SOFIA:
NAPAINAT ako ng mga braso na nagpagulong-gulong sa maluwag at malambot kong kama. Naniningkit ang mga mata na napaangat ng mukha. Maliwanag na at mataas na rin ang sikat ng araw na kita mula sa glass wall ko.
Tinatamad akong bumangon at nagtungo ng banyo para gawin ang morning routine ko. Matapos kong maglinis ng katawan ay nagsuot lang ako ng roba na lumabas ng silid.
Naipilig ko ang ulo na napakatahimik ng unit. Naalala ko naman si Haden na mapansing wala siya dito.
"Nasaan na naman kaya ang herodes na 'yon?" aniko na nagtungo ng kusina.
Natigilan ako na madako ang paningin sa mesa at. may nakahanda ng pagkain doon. Natatakpan ng plastic cover at may sticky note pa. Kumuha na muna ako ng fresh milk sa fridge bago naupo ng silya. Nagsalin ako sa baso ng gatas na kinuha ang sticky note na sulat kamay nito.
"May lason 'to, Ate. Kainin mo para mabalo na ako."
Naibuga ko ang nainom kong gatas na mabasa ang sinulat nito.
"Urgh! What the fvck, herodes! Bwisit ka talaga!"
Nanggigigil kong nilakumos ang sulat nito na ibinato. Mariin akong napapikit na nagpunas ng ilong ko dahil tumulo doon ang gatas na nainom ko kanina sa pagkakasamid ko.
"Malilintikan ka talaga sa akin, herodes ka."
Nanggigil kong kinain ang luto nito. Fried rice with a lot of veggies. Carrot, potatoes, corn, ham, and egg.
Napangiti ako na malasaan ang niluto nito. Ito lang naman kasi ang niluto niya. Ni hindi na nagluto maski bacon o hotdog manlang sana. Pero infairness. . . ang sarap ng luto niya.
"Oh my God!"
Natutop ko ang bibig na maalala ang sulat nito. Napainom kaagad ako ng fresh milk sa bote nito na napatayo habang hawak ang tyan ko.
"May lason nga kaya ito? Seriously?"
Kumabog ang dibdib ko na napatitig sa natirang sinangag sa bowl. Ni hindi ko napansing halos maubos ko na dahil masarap naman kasi ang pagkakaluto niya.
Naigala ko ang paningin pero maski kaluskos ay wala akong marinig. Malalaki ang hakbang na nagtungo ako ng laundry room.
"Herodes!?"
Natigilan ako na makitang nandidito pa rin naman ang mga gamit niya. Naipilig ko ang ulo na lumabas muli at tinungo ang cr na katabi ng laundry room. Pero tuyong-tuyo naman ang sahig na tandang kanina pa ito nagamit.
Napapanguso akong lumabas na inilibot ang paningin. Kita naman dito sa sala kung may tao sa balcony pero wala ito doon. Maayos na ring nakatupi ang kumot na ginamit nitong iniwan dito sa mahabang sofa.
Napaupo ako ng sofa na nahaplos ang kumot nito. Saan naman kaya nagpunta ang hudas na 'yon? Ni hindi manlang marunong magpaalam. Hudas nga. Bwisit siya.
ILANG oras akong paikot-ikot ng unit. Nakabukas ang flat screen TV pero hindi naman ako nanonood. Hindi ako mapakali sa isang tabi. Panay ang sulyap ko sa relo ko at sa pinto. Umaasang darating na ang herodes pero. . . walang nagbubukas ng pinto.
Mariin akong napapikit na naihilamos ang palad sa mukha. Wala pa naman akong cellphone number ng hudas na 'yon para matawagan ko kung nasaang lupalop na naman siya ng mundo. Ipadala ko 'yon sa ibang planeta eh!
Nagngingitngit ang mga ngipin ko sa sobrang inis! Biruin mo, maghapon akong naghintay sa herodes na 'yon! Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako naghihintay sa bwisit na 'yon. Nakakainis! Ang sakit niya sa ulo. Urghh!
NAGDADABOG akong naligo at nagbihis ng revealing black strapless dress. Pinaresan ko ito ng black stiletto at saka inilugay lang ang mahaba at alon-alon kong buhok. Nagpahid din ako ng light make-up sa mukha ko at naligo ng Victoria's secret perfume na gamit ko.
Bahala nga siya sa buhay niya. Malaki na siya at bahala na siyang maghanap ng matutulugan niya ngayong gabi. Parusa niya 'yon sa paglabas ng unit na hindi manlang nagpapaalam.
Nakahalukipkip ako na napapanguso habang pababa ang elevator ng lobby. Mabuti na lang at wala akong kasabayan dahil mainit pa ang ulo ko. Baka kung sino na naman ang mapagbalingan ko ng inis at mapaaway pa ako.
Akmang palabas na ako ng elevator na matigilang mahagip ng paningin ko ang pamilyar na mukha. Magiliw na nakikipag kwentuhan sa tatlong babaeng nasa front desk nitong lobby. Parang mga kiti-kiti pa ang mga ito na kinikilig sa kaharap!
Naningkit ang mga mata ko na naikuyom ang kamao. Malalaki ang hakbang na lumapit sa gawi ng mga ito.
"Herodes?"
Natigilan ang mga ito sa paghaharutan na magsalita ako. Humalukipkip ako na nakataas ng kilay sa mga ito. Napalingon naman sa akin ang herodes na 'to at unti-unting napalis ang matamis niyang ngiti.
"OMG! Ma'am Sofi! Pa-picture naman po kami. Idol po namin kayo," napapatiling irit ng mga babae sa front desk na makilala ako.
"Idol niyo ako, huh? Pero kung magpa-cute kayo dito sa asawa ko, para kayong may sili sa pwet na hindi mapakali." Pagmamaldita ko.
Namilog ang mga mata ng mga ito na nagkatinginan. Bakas ang kagulatan sa mga mata nila sa naisaad ko.
"May asawa na po kayo?" bulalas pa ng mga ito.
Napapikit akong nasapo ang noo. Maging si herodes ay nakatulala sa akin na bakas ang kabiglaan. Bwisit! Bakit ko ba kasi nasabing asawa ko ang hudas na 'to? Eh hindi pa naman kami kasal. Excited lang, Sofi?
Napahinga ako ng malalim. Kiming ngumiti sa mga ito na napangiti na rin sa akin. Nakalarawan ang kamanghaan sa kanilang mga mata na makita ako.
"Yes, Haden is my husband. Better shut your mouth dahil oras na inunahan niyo akong ipaalam sa publiko ang tungkol sa asawa ko? Kakasuhan ko kayo, is that clear?" saad ko na may kariinan.
"Yes, Ma'am!"
Napapayuko pa ang mga ito na tumango-tango.
"Good." Aniko.
Bumaling ako kay Haden na nakatulala pa rin sa akin.
"And you, herodes. Come with me." Aniko na hinila na ito sa kurbata niya.
Napapalapat ako ng labi na napapairit pa ang mga babaeng iniwan namin. Kitang kinikilig sila sa amin ng herodes na 'to.
"Sofi--"
Natigilan ito na dumapo kaagad ang palad ko sa kanyang pisngi. Napatagilid ang ulo nito na namula at bumakat ang palad ko sa pisngi nito. Natutulala naman itong nahaplos ang pisngi na nilingon ako.
"Saan ka galing, huh?" may kadiinang asik ko.
"Sampal agad? 'Di ba pwedeng magtanong ka na muna bago ka manampal?" asik din nito na nahihimas ang pisngi.
"It's your fault! Hindi ka nagpaalam na lalabas ka. Maghapon kang wala!" asik ko din para takpan ang guilt kong nasampal ko siya sa inis ko dito.
"Wow. Hindi mo ba nakikita, huh? Galing akong trabaho ko. Nakatulog ka pa kaninang umaga kaya hindi na kita ginising. Alangan namang bitbitin kita at dalhin sa headquarters namin? Nagluto naman ako ng agahan mo bago ako umalis ng unit ah." Paliwanag nito.
Napalapat ako ng labi na bakas sa mukha nito ang iritasyon. Ngayon ko lang napasadaan ang itsura nito. Naka-uniporme nga naman ito ng pang-pulis. Napakakisig niya tuloy sa uniporme nito. Ang lakas ng datingan niya lalo na't nakabakat kung gaano kaganda ng pangangatawan nito. Naka-wax din ang buhok at napakalinis ng mukha.
"Sorry na. Hindi ko ba nabanggit sa'yo kagabi na may trabaho ako?" anito sa mababang tono.
Napahinga ako ng malalim. Napatitig dito na matamis na ngumiting ikinalunok kong makadama ng pagbilis ng t***k ng puso ko. Naningkit ang mga mata ko na maalala na nakikipag kwentuhan ito kanina sa mga babae sa front desk na ikinainit na naman ng ulo kong kalalamig lang.
"Urghh! Bakit na naman?" daing nitong tanong na napahawak sa tyan dahil sinikmuraan ko lang naman.
"Ang landi mo kasi. Imbes na tumuloy ka ng unit, inuna mo pang makipaglandian sa mga haliparot d'yan. Bwisit ka talaga eh, huh?" asik ko.
"What?" natutulala naman itong tila hindi makapaniwala sa dahilan ko kung bakit ko siya sinuntok sa tyan.
Nagdadabog akong tinungo ang kotse ko. Napasunod naman ito na pinigilan ako sa braso. Natigilan akong napalunok na madama na naman ang pamilyar na emosyong lumukob sa dibdib ko. Na para akong nakuryente sa paglapat ng balat namin.
Napatingala ako dito na tinaasan siya ng kilay. Napangiwi naman ito na kakamot-kamot sa ulong binawi ang kamay.
"What?" taas kilay kong tanong.
"Saan ka pupunta?" tanong nito na pinasadaan pa ang kabuoan ko na napalunok.
Napangisi ako na mapasulyap siya sa dibdib ko at napapalunok na makita ang nakalitaw kong cleavage sa lalim ng vline ng suot ko.
"Sa Bar."
"Bar? Anong gagawin mo doon?" may halong panenermon nitong tanong na lalong ikinangisi ko.
Napalunok ito na idinantay ko ang palad sa malapad niyang dibdib.
"Manlalalake. Bakit?" nakangising sagot ko.
Napakurap-kurap pa ito sa isinagot kong ikinahagikhik ko.
"S-seryoso ka ba? Kanina lang pinakilala mo ako doon na asawa mo ako. Nasampal mo pa nga at nasikmuraan ako. At ngayon magpapaalam kang manlalake ka?" bulalas nito na tila hindi makapaniwala.
"Bakit, hindi ba malinaw ang deal natin kagabi, hmm? Na open kang mambabae at gano'n din sa akin. Mag-iingat ka lang. Hwag kang magpapahuli," pagpapaalala ko sa usapan namin kagabi.
Umasim naman ang mukha nito na napailing at pinitik ako sa noo.
"Aww! Bwisit na 'to," asik kong napahaplos sa noo ko.
Napangisi naman ito na ikinasama ng tingin ko sa kanya.
"Anong deal? Hindi ako pumayag, noh? Uwi na."
Napakurap-kurap ako sa sinaad nito. Hinawakan nito ang kamay ko na hinila na ako papasok ng condominium.
"Teka, anong hindi ka pumapayag? Saka pwede ba. . . ? Bitawan mo nga ako. May pupuntahan ako eh!"
Pilit kong binabawi ang kamay ko pero mahigpit nito iyong hawak.
"Hindi. Hindi ako pumayag sa offer mo at gabi na, okay? Gusto ko ng magpahinga."
"Bwisit ka! Kung gusto mong magpahinga? 'Di magpahinga ka. Bakit mo ako dinadamay!"
Napapitlag ako nang akbayan ako nito na yumuko bahagya sa punong-tainga ko. Napalunok ako na makadama ng libo-libong boltahe ng kuryente na sumagi sa tainga ko ang mga labi nito at ang mainit niyang hininga.
"Behave, Ate. Maraming nakatingin. Ikaw din. . . pagpyestahan ka ng mga reporter." Bulong nito.
Nag-igting ang panga ko na hilaw na ngumiti at yumapos sa baywang nito sabay kurot ng pinong-pino.
"Urghh, ang sakit, ano ba?" impit nitong daing.
Napalapad ang ngiti ko na tiningala itong napapangiwi na at kitang nasasaktan nga sa pinong pagkurot ko sa tagiliran nito. Para na nga itong maiiyak sa kanyang itsura.
"Behave, herodes. And smile, hmm? Maraming nakatingin sa atin. Gusto mo bang ang pangit mo sa mga kuha nila?" bulong kong pang-aasar dito.
"Bitawan mo na kasi. Ang sakit," impit nitong bulong.
Ngumisi lang ako na hindi pa rin binibitawan ang tagiliran nitong kurot ko.
"Bitaw na, isa," madiing banta nito.
Umiling lang ako na napakahilaw ng ngiti ko dito. Napalapat ito ng labi na napalingon sa paligid. Pinagtitinginan na kasi kami dito sa lobby at ang iba ay kinukunan kami ng video nito.
Malalaki ang hakbang na iginiya ako nito sa elevator. Napapahagikhik naman ako na hindi ito binibitawan.
"Dalawa, bitawan mo na sabi," madiing asik nito.
Nagtaas lang ako ng kilay na ngumiti ditong pulang-pula na ang mukha. Nakabulatay sa gwapong mukha ang sakit ng pagkakakurot ko ng pinong-pino sa kanyang balat.
"Ayaw mo?"
"Ayoko."
Ngumisi ito na kinuha ang kamay ko. Napalunok naman ako na makita ang naglalarong pilyong ngiti sa kanyang mga labi. Namilog ang mga mata ko na isinuot nito ang kamay ko sa kanyang bulsa at ipinadakma ang. . . ibon nito!!
"Ayt! Herodes, bwisit ka talaga! Manyak!" tili ko na pilit binabawi ang kamay ko.
Napahalakhak naman ito habang nagpapapadyak na ako ng mga paa. Pilit kong kinukuha ang kamay kong hawak nito pero masyado siyang malakas at sinasadyang isagi ang kamay ko sa kanyang sandata!
Napapatili ako sa tuwing nasasagi ko ang sandata nito na ikinahahalakhak naman nitong tuwang-tuwa na pinagti-trip-an na naman ako!
"Bastos! Bitawan mo ang kamay ko!"
"Ayoko."
"Bitaw sabi!"
"Ayoko nga."
"Ayaw mo?"
"Ayoko."
Napapikit akong napahinga ng malalim. Parang puputok na ang ugat ko sa sentido sa pagpapainit na naman nito ng ulo ko!
"Ayaw mong bitawan, huh? Fine." Ngisi ko.
Natigilan ito na nabitawan ang kamay ko na napalunok. Mas lumapad naman ang ngisi ko na itinulak ito sa dibdib kaya napasandal siya ng elevator.
"S-Sofi, a-anong binabalak mo?" nauutal nitong tanong.
Nagtaas ako ng kilay at lakas loob na sinapo ang p*********i nitong ikinapitlag nitong namimilog ang mga mata, fvck!
Dahil sa inis ko dito ay pikit mata kong sinapo ito sa alaga para magtigil at makabawi manlang ako sa pagkasutil nito!
"S-Sofi, a-ano ba? May makakita sa atin. Ohh, s**t! Hwag mong pigain. Hindi 'yan sponge!" impit nitong daing.
Napahagikhik ako na paulit-ulit pinipiga ang alaga nitong ikinangingiwi nito na kitang nasasaktan.
"Ano ba? Pag 'yan tumigas babarilin kita." Makahulugang pagbabanta nito.
Natigilan ako na mahimigan ang punto nito. Kaagad akong nagbawi ng kamay na maramdamang ang kaninang malambot niyang ibon ay unti-unting. . . tumigas!
"Manyak!" asik ko na nandidiring nagbawi ng kamay na ipinunas sa damit ko.
Napahalakhak pa itong nagtataas baba ng kanyang mga kilay na lalong ikinaiinit ng ulo ko dito.
"Manyak? Ikaw itong manghihipo eh," tudyo nito na ikina-igting ng panga ko.
"I really hate you to the moon and back! Urghh! Nakakainis na talaga!" pagwawala ko na nasabunutan ang sarili .
Mariin akong napapikit na napasipol pa itong tila tuwang-tuwa na nagbubuga na naman ang tao ng apoy! Nakakainis na talaga ang lalakeng 'yon. Urghh!
Nanggigigil akong dinampot ang teddy bear ko na ipinaghahampas iyon sa kama. Iniisip na si Haden ito at nilalabas ang inis ko dito. Damn him! Ang sarap niyang tadtarin ng pinong-pino!
Nakakainis ang lalakeng 'yon. Bakit ko pa kasi nakilala eh! Kung gaano kalambing at kakalmado si Hades? Ibang-iba naman sa bwisit na Haden na 'to na magaling mangbwisit at magpainit ng ulo ko. Gosh! Ngayon pa lang ay namomroblema na ako sa kanya. How much more kapag kasal na kaming dalawa!?