Chapter 9
JASMINE…
ANG AGA-AGA pa lang ang ingay na ng mga tao sa labas ng bahay nila. Na parang hindi pa nga yata sa labas ng bahay nila dahil parang sa loob ng bahay nila nagmumula ang ingay na naririnig niya.
“Kainis naman oh!” reklamo niya.
Maaga pa masyado, pagtingin niya sa orasan niya ala-sais pa lang ng umaga pero ang mga tiyahin at Mama niya maiingay na. hindi naman mukhang nagsu-zumba ang mga ito, talaga maiingay lang ang mga ito ngayon.
Napipilitan na tumayo na siya, naisip niya maaga nga pala siyang magsisimulang magtahi ng sa gano’n makapagdala siya ng matatapos niyang uniform kay Dylan tulad ng ipinangako niya.
Lumabas siya ng kwarto niya na hindi man lang sumilip sa banyo, kukuha muna siya ng mainit na tubig para mainom habang nag-aayos siya ng sarili niya. Wala siyang balak na kumain ng agahan ngayon, pakiramdam niya busog pa rin siya hanggang ngayon. Kailangan lang niya ng maligamgam na tubig kaya bababa na siya.
“Mama, ang aga-aga ah!” reklamo niya nasa hagdan pa lang siya pababa ng bahay nila.
“Naku! Jasmine akyat! Magbihis kang bata ka!” sigaw ng Nanay niya sa hindi niya malaman na kadahilanan.
Nakasando lang siya na wala pang suot na bra, naka-panty lang din na kasi medyo mahaba naman ang suot niyang sando. Ano ba naman ang problema ng Nanay niya, alam naman nitong minsan ganito ang mga aura niya kapag natutulog dala ng sobrang init sa Pilipinas. Pero kaysa makinig sa nanay niya nagtuloy siya sa paglalakad pababa.
“Ma−“ nabitin sa ere ang iba pa niyang sasabihin ng saktong-sakto na pagbaba niya ng huling baiting ng hagdan nila bumungad sa mukha niya ang isang taong ni sa hinagap ay hindi niya inisip na mapapadpad sa bahay nila.
“Preston!” sigaw niya.
“Hi! Amphitrite!” bati nito na hindi niya pinansin.
Kasi ang ginawa niya for the second time around tumakbo siya palayo sa binata. Ang bilis niyang nakabalik sa loob ng kwarto niya hingal na hingal sa sobrang bilis ng pintig ng puso niya.
“Sh*t! anong itsura ko?” aniya sabay pasok sa loob ng banyo niya.
Halos maglupasay siya sa nakikita niyang itsura niya, magulo ang buhok niya na pwede ng pugad ng ibon, may mga muta siya na naniningkit ang mga mata niya na halatang galing sa pagtulog. Buti na lang walang natuyong laway sa bibig niya, pero ang outfit ang the best sa lahat. Halos mag-hello na ang dibdib niya sa magkabilang gilid ng sando niya, tapos iyon na nga naka-panty lang siya.
“Ang malas ng araw na ito!” naiinis na sigaw niya pero alam niya sa sarili niya na siya lang ang nakarinig.
Naiinis na nagtuloy na siyang maligo na lang, bakit naman kasi biglang nagpakita ang lalaking iyon sa harapan niya na walang pasabi. Tapos an gaga-aga pa talaga na nagpunta ng bahay nila.
“Bakit siya nandito? Hinahanap niya ba ako?” bigla siyang napatigil sa pagsasabon sa ulo niya ng maalala iyon.
Napalingon siya sa may pintuan ng banyo na parang inaasahan na niyang nasa labas noon si Preston at sasagutin ang tanong niya sa buhay. Pero dahil alam niyang wala namang tao sa labas ng kwarto niya nagtuloy na lang siya sa paliligo.
…………………………….
NAKATITIG SIYA SA lalaking kausap ngayon ng Nanay at mga Tiyahin niya. Ang saya naman ng mga oldies na ito at talaga pinagkumpulan talaga ng mga ito ang lalaki.
Nakade-quatro siya na naka-cross arm pa habang nakatitig sa lalaking hindi na siya pinapansin ngayon. Parang tuwang-tuwa din ang lalaking ito na napapalibutan ng mga oldies eh!
“Itong anak ko modista, madami na siyang parokyano. Kung mayaman lang kami pinag-aral ko na sana ng fashion designer itong anak ko,” pagmamalaki ng nanay niya.
Doon lang siya nilingon ng binate sabay kindat sa kanya, nakita pa naman ng mga Tiyahin at nanay niya ang ginawa nito. Alam niya namumula ang pisnge niya sa hiya na nararamdaman niya. Kung makatingin naman kasi sa kanya ang lalaking ito parang hinuhubaran na siya nito.
Hindi naman niya ako hinubaran noong gabing iyon, ako yata ang naghubad ng sarili kong damit.
Pero agad din niyang itinaboy ang mga naiisip niya, hindi naman siya sigurado kung ano ba talaga nangyari nang araw na iyon. Hindi niya rin naman alam kung naalala ng lalaking ito ang mga nangyari sa kanila noon.
Pero ano ang dahilan at nandito ngayon ang tukmol na ito.
Nagpapa-cute pa.
“Ah hindi pa nga pala alam ng anak ko, siya na nga pala ang tenant natin sa kabilang bahay. Dito daw muna siya pansamantala habang nagpapagaling ng paa niya. Kung sa bahay daw kasi nila madaming magpupunta na mga bisita at kung sino-sino…”
Madami pang sinasabi ang Nanay niya pero iyong kaalaman na sa kabilang bahay lang nila titira ang lalaking ito ang pumasok sa utak niya.
Hindi niya pala nasabi na may paupahan silang isang pinto sa katabing bahay nila. Iyong bahay ng mga lolo at lola niya noong nabubuhay pa ang mga ito. Ang bahay naman na tinitirhan nila ay naipundar naman ng magkakapatid sa mga naging raket ng mga ito noong mga panahon na malalakas pa ang mga ito para magtrabaho.
“Teka, mayaman siya bakit sa isang pipitsugin na apartment lang siya titira? Not to mention na anak siya ni Senator Hilda Martin,” hindi niya naiwasan na sabihin.
Lahat sila nakatingin na sa kanya including this sly man who is now smiling like idiot towards her.
“Mayaman ang parents ko, but not me. Sa naging aksidente ko Malaki ang binayaran kong damage sa company naming. Kailangan kong magtipid, kailangan ko ng maliit lang na apartment para hindi ako magastusan ng Malaki. I still have medication and hospitalization to think,” sagot ng lalaki na nakatitig lang sa kanya habang nagsasalita.
Hindi siya naniniwala sa sinabi nito, sigurado na siya na kaya ito nandito ay dahil sa nangyari sa kanilang dalawa. Kailangan niyang maging maingat, lalo pa at nakaharap ang mga Tiyahin niya at Mama niya.
“Okay, good luck then,” aniya at tumayo na.
Nakasunod sa kanya ang mga mata nito, na ngayon ay nakatingala na sa kanya. Kahit na iniwasan na niya ang tingin ng lalaki, ramdam niya pa rin ang pagsunod ng tingin nito sa kanya.
“Halika na Preston at nang makita mo na ang magiging bahay mo pansamantala,” narinig niyang sabi ng Nanay niya.
Naupo na siya sa harapan ng makina niya para magsimula nang magtrabaho. Napataas ang kilay niya ng biglang manahimik sa loob ng bahay nila. Paglingon niya sa sala wala na ang lahat ng mga kasama niya, sunod na narinig niya ang pagsara ng pintuan na hindi niya tanaw mula sa kinauupuan niya.
Napailing siya, pero at the same time nakakaramdam siya ng takot at kaba sa pagkikita nilang ito ni Preston. Isa lang ang ibig sabihin kasi nito, kilala siya ng lalaking iyon at alam nito kung ano ang nangyari sa kanila.
Kahit pa hindi nito derektang sinabi sa kanila ang totoong pakay nito.
Sino naman kasing loka-loka ang maniniwala sa sinasabi ng lalaking iyon.
Ang mga tiyahin at Mama mo, malamang!
Napailing na lang siya at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa, kailangan niyang may matapos ngayon. Nakakahiya na kay Dylan kung dalawang araw na siyang walang maipapakitang natapos na Gawain.
Saka na niya iisipin kung ano ba talaga ang pakay ng Preston na iyon sa kanya. Sa ngayon ang kabuhayan na muna niya ang iintindihin niya.
“Buti sana kung magaling kang magpunla ng semilya mo, baka pag-isipan ko pa na gawin kang VIP ngayon sa bahay na ito kung nakabuo tayo. Kaso wala, at mahinang lumangoy ang mga uod mo,” bulong niya habang busy na sa pananahi.
Buti na lang walang tao sa bahay nila para marinig ang mga sinabi niya. Kung nagkataon, hindi niya alam kung paano ipaliwanag ang lahat sa mga ito. Lalo pa at nasa paligid na lang ngayon ang walang hiyang naka-Epic one night stand niya.
……………………………………
PRESTON…
HINDI MADALING ibangga ang sasakyan at mas lalong hindi madaling magpanggap na nabalian siya ng paa.
Sinong gagong race car driver ang gagawa no’n sa sarili niya. Tapos sinasabi niya pang professional race car driver siya.
Siya lang yata ang gagong iyon, kung hindi lang dahil s autos ni Alpha hindi niya gagawin ito.
“Where is my baby? Is he okay?” narinig niyang sigaw ng Nanay niya.
Huminga siya ng malalim bago inihanda ang sarili niya, pero hindi pa siya handang magpaliwanag at tanggapin ang sermon nito.
“Tell my mom I’m in a coma−“ aniya sa nurse na kasama niya sa kwarto at biglang nagtulog-tulog nang bumukas na ang pintuan ng kwarto niya.
Narinig niya ang exaggerated na pag-iyak ng Nanay niya, maging ang pagmumura ng tatay niya.
“I will never back down with this, iisa-isahin ko ang lahat ng may kasalanan ng aksidenteng ito. Richard! Do something about this mess! Hindi nila pwedeng gawin ito sa anak ko!” sigaw ng Mommy niya sa secretary nito.
“Hilda, mahal kumalma ka,” sabi ng Daddy niya pero bakas naman sa boses nito na galit din ito.
“Sinong kakalma sa ganitong sitwasyon Phillippe! Ang nag-iisang anak ko nakaratay dito sa kama na ito at hindi natin alam kung kailan magigising. I need someone to blame in this!” sigaw na naman ng Nanay niya.
“I will do all my best Mahal, akong bahala sa nangyaring ito. Lahat mananagot sa−“
“I’m okay Dad, Mom, I’m okay. Its an accident no one has to blame but me okay, huwag na kayong humanap ng taong masisisi kasi walang ibang may kasalanan kung hindi ako,” napipilitan niyang iminulat ang mga mata at kausapin ang mga ito.
Isang malutong at nakakangilong batok ang inabot niya sa ama niya. At isang pinong kurot naman sa kanyang tagiliran ang nakuha niya sa Mommy niya.
Ang Malala, katakot-takot na sermon talaga ang inabot niya sa dalawa. At dueto talaga ang mga magulang niya sa pagpapagalit sa kanya. Na kung kanina lang halos gibain na ng nanay niya ang ospital sa galit sa ibang tao nang dahil sa naging aksidente niya. Ngayon siya ang nagisa ng mga ito at wala siyang magagawa kung hindi ang magtiis sa lahat ng sermon na inaabot niya sa mga ito.
Nakahinga lang siya sa sermon ng Mommy at daddy niya ng iwanan na siya ng mga ito.
“Ramdam ko kung gaano nila ako kamahal ano?” tanong niya sa nurse na hindi siya iniiwanan dahil na-hire ito ng mga magulang niya para bantayan siya.
“Nag-aalala lang sila Sir,” ani naman ng nurse sa kanya.
Nanahimik na siya at hinintay na iwanan na siya ng tuluyan ng nurse niya dahil sa oras na rin naman na nang pagtulog niya.
Nang siya na lang mag-isa sa kwarto niya iniisip niya kung para saan ba ang mga ito. Hindi pa malinaw ang bago niyang assignment, pero alam niya na kailangan niyang umalis sa pagiging race car driver dahil iyon ang unang instruction sa kanya. Alam niya rin na tungkol sa drugs ang susunod niyang assignment pero hindi niya alam kung sino ang kailangan niyang makuhanan ng impormasyon ngayon.
At mukhang masasagot ang katanungan niya ngayon nang tumunog ang cellphone niya na ginagamit lang niya sa SIS.
“Alpha,” aniya ng sagutin niya ang tawag nito.
“I have a new assignment for you. Kailangan mong alamin kung ano ang kinalaman isang modista sa isang drug dealer somewhere in metro Manila. A certain Jasmine Bautista is new target, I will give you the coordinates and what will be your role with this assignment.” Ani ng boss niya.
“Hulaan ko, babantayan ko ang Jasmine na ‘to. Magpapanggap ako ng kung ano para mapalapit ako sa kanya. Kaya kailangan kong umalis sa lame light para iwas din sa maraming katanungan,” aniya na nakangisi.
Pero deep inside him naiinis siya dahil sa hindi niya rin malaman na dahilan. Basta naiinis siya ngayon, tapos ang usapan.
“Just read your assignment, Poseidon.”
After that namatay na ang tawag nito, kasunod ang pagpasok ng isang email sa kanya. Natawa na lang siya ng mabasa ang unang pahina ng kaniyang bagong assignment. Tama kasi siya ng hula, kailangan niyang magpanggap na isang tenant sa isang apartment katabi ng bahay ng babantayan niya. Ipaparating nila sa lahat na nagtatago siya dahil sa umiiwas siya sa malaking tsismis bla bla bla.
Sunod naman ang profile ng babantayan niya ang nakakuha na ng paulit-ulit niyang binasa ang profile nito hanggang sa makabisado niya ang lahat ng mga nakasulat doon bago parang nahihibang na tumawa. Pinakatitigan niya ang litrato nito na may ngiting tagumpay sa mga labi niya.
“Humanda ka sa sakin Amphitrite, this time wala ka nang kawala sa akin,” aniya habang titig na titig pa rin sa litrato nito.
“Jasmine pala ang totoong pangalan mo,” kausap na naman niya sa litrato nito na para bang sasagutin siya nito.
Their age, hindi nagkakalayo, akala niya noong una mas bata sa kanya ito. Kaya ngayon mas curious na siya at the age of thirty-one virgin pa ang isang ito. And the files says Jasmine doesn’t have any relationship with a male. So sino ang Dylan na iyon na panay ang bukambibig ng dalaga noong gabi na magkasama silang dalawa.
“But anyway, wala na akong pakialam kung sino man ang Dylan na iyon. Habang nasa paligid ako, ako lang ang pwedeng makalapit sa ‘yo kaya humanda ka sa akin, Jasmine.” Aniya at tumawa na naman ng malakas na parang hibang sa sobrang kaligayahan na nararamdaman niya.
Excited na siyang makalabas ng ospital na ito para magawa na niya ang mission niya. Not to mention his personal mission with this woman.
“This is so going to be fun,” sabi pa niya habang hindi maalis-alis ang ngiti sa mga labi niya.
……………………..
“MOMMY, DADDY I can manage myself.” Pagpapaalam niya sa mga magulang niya.
Ito ang pinakamahirap sa mission niya, bakit naman kasi ganito pa ang naisipan ng SIS na ibigay na disguise niya ngayon. Sa mga parents niyang super protective sa kanya mahirap ang magpaalam sa mga ito. Lalo pa at ang alam ng mga ito may injury siya sa paa at alam ng mga ito na hindi niya kakayanin ang sirili niyang mag-isa.
“Hindi mo kaya, bakit ba naman kasi kailangan mo pang umalis sa bahay natin? Dito maaalagaan ka ng mga maids’ natin ako kapag nandito ako sa bahay o ang daddy mo!” ani ng Mommy niya.
“Then, can anyone in this house say or stop those people coming in and out in this house. Kaysa mapahinga ako Mommy hindi ko nagagawa kasi kailangan kong pakiharapan ang mga bumibisita sa akin. Look isang linggo na akong naka-simento ang paa pero I can feel that I’m not really getting better. Kaya please mommy kaya ko ang sarili ko doon. I can order food for myself, I’ll the house if I needed cleaning. Gusto ko lang ng mahabang pahinga please, Mommy.”
Nagpapa-cute na siya sa nanay niya na alam niyang hindi nito kayang hindian.
And after a one and a half hour of battling with his mother, sa wakas pumayag na ang mga ito sa gusto niya.
“Tsk! Mama’s boy!” narinig niyang sabi ni Alpha.
Natigilan siya nang marinig niya ang boses nito sa kaliwang tenga niya, tapos naalala niya na oo nga pala iyon ang bagong communication nila sa SIS. Improving ang kanilang agency, may pa-listening device na at may pa-tracking device na rin ang SIS.
“Tsk! Mahal lang ako ng nanay ko Alpha!” naiinis na sabi niya habang nasa likuran siya ng van na maghahatid sa kanya sa bahay na tutuluyan niya.
Umabot pa ng isang linggo ang lahat bago niya tuluyan na masisilayan ang Amphitrite niya.
Oo aangkinin na niya si Jasmine as his Amphitrite, iyon naman ang pakilala sa kanya ng babaeng iyon in the first palace. And Poseidon and Amphitrite are husband and wife in Greek Mythology, so kanya lang si Jasmine.
Maaga siyang nagpahatid sa bahay na lilipatan niya, naayos na iyon ng mga magulang niya kahapon pa. hindi naman na nagtanong pa ang mga magulang niya dahil alam niyang naipaliwanag naman niya ng maayos sa mga ito ang gusto niyang mangyari. Kailangan niyang makaiwas sa mga mata ng mga tao sa paligid ng bahay nila Jasmine kaya maaga siyang nagpahatid sa bahay niya.
At hindi naman siya nabigo dahil wala pang mga tao sa paligid ng dumating na sila sa destinasyon nila.
“Ako na dito Kuya Rolly, salamat.” Aniya sa family driver nila.
“Sige po, tawag na lang po kayo kung kailangan ko po kayong ipag-drive Sir Preston,” sagot naman ng driver nila.
Paika-ika naglakad siya gamit ang saklay niya papasok sa loob ng bahay na tutuluyan niya. Pero nang nasa may pintuan na siya naisipan niyang bisitahin na muna ang kapitbahay niya.
“Magandang umaga po,” bati niya sa Aleng nagbukas ng pintuan sa kanya ng katukin niya ang kabilang bahay.
“P-p-preston!” ani ng Ale na nauutal pa habang binabanggit ang pangalan niya.
Itataas niya sana ang kamay niya para kayawan ito pero naalala niya na nakasaklay nga pala siya. Muntikan na siyang mabukong hindi nga pala siya totoong pilantod.
“P-pasok ka!” ani ng Ale sa kanya.
Mabilis na niluwangan nito ang pintuan para makapasok na siya sa loob ng bahay nito. Agad na inilibot niya ang mga mata sa paligid niya, hinahanap na agad ang kaniyang pakay pero apat na matatandang babae ang bumungad sa kanya.
Nasaan na ang babaeng iyon?
Pinaupo siya ng mga matatandang babae sa sala, inalok ng sandamukal na pagkain, mula kape, biscuit, pandesal, pati almusal ng mga ito ay inialok na sa kanya ng mga ito. Unang napansin niya sa bahay ng mga ito isang simpleng bahay lang, hindi aakalain na isang drug dealer ang nakatira.
Nasa malalim na pag-iisip na siya sa totoong mission niya, iyon alamin kung ano ba talaga ang role ni Jasmine sa isang sindikato dito sa lugar ng dalaga. Kung isa nga ba talaga itong drug dealer o nagagamit lang ito sa masama nang hindi nito nalalaman. Nang marinig niyang sumigaw ang isang matandang babae, iyong Aleng nagbukas ng pintuan para sa kanya kanina.
“Naku! Jasmine akyat! Magbihis kang bata ka!” sigaw nito na sinundan niya ang tinitignan nito.
Na parang gusto niyang umiwas ng tingin pero alam niyang huli na ang lahat para sa makasalanan niyang mga mata. Naka-fix na ang mga mata niya na nakatitig sa babaeng pababa na nang hagdan. Walang kamalay-malay na tinititigan niya ito at nag-iisip na ng mga bagay na makamundo sa katawan nito. Nakasando lang ito and obviously walang bra dahil bakat pa n*****s nito na tayong-tayo, gagalit na galit na gustong mang-akit sa isang kawawang nilalang na tulad niya. Hindi lang iyon ang napansin niya, walang saplot sa pang-ibaba ang dalaga at tanging panty lang na pula na mukhang see thru pa ang tela ang bumabalot sa nakaka-ulol na hiyas na ilang gabi na niyang pinapangarap na maamoy, mahawakan, matikman at−
“Preston!” sigaw nito na nanlalaki ang mga mata na nakatitig sa kanya.
Halatang gulat na gulat ito habang nakatitig sa kanya.
“Hi! Amphitrite!” bati niya dito.
Hindi na siya nagulat nang tumakbo ito pabalik sa itaas ng bahay ng mga ito. Napapangiti siya habang nakatingin sa mabilog at mahahabang hita nito na tanaw na tanaw lang niya.
Good, I think she remembered. Magandang pangitain ito.
Nag-iisip na siya ngayon kung paano niya masosolo ang dalaga. At hindi na siya makapaghintay na mangyari iyon anytime soon. And he’s so f*cking excited about it.