HADEN:
UMUWI ako ng probinsya namin dahil sa engagement party ni Kuya Hades. Limang taon ko na ring hindi nakakasama ang pamilya ko dahil sa tungkulin ko sa bansa. Sa Bataan kasi ako naka-destino kaya malayo ako sa pamilya ko dito sa Tarlac.
Masaya ako dahil ikakasal na rin sa wakas ang kapatid ko. Alam ko naman kung gaano niya kamahal ang nobya niya. Si Ms Sofia Montereal. Matagal ng magkarelasyon ang dalawa. Pero ni minsan ay hindi ko pa nakita sa personal ang nobya nito. Noong nag-aaral pa lang ako ay hindi naman dinadala ni Kuya ang kasintahan sa bahay. Pero alam naming mula sa angkan ng pamilya Montereal ang nobya niya. Ang pamilyang nangungunang pinakamayaman sa buong bansa.
Hanggang sa naging ganap na akong pulis at nadestino sa malayo. Kaya wala akong ibang pamimilian kundi ang mailayo sa pamilya ko. Hindi rin ako basta-basta nakakauwi kahit pa araw ng pasko o bagong taon. Nagkakasya na lamang kami sa video call ng pamilya ko.
Sa aming magkapatid ni Kuya Hades ay mas pinapaburan ito nila Mama at Papa. Tanggap ko na 'yon dahil adopted child lang naman kasi nila ako. Anak ako ng nakababatang kapatid ni Mama na namatay dahil sa pagsilang sa akin. Ang ama ko? Hindi ko na nakilala pa at wala na akong pakialam sa kanya.
Binibigay naman nila Mama at Papa ang lahat ng kailangan ko. Kaya hindi na rin ako humihingi sa kanila dahil nahihiya din akong mag-demand sa kanila. Malaking bagay na na sila ang umampon sa akin. Inaruga, pinakain, dinamitan, pinag-aral. Kaya wala akong maisusumbat sa kanila. Hindi man buo ang pagmamahal nila sa akin? Ang mahalaga ay binibilang nila akong myembro ng pamilya.
NAPAHILAMOS ako ng palad sa mukha. Mahapdi pa ang labi at kilay kong pumutok mula sa pagsuntok sa akin ni Kuya Hades kanina. Hindi ko rin maintindihan ang nga nangyayari. Hindi ko alam kung paanong. . . naikama ko ang fiance ni Kuya.
Galit na galit silang lahat sa akin. Pero kahit anong piga ko sa utak ko na inaalala kung paano kami humantong sa kama ni Ms Sofia ay hindi ko maalala. Pero dahil na rin sa naabutan kaming hubo't-hubad na magkatabi sa kama. Idagdag pang may bahid ng dugo ang kobrekama na hinigaan namin ay walang maniniwalang walang namagitan sa amin nito.
Hindi ko alam kung paano basagin ang nakabibinging katahimikan sa pagitan namin. Kanina pa lumabas ang pamilya namin at hinihintay kaming makapag-usap nito pero. . . kapwa lang kaming tahimik. Nagpapakiramdaman sa isa't-isa.
Mariin akong napapikit na humingang malalim. Gulong-gulo man ay kailangan ko ng harapin ito. Walang mangyayari kung mananahimik lang ako.
"Anong plano mo?" basag ko sa katahimikan namin.
Napahinga naman ito ng kay lalim. Nakatulala sa sahig na nakaupo sa gilid ng kama. Napasulyap ako dito. Napakaganda pa pala niya sa personal lalo na sa malapitan. Pero kakaiba ang lungkot na nakalarawan sa maganda niyang mukha. Namumula na rin ang ilong, mata at pisngi nito dala ng pag-iyak. Para namang kinukurot ang puso ko na mapatitig dito.
Alam kong mahal na mahal niya si Kuya at sila naman talaga ang dapat magpakasal. Pero dahil sa nangyari ay heto. . . nasira ang lahat. Sampung taon. Sampung taon din silang magkarelasyon ni Kuya. Kaya hindi biro ang nangyaring ito sa kanila. Lalo na't. . . gusto nila kaming ipakasal sa isa't-isa.
"I don't know. I don't know what to do anymore. Hindi dapat ito nangyari. Please, kausapin mo naman si Hades. Explain to him what really happened. Mahal na mahal ko ang Kuya mo at siya lang ang gusto kong pakasalan," anito na puno ng pagmamakaawa ang boses at mukha.
Mapait akong napangiti. Nangilid ang luha na nakamata dito. Hindi ko alam pero. . . may parte sa puso ko ang parang kinukurot sa pakiusap nitong kausapin ko si Kuya.
"Hindi sila naniniwala sa akin. At kahit wala akong maalala ay sapat ng ebidensya ang makita tayong magkatabi sa kama na walang saplot. Idagdag pang. . . may bahid ng marka ang kobrekama na hinigaan natin. Hindi ko na rin alam kung anong gagawin ko. Dahil sa totoo lang. . . ? May girlfriend ako sa Bataan. At plano ko na rin siyang. . . alukin ng kasal," sagot ko.
Totoo namang may kasintahan na rin ako sa Bataan. Si Lalyn Savedra. Isang public teacher na katabi lang ng headquarters namin ang paaralang pinapasukan nito. Tatlong taon ko na siyang kasintahan at halos magsama na kami sa iisang bubong. Kaya naman plano ko na rin siyang alukin ng kasal. Gusto ko na ring bumuo ng pamilya kasama ito. Pero heto at kay laki ng problemang dumating sa amin ni Kuya.
Dahil sa isang gabing pagkakamali? Sira pareho ang magandang relasyon namin sa dalawang babae. Maging sa magandang relasyon namin bilang magkapatid. Napalapat ako ng labi nang napayuko ito at humikbi. Parang kinukurot ang puso ko na may babaeng umiiyak ngayon dahil sa kagaguhan ko. Hindi ko malaman kung paano siya aluhin. Nahihiya ako sa kanya at naiilang na mahawakan siya.
ILANG minuto kaming natahimik. Tumigil na rin ito sa kakaiyak. Nagpahid ito ng luha na tumayo. Napaangat naman ako ng mukha na napatitig ditong namumugto na ang mga mata. Pilit itong ngumiti na nagbawi ng tingin.
"Let's talk to them. Maaayos pa naman siguro natin ito. Basta hindi ako makakapayag na hindi matuloy ang kasal namin ni Hades. Gumawa ka ng paraan. Dahil oras na hiwalayan na ako ng Kuya mo at matuloy ang kasal natin? Sisiguraduhin kong. . . magdudusa ka sa piling ko. . . Haden."
Natulala ako sa sinaad nitong puno ng kadiinan at pagbabanta. Nababalot na rin ng galit ang mga mata niya. Isang matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin bago ako iniwanan at lumabas ng silid. Napahilamos na lamang ako ng palad sa mukha. Mapait na napailing sa sarili.
"Tingin mo ba gusto ko ring magpakasal tayo? May mahal din akong naghihintay sa akin. May mahal din akong gustong sa kanya makasal ako." Aniko na puno ng pait.
Tumayo na ako at lumabas ng silid. Kung alam ko lang na gan'to ang kahahantungan ng pag-uwi ko? Hindi na sana ako umuwi pa. Kaysa naman nakauwi nga ako at nabisita ang pamilya ko pero. . . sira naman ang relasyon namin ng kapatid at mahal ko.
Kakamot-kamot ako sa ulo na bumaba ng hagdanan. Nandidito na silang lahat sa sala. Masinsinang kinakausap nila Mama at Papa si Kuya. Nakayuko ito na humahagulhol. Nasa tabi naman ni Ms Sofia ang mga magulang. Luhaan na nakatitig sa nobyo na kaharap nila ng mga magulang niya.
Nangangatog ang mga tuhod ko na lumapit sa mga ito. Hindi ko tuloy malaman kung saan ako uupo. Sa tabi ba ni Ms Sofia? O sa tabi ng mga magulang ko.
Pero sa huli ay naupo ako sa pang-solo-hang couch. Kung saan pinapagitnaan ng magkabilaang panig. Napatikhim si Mr Montereal na ikinatuwid namin ng upo. Maging si Kuya ay nagpahid na ng luha at umayos ng upo.
Para akong matutunaw nang sabay-sabay silang napalingon sa akin. Hindi ko naman malaman kung anong sasabihin.
"Our decision is final. You're going to marry my daughter, young man. Hindi ako makakapayag na maagrabyado ang anak ko. Ayaw ding panindigan ng Kuya Hades mo dahil hindi nga naman si Hades. . . ang gumalaw sa anak ko. Iningatan niya ang Sofia namin sa loob ng sampung taon. Pero heto at sinira mo ang relasyon nilang dalawa. Nand'yan na 'yan. Hindi na natin maibabalik ang nasira na. Ang nangyari na. Pakasalan mo ang anak ko sa lalong madaling panahon, Haden. Naiintindihan mo?" madiing saad ni Mr Montereal.
Sunod-sunod akong napalunok. Napalingon kina Mama at Papa. Pero walang emosyon ang mga mata nilang nakatitig sa akin. Habang si Kuya ay napakatalim ng ginagawad na tingin. Na para na niya akong pinapatay sa kanyang isipan.
Nagbaba ako ng paningin. Para akong malulusaw dito sa kinauupuan ko lalo na't nakamata silang lahat sa akin. Nahihirapan akong tumango bilang sagot.
"No! I don't! Hindi ako magpapakasal sa lalakeng 'yan! Ni hindi ko nga siya kilala! Lalong-lalo ng. . . hindi ko siya mahal!" pagwawala ni Ms Sofia na naduro-duro ako.
Tumayo ako na sinalubong ang mga mata nitong puno ng galit. Kuyom ang kamao ko na nakipagtitigan dito.
"Tingin mo ba gusto ko rin ito, huh? Ayoko rin sa'yo dahil may girlfriend na ako! Pero heto at nagkandaleche-leche na tayong lahat! Hindi lang ikaw ang nahihirapan dito. Oo, ikaw ang agrabyado dahil babae ka. Pero hwag mo namang isisi sa akin ang lahat! Hindi ko rin ito ginusto. Ni hindi ko nga maalala kung paano kita naikama!" May kadiinang asik ko na hindi ko na napigilan pa.
Napatagilid ang mukha ko sa isang malakas na mag-asawang sampal na nagmula dito. Galit na galit ang mga mata at kitang nanginginig na ang katawan. Kaagad namang inawat ito ng mga magulang niya at inilayo sa akin.
Napatiim bagang ako na naikuyom ang kamao. Hindi ko na rin mapigilan ang damdamin ko. Galit na rin ang naghahari ngayon sa puso ko. Gulong-gulo ako. Pero heto at pinagkakaisahan na nila ako. Na parang kasalanan ko ang lahat ng kaguluhang nangyayari ngayon.
"Hwag kang bastos, Haden. Panindigan mo si Sofia. Dahil kinuha mo na ang hindi mo dapat kinuha sa kanya," maawtoridad na saad ni Papa.
Napalapat ako ng labi. Nagpipigil ng galit at pagtulo ng luha ko. Sa mga nangyayari kasi ngayon ay. . . tuloy ang kasal. Gusto man namin ni Sofia o ayaw namin.
"Lalayo na lang po muna ako. Sobrang sakit sa akin ng nangyaring ito. Sige po. . . pina. . . pinapaubaya ko na ang desisyon sa inyo. Durog na durog na ang puso ko. Hindi na ako makapag-isip ng tama. Galit na galit ang puso ko. Kung paanong. . . ang kapatid ko ay inagaw sa akin sa isang iglap. . . ang sana'y magiging asawa ko." Luhaang saad ni Kuya Hades na tumayo at iniwanan na kaming lahat.
"Hades, mag-usap muna tayo, love. Makinig ka naman sa akin," humihikbing paghabol ni Ms Sofia dito
Pumihit ito paharap sa nobya. Pilit na ngumiti na niyakap itong napahagulhol sa dibdib niya. Hindi ko na rin mapigilan ang pagtulo ng luha ko habang nakamata sa kanila. Na kitang-kita ko. . . kung gaano nila kamahal ang isa't-isa.
"Love, please? Don't leave me. You know that I can't live my life without you. Please, Hades. Ayusin natin ito, love. Please?" pagsusumamo ni Ms Sofia dito.
Akmang luluhod pa ito na kaagad pinigilan ni Kuya Hades. Ikinulong niya sa kanyang kamay ang mukha ng nobya na humihikbi. Ngumiti at mariing hinagkan ito sa noo. Hinaplos niya ito sa ulo na may ngiti sa mga labi.
"Mahal na mahal kita, Sofi. Pero. . . hindi siguro talaga tayo ang para sa isa't-isa. Take good care of yourself. Magpakasal na kayo. Hindi ko 'yon kayang makita kaya. . . lalayo na lang ako. Goodbye." Ani Kuya na hinagkang muli sa noo ang nobya bago tuluyang lumabas ng bahay.
"N-no," nanginginig na sambit ni Ms Sofia at nanghinang napaupo ng sahig.
Kaagad naman itong dinaluhan ng mga magulang niya na tuluyang napahagulhol sa dibdib ng kanyang ama. Tahimik kami nila Mama at Papa na nakamata sa kanila. Hanggang sa tumahan na rin ito na inakay nila Mr at Mrs Montereal dito sa sofa. Mugtong-mugto na nga ang mga mata nito pero patuloy pa rin sa pagtangis.
Napahinga ako ng malalim. Pinapakiramdaman ang mga kasama. Kahit naman kasi tutol ako ay tuloy na tuloy na ang kasal namin ni Ms Sofia. Hindi ko ito ginusto pero. . . nandidito na.
"Ready yourself. Kailangan mong mapakasalan si Sofi sa linggong ito. At tungkol sa trabaho mo? Ako ng bahalang magpalipat sa'yo sa syudad para hindi ka mailalayo sa anak ko," ani Mr Montereal sa maawtoridad na tono.
Hindi na ako umimik pa at tanging pagtango lang ang naisagot ko. Kahit naman kasi tumutol ako ay wala na rin akong magagawa pa. Matutuloy ang kasal namin ni Ms Sofia kahit tumanggi pa kaming dalawa.
Tumayo na sila na akay si Ms Sofia. Pero lumapit muna ito sa akin na bumulong sa punong-tainga ko.
"This is war. Sisiguraduhin kong. . . dudurugin kita ng buong-buo sa mga kamay ko. Inspector Haden San Diego." Madiing bulong nito na nagbabanta.
Ngumisi ito ng nakakaloko na pinasadaan pa ako ng nakakainsultong tingin mula ulo hanggang paa na napailing.
"Not bad. Iisipin ko na lang. . . may aso akong alaga," pang-uuyam pa nito na ikinasinghap ng mga magulang namin.
Matalim na irap ang iniwan nito sa akin bago nagpatiuna ng lumabas ng bahay. Napasunod naman ang mga magulang nito dito kaya naiwan na kami nila Mama at Papa.
Naikuyom ko ang kamao na nakasunod ng tingin dito. Alam ko namang galit siya. Naiintindihan ko ang part niya. Pero hindi naman yata tama na sa akin lahat isisi kung bakit may namagitan sa amin. Damn! Kung hindi siya nakitabi sa akin kagabi? Wala naman sanang mamamagitan sa amin. Tandang-tanda ko namang wala akong kasama sa silid kagabi. Kaya nakatitiyak akong pumasok siya doon kung kailan nakatulog na ako.
Napasabunot ako sa ulo na pilit inaalala ang mga nangyari. Pero nakakainis lang dahil hindi ko talaga matandaan kung may namagitan nga ba sa aming dalawa ng Sofia na 'yon. Nanghihina akong napaupo ng sofa.
Napailing lang naman sa akin si Mama na kita ang disappoinment sa mga mata nito. Nahihiya akong nagbaba ng paningin. Ang laking gulo ng nagawa ko. Sana pala. . . sana pala hindi na lamang ako umuwi ng probinsya. Hindi ko sana nasira ang relasyon ni Kuya at fiancee niya.
Mariin akong napapikit na parang pinipiga sa puso ko na maalala ang mahal ko. Namuo ang luha sa mga mata ko na nagu-guilty sa puso ko.
"I'm sorry, Lalyn. Hindi ko na. . . matutupad ang kasal na pangarap natin."