CHAPTER 10 JASMINE… NASABI KO bang may mataas kaming bakod sa likod ng bahay namin, at sakop no’n ang kabilang bahay kung saan nakayira ngayin ang number one taga-sira ng araw ko. Nang dahil doon malayang lumipat ng bahay nila ang kanilang tenant kahit na anong oras nitong naisin. Na walang makakapansin na lumipat ito ng bahay. Sa katunayan wala nga yatang nakakapansin na may isang sikat na nilalang sa kabilang bahay nila. Wala kasi siyang naririnig na tsismis sa labas ng bahay nila mula sa mga kapitbahay nila na agahan, tanghalian at hapunan na ang tumambay sa labas ng bahay para pag-usapan ang buhay ng ibang tao. “Wala ka bang balak nanumuwi sa bahay mo?” Naiinis na tanong niya dito. Aba naman tatlong araw pa lang ang tukmol na ito sa kabilang bahay, feel at home na sa kanila. Ki