HADEN:
MAAGA akong nagising kahit halos nasa dalawang oras pa lang ang tulog ko. Napatitig naman ako sa katabi kong parang sanggol sa pagkakahimbing. Nakatagilid ito ng higa na nakasiksik sa dibdib ko. Nangangalay na nga ang braso kong ginawa nitong unan nito habang nakakulong siya sa bisig ko.
Ang babaeng ito. Kunwari pang kinasusuklaman ako pero heto at gusto rin namang magpayakap sa akin. Komportableng-komportable nga siya na parang kuting na nakasiksik sa dibdib ko.
Kagat ang ibabang labi na marahan siyang hinaplos sa ulo. Nangingiti na pinagmamasdan ito. Napakaamo ng mukha niya lalo na't nahihimbing pa siya. Para siyang anghel na bumaba sa lupa. Ibang-iba kapag gising na dahil lumalabas ang sungay niya pagdating sa akin.
"Uhmm," mahinang ungol nito na napabusangot.
"Good morning, wifey," bulong ko na pinagbunggo ang tungki ng ilong namin.
Napapalapat ako ng labi at nagpipigil matawa na napatingala itong nakabusangot na maramdaman ako.
"Bangon na, sleepyhead," bulong ko.
"Uhmm," tanging ungol lang naman nito.
Maingat ko itong inilipat sa unan at binawi ang braso kong nangangalay na. Bumangon na ako ng kama na lumabas ng silid. Napapahikab pa ako at medyo sumasakit ang sentido ko dala ng puyat.
Nagtungo ako ng kusina at nagtimpla na muna ng kape bago sinimulang magluto ng agahan. Mamayang alas-dyes pa naman ang kasal namin ni Sofi na magaganap sa isa sa kanilang hotel.
Private wedding ito na sa rooftop ng hotel nila gaganapin. Tanging pamilya at mga kaibigan nga lang namin ang imbitado. At sa side ko? Tanging sina Mama at Papa lang ang inaasahan kong dadalo.
NAPAHINGA ako ng malalim habang nagluluto na sinasabay magkape. Napapaisip kung darating kaya sila Mama at Papa mamaya sa kasal ko. Hindi ko pa natutukoy kay Sofi ang pagpunta nila noong nakaraan sa opisina ko. Kahit ayaw kong magsinungaling kay Sofi at itago ang mga nalaman ko ay ayoko din namang mas lalong mamuhi ang pamilya ko sa akin.
Isa pa ay hindi ako mahal ni Sofi. Sila ni Kuya ang nagmamahalan. Mahal naman ni Kuya Hades ito. Mas mahal nga lang niya ang ambisyon at pagiging pulitiko. Alam kong unfair 'yon sa side ni Sofi lalo na't kita ko namang mahal na mahal niya ang Kuya. Pero maniniwala naman kaya sa akin si Sofi kung magsasabi ako ng totoo sa kanya?
Napahilot ako ng sentido. Hindi ko na alam kung saan lulugar sa kanila. Dahil pakiramdam ko. . . wala akong lugar sa buhay nila. Kina Mama, Papa, Kuya. . .at kay Sofi. Si Lalyn na girlfriend ko ay tuluyan na rin akong hiniwalayan. Lahat sila ay namumuhi at galit sa akin. Kahit na. . . wala naman akong kasalanan kung tutuusin.
"Hey, good morning."
Napatikhim akong napatalikod at nagpahid ng luha na marinig ang malambing at inaantok nitong boses. Napapahikab pa na nagtungo sa fridge at kumuha ng fresh milk na isinalin sa baso.
"Are you okay, hudas? 'Yong niluluto mo, oh?"
"Huh? Uhm, yeah."
Natataranta naman akong bumaling sa niluluto ko na umuusok na nga.
"Ano ba 'yan. Sunog na ang hotdog mo," anito na napasilip sa niluto ko.
"Hehe. Medyo nga. Pero masarap naman eh. . . ang hotdog ko," kindat kong ikinasamid nito sa iniinom na gatas.
Malutong akong napahalakhak na hinagod-hagod ito sa likuran na sunod-sunod napaubo.
"Damn, hudas! Watch your mouth, will you?" asik nito na nagpahid ng bibig.
Napabungisngis ako na kinurot nito sa tagiliran. Napapaiktad naman akong sinasalag ang kamay nitong nanggigigil na naman mangurot sa akin. Ni hindi pa nga gumagaling ang mga pasa ko mula sa pangungurot at pagsampal nila ni Mama sa akin.
"Iba yata ang nasa isip mo? Itong hotdog na niluto ko naman ang tinutukoy ko ah," aniko na iniangat ang plato na kinalalagyan ng hotdog.
Napairap ito sa akin na nagmamaldita na naman ang itsura.
"Of course not. Hindi naman hotdog ang size ng pinagyayabang mo eh. Kundi stick," ismid nitong ikinamilog ng mga mata kong napasapo sa alaga ko.
"Hoy, anong stick ka d'yan? Mas mataba pa ito sa hotdog na 'to," pagtatanggol ko kay buddy na ikinahagikhik nito.
"As if I care," maarteng saad nito.
Inilapag ko sa mesa ang hotdog saka nagpamewang sa harapan nito. Ngumisi lang naman ito na nagtaas pa ng kilay sa akin. Napangisi din ako na humakbang palapit dito. At dahil nakaupo siya ay halos makaharap na niya si buddy na nakaumbok sa boxer brief na suot ko.
Ngumuso ako sa ibaba ko na ikinasunod naman nito ng tingin at namilog ang mga matang makaharap ang umbok ko. Sunod-sunod itong napaubo na makitang nakabukol iyon sa boxer ko at bahagyang pumintig!
Napahalakhak ako na pinamulaan ito at napainom sa fresh milk niya na tila nauhaw sa nakita!
"Stick, huh? Pero natakam ka," tudyo ko.
"Excuse me? Hindi nakakatakam, noh?" ingos naman nito.
"Baka kainin mo 'yang sinasabi mo ngayon, Ate."
"Dream on, hudas. That won't happen," ingos pa nito na napaikot ng mga mata sa akin.
Tatawa-tawa akong naghain na lamang. Kay aga-aga at mamaya na ang kasal namin pero heto at nagpapasaringan na naman kami ng babaeng ito.
MATAPOS naming kumain ay sabay na kaming naligo. Siya sa silid niya at ako dito sa may kusina. May sarili kasi itong banyo sa silid niya. Iba din dito sa labas kung saan katabi ng laundry room kung saan niya ako pinatuloy.
Napahinga ako ng malalim habang nakatitig sa repleksyon ko sa salamin dito sa banyo. May pasa pa ako sa pisngi na halata mula sa pagsampal sa akin ni Mama na inulit ni Sofi kahapon.
"Hudas, matagal ka pa ba?"
Napapitlag ako na marinig si Sofi mula sa labas sabay katok sa pinto.
"Ito na," aniko na muling napahilamos.
Lumabas na ako ng banyo at kapwa kami natigilan na makita ang isa't-isa. Nakatapis lang kasi ako ng towel sa baywang ko habang ito nama'y nakabihis na.
Kahit simpleng crop top at high waist short ang suot nito na ternong puti at pinaresan ng white sneakers ay napakaganda niyang tignan. Lalo na't naka-light make-up at nakalugay ang mahaba at alon-alon nitong buhok.
"Uhm, magbibihis lang muna ako, ginagawa mo na akong dessert mo eh," ngisi ko dahil napaawang ito ng bibig na makita ang kabuoan ko.
Napalunok pa ito na mapatitig sa mapipintog kong pandesal sa tyan at sa nakaumbok sa pagitan ng mga hita ko.
"E-ew, no way. Hindi ka kasarapan para gawing dessert, hudas." Pagmamaldita naman nito na matauhan.
Napahalakhak akong hinablot ang towel sa baywang ko na ikinamilog ng mga mata nito.
"Ayt! Hudas! Bastos!" tili nito na napatakip ng mga mata.
"Hindi pala kasarapan, huh? Ngayon mo ako i-judge na wala akong. . . maski anong saplot."
"Ahhh! Hudas! Bwisit ka talaga!" tili nito na napatakbo habang takip-takip ang mga mata.
Napahalakhak lang naman akong pumasok na ng laundry room para makapagbihis. May suot naman akong brief. Tinakot ko lang siya at mukhang nasindak ko naman.
NAPAPALAPAT ako ng labi habang magkatabi kami ni Sofi dito sa backseat ng kotse nito. Sinundo na kasi kami ng isang batalyon nilang bodyguard patungo sa hotel. Kinakabahan rin ako sa mga mangyayari.
Tahimik naman ito na nakabaling sa labas ng bintana ang paningin. Kita ang kakaibang lungkot sa kanyang mga mata habang malayo ang tanaw. Marahil ay iniisip na naman niya si Kuya.
Naaawa ako kay Sofi. Kung ako lang ang tatanungin ay hindi karapat dapat si Kuya sa pagmamahal nito. Pero sino ba naman ako para manghusga sa relasyon nila. Isa pa. . . 'di hamak na mas magkakilala sila ni Kuya kaysa sa amin. Oo nga't magiging asawa ko na siya pero wala pa naman akong kaalam-alam sa katauhan nito. Maliban sa mga basic information sa pagkatao niya. Wala na akong alam. At gano'n din naman siya sa akin.
Hindi ko naman alam kung paano ilapit at ipakilala ang sarili ko sa kanya. Lalo na't alam ko namang wala akong halaga sa kanya.
"We're here, Ma'am, Sir."
Napalingon kami ni Sofi na magsalita ang driver nito. Sa lalim ng naiisip namin ay hindi namin namalayang nakarating na pala kami ng hotel.
Bumaba na ito na pinagbuksan kami ng pinto. Nauna akong bumaba na naglahad ng kamay dito. Napatitig naman siya sa kamay kong nakalahad. Nakalarawan pa rin ang kakaibang lungkot sa mga mata nito.
"Tara na?" aniko.
Kimi itong ngumiti na bumaba at hindi tinanggap ang kamay ko. Napahinga ako ng malalim na napakamot na lamang sa batok ko. Dito kasi kami sa hotel aayusan at bibihisan kaya hindi pa kami naka-formal nito.
Kaagad naman kaming pinalibutan ng mga bodyguard namin habang papasok ng elevator. Hindi tuloy maiwasang pagtinginan kami ng mga tao at nagbubulungan na makita ang isang heredera ng mga Montereal. Pero sa higpit ng seguridad namin ay hanggang tingin lang sila sa malayo.
Napapabuga ako ng hangin habang paakyat ang elevator na sinakyan namin. Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko sa paglipas ng segundo. Pinagpapawisan na rin ako ng malamig.
Pagkabukas ng elevator ay inalalayan na nila kaming lumabas. Nakasunod lang naman ako sa mga ito. Habang si Sofi ay nakahalukipkip na tahimik ding nakasunod.
"Sir, dito po kayo tumuloy," ani ng isa na pinagbuksan ako ng pinto sa nadaanan naming silid.
"Thank you," aniko na akmang papasok na nang mapalingon ako kay Sofi.
Napahinga ako ng malalim. Hinawakan siya sa kanyang mga kamay na sinalubong ang malungkot niyang mga mata.
"Maghihiwalay din tayo. Maayos din ang lahat. Not now. . . but soon, Sofi. Hwag ka ng malungkot. Hindi naman kita aangkinin kahit maging. . . legal wife kita. Ibabalik pa rin kita. Ibabalik pa rin kita kay K-kuya," saad ko na tila may nakabukil na bato sa lalamunan.
Nangilid ang luha nito na ikinapisil ko sa kanyang kamay. Ngumiti sa kanya kahit naluluha na rin ako.
"H-Haden," halos pabulong sambit nito na nangungusap ang tono.
Tuluyang tumulo ang luha nito na marahan kong pinahid at hinagkan siya sa noo. Napayakap naman ito sa baywang ko na sumubsob sa dibdib ko.
"Don't worry, Sofi. Madalas mang aso't pusa tayo. Hindi naman kita pababayaan sa piling ko. Aalagaan at pagsisilbihan pa rin naman kita the way you deserve," pag-aalo ko na napahikbi ito.
Tumango-tango ito na nanatiling nakayakap sa baywang ko. Hinahaplos-haplos ko naman ito sa buhok at pinapatahan. Habang tahimik naman ang mga bodyguard namin na pinalilibutan kami.
"Sige na. Pumasok ka na rin sa silid mo. Kailangan mo pang magparetoke para magmukha kang maganda," natatawang saad kong ikinakagat nito sa dibdib ko.
"Urghh! Fvck! Sofi, ano ba? Masakit," impit kong daing.
"Bwisit ka talaga kahit kailan," ingos nito na nagpahid ng luha.
Napahagikhik akong ikinakurot pa nito sa tagiliran ko. Napapaiktad tuloy ako sa pino niyang pangungurot.
"Maganda ako kahit hindi na mag-ayos, noh?" pagmamaldita nito.
"Hindi ko makita."
"Huh? Ikaw ang magparetoke, hudas. Para naman magmukha kang tao kahit ngayon lang, okay. . . ? My dog," ingos pa nito na nagdadabog pumasok sa kabilang silid.
"My dog ka d'yan. Pag ako 'di nakapagtimpi. . . ipaparanas ko sa'yo kung paano ako maging aso," makahulugang saad kong ikinaharap nitong muli na pinakitaan ako ng middle finger nito.
Natatawa na rin tuloy sa amin ang mga bantay namin na nagpapasaringan kami nito eh araw ng kasal namin.
PANAY ang buga ko ng hangin habang nakatuwid ng tayo dito sa harapan. Nauna kasi akong natapos bihisan at inayusan pa. Nandidito kami ngayon sa rooftop ng hotel. Nandidito na rin ang buong angkan ni Sofi pero wala ang mga magulang ko.
Kahit inaasahan ko ng hindi sila darating ngayon ay may kurot pa rin sa puso ko na hindi sila dumating. Napapalapat ako ng labi na nakamata sa harapan kung saan ang entrance dito sa garden.
Nagsisimula na nga akong pamawisan ng malapot habang hinihintay si Sofi na dumating. Nandidito na lahat maging ang pari na magkakasal sa amin. Tanging ito na lang ang wala.
"Asan na ba siya? Hindi kaya. . . nag-back out na siya?" piping usal ko.
Late na kasi ito ng sampung minuto. Nagsisimula na ring magbulungan at lingunan ang pamilya nito. Na tila nahihinulaan na nila. . . kung bakit wala pa ito.
"S-Sofi. . . hwag mo naman akong ipahiya dito." Piping usal ko.
Para akong maiiyak dito sa harapan na pinagtitingin na. Kahit nangangatog ang mga tuhod ko ay nananatili akong matuwid na nakatayo. Panay ang sulyap ko sa may entrance at piping nagdarasal na pumasok na ang mukhang kanina ko pa hinihintay magpakita dito.
"Sofi, please? Hwag ka namang mang-iwan sa ere. Hwag mo naman akong ibilad sa kahihiyan dito." Usal ko na napayuko.
Nag-iinit ang mga mata ko na namuo ang luha ko. Para akong pinipiga sa puso na ikinasisikip ng paghinga kong hanggang ngayo'y. . . wala pa ring Sofi ang dumarating dito.