Chapter 11

2903 Words
HADEN: NAPAPABUGA ako ng hangin na nakahinga ng maluwag na sa wakas ay dumating na rin si Sofi suot ang wedding gown nito. Napatayo ang lahat at nakasunod ng tingin ditong mag-isang dahan-dahang naglalakad sa red carpet papunta dito sa harapan kung saan ako naghihintay sa kanya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero. . . naluluha ako habang nakamata sa kanya na dahan-dahang naglalakad palapit sa akin. Pumapalakpak naman ang mga bisita dito habang nakasunod ng tingin sa kanya. Natatakpan ang buong mukha nito ng puting belo na hinahangin-hangin pa. Napakaganda niyang pagmasdan na nagmistulang prinsesa sa white gown nitong napapalamutian ng crystal mula paanan hanggang baywang ng gown. Kumikinang pa ang mga bato nito na tinatamaan sa sikat ng araw. NANGANGATAL ang kamay kong naglahad dito pagdating niya sa harapan ko. Napatitig pa siya sa kamay ko bago nagtaas ng paningin sa aking mga mata. Kakaiba ang lungkot na nakalarawan doon at nanunubig na rin. Pilit akong ngumiti na pinipigilan ang pangingilid ng luha ko. "H-Haden," mahinang sambit nito na marahang umiling. Tumulo din ang kanyang luha na nangungusap ang mga mata. "S-Sofi, please? Hwag mo naman akong ipahiya dito," mahinang saad ko na tumulo na rin ang luha. Umiling ito na ikinalapat ko ng labing napayuko. Nag-iinit ang mukha ko at hiyang-hiya na dito sa harapan. Nagbubulungan na rin ang lahat na nakamata sa amin dito sa harapan. Nanigas ako na bigla ako nitong niyakap at napahikbi sa balikat ko. Napasinghap ang lahat na nagpalakpakan sa amin na ikinayakap ko rin dito. "Tahan na, Sofi. Wala tayo sa lamay," pabirong bulong ko. Natatawa naman itong kumalas na napapasinghot pa. Marahan kong pinahid ang luha nito na pilit ngumiti dito. "Akala ko kasi nasa lamay tayo eh. Namatay kasi 'yong puso ko na ikakasal na ako sa'yo," pananakay nitong ikinahagikhik ko. "Di bale, Ate. Bubuhayin ko ulit ang puso mo," kindat kong ikinatawa nitong naihampas sa dibdib ko ang bouquet nito. Naiiling na natatawa na rin sa amin ang kamag-anak nito na pinapanood kaming nag-aasaran dito sa harapan nila. Kahit paano ay gumaan na rin ang bigat sa dibdib ko. Tumatawa na rin kasi ito at unti-unting naglaho ang kakaibang lungkot sa mga mata nito. "Ahem! Maari na po ba nating simulan ang seremonya?" Agaw attention sa amin ng pari na ikinatawa ng mga bisita. ILANG minuto lang ang itinagal ng seremonya ng kasal namin. Matagumpay naman itong natapos sa palitan namin ng vow ni Sofi. Kahit alam ng lahat na arrange marriage ang nangyari sa amin at hindi ako ang totoong kasintahan ni Sofi ay mainit akong tinanggap at winelcome ng buong angkan nito. Habang marahan kaming sumasayaw ni Sofi ng sweet dance dito sa gitna ng venue ng kasal namin ay masaya namang kumakain at pinapanood kami ng mga bisita. Nakikipagkulitan na rin ito at pasaringan sa akin. Kita namang masaya din ang mga magulang nito na nakamata sa amin ni Sofi. "Bakit wala sila Papa?" bulong nito. Napahinga ako ng malalim na napainom sa bottled water ko habang nakaupo na kami sa mesa namin dito sa harapan. "Inaasahan ko na 'yon," sagot ko. Nilingon naman ako nito na napapanguso. "What do you mean? Sinabihan ka ba?" pag-uusisa pa nito. Mapait akong napangiti na bumuntong hininga ng malalim. Nakamata lang naman ito na hinihintay ang isasagot ko. Maya pa'y tinapik-tapik naman ako nito sa hita ko na ikinalingon ko dito. Kimi itong ngumiti na kita ang simpatya sa kanyang mga mata. "It's okay, Haden. Welcome ka naman sa pamilya ko. Kami na ang bagong pamilya mong handa kang tanggapin, hmm?" malambing saad nito. Napalapat ako ng labi na napahawak sa kamay nitong tumatapik sa hita ko. Napalunok naman ito na dama kong naramdaman din niya ang libo-libong boltahe ng kuryente na lumukob sa ugat ko na maglapat ang balat namin. "Hindi ka na namumuhi sa akin?" nanunudyong tanong ko. Umasim naman ang mukha nito na napabusangot. "Namumuhi pa rin." "Ah gano'n?" "Oo." Napangisi akong dinala ang kamay nito sa pagitan ng mga hita ko na hindi nito napapansin. Bumaling na kasi ito sa mga bisita kaya hindi namamalayan na nasa umbok ko na nakadantay ang kamay nito. "Congratulations, newly wed. Here, take this." Napaangat ako ng mukha na nagsalita ang Kuya Kieanne nito at may iniabot na folder na may ribbon pa. "What's that, Sofi. Can't wait?" tudyo nito na mapansin ang kamay ni Sofi sa umbok ko. "Huh?" Napahagikhik kami ng Kuya nito na ikinalingon nito sa akin. Kunot ang noo na naguguluhan kung anong ikinatatawa namin ng Kuya nito. Ngumuso ako sa ibaba ko na ikinasunod nito ng tingin. Namilog ang mga mata nito na ikinahagikhik ko. "Oh my God! Haden!!" tili nito na binawi ang kamay. Malutong akong napahalakhak na sinasalo ang bouquet nitong inihahampas na sa akin at banas na banas na naman! "Bakit? Ikaw itong nakahawak eh," aniko na ikinailing ng Kuya nito at tinapik na ako sa balikat. "Kahit kailan talaga, bwisit ka," asik pa nito. "Ikaw itong nanghihipo eh. Tumigas tuloy. . . wifey," tudyo kong bulong ditong nakurot ako sa hita. "Urghh! Sofi, naman. Masakit. Ang hilig nito," impit kong daing. "Itlog mo ang kurutin ko eh." Pagmamaldita pa rin nito na napabusangot. Napalapat ako nga labi na nagpipigil matawa. Kita kasing nababanas na naman ito na nagkakandahaba ang nguso. "Ang galante ng Kuya mo magregalo ah," bulong ko na mapasadaan ang binigay ng Kuya Kieanne nito. "Tsk, that was just a yatch, hudas. Mas mahal pa nga ang yate ko sa bigay niya. But it's okay. I still appreciate it," anito na ikinalingon ko dito at namamangha ang mga mata. "What?" kiming tanong nito. "Yate lang 'yan? Wow, ha? Kotse nga hindi ako makabili ng akin eh," manghang bulalas ko. "Then buy your own car." "Wala akong gano'ng kalaking pera." "Tsk." Napanguso itong kinuha ang kanyang white pouch na napapalibutan ng totoong diamante. "Here. Take this," anito na may kinuhang golden card mula doon. "Ano 'to?" aniko na tinanggap at sinuri ang gold card. Napaikot naman ito ng mga mata sa akin. "VIP card," simpleng sagot nito. "Para saan?" "For your needs, what else?" "Teka nga. Hindi naman ako humihingi ng pera, Sofi. Hindi ko ito kailangan," aniko na ibinalik ang card dito. "That's all yours, okay? Tanggapin mo na lang. Mag-asawa na tayo. Naka-connect 'yan kay Daddy kaya gamitin mo. Malilintikan ako sa kanya kapag hindi mo 'yan gamitin. And when that thing happen? Ikaw naman ang malilintikan sa akin. Naiintindihan mo?" saad nito na nagmamaldita ang tono. "Pero--" "No buts, hudas. Just use it." Napahinga ako ng malalim na inilagay na lamang sa wallet ko ang card na bigay nito. "Hindi pa ba tayo pwedeng umalis?" reklamo pa nito. "Ikaw naman. Hindi naman halatang. . . gusto mo na akong masolo, noh?" tudyo ko na napapangisi. Nasamid ito at sunod-sunod napaubo na ikinabungisngis kong hinagod-hagod ito sa likuran. "Huh? Yes, gusto na kitang masolo, hudas. Dahil hindi kita. . . matitira dito," makahulugang saad nito na napapangisi din. Nag-init ang mukha ko na napalapat ng labi sa sinaad nito. Alam ko naman kung anong tinutukoy niya pero hindi ko maiwasang bigyan ng ibang kahulugan ang sinaad nitong. . . hindi niya ako matira dito. PAGKATAPOS ng tanghalian ay nagpaalam na rin kaming mauna ni Sofi. Gusto na kasi nitong subukan ang bagong yate na bigay ng Kuya Kieanne nito sa amin. Malugod naman kaming pinayagan ng pamilya nitong nagpaiwan pa sa hotel. Habang nasa byahe kami ay muli na namang naghari ang katahimikan sa pagitan namin. Nasa bintana na naman ang paningin nito na nakalarawan na naman ang kakaibang lungkot sa mga mata nito. Malalim ang iniisip at malayo ang tanaw. Kapag gan'to ang itsura ni Sofi ay alam kong si Kuya Hades ang iniisip nito. Hindi ko naman siya masisisi dahil mahal na mahal nga naman niya si Kuya. Napatitig ako sa wedding ring namin. Isang white gold na infinity ang disenyo. Mapait akong napangiti na nahaplos iyon sa daliri ko. Napatitig naman si Sofi sa akin na matamang pinapaikot-ikot ang singsing sa daliri ko. "Are you regretting it?" basag nito sa katahimikan namin. Nag-angat ako ng mukha na sinalubong ang mga mata nito. Kimi akong ngumiti na napahinga ng malalim. "Akin na ba ito?" bagkus ay balik tanong ko ditong nangunot ang noo. "Yeah. Of course that is yours," sagot nito na tila inuusisa pa ang tanong ko. "Tunay bang gold 'to?" muling tanong ko. "What the fvck, hudas. Of course that is pure gold. Ano ba sa tingin mo?" pagsusungit nito na humalukipkip. Napangisi naman ako. Alam ko naman 'yon. Gusto ko lang siyang subukan at ilihis ang nakakailang na moment namin. Papunta na kami sa honeymoon namin eh. Pero heto at hindi kami nag-iimikan. "Pwede ko ba itong isangla?" "What!?" Napabungisngis ako na namilog ang mga mata at butas ng ilong nito. Nagsalubong na rin ang mga kilay na sumungit na naman ang mga matang napatitig sa akin. "Hehe. Kapag nagipit lang naman ako. Sabi mo, akin na 'to. Kaya pwede ko siyang isangla o ibenta," saad kong napakindat dito. "Damn you. How dare you, hudas. Kung kailangan mo ng pera gamitin mo 'yang card. Hindi 'yong wedding ring natin ang pagdidiskitahan mo," asik nito. "Bakit big deal naman yata sa'yo. Eh, 'di ba? Wala ka namang pakialam sa kasal nating ito? Ipapawalang bisa mo rin naman ang kasal natin soon," saad ko. "Huh? Says who?" nakataas kilay nitong sagot. "Anong says who? Ikaw naman ang nagsabing ipapawalang bisa din natin ang kasal natin soon, hindi ba?" takang tanong ko na humarap dito. Napalunok ako na humawak ito sa kwelyo ng polo ko at bahagyang hinila palapit sa kanya. Halos mabingi na nga ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko na salubungin ang mga mata nito. Lalo na't may hindi mapagkaka tiwalaang ngiti ang nakasilay sa kanyang mga labi. "Ah, sinabi ko ba 'yon, hudas?" paanas nito na palipat-lipat ng tingin sa mga mata at labi ko. "O-oo kaya, l-lumayo ka nga," nauutal kong sagot dahil halos maduling na ako sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. Ngumiti naman ito na napatitig sa mga mata ko. Para na naman akong hinihipnotismo ng mga mata nitong nang-aakit ang itsura. "Pwede ko naman sigurong bawiin 'yong sinabi ko, right?" malanding bulong nito. Napasinghap ako na sumasampal na sa mukha ko ang mainit at mabangong hininga nito. Sinadya pang itutok ang mga labi sa akin na halos maglapat na! Hindi tuloy ako makakilos at parang lulukso na ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito! "A-ano?" halos pabulong kong tanong. Napangisi naman ito na ikinalunok ko. Sabay kaming namilog ang mga mata na napadaan ang kotse sa may lubak ng daan kaya tuluyang naglapat ang mga labi namin! "Uhm, hwag ka namang manunggab. . . wifey," tudyo ko na umayos ng upo. Napahagikhik tuloy ang driver namin na pasilip-silip sa rear view mirror. Namula si Sofi na natulala at napahaplos sa mga labi nito. Tila hindi maka-get-over na naghalikan kami dahil sa panghihila nito sa akin. "W-wifey ka d'yan," nauutal nitong saad na tumalikod sa akin. Kita ko naman sa salamin na napalapat ito ng labi at napapikit na kitang tinatago ang kilig sa endearment na itinawag ko dito. Natatawa akong inakbayan itong napaiktad. Naka-gown pa ito habang naka-tuxedo din ako ng all white. Hindi pa kasi kami nakakapag bihis sa pagmamadali nitong umalis na kami ng hotel. Alam ko namang gusto lang niyang makaiwas sa mga pinsan niya na susutilin siyang kinasal na. "Ayaw mo ba?" "Ayoko." "Pero asawa na kita. At gusto kitang tawaging wifey eh," sagot ko na napapahaba ang nguso. "Eww. Kinikilabutan ako," ismid nito na ikinagagalak ko. "Kinikilabutan? Eh bakit. . . iba ang nababasa ko sa mga mata mo, hmm? Nakikita ko kasing. . . kinikilig ka. . . wifey," bulong kong ikinaasim ng mukha nito. "Eww." "Hahahah! Maka-eww ka naman sa akin. Grabe 'to," tumatawang reklamo ko na ikinabungisngis din nito. MAGKAHAWAK kamay kaming lumipat ng yate kasama ang ilang bantay namin. Isa pa ay hindi naman ako marunong magpatakbo ng yate kaya paano kami makakalayag? Nakaalalay ako dito habang hawak sa kabilang kamay ang laylayan ng gown nitong nakasayad sa haba. Pagpasok namin sa loob ng yate ay hindi ko mapigilang mamangha sa ganda nito. Para kang nasa loob ng five star hotel at hindi aakalaing yate ang kinaroroonan mo. "I'll just take a shower, hudas." Anito na ikinatango ko lang. Napapatingala sa mga naggagandahang chandelier na nakasabit sa ceiling. Hindi pa kasi ako nakakasakay sa yate o barko. Kahit nga sa magagarang sasakyan ay kay Sofi ko lang iyon naranasan. Wala kasi akong sariling sasakyan. Hindi katulad ni Kuya Hades na nag-aaral pa lang siya ay may sarili ng kotse. Habang ako ay nagko-commute lang noon sa jeep o tricycle. Noong naging ganap na akong pulis ay saka lang ako nagkaroon ng sarili kong motor. Kaya naman napakahalaga sa akin ng motor ko dahil katas iyon ng naunang sahod ko sa pagiging alagad ng batas. Nag-iipon ako para sa future ko. Iisa lang kasi ang bahay namin at nakakatiyak naman akong kay Kuya Hades nila iyon ibibigay. Kaya naman nag-iipon na ako ng pagbili ko ng sarili kong bahay para sa bubuoin kong pamilya ko. Akala ko ay si Lalyn ang makakasama ko sa pagtanda ko. Kaya gano'n na lamang ang pagsusumikap kong makaipon para sana sa kasal at bahay namin. Pero heto at sa isang iglap ay napunta ako sa isang heredera. Hindi ko naman plinano at hindi ko ginusto ito. Lalo na't alam kong nadurog din si Lalyn at Sofi sa nangyari sa aming tatlo. Kung paanong sa isang iglap lang ay heto. . . mag-asawa na kami ni Sofi. "Hey, hudas. Let's go to the cabin," anito na ikinabalik ng ulirat kong napalingon dito. Naka-short at sando na lang ito ng ternong itim na ikinabagay naman nito. Naghubad ako ng coat, necktie at sapatos. Inilihis ko rin ang long sleeve ko hanggang siko ko na napasunod ditong lumabas ng yate. Sumalubong naman sa amin ang kulay asul at malawak na dagat. Nasa kalagitnaan na kami at nasa iisang sulok lang ang mga bantay namin para mabigyan pa rin kami ni Sofi ng privacy. May dala itong dalawang glass wine at champagne. Pumwesto kami sa cabin nitong yate na nakamata sa dagat. Mabuti na lang at hindi tirik ang araw kaya masarap sa balat ang katamtamang init na dala ng araw. Idagdag pang malamig ang simoy ng hangin na kay sarap damhin. "Here, drink this, hudas," anito na iniabot sa akin ang wine glass na puno ang laman. Napangiti akong inabot iyon sa kanya na napaharap sa railings at nakatanaw sa asul na asul na dagat. "Plano mo ba akong lasingin," aniko na napatungga ng champagne. "Tsk. Mababa lang ang alcohol niya'n, hudas. Hindi ka malalasing kahit itong buong bote ang laklakin mo," anito na tumabi sa akin. Napaharap naman ako dito na sumandal ng railings. Pinagmasdan siya sa maamo niyang mukha kahit nakabusangot ito. "Hwag mo akong pagpantasyahan, hudas. Hindi kita papatulan sa pangit mong 'yan," ingos nito. "Wow, pangit pala, huh?" aniko na ikinangisi nitong tinaasan ako ng kilay. "Yes. Hindi ka naman kasi kagwapuhan," ngisi pa nito. Napahalakhak akong napatango-tango at inisang lagok ang champagne ko. Napangisi na may maisip na kalokohan para sindakin ito. "Alam mo. . . namumuro ka na sa akin eh. Total naman. . . nasa honeymoon tayo, bagong kasal, at nasa paraisong lugar. Hindi naman siguro kalabisan kung. . . totohanin natin ang honeymoon natin, hmm?" paanas ko na isa-isang kinakalas ang butones ng polo ko. Napalunok ito na namutla at napaatras na lalo kong ikinangisi dito. "A-anong ginagawa mo?" utal nitong tanong na panay ang pag-atras. Hinubad ko ang polo ko at basta na lang inihagis sa sulok. Napapalunok naman ito na patuloy sa pag-atras hanggang sa mapasandal na ito sa may pinto at wala ng maatrasan. "H-Haden, I-I'm just kidding. L-lumayo ka nga," nauutal nitong asik na ikinangisi ko lang. Idinantay ko ang mga braso sa magkabilaang gilid nito na lalong ikinamula ng mukha nito at kitang nababahala. "H-Haden, ano ba? Makita nila tayo," kulang sa diing asik nito. Yumuko ako na pinagpantay ang aming mukha. Nababahala naman ito na hindi makatingin sa mga mata ko. "So what, mag-asawa na tayo, wifey," paanas kong ikinalunok nito. Natutukso na rin akong angkinin ang mga labi niyang nakaawang at tila nagpapaanyaya ng isang masarap na halik! Akmang sasayad na ang mga labi ko nang mapatitig sa mga mata nitong nakapikit at hinihintay dumapo ang mga labi ko dito. Napahagikhik ako na ikinadilat nito at halos umusok na ang butas ng ilong nito sa inis na pinaningkitan ako. "Ayaw mo sa akin, hindi ka nagugwapuhan sa akin, pero. . . gustong-gusto mo namang nagpapahalik sa akin, wifey," tudyo ko na lumayo na dito. "Hudas, bwisit ka talaga! Urgh! I hate you!" nanggigigil nitong asik na nagdadabog pumasok. Malutong akong napahalakhak na napapatili pa rin ito sa loob na banas na banas na naman sa akin. Dinampot ko ang bote ng champagne at direktang tumungga dito. "Welcome to married life, Haden. Cheers!" aniko na iniangat ang bote habang nakaharap sa karagatan. Naiiling na lamang akong mag-isang umiinom dito sa cabin. Papunta kami ni Sofi sa Siargao kung saan may private island sila doon. Isang linggo din kaming magsosolo sa lugar. At sana sa isang linggo na 'yon ay. . . mas magkakakilala pa kami. . . ng asawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD