabot sa akin ang helmet.
"Hindi ako sanay sumakay ng motor, huh!?" paasik kong paalala dito.
"No worries, Ate. Magaling ako sa larangang ito," sagot naman nitong ikinakurot ko sa tyan nito.
Pero dahil makapal ang suot niyang black leather jacket ay hindi nito naramdaman ang pagkurot ko.
"Kumapit ka," anito.
"No way. Why would I?" ismid ko na umusog ng upo palayo dito.
"Bahala ka nga," pagsusungit din nito na biglang pinatakbo ang motor!
"Ayt! Herodes!" tili ko na napayakap dito dala ng kabiglaan!
Malutong naman itong napahalakhak na kinagat ko sa leeg!
"Urghh! Masakit, ano ka ba! Nagmamaneho ako!" may kalakasang saad nito na mabilis pa rin ang patakbo sa motor.
Mahigpit naman akong nakayakap sa kanyang tyan kaya dikit na dikit ako sa kanya. Ayoko mang yumakap sa kanya pero ayoko rin namang mahulog noh?!
"Ang sabi ko, kumapit ka. Hindi 'yong yakapin mo ako," natatawang saad nito.
"Bwisit ka talaga sa buhay ko!"
Napahalakhak lang naman ito sa paasik ko.
"Oo na. Bwisit na kung bwisit. Bwisit ka rin naman sa buhay ko, Ate. Amanos lang tayo," natatawang saad nitong ikinainit lalo ng ulo ko.
Hindi na lamang ako umimik dahil kung hindi ako makapagpigil ay baka ako na mismo ang tatadtad dito ng pinong-pino para mawala na siya sa landas ko!
PAGDATING namin ng unit ay nandidito na nga ang mga maleta nito. Mariin akong napapikit na napasapo sa noo. Iisa lang kasi ang silid sa unit ko. Saan naman tutuloy ang herodes na dito?
"Sa laundry ka matulog. Doon ang gawin mong silid mo," ismid ko na sinipa ang maleta nito.
"No way. Ang sabi ni Tito Khiranz sa kwarto mo ako matutulog katabi ka. Dahil matigas daw ang ulo mo at paniguradong tatakasan at tatakasan mo ako para gumawa ka ng sakit ng ulo naming lahat."
Napakurap-kurap ako sa isinagot nito at pagak na natawang nagpamewang sa harapan nito. Pero kita namang hindi ito natatakot sa akin at hindi rin nagbibiro.
"Unit ko ito. Ako ang masusunod dito. Kapag sinabi kong sa laundry room ka tutuloy. Doon ka tutuloy. Naiintindihan mo!?" asik ko na naduro ito.
Napahinga naman ito ng malalim. Kitang pagod na pagod at sumusukong makipag debate sa akin. Hindi rin naman ako magpapatalo. Hindi ko siya hahayaang matulog sa kama ko. No way!
"Fine. Pero sa oras na tumakas ka? Isusumbong kita sa Daddy mo. Tignan ko lang. . . kung hindi niya puputulin lahat ng connection mo sa kanya." Sumusukong saad nito na nagbabanta ang tono.
Napaawang ang labi kong napasunod ng tingin dito. Kinuha niya ang tatlong naglalakihang maleta nito na hinila sa gawi ng laundry room sa may kusina. Natuod ako sa kinatatayuan na nakasunod lang ng tingin dito.
Seryoso ba siya? Doon talaga siya matutulog sa laundry room katabi ng cr? What the fvck!
"No, Sofi. Nagpapaawa lang ang kumag na 'yon. Gosh! Bahala siya sa buhay niya. Nakakainis naman kasi ang Daddy eh!" impit kong asik.
NAGDADABOG akong pumasok ng silid ko at tumuloy ng banyo. Hinubad lahat ng saplot at alahas ko bago nagbabad sa malamig na shower. Mukha ngang kinausap na siya ni Daddy. Kaya alam na alam kung paano niya ako takutin.
Kilala ko si Daddy. Kapag nagdesisyon iyon ay walang makakahindi. Kaya takot din kami ni Kuya Kieanne na sumuway dito. Minsan na niyang pinutol ang lahat ng connection ko. Lahat ng atm at credit card ko ay naka-block. Kaya wala akong choice noon kundi ang bumalik sa poder nito.
Hindi rin malabong gawin niya ulit iyon sa akin ngayon. Na tatanggalan niya ako ng connection sa kanya para maipit ako at mapasunod sa kanilang gusto.
Ilang minuto akong nagbabad ng shower at pinalamig na muna ang ulo ko bago lumabas na wala maski anong saplot. Kahit paano ay nakahinga ng maluwag na lumamig din ang temper ko dahil sa Haden na 'yon. Gosh! Ang galing magpainit ng ulo. Ang sarap niyang kalmutin at balatan ng buhay!
"Haden!? What are you doing here!?"
Halos mapatalon ako na hindi malaman kung anong tatakpan ko na mabungaran itong nandidito sa silid ko. Natigilan din ito na umawang ang bibig na makitang hubo't-hubad ako at hindi malaman kung anong tatakpan ko sa dibdib ba o ang p***y ko!
"Pervert! Bastos! Lumabas ka nga dito!" singhal ko na nakatakip sa kaselanan at dibdib ko.
Napangisi pa ito na matauhan at nagtaas ng kilay sa akin.
"Bastos? Eh ikaw itong nakahubad sa ating dalawa."
"Get the hell out of my f*****g room, herodes!" malakas na sigaw kong ikinahalakhak naman nito.
"Maka-herodes ka naman sa akin. Ang gwapo ko namang herodes," tumatawang saad nito na tumalikod na.
Dinampot ko ang sandal ko at mabilis na ibinato sa kanya. Pero tila naramdaman naman nito iyon na humarap at sinalo ang sandal ko na napapangisi.
"Fvck you! Get out!" duro ko pa dito.
"Fvck me? Sorry to disappoint you, Ate, pero. . . hindi na kita papatulan," natatawang saad nitong ikinainit na naman ng ulo ko.
Para akong mapuputukan ng ugat sa sentido sa unang gabi pa lang ng herodes na ito dito sa poder ko!
"I hate you!" singhal ko na umuusok na ang ilong sa galit!
"I hate you too," ngisi nito bago tuluyang isinarado ang pinto.
Para akong matatakasan ng bait na napunta ang isang hudas na ito sa buhay ko!
"Urghh! I really hate that man!"